Nine

2167 Words
Chapter 9 BEBANG… “MAY PROBLEMA ba, mahal?” tanong sa akin ni Calix. Nasa loob kami ng bahay-bahayan niya, inayos ko ito kanina nang wala pa siya. Wala kasi akong raket na nahanap, habang si Tata naman nandoon sa tindahan ng isang teacher naming noong high school. Iisa lang naman ang bakante kaya si Tata na ang pinapunta ko. Ayaw niya sana na hindi ako kasama kaso sabi ko sa kaniya, pambawi niya na iyon sa ilang araw niyang pagkakasakit. “Wala naman, bakit mo naman natanong?” Kararating niya lang galing sa bayan, nagulat nga siyang makita na nandito ako sa bahay-bahayan niya ng ganitong oras. “Ang tahimik mo kasi, masakit pa ba ang puwet mo?” Bigla akong nahiya, nakalimutan ko na nga ang tungkol sa natusok kong pwet. Pinaalala niya pa talaga sa akin, kahit na may nararamdaman pa naman talaga ako, umiling ako bilang sagot. “Sigurado ka?” Kung pwede lang na tumayo ng tuwid dito sa loob ng jeep ginawa ko na at nang makita ni Calix ko na okay na ako. dalawang araw naman na ang kakaraan simula ng epic fail naming labing-labing sana. May kaunting kirot pa naman kaso hindi na sobrang kirot, nakakalakad at nakakaupo naman na ako nang maayos. “Oo, gusto mo pa ituloy na na ‘tin iyong naudlot na dapat na ginawa na ‘tin noong isang gabi.” Panghahamon ko pa sa kaniya na tinawanan niya lang. “Saka na kapag kasal na tayo,” sabi pa niya habang tumatawa. Lumuhod siya sa harapan ko at nag-alis ng pang-itaas niya na basa na sa pawis. Kinuha ko iyon at masinop na tiniklop, habang si Calix naman ay naghahanap ng damit na pamalit. “Saan ka naglalaba ng mga damit mo? saka saan ka naliligo?” bigla kong naitanong sa kaniya. Halos mag-iisang buwan na kaming magkakilala, dalawang linggo naman na mag-jowa. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala siya masyadong natatanong, tungkol dito. “May malapit na poso dito, doon ako naglalaba. Sa paliguan naman, doon sa may bayan nagbabayad ako ng sampong piso para makaligo.” “Kailan ka nag-eighteen? Kailan ang birthday mo? saan ka dati nakatira? Nasaan na ang mga magulang mo? bakit parang hindi naman kita nakikita rito, noon?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Mga bagay na noon ko pa dapat tinanong sa kaniya. Nakalimutan ko yata o baka nadala na ako sa kilig at makalaglag panty niyang mga banat sa akin. Tumawa siya, sinapo ang magkabilang pisnge ko at hinalikan ako sa labi ko. kaso lang bitin at smack lang ang ginawa niyang halik sa akin. “Isa-isa lang,” sabi pa niya. “Sagutin mo na lang, hindi ko na uulitin ang tanong ko.” Nakipagtitigan pa siya sa akin habang nag-iisip yata ng isasagot sa akin. “September 26 ang birthday ko, hindi talaga ako taga-dito, nakalimutan ko na kung saan ako galing. Wala na akong mga magulang,” seryoso siyang sumagot, lalo na nang sabihin niyang wala na siyang mga magulang. Para pa nga siyang galit nang sabihin niya iyon wala na siyang magulang. “Ikaw, nasaan ang mga magulang mo bakit nasa bahay ampunan ka?” balik na tanong niya. “Parehas na silang sumalangit, nauna si Tatay, sunod ang Nanay ko noong nine years old ako. Ayaw akong tanggapin ng Tita ko sa mother side, kasi mahirap lang sila. Hindi daw nila ako kayang buhayin kahit pakainin na lang sana nila ako. Kaya…” nagkibit balikat ako, “sa ampunan ang bagsak ko nang mamatay si Nanay.” Panay ang tango niya habang nakikinig sa akin, “mabuti na lang pala hindi ka napunta sa Tita mo.” Pinagkunutan ko siya ng noo, “bakit naman?” Lokong ito mas maganda na nasa ampunan ako ganoon ba? “Kasi kung nasa Tita mo ikaw, makikilala kaya kita? Baka hindi, lumagpas ang chance ko na maging asawa mo.” sabi nito na biglang ikinangiti ko. Hindi ko na alintana ang init ng panahon, saka ang hubad niyang katawan. Hindi naman hubad na hubad, wala lang naman siyang pang-itaas. Niyakap ko siya ng mahigpit at pinaghahalikan sa mukha niya maging sa leeg niya. “Beverly, mahal ko. amoy pawis ako, saka basa pa nga ako ng pawis,” saway niya sa akin. Hindi naman ako nagpapigil sa kaniya, mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya at pinagbuti ang paghalik sa kaniya. Natumba pa nga kami sa sahig sa kaharuan ko, nasa ibabaw niya ako. nagkatitigan pa kaming dalawa, bakit ba ang swerte ko sa lalaking ito. Ang gwapo niya sobra, tapos mahal na mahal niya pa ako. “Siguro, ikaw ang ipinadala ng nanay ko na makakasama ko sa habang buhay.” Wala sa loob na sabi ko sa kaniya. “Siguro, gano’n din ang Mama ko.” Ibinaba ko ang mukha ko para halikan ko siya, akala ko sasawayin niya na naman ako. Pero nakisabay na rin siya sa halik ko sa kaniya. Sa loob ng halos dalawang linggo naming mag-jowa, natututo na akong humalik. Salamat sa tulong ng pinakamamahal kong si Calix. MAGKAHAWAK kamay kami ni Calix, naglalakad kami para bumili ng makakain namin ng tanghalian. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa amin na nakakakilala sa akin. Ngayong araw balak kong sabihin kay Tata ang tungkol sa relasyon namin ni Calix. Wala nang atrasan ito, saka ngayon ko rin sasabihin kay Thalia ang balak ko na hindi na ako sasama sa Manila. Hiling ko lang talaga masabi ko nang maayos sa kaniya. “Kayong dalawa, eh umamin nga. May relasyon na ba kayo? bakit ba palagi ko kayong nakikitang magka-holding hands?” tanong ni Aling Ester. Ang lawak ng pagkakangiti si Calix, “salamat Aling Ester, dahil sa ‘yo nakita ko na ang poreber ko.” Kinikilig na naman ako, hinayupak na ito hindi na titigil sa kakapakilig sa akin. panay naman ang iling ni Aling Ester, pero may ngiti naman sa labi niya. “Naku! Matapang, maghanap ka na ng matinong trabaho. Kung poreber na pala ang nasa isip mo,” sabi ni Aling Ester kay Calix. “Sige na libre ko na sa inyo itong tanghalian ninyo. Basta Matapang huwag na huwag mong paiiyakin itong si Bebang. Naku isa ako sa bubugbog sa ‘yong bata ka.” Naiiyak naman akong nakitingin kay Aling Ester habang naririnig ko ang huling sinabi niya. “Hindi ko po kayo kayo bibiguin, mahal ko po talaga si Beverly.” Sa may mismong karendirya na ni Aling Ester kami kumain ni Calix, ang saya lang naming dalawa habang nagsusubuan. Hindi namin alintana ang mga tao sa paligid namin, basta masaya kaming dalawa. “Gusto mo ba Calix, sa may bahay ampunan na muna tumuloy. Mas safe kasi sa bahay ampunan, kaysa sa jeep mo.” sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik na sa bahay-bahayan namin. Oo inaangkin ko na rin iyon, kasi magiging asawa ko naman na itong si Calix. Kaya kung ano ang kanya ay sa akin na rin mula ngayon. “Hindi na, mahal ko. Isa pa maghahanap na talaga ako ng trabaho na may maayos na kita, para makahanap ng mauupahan na bahay.” “Pero kahit sandali lang naman, kakausapin ko si Madam Soledad. Mabait naman siya, sigurado akong tatanggapin ka niya sa bahay ampunan.” Panay lang ang iling niya sa akin bilang sagot, kaya hindi ko na ipinilit sa kaniya ang sinasabi ko. hanggang sa makarating kami sa bahay-bahayan namin. Agad kaming nahiga sa kama namin, magkayakap kahit na ang init-init. “Pwede ka bang dito ulit matulog mamayang gabi?” tanong ni Calix sa akin makalipas ang ilang sandaling pananahimik. Hindi ako agad nakasagot, kasi biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Tapos nakakaramdam na ako ng excitement sa isiping makakatabi ko ulit sa pagtulog si Calix ko. “Sige, tatakas ako ulit mamayang gabi.” “Hihintayin kita sa may labas ng ampunan, para safe kang makakauwi dito sa bahay na ‘tin.” Kinilig na naman ako, ano ba naman iyan. Ang simple lang ng sinabi niya pero halos mamatay-matay na ako sa kilig. “Mahal na mahal kita Beverly.” Bulong ni Calix sa may tapat ng tenga ko. Nakiliti ako, kaya mahinang napabungisngis ako sa ginawa niyang pagbulong. Pero iyong bungisngis ko nauwi sa impit na ungol nang dilaan ni Calix ang tenga ko. Tapos bumaba ang mainit at mamamasa-masa niyang labi sa leeg ko. “Ah!” mahaba akong napaungol nang maramdaman ko ang palad niya sa may dibdib ko. “Mahal na mahal kita…” muling bulong ni Calix habang panay ang pagpapak niya sa leeg ko. “Mahal na mahal din kita Calixtro Matapang.” HALOS HINDI AKO mapalagay nang hapon hanggang sa hapunan. Wala na akong iniisip kung hindi ang pagtakas ko mamaya at ang pagtulog ko katabi ang pinakamamahal kong si Calix. “Maliligo lang ako, Ta.” Paalam ko. “Bukas na Bebs, hindi ka pa ba inaantok?” tanong naman niya sa akin. Napatingin ako sa orasan, mag-a-alas otso pa lang naman ng gabi. Pero ganitong oras kasi ang tulugan namin dito sa ampunan. At bandang alas-nuebe papatayin na ang lahat ng ilaw at magsisitulog na kahit sila Madam Soledad. “Inaantok, kaso ang init Thalia. Sandali lang akong maliligo para presko ang pakiramdam.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, kinuha ko na ang manipis na manipis ko ng tuwalya. Ang mga damit na pagpapalitan ko at ang mga gamit kong panligo. Mabilis akong lumabas ng kwarto namin at tinungo ang banyo. “Oh! Bebang, himala at maliligo ka ngayon? Baka pumuti ka na n’yan, panay na ang ligo mo.” sita sa akin ng isang katulad ko ay ulila na nakikitira dito sa ampunan. Kung makalait siya sa akin akala mo gwapo, samantalang ni hindi papasang sapatos ng mahal kong Calix. Tapos ‘di hamak naman na mas matanda ako sa kaniya, pero kung makapanlait akala mo magka-level kami. Mga kabataan nga naman oo. Inirapan ko siya, wala akong balak na patulan niya, at lalo ang ibigay ang kaligayahan niyang mas laitin pa ako. Masyadong maganda ang mood ko para masira ngayong gabi ng mga taong wala nang ginawa sa akin kung hindi ang laitin ako. Basta sa akin, maganda ako sa paningin ng mahal ko, sapat na iyon sa akin. Ang bilis kong naligo, pero sinigurado kong kinuskos ko ang pinakasingit-singit ko. Baka nga magkatotoo pa ang sinabi noong batang nalait sa akin kanina. Baka pumuti akong bigla, na malayo namang mangyari. Alam ko naman na hindi na ako puputi, kasi natural na kayumanggi ang kulay ko. Kasi mga kayumanggi ang mga magulang ko, saan pa ba ako magmamana kung hindi sa kanilang naman. Maging ang pempem ko nga ginamitan ko ng shampoo, wala kasi akong pambili ng feminine wash. Meron man akong pera, hindi ko afford ang bumili ng isang maliit na bote ng feminine wash. Kaya shampoo na lang na limang piso ang tatlong sachet ang gamit ko. Isang sachet ang ginamit ko doon para mabango at hindi amoy patis mamaya kapag ano… Impit akong napatili, iyong ako lang ang nakarinig. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Pero alam ko hindi na lang ito basta kilig. Paano ba naman kasi, sa wakas nakumbinsi ko si Calix na unahin na namin ang honeymoon. Saka na ang kasal kapag nakaipon na kami ng para sa kasal namin. Doon din naman ang punta naming dalawa, uunahin lang talaga namin ang honeymoon. Hindi ko pa nga makukumbinsi si Calix kung hindi lang tumigas ang ano niya kanina kakahimas ko. Hindi lang namin nagawa kaninang tanghali kasi baka biglang may dumating na ibang tao. Mahuli kaming gumagawa ng himala, kahit pa pinalibutan ni Calix ng pinagtagpi-tagping tarpaulin ng mga kandidato sa eleksyon nang nagdaan na halalan. Nakakahiya pa rin nab aka may makakita sa amin. Kaya ngayong gabi namin gagawin ang honeymoon. “At hindi na ako makapaghintay,” mahinang bulalas ko nang lumabas ako ng banyo. Nagulat pa ako na paglabas ko wala ng ilaw ang paligid ko. Ganoon ba ako katagal na naligo at naghilod ng bongga? Pagbalik ko nga sa kwarto namin nila Thalia, tulog na ang mga kasama ko maging si Thalia mismo. Gustuhin ko mang lumabas na agad, hindi pa pwede. Baka may gising pa sa mga oldies sa loob ng ampunan, baka gising pa si Madam Soledad, kaya nahiga pa ako sa tabi ni Thalia. At sa paghiga ko, may naalala ako. hindi ko na naman pala nasabi ang balak kong pag-amin kay Thalia na may jowa na ako. Nakalimutan ko talaga dahil sa honeymoon ang iniisip ko. “Promise bukas sasabihin ko na sa ‘yo, Thalia.” Kausap ko sa matalik kong kaibigan na para ko nang kapatid. Kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya, kasi magpapaalam na rin ako kay Madam Soledad matapos nitong gabi na ito. Napagdesisyonan ko nang makikisama na ako kay Calix, magsasama na kami sa aming munting bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD