One

1274 Words
Chapter One BEBANG... PARANG KAILAN LANG kasa-kasama ko pa ang Nanay ko na namamalengke rito at kinukulit ko siyang ibili ako ng laruang manika. Ngayon walong taon na pa lang wala ang Nanay ko, nasa may sementeryo ako sa mismong puntod ng Nanay ko ako ngayon para bisitahin siya dahil anibersaryo ng pagkamatay niya. "Nay, ayos na ako. May kaibigan akong gumagabay sa 'kin kaya 'wag kang mag-alala sa 'kin d'yan. Si Tatay ang sawayin mo d'yan baka umiinom na naman siya ng alak," kausap ko sa puntod ng Nanay ko. "Tangi ka, may alak ba sa langit? 'di ba may kanta pa nga na 'sa langit wala ng beer' paano pa iinom ng alak 'yong Tatay mo do'n," binatukan pa ako ni Tata nang sabihin niya iyon. Napakamot naman ako sa tinamaan ng kamay niya, sadistang kaibigan. Pero sanay na ako sa kanya, mainam nga ito nang may nagpapaalala sa katangahan ko. "Ewan, nakarating ka na ba sa langit kasi?" balik tanong ko sa kanya. "Bakit ikaw nakarating na do'n?" balik tanong na naman niya.  Mas napakamot pa ako sa ulo ko nang dahil sa tanong niya, kailan ba ako nanalo sa babaeng ito.  "Ewan ko sayo Tata," inis ko siyang inirapan bago humarap sa Nanay ko este sa puntod ng Nanay ko. "'Nay, aalis na nga kami panira iyong kasama ko eh. Ubusin niyo ni Tatay iyang pansit na dala ko ha. Masarap iyan binili ko sa karendirya ni Aling Ester iyan, special pa iyan," bilin ko sa Nanay ko na akala mo kaharap ko lang ang kausap ko.  "Nabaliw na si Bebang," sigaw naman ni Tata na tumatawa. Nagmamartsang iniwanan ko naman siya, kainis talaga kahit kailan. Pero hindi ko naman siya maiwanan dahil sa mundong ito kami na lang ang nagtuturingan na magkamag-anak. Kasi tulad ko ulila na rin siya, pero sa nanay lang. Hindi niya kasi alam kung buhay pa ang tatay niya. Samantalang ako naman ulilang lubos na, parehas ng nasa heaven ang mga magulang ko. Naunang pumanaw ang Tatay ko sa sakit sa atay, tapos ang Nanay ko naman sa sakit sa bulsa. Nakakatawa pero iyon ang sabi niya, wala raw kasi siyang pera palagi kaya nagkasakit siya sa bulsa. Nito ko lang nalaman na parehas sila ni Tatay nang ikinamatay sakit sa atay. Si Tatay dahil sa kakainom ng alak si Nanay naman minana yata sa angkan nila. "Hoy! Bebang hintayin mo nga ako, ito naman hindi na mabiro," habol sa 'kin ni Tata. Pagkatapos namin sa sementeryo dumeretso kami sa shelter kung saan kami tumutuloy. Dito na kami lumaki at nagkaisip na dalawa, wala namang nagtangkang umampon saming dalawa kasi malaki na kaming parehas ng dumating dito. Pero kahit gano'n, wala naman kaming masamang tinapay sa buhay na meron kami. Mabait kasi si Madam Soledad ang namamahala dito sa shelter. Itinuring na niya kaming parang sariling mga anak lahat dahil matandang dalaga na siya. "Tata, Bebang hanap kayo ni Madam Soledad," salubong sa 'min ni Gigi. Nagkatinginan naman kami ni Tata, bigla kaming kinabahan. Hindi naman kasi nagpapatawag si Madam Soledad ng mga kabataan kung hindi niya pagagalitan o pagsasabihan. "Ano kayang kasalanan natin?" bulong ko kay Tata. Hindi naman sumagot ang kaibigan ko, halata ring kinakabahan ang loka. Alam ko matapang siya pero sa mga ganitong pagkakataon lumalabas din ang pagiging duwag niya.  Wala ng nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa pinakaopisina at kwarto ni Madam Soledad. Tatlong mahihinang katok ang ginawa ni Tata para ipaalam na nasa labas kami. "Pasok," narinig namin mula sa loob. Napalunok ako ng ilang beses bago ako pumasok na sinundan si Tata. Seryosong mukha ni Madam Soledad ang bumungad sa amin pagpasok na pagpasok pa lang namin ni Tata. "Upo," utos niya samin. Ano ba iyan, kinakabahan ako. Oo nga't mabait si Madam Soledad sa aming lahat pero kapag may hindi siya nagustuhan para siyang si Miss Minchin sa Sarah ang munting Prinsesa. Masungit na nagpaparusa pa. Hindi kami nagsalita ni Tata pero sinunod namin ang utos ni Madam Soledad. Naupo lang kami sa harapan ng table niya at nakatutok ang mga mata namin sa kanya. Maging siya rin titig na titig sa 'min na akala mo kakainin niya na kami ng buhay. "Ano itong nababalitaan kong nagta-trabaho na kayo?" simula niya.  Naku! patay na! Hindi alam ni Madam Soledad ang mga side line namin ni Tata, ang alam lang niya iyong pasimpleng nagtitinda kami noon sa mga kaklase namin sa school.  "Alam niyo bang ang babata niyo pa para sa pagtatrabaho?" patuloy pa ni Madam Soledad. "Madam, gusto lang naman po kasi naming magkaipon," pangangatwiran ni Thalia. Panay naman ang tango ko sa sinabi ni Tata, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sumagot din. Natatakot ako baka kasi mali ang masabi ko mas magalit pa si Madam Soledad. sa amin dalawa ni Tata, si Tata ang sadyang malakas ang loob, ako disipolo lang niya, taga sunod. "Ipon? Bakit Thalia, may hindi ba naibibigay ang shelter sa inyong dalawa? Bakit hindi niyo hintayin na tumuntong kayo sa tamang edad ng pagta-trabaho," simula na ang sermon niya.  "Alam niyo naman na nasa pangangalaga pa kayo ng bahay ampunan. Ano na lang ang sasabihin ng DSWD sa 'tin, na pinapabayaan ko kayo kaya naghahanap buhay na kayo sa batang edad ninyo." Mahaba pa ang sermon ni Madam Soledad sa 'min. Halos paulit-ulit lang naman ang mga sinabi niya sa 'min, lahat patungkol sa mali ang ginawa namin na pagta-trabaho ng wala sa panahon. Na dapat maghintay kami kung kailan kami pwedeng maghanap buhay na tama ang edad namin. "Madam Soledad, hindi naman po namin nakakalimutan ang mga pangaral niyo sa 'min po. Kaso lang po sayang po kasi ang panahon po. Isa pa po simple lang naman po ang pinapasukan namin sa mga karinderya po, tahugas o kaya serbidora po kami doon. Tapos naman po sa looban ng palengke magtitinda ng mga damit o kung ano-ano. Hindi naman po kami permanente dahil ayaw din naman po ng may-ari na magtagal kami baka po masita sila. Mga part time lang po 'yong nakukuha namin," pagrarason na ni Tata matapos ang mahabang sermon.  "Ito na naman ba ang usaping aalis kayo ng shelter kapag nasa tamang edad na kayo kaya nagta-trabaho na kayo para makaipon." Natigilan si Tata, maging ako naman mas lalong nawalan ng boses para magsalita. "Iba na ang buhay sa labas ng shelter kapag umalis na kayo rito. Oo nga at hindi ako mahigpit sa inyong dalawa nakita niyo naman nakakalabas kayo dito kahit anong oras niyong gustuhin. Nakahanap pa nga kayo ng trabaho ng hindi ko nalalaman agad. Pero mga anak iba na kapag wala na kayo sa puder ko at sarili mga paa niyo na ang gagamitin niyo para tumayo sa buhay niyo," muling pangaral nito. "Ang babata niyo pa, kung ako nga ang masusunod pag-aaralin ko pa kayo ng kolehiyo kaso kayong dalawa na ang sumuko at umayaw. Wala akong ibang hangad para sa inyong dalawa kung hindi ang mapabuti ang buhay niyong dalawa. Sa lahat ng mga bata dito kayong dalawa mas malapit sa 'kin alam niyo iyan." Patuloy pa ni Madam habang para na itong maiiyak. Naiiyak naman ako tumayo at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Sorry po Madam," bulong ko.  Sa 'ming dalawa rin ni Tata, ako ang mahina inaamin ko iyan. Iyakin pa nga ako kunting kibot na may kinalaman sa pag-iyak maiiyak na ako. Samantala si Tata bihirang maiyak, lalo na kapag mababaw na dahilan lang naman ang dahilan. "Mga anak, Bebang at Tata 'wag niyong pilitin na mahinog kayo agad. Baka kaysa mapabuti ang kahahantungan ninyong dalawa ay mapasama pa," huling bilin niya. ..................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD