Five

2033 Words
Chapter 5 BEBANG… HINDI pala madaling may jowa, kailangan na lagi kang maganda. “Hoy! Bebs, kabibili mo lang ng cologne noong isang linggo.” Saway sa akin ni Tata. Pauwi na sana kami galing sa katatapos lang na raket namin, namigay lang naman kami ng flyers para sa isang bagong bukas na tindahan ng sapatos. Dalawang oras lang halos ang trabaho namin may tig-isang daan na kaming kita. Tapos may tanggap akong labada, kaya may extra pa akong one-fifty pesos sa paglalaba mamaya. “Alam ko, kaso ubos na.” sabi ko sa kaniya. Sinabi ko kasing dumaan na muna kami sa maliit ba botika na bilihan ng mga gamut, may tinda kasi silang baby cologne doon. Mura lang kaya doon din ako bumibili, para makatipid. “Anong ginagawa mo sa pabango mo? pinagmumumog?” tanong ni Thalia sa akin sabay tawa. Napakamot na lang din ako sa ulo, kailangan ko kasing palaging mabango. Baka biglang sumulpot si Calixtro, nakakahiya naman na amoy akong suka hindi ba. Ang hilig pa namang manggulat ng lalaking iyon, tapos kapag nanggulat nakayakap agad sa akin. Ewan ko ba naman kasi sa kaniya, bakit ang hilig mangyakap sa akin? tapos nakakahiya pa at kahit na maghapon yata sa labas ang damoho ang bango-bango pa rin niya. “Dalaga na tayo, Tata kailangan palagi tayong mabango.” Sabi ko na lang sa kaniya. Tinignan niya lang ako na para siyang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. saka nga niya ako inilingan, na parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Paano naman kasi katulad yata siya ni Calixtro ko, may factory ng pabango sa katawan. Hindi siya amoy suka kahit na maghapon kaming magbilad sa araw at nagbabanat ng buto. Hindi na lang ako nagkumento, ako na naman ang lalabas na talunan dito. Kasi ako nga ang uligba na hindi papasa kahit na katulong ni Cinderella. Kaya hinarap ko na lang ang pagbili ko ng cologne, kahit na sa bango na lang ako bumawi kay Calixtro. “Sige na Tata, mauna ka na sa ampunan. May tanggap akong labahin kay Ma’am Hazel, iyong science teacher na ‘tin dati.” Pagtataboy ko na sa kaniya nang makabili na ako ng kailangan ko. “Sige, uwi ka kaagad kapag nakatapos ka na. aakyat ako sa may punong manga sa may bahay ampunan. Ibenta na ‘tin pag-uwi mo.” bilin nito sa akin, na tinanguan ko lang. Tinanaw ko pa siyang tumawid sa kabilang kanto, bago ako nagsimulang maglakad na. Dumaan na muna ako sa bilihan ng mais at mani, para may kinakain ako habang naglalakad. “Limang pisong mani at mais pa, halo.” Sabi ko sa tinder. Pinapanood ko siyang magtakal ng binibili ko, dinukot ko na ang limang piso sa may bulsa ko at iaabot ko na sana ang bayad ko nang matapos nang magtakal ang Ale. Kaso naunahan ako ni Calixtro na nasa likuran ko lang pala. Agad na nakaakbay na siya sa balikat ko at siya na rin ang tumanggap ng binili kong kutkutin. “Ang tagal niyo namang matapos,” reklamo niya. Naglalakad na kami ngayon, hati na kami sa binili kong mais at mani, pero si Calixtro ang nagbayad para sa akin. “Bakit? Pinapanood mo ba kami?” tanong ko sa kanya. Hindi naman na ako nagulat pa, kung saan-saan nga sumusulpot si Calixtro. Kaya hindi na kataka-taka na pinanood niya kaming magpamigay ng flyers kanina. Siguro sa dami ng tao kanina sa pinuwestuhan namin ni Tata, hindi ko na siya napansin na nasa paligid lang s’ya. “Oo naman, kailangan kong bantayan ang reyna ko. baka mamaya niyan maagaw ka ng iba, mahirap na.” sabi nito na may paliyad-liyad pang nalalaman. Oo na kinikilig ako kapag may ganitong ugali ang loko, possessive ba ang tawag o possession? Baka procession? Basta sound like gano’n, alam ko lang kinikilig ako. pahirapan ko pa ang utak kong mag-isip nang tawag doon. “Sus! Para namang may papatol pa sa akin, ikaw lang itong nabulag ng kagandahan ko.” sabi ko sabay tawa. Pero iyong mahinhin na tawa lang ang ginawa ko, nakakahiya baka maging tawang biik pa ako. “Maganda ka, Beverly. Bakit ba palagi mong minamaliit ang sarili mo? magagalit na ako sa ‘yo n’yan.” Sermon niya sa akin. Pinanghabaan ko lang siya ng nguso saka inirapan. Isang linggo pa lang ang relasyon namin, sa totoo lang marami pa akong hindi alam sa kaniya. Pero para sa akin mahal ko na siya, as in mahal na mahal ko na siya. Sa ugali ba niyang ‘yan hindi ko siya mamahalin ng lubos at walang labis walang kulang. Bihira lang ang lalaking katulad niya na gwapo na, tapos sa akin lang nakasentro ang atensyon niya. “Ilang ulit ko bang dapat na sabihin sa ‘yo, Beverly Acosta, na napakaganda mo kaya hindi mo kailangan na palaging sabihin na hindi ka maganda.” Ito na naman siya. Ito na naman siya sa pangalan ko, hindi lang siya sa pagmumukha ko gandang-ganda. Maging sa pangalan ko rin, gandang-ganda siya. na mula nang malaman niyang Beverly ang pangalan ko talaga iyon na lang tawag niya sa akin, bukod doon sa reyna niya raw ako. “Oo na, pinagdidiinan mo pa, napapatingin tuloy ang mga tao na nasasalubong na ‘tin.” Reklamo ko naman. Na sa totoo namang napapatingin sila sa amin habang nagsasalita si Calixtro, pero kahit hindi sabihin ni Calixtro na maganda ako, nakatingin pa rin sila sa amin. “Hayaan mo sila, inggit sila sa ganda mo.” sabi nito sabay halik sa noo ko. Ang PDA niya, ano nga ang ibig sabihin ng PDA? Basta iyong nanghahalik saka nangyayakap na may nakakakita sa amin iyon na iyon. Hindi naman ako hinahalikan ni Calixtro sa lips, laging sa noo lang naman ang halik niya sa akin. hindi ko nga alam bakit hindi man lang niya ako pagtangkaan na halikan, hindi naman ako papalag. Baka nga sunggaban ko pa siya kapag hinalikan niya ako. “Saan pala ang punta mo? bakit iniwanan ka yata ngayon noong kaibigan mo?” tanong niya sa akin nang patuloy kaming maglakad. Magkahawak kami na lang kami ngayon, iyong ‘hawak kamay ‘di kita iiwan sa ‘paglakbay’ ang drama niya. na halos tumutulo na sa pawis ang mga palad namin pero ang higpit pa rin ng hawak niya. “Sa dating teacher ko, may tanggap akong labada.” “Kawawa naman ang reyna ko, hayaan mo kapag may malaking kinita ako sa pagkakargador, mag-iintrega na ako sa ‘yo para may ipon na tayo.” Sabi niya. “Saka ayoko nang magtrabaho ka, Beverly. Ako na lang ang magta-trabaho para sa ating dalawa.” So? Sino nga ulit ako? kilig na kilig ako na hindi ko na alam ang pangalan ko. “Aasawahin mo na ako?” wala sa loob na tanong ko. Ang utak ko kasi lumulutang sa cloud tenth, mas mataas pa sa cloud nine. “Malapit na, kapag nag-eighteen ka na.” sabi niya sabay kindat. Wala na hindi pa naman bago panty ko na suot ngayon, ayan nahulog na yata. “MGA ILANG ORAS, ka d’yan?” tanong ni Calixtro nang nasa tapat na kami ng bahay ng dati kong teacher. “Mga isa o dalawang oras lang siguro, depende kung gaano kadami ang ipapalaba nila sa akin.” Alam ko kasi may bagong baby si Ma’am Hazel, tapos may five years old pa siyang anak. Kaya malamang marami silang ipapalaba sa akin na mga damit. “Susunduin kita, sabay na tayong kumain ng tanghalian.” Napasimangot ako, alam ko mga nasa eleven na ng tanghali. Baka matapos na ako ng mga bandang ala-una kung mamalasin ako at maraming labahin. “Mauna ka na, sa susunod na lang tayo magsabay na kumain.” Malungkot na sabi ko. Pinagkunutan naman niya ako ng noo, “hihintayin kita, kahit anong oras ka matapos. Babalikan dito, makatapos ang isang oras. Basta sabay tayong kakain ng tanghalian ngayong araw.” Paano hindi mo mamahalin ang isang katulad nitong si Calixtro ko. “Gawin mo nang dalawang oras, baka kasi madami talaga akong tatapusin na labahin.” Tumango naman ito saka ako hinalikan na naman sa noo, minsan talaga naiisip ko, lola ba ang tingin niya sa akin at sa noo niya ako palagi kung halikan. “Sige na pasok ka na sa loob,” sabi pa niya sa akin. “Ikaw ang umalis na, baka makita ka ni Ma’am Hazel.” Ayaw naming magpatalo sa isa’t isa talaga nagmatigasan pa kami sa kung sino ang una aalis o papasok. Sa huli sabay lang din kami, ako na kumatok na sa pintuan at si Calixtro naman ay umalis na. Sa paglalaba ko, madalian ang lahat, pero madalian na Pulido ang gawa ko. Nakakahiya pa naman kay Ma’am Hazel, baka hindi na niya ako tawagin sa susunod kapag pangit ang naging laba ko sa kanila. “Bebang, pwede ka bang bumalik mamayang hapon. Para akasin iyong mga damit at saka magtiklop na rin, hindi ko kasi maaasikaso ang magtiklop. Dadagdagan ko na lang ang bayad ko sa ‘yo,” ani Ma’am Hazelsa akin nang makapagsampay na ako. Ala-una pasado na akong natapos na magsampay, madami-dami talaga ang nilabhan ko. Karamihan mga damit ng mga bata, lalo na ng baby. Madali lang namang matutuyo ang mga damit nila Ma’am Hazel kasi may gamit akong spin dryer. “Sige po Ma’am, babalik po ako mga five na po siguro. Kapag nakapagbenta na po kami ni Tata ng manga sa palengke.” Nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi na, inabutan na niya ako ng two hundred. Tip na raw ang singkwenta dahil sa mabilis akong magtrabaho. Tuwang-tuwa naman ako kasi may pandagdag na naman ako sa ipon, saka nakakahiya naman kay Calixtro ko. siya na lang palagi nagbabayad kapag magkasama kami. Kaya magkiki-share ako sa kaniya ngayon na sabay kaming kakain ng tanghalian. Sa paglabas ko ng bahay nila Ma’am Hazel nasa may labas nga si Calixtro ko, nakaupo sa gilid ng kalsada, nakayuko at mukhang pagod na pagod. Halata rin na basa siya ng pawis, sa likod at baka maging harapan ng damit niya. “Calixtro,” tawag ko sa kaniya. Hindi niya yata ako napansin na nakalabas na, kasi hindi siya nag-aangat ng tingin sa akin. at nang tingalain niya ako, kita ko ang butil-butil na pawis sa mukha niya at hinihingal din siya. “Sakto ang dating ko,” sabi pa niya na hingal na hingal. “Tumakbo ka pabalik dito?” iyon ang unang pumasok sa isip ko. Tumango siya, saka siya tumayo na, inalalayan ko pa siya kasi parang mawawalan pa siya ng balance sa pagtayo. “Saka nagbuhat ako ng sampong malalaking karton, sakto kasing ngayon pala ang dating ng mga stock ni Tskewa,” anito nang nakaakbay na siya sa akin. Naawa ako bigla sa kaniya, hindi ko kilala ang sinasabi niya pero iyong malaman na nagbuhat siya ng sampong karton na malalaki. Nalulungkot talaga ako, kung pwede ko lang siyang sabihan na maging artista na lang siya. hindi siya hirap sa trabaho na iyon, saka makakapasok siya at gwapo naman siya. ang kaso kapag naging artista siya, baka may matipuhan siyang iba na maganda iwanan ako kaya huwag na lang. “Tiba-tiba ako ngayon, may tatlong daan akong kinita ngayong araw.” Anito na masayang-masaya. Dinukot pa niya ang bulsa niya at ipinakita ang pera na mayroon siya. Kinuha niya ang singkwenta at iniabot sa akin ang two hundred fifty pesos. “Pangkain na ‘tin saka pambili mo ng mga kailangan mo. Para iyang kinikita mo ilagay mo sa ipon mo.” Sabi niya pa. Nakatitig ako sa kaniya, as in titig na titig ako sa kanya habang nagsasalita siya. Hanggang sa naiiyak na ako, para ‘di niya makitang iiyak ako. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. “Thank you Calixtro, thank you sa pagdating sa buhay ko.” Umiiyak na talaga ako. Halata sa boses ko ng magsalita ako. “Mahal na mahal kita, Beverly.” Sabi into na mas ikinaiyak ko. Wala na akong pakialam sa paligid namin. Basta ako yakap-yakap ko ang thong mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD