Chapter 10 BEBANG… HINDI KATULAD NG unang beses na tumakas ako, wala akong masyadong naramdaman na kaba. Parang naging expert akong bigla sa pagtakas. Wala man lang kahirap-hirap akong nakalabas ng bahay ampunan. Ni hindi ako nag-alala na baka may makakita sa akin na lalabas ako ng ampunan. Sa paglabas ko, panay ang lingon ko sa paligid, hindi para tignan kung may nakakita sa akin na lumabas ng ampunan. Kung hindi para hanapin si Calix ko, na nakita kong nasa may sulok malapit na sa may kanto. “Calix ko,” tawag ko sa boyfriend kong nakaupo sa isang sulok. Naawa akong bigla sa kaniya, kasi mukhang nakatulog na siya sa paghihintay sa akin. “Tara na?” Bigla siyang tumayo nang makita niya akong nakatayo na sa harapan niya. Gulat pa nga siya nang makita akong nasa harapan na niya. Tuma