Six

2086 Words
Chapter 6 BEBANG… BUMILI na lang kami ng lutong pagkain, kasi kahit naman gustuhin kong ipagluto si Calixtro wala naman siyang kalan. ‘Pag kabili namin ng pagkain sa karindirya ni Aling Ester, na nagulat na makita kaming magkasama ni Calixtro with matching holding hands pa. Dumeretso na kami sa sinasabi ni Calixtro ko na bahay niya, sa abandunadong jeep malapit sa simenteryo. Akala ko noong una, wala akong makikita sa loob ng sinasabi niyang bahay, kung hindi isang simpleng tulugan. Pero nagulat ako sa nakitang kaayusan sa loob ng jeep, iyong mga gamit ni Calixtro na sobrang ayos. “’di hamak na mas maayos pa ang jeep mo kaysa sa kwarto namin,” hindi ko napigilan na magkomento. May maayos siyang kama as in kutson pa nga pero luma na, may unan at kumot na maayos na nakatiklop. Nakalagay ang kama niya sa may bandang unahan ng sasakyan, kung saan makikita ang driver’s at passenger seat. Hindi ko alam papaanong ginawa iyon ni Calixtro, basta nandoon ang kama niya. Sa may isang mahabang upuan, nandoon ang maayos na nakasalansan na mga damit niya, at sa kabila naman ang ibang mga gamit tulad ng baseball cap, sapatos, bag, at tsenelas niya. “Ayoko lang ng makalat, para kapag may gusto akong gamit makikita ko agad.” sabi nito. Nahihiya naman ako, kung makakapasok nga lang sa loob ng ampunan si Calixtro mahihiya akong ipakita sa kaniya ang kwarto namin. naturingan na mga babae pa naman ang nakatira sa kwarto na iyon pero ang kakalat naming lahat. Walang exemption lahat kaming makakalat, kasama na ako. “Sandali, kukuha ako ng plato at kutsara.” Paalam sa akin ni Calixtro. Nakaupo sa may dulo, or sa may entrance ng jeep sa may likuran nito. Hinintay ko si Calixtro kung saan man siya nagpunta para kumuha ng plato at kutsara. Makalipas ang ilang sandali na paghihintay, bumalik na nga siya na may hawak na isang baso, isang kutsara, at isang plato. Napakamot siya sa ulo, “iisa lang ang gamit ko, bibili na lang ako sa susunod para kapag sabay tayong kakain may magagamit ka na rin.” Napangiti ako, ang cute niyang tignan habang papalapit sa akin na parang nahihiya. “Ano ka ba, bakit naman ganyan ang hitsura mo? para kang nahihiya pa sa akin, ako na nga itong naging inventor mo sa bahay.” Biro ko lang naman iyong inventor sa kaniya. Alam ko naman na invader dapat iyon. Kaya mas natawa ako nang kumunot ang noo ni Calixtro, “hindi ba light saber?” Nakaupo na siya sa tabi nang sabihin niya iyon, ako naman ang natameme sa sinabi niya. hanggang sa dalawa na kaming tumatawa sa kalokohan naming dalawa. Siya na ang naghanda ng kakainin namin, na parang maghihintayan pa yata kami ng kung sino ang unang kakain. Kasi iisa lang ang gamit naming plato at kutsara. “Sabi ko naman sa ‘yo dapat doon na lang tayo sa karinderya ni Aling Ester kumain,” sabi niya pa nang mailagay na niya ang kanin at ulam sa plato. “Maingay doon, dito tahimik lang at saka tayo lang dalawa.” “Gusto mo akong solohin,” anito na nakakindat na naman. “Hindi ba pwede?” Nagkatitigan kaming dalawa, ang lapit pa namin sa isa’t isa. Feeling ko ito na ang kiss na hinihintay ko, pero hindi naman nangyari nang sa noo ko na naman dumapo ang labi niya. “Pwedeng-pwede, sa ‘yo na nga ako buong maghapon.” Sabi pa niya nang matapos niya akong halikan sa noo ko. “Kumain ka na, kapag nakatapos ka, saka ako kakain.” Tinignan ko ang plato na ibinigay niya sa akin, nagsasalin na siya ng tubig sa basong hawak niya. nakaupo lang kami sa may likod ng jeep para dito kumain. “Akala ko ba sabay tayong kakain?” Siya naman ngayon tumingin sa akin, “pinakamamahal kong reyna, iisa lang po ang plato at kutsara na gamit ko. kaya mauna ka nang kumain, sabay pa rin naman tayo. Mauuna lang akong uminom ng tubig, tapos ikaw kakain, kapag iinom ka na ng tubig ako naman ang kakain.” Napailing ako sa sense of humor ng loko, parang ewan lang naman. Kinuha ko ang baso na hawak niya saka ko inilagay doon sa may upuan kung saan nakapatong ang mga damit niya. saka ko ibinigay sa kaniya ang kutsara at plato na may pagkain. Wala akong imik na kinuha ang plastic kung saan nakalagay pa ang isang kanin at ulam na binili namin kanina. Walang babala na inihalo ko na ang kanin at ulam na nasa plastic. “Ayan, sabay tayong kakain, susubuan mo ako, susubuan kita. Iyan ang sabay na alam ko hindi iyong sinasabi mo.” turan ko na nanghahaba ang nguso. “Siguro nandidiri ka sa akin, kaya—” Hindi na ako napagsalita pa nang biglang may sumayad na mainit na malambot at medyo mamasa-masa pang labi sa mismong labi ko. smack lang pero natulala na ako sa nangyari na hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. “Hindi ako nandidiri Beverly, nahihiya lang ako. Baka kasi isipin mong sinasamantala na kita, por ‘ket sinagot mo na ako, at boyfriend mo na ako. Gusto ko kasi nang hindi nagmamadali Beverly, iyong malaman mong seryoso ako sa ‘yo at hindi ito biruan lang.” anito na nakatitig sa akin. Wala bang lalabas sa bibig niya hindi ako kikiligin. Tapos ang first kiss ko, naming dalawa naganap na. Ang lambot ng labi niya na ang init, kung hindi nakakahiya baka dinilaan ko pa ang labi ko ngayon malasahan ko lang ang labi niya. “Tama na Calixtro, baka mamatay na ako sa kilig.” Sabi ko sa kaniya. Gamit ang isang kamay niya inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing na sa mukha ko. “Habang buhay kitang pakikiligin Beverly, habang buhay.” “WALA KA bang balak na sabihin sa kaibigan mo na may boyfriend ka na?” tanong sa akin ni Calixtro nang matapos kaming kumain. Ang harot naming dalawang kumain sa totoo lang, kasi naman nagsusubuan talaga kami. Kaya halos isang ora na kaming kumain hanggang sa natapos kami. Parang bitin pa nga ang pagkain namin, hiling ko hindi na matapos ang tanghalian namin. “Humahanap lang ako ng t’yempo na sabihin kay Tata.” Nakahiga na kami ngayon sa loob ng bahay-bahayan ni Calixtro, nakaunan ako sa braso niya at nakayakap siya sa akin. ang bango pa rin niya kahit na kanina lang halos maligo na siya sa pawis. “Magagalit ba ang kaibigan mo?” tanong na naman nito. Hindi ako nakasagot, hindi naman sa magagalit si Thalia kung may boyfriend ako. baka magtampo lang siya sa akin, kasi alam niya na loyal ako sa pangako namin. Iyon ay ang umalis na sa bahay ampunan at pumunta ng Manila. Sa ngayon kasi, unti-unti nang naiiba ang nasa plano ko. “Balak mo ba talaga akong pakasalan?” pag-iiba ko ng usapan namin. Ayoko na munang isipin kung papaano ko sasabihin kay Tatay nab aka hindi na ako sumama sa kaniya sa Manila. Na maiiwan ako dito kahit na hindi na kami sa bahay ampunan titira na magkaibigan. “Oo naman, kapag nasa tamang edad ka na saka tayo magpapakasal.” Anito. “Hindi mo ba balak na umalis na muna dito, sa maliit mong bahay?” “Saka na kapag kasal na tayo, hahanap na ako ng bahay na ‘tin. Hindi pwedeng dito lang tayo tumira, gusto ko pa rin naman na safe ka kapag iiwanan kita at magta-trabaho ako.” Isiniksik ko naman ang sarili ko sa kaniya, ito ang dahilan ko bakit unti-unting nababago ang takbo ng mga plano ko sa buhay. Kahit na sa maikling panahon pa lang, ganito na kami ni Calixtro kung mag-usap. Alam kong bata pa kaming masyado, marami pang pwedeng mangyari. Hindi ko na lang iniisip kung ano ang mga iyon, ang mahalaga sa akin ay ang ngayon. Saka ko na iisipin ang bukas, kapag andoon na ako sa sitwasyon na iyon. “Calixtro—” “Pwede mo naman akong tawaging Calix, iyan ang tawag sa akin ng Mama ko.” “Calix…” “Hmm, Calix at si Mama lang ang tumatawag sa akin noon. Ngayon ikaw naman ang tatawag sa akin ng gan’yan.” “Ayaw mo ba ng mahal?” biro ko lang naman iyon. Okay nga ako sa Calix lang ang itatawag ko sa kaniya, hindi pa naman ako sanay sa mga tawagan na sweet. At siya pa lang naman ang nagkamaling ligawan ako. Hindi sumagot si Calix, kaya tinignan ko siya, tiningala para makita ko ang mukha niya. namangha ako na makitang namumula ang mukha niya. “Anong nangyayari sa ‘yo?” tanong ko kahit may ideya ako. Ano ba naman, mistiso ang jowa ko kaya kitang-kita ang pamumula ng pisnge niya. “Pwede mo ba akong tawagin na Mahal ko?” tanong niya sa akin na mas lalong ikinapula ng pisnge niya. Hindi ako makapaniwala na mamumula siya dahil lang doon. Nag-iwas pa siya ng tingin sa akin na kanina pa yata siya nakatitig sa akin. “Matagal ko na kasing pangarap na may tatawag sa akin ng mahal ko. nahihiya pa akong sabihin sa ‘yo kanina na kung pwedeng iyon na lang ang itawag mo sa akin.” Ang cute lang niyang tignan habang nagsasalita siya, kasi mas namumula ang pisnge niya habang nagsaslita siya. Kasama na sa pamumula niya ang tenga at leeg niya, halatang nahihiya talaga ang jowa ko. Hindi ko naman siguro kailangan na pigilan ang sarili ko, jowa ko naman na siya kahit na isang linggo pa lang kami. Tapos wala pang isang buwan mula nang magkakilala kami. Itinulak ko siya ng pahiga dahil nakaside siya habang yakap-yakap niya ako. saka ko siya kinubabawan, na siyang ikinagulat nito nang husto. Nanlalaki pa nga ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Pwedeng-pwede naman, Mahal ko.” sabi ko sa kaniya. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa ko, lalo ko lang siyang ginulat ng ako naman ang humalik sa kaniya. Pero sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin kong hindi na lang smack ang halik na ito. Kahit hindi ako marunong humalik, may extinct naman ako. Este instinct pala. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Calixtro nang mahigpit at siya na ang nagpalalim ng halikan naming dalawa. Kasi wala talaga akong alam, siya lang ang unang naggalaw ng mga labi na ginaya ko lang. Ito, totoo na ito, may first kiss na ako. GABI NA AKO nakabalik ng bahay ampunan, inihatid pa ako ni Calixtro pauwi. Pero bago ako umuwi, dumaan pa nga ako sa bahay ni Ma’am Hazel para ituloy ang trabaho ko doon. Tapos si Calixtro naman naghintay siya sa labas ng bahay ng dati kong teacher hanggang sa makatapos ako. Hindi pa nga sana ako uuwi, ang kaso lang naalala ko ang usapan namin ni Tata. Alam kong umuusok na ang ilong noon ngayon. Hindi ko ba naman kasi siya sinipot sa usapan namin. Kasi nalibang na ako sa munting bahay ni Calixtro. Para lang naman kaming bagong kasal na dalawa kanina, ang sweet-sweet niya sa akin at ganoon din ako. Pero syempre hindi pa namin ginawa ang bagay na mag-asawa lang ang gumagawa. Hindi pa ngayon, pero alam kong gagawin at gagawin din namin iyon. At nakahanda naman akong ibigay sa kanya ang lahat sa akin. dahil iyon lang naman ang maibibigay ko sa kaniya, at iyon lang ang maipagmamalaki ko. ang pagiging birhen ko na si Calixtro lang ang makakakuha at wala nang iba pa. “Nakakainis ka naman Bebs, napanis na ang manga hindi ka pa dumating.” Reklamo ni Tata nang makapasok ako sa loob ng kwarto namin. Napatingin ang ibang mga kasama naming mga bata sa amin ni Tata, ang lakas naman kasi ng boses ni Thalia habang pinapagalitan ako. “Sorry, Ta. Kasi naman ang dami kong nilabhan, tapos nakiusap pa si Ma’am Hazel kung pwedeng ako na rin ang kumuha ng sinampay at magtiklop.” Pagrarason ko. “Buong maghapon ka sa bahay ni Ma’am Hazel?” takang tanong ni Tata sa akin, na agad kong tinanguan. Ang bilis kong nakaramdam ng guilt sa pagsisinungaling ko sa kaibigan ko. Pero aamin din naman ako sa kaniya, hindi nga lang ngayon. Sasabihin ko sa kaniya lahat ng mga kasalanan ko kapag handa na akong umamin sa mga ito. Sorry talaga Tata, pero in love kasi ang hitad mong friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD