CHAPTER 4

2082 Words
"Oh kuya bakit ngayon ka lang?" salubong ng kapatid ko nang makapasok ako ng bahay. Tipid nalang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para magpaliwanag o umimik man lang. "Are..you okay?" medyo alanganin niyang tanong na may pag-aalala. Tumango naman ako. "Pagod lang ako." yun nalang ang nasabi ko at sumenyas na aakyat na ko sa aking silid. "Sige kuya pahinga kana. Sabi ko naman kasi sayo bukas ka nalang pumasok. Kulit-kulit mo kasi." pangsesermon niya. Nginitian ko naman siya saka ginulo ang buhok niya bago ako tuluyang umalis. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama nang nakapasok ako sa aking kwarto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari buong araw. Kung kilala ko siya bakit ko siya piniling kalimutan? Paano ko siya nakalimutan? "Aarghh! Bakit ba kasi hindi ako lumingon." pagkausap ko sa sarili ko. Aishiteru Love.. Yung boses niya, halos kapareho ng nasa ala-ala ko pero bakit ganun? Sigurado ako na si Xirenn ang babae sa mga nagiging flashback memories ko. *tok! tok! tok!* "Kuya?" pagtawag ni Zakhira. "Come in." pagbibigay pahintulot ko. Bumukas naman ang pinto at pumasok siya. Bumangon naman ako mula sa aking pagkakahiga. May dala siyang kumpol ng papel saka parang batang gigiling giling na lumapit sakin. Ano kayang kailangan nito? "Kuya alam ko naman na pagod ka." ngunguso-nguso niyang sabi. "Spill it Zakhira. Wag mo nang ipaligoy ligoy pa."ani ko. Napakamot naman siya sa batok niya bago ako mabilis na niyakap. "Whaaa!! Kuya may exam kami tomorrow. Kailangan kong magreview kasi konti palang ang alam ko sa topic na yun kaso hindi ko magagawa yun kasi hindi pa ko tapos basahin itong mga business proposal para sa kumpanya na binigay ni Mom." mabilis niyang paliwanag. Nginitian ko naman muna siya bago kinuha ang mga papel na hawak niya. "Sige na ako na bahala dito mag-aral kana." sabi ko sa kanya na siyang ikinatuwa niya. "Yehey! Thankyou kuya. " wika niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Paalis na sana siya sa aking silid ng may maalala ako. "Where's Mom by the way?" tanong ko. "Nandun sa office niya kuya. May tinatapos pa ata?" sagot niya. Tumango nalang ako at sumenyas na pwede na siyang umalis. Agad din naman siyang tumalima siguro'y magsisimula na siyang mag-aral. Tiningnan kong muli ang mga papel na hawak ko. So business muna iintindihin ko ngayon. Habang nagchecheck ako ng mga proposals ay may nakakuha ng aking atensyon. PEREZ CORPORATION I scanned the files. I was amazed by the business proposal and their intentions. They are building a project that can help homeless people. Isa iyong plantasyon at ang target nilang gawin na trabahador ay yung mga walang bahay. Nakalagay sa informations na dun sila gagawan ng bahay malapit sa plantation para nababantayan iyon. 1/4 ng kikitain ay mapupunta sa mga trabahador. 1/4 for emergency and other funds. 1/2 naman sa mga may ari at sharers nito. I write Approved on the folder ichehecheck parin naman ito ni Mom. After that, I scanned the other proposals hanggang sa abutin narin ako ng antok. I look at my watch. 1:34am na pala. Inayos ko ang mga folders sa lamesa at nagsimulang pumunta sa higaan ko. Marahan akong humiga at kinapa ang cellphone ko to check if there's a mail or any messages. 4 new messages. I opened my inbox and read all of it. Dad Zakhira told me that you started your school today. Keep safe always son, hug me for your mom. Thankyou for coming back there. Gavier Pre, baka kulitin ka ni Prexia. Alam ko wala akong karapatan pero pwede isnabin mo nalang ha. Mahal ko yun eh. Salamat. 1 other message was from Talk n Text. err? I scroll down and found a message from an unknown number. 091234***** It's me Xirenn. Sorry for today, I know masakit parin para sayo yun. But can we please start a new? I still love you Zhion. Napahinga naman ako ng malalim after ko mabasa message niya. How can we start a new Xirenn? Sobrang mapaglaro ba talaga ang tadhana? I thought di na magpapanagpo landas namin since ibang school papasukan ko. Biruin mo nga naman, nandun din siya. Tss! makatulog nalang. Sana maging maayos ang araw ko bukas. Hiling ko at tuluyan ng pumikit. Aishiteru Love.. Hindi ko alam kung bakit pero muli ko iyong narinig sa isipan ko. Who are you? (Kinabukasan) Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Muli kong binasa yung natirang business proposals na hindi ko nabasa kagabi. I marked all of it if it's okay or not. "Kuya?" I heard my sister called in the back of my door. "Yes?" I respond habang papalapit sa pintuan. I opened the door and found her smiling brightly in front of me. "Pasakay ako kuya. Sabay tayong pumasok." paglalambing niya. Naiiling nalang akong napangiti. "Okay okay" pagsang-ayon ko saka kinuha ang mga gamit ko. Habang nasa sasakyan kami ng kapatid ko di ko maiwasang mapaisip. "Zakhira?" tawag pansin ko sa kanya. Nag-aayos siya ng mukha saka lumingon sa akin. "Yes kuya?" she respond. "Err? I know it's nonsense but matagal mo ng kilala si Xirenn diba?" alangan kong tanong. Bigla namang nalaglag ang mga pang-ayos niya sa mukha. "My gosh! My make ups!" ani niya. I stopped my car for a while para naman maging maayos ang pagkuha niya sa mga gamit niya. After that seryoso siyang tumingin sa akin. "Why did you asked kuya?" walang emosyon niyang tanong sa akin. Nagkibit-balikat naman ako bago muling inistart ang kotse. "Nothing, may nameet lang kasi akong tao, she said that I forget her on purpose." sagot ko saka sinimulan ang pagpapatakbo. Come to think of it, simula palang ng relasyon namin ni Xirenn ay ramdam kong tutol na sila, my dad,mom and even my sister. Natahimik naman ang kapatid ko sa upuan niya which is unusual. I throw a glance at her, she looks serious and sad at the same time. Hanggang sa nakarating kami ng eskwelahan ay ganun ang mood niya kaya naman tinanong ko kung okay lang sya. She just nod at me and smiled bago nauna sa paglalakad papunta sa klase niya. "Baka stress lang dahil mag eexam" sabi ko sa sarili ko saka tinahak ang daan papunta sa room. "Morning dre" walang siglang bati ni Gavier sakin pagpasok ko. "Anyari sayo?" tanong ko. He just looked at me saka tumingin sa unahan. Sinundan ko naman iyon, napataas ang kilay ko sa aking nakita. Kaya naman pala walang buhay ang lalaking ari. May kaharutan ang mahal niyang si Prexia sa unahan. Tinapik ko lang ang balikat niya saka naupo sa tabi nito. "Bakit di mo lapitan? Bakit di kayo ulit magsimula sa simula?" suhestyon ko. Tiningnan niya naman ako na para bang nagjoke ako. "Pre ayos ka lang?Kayo ba ni Xirenn makakapagsimula ulit sa simula?" he fired back. I was speechless for a second. He's right. Hindi madali. *announcement buzzer tone* To all Zerep Sorority members proceed to the HQ. Malamig na wika ng nasa speaker. "Sorority?" I mumbled. "Yura was the founder." imik ng nasa tabi ko. "Pwede yun dito?" tanong ko. Tumango naman siya sakin saka umayos ng upo. Pag ganito siya alam kong madami siyang idadaldal sa akin. "Anong aasahan mo brad? Eh sila ang may ari nitong academy saka maganda naman ang layunin nila." paliwanag niya. Oh? "Since bago ka dito pre. Sasabihin ko sayo ang ibang bawal at dapat mong iwasan" patuloy niya. "Ditch over late pagdating kay Ms. Bacay. Yes mas okay sa kanya magditch kesa malate." panimula niya. "When the peacock is mad. Don't ever interfere." seryosong bilin niya. Peacock? well probably isa lang naman siguro yung tinutukoy nila. "Paano naman kapag talagang malala na? Ano yun papabayaan na talaga?" tanong ko saka humilig sa upuan ko. "Dun papasok si Hirro, kapatid niya, sya lang palagi ang nakakakontrol sa kanya. As in sya lang." he explained. Tumango naman ako bilang senyales na naintindihan ko. "Kahit si Xirenn pa ang kaaway niya. Dre wag na wag kang gigitna o makikialam." banta niya sakin. "What will happen if I?" seryosong tanong ko. "I'll kill you." malamig na tonong sagot ng nasa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ni Gavier habang nakatingin sa likuran ko. Unti-unti naman akong lumingon sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Bumungad sa akin ang walang emosyon niyang mata habang nasa bulsa ng kanyang palda ang kamay nito. Napalunok naman ako sa banta niya. "Are you serious?" I tried to asked kahit pa medyo natatakot ako. Sino bang hindi nuh? Nasa harap ko lang naman ang leader ng isang sorority. Kahit lalaki ako nakakaramdam din naman ako ng takot nuh. Umangat ang kabila niyang labi saka unti-unting lumapit sa akin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang hindi inaalis ang paningin sa mga mata ko. 3 inches nalang siguro ang agwat ng mukha namin sa isa't isa. She scanned my face bago muling ngumisi. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong kaya kitang saktan?" mula sa malamig na emosyon ay unti-unting dumaan ang lungkot sa mga mata niya. Marahan siyang tumayo habang nakatingin sa akin. Balik na naman ang mga mata niyang walang emosyon. "Distance yourself at my property Yura." pakinig kong banta ng pamilyar na boses. I looked where that voice came and I am right. It was Xirenn. Seryoso itong nakatingin sa likuran ni Yura habang nakatayo sa likod nito na may isang metro ang layo. Nilingon naman siya ni Yura. Narinig ko ang pag taltik ng dila niya (Tsk-ed) bago muling tumingin sa akin. Gulo na naman ito. Nakakatakot silang dalawa. Sino ba yung transfer bakit parang napakabig deal niya sa kanila? "Why Xirenn? Is this guy your boyfriend?" nakangisi ngunit walang emosyong tanong ni Yura habang marahang hinaplos ang mukha ko bago muling tinapunan ng tingin si Xirenn. Her touch was so gentle. Napakalambot ng kamay niya. Ewan ko kung bakit pero sa halip na kabahan o matakot sa nangyayari sa kanila. Feeling ko biglang gumaan pakiramdam ko nung naramdaman ko ang haplos niya. Nagulat kaming lahat ng biglang sakalin ni Xirenn si Yura. Mahigpit ang pagkakasakal ni Xirenn sa kanya, nahihirapan man huminga ay sinubukan parin ni Yura na tumawa. Hindi siya nagpumiglas o nanlaban hinayaan niya lang sakalin siya ni Xirenn. "Leave" deklara niya pagkatapos ng maiksi niyang tawa. Agad na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Pakinig ko ang iilan na nagsasabihan na tatawagin nila yung kapatid ni Yura. "Wanna.. know if I can..hurt you?" marahan niyang imik marahil ng pagkakasakal sa kanya. Alam ko ako ang sinasabihan niya kahit pa hindi siya nakatingin sa akin. "Leave him alone Yura, he's mine." malamig ding sabi ni Xirenn. Ito palang ang unang beses na makita ko siyang ganito kaya naman ganun nalang ang gulat ko. Ganito ba talaga katindi ang away nilang dalawa? Inilibot ko ang paningin ko, nakita ko si Gavier sa labas na seryosong nakatingin sa akin saka umiling. Senyales na wag ako kailanman mangingialam sa dalawa. Tiningnan ko muli ang dalawa. Wala mang emosyon ay kita kong nahihirapan sa paghinga si Yura. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang tulungan o ilayo. Will she kill me? Will she hurt me? "Sayo.. nga ba.. talaga Xirenn?" nanghahamon na tanong ni Yura saka tumawa na siyang nakapagpatigil sa akin. What is she talking about? *Booogsh!!* Tila biglang bumaligtad ang lahat. Ngayon ay si Xirenn naman ang sakal ni Yura habang nakahiga sa sahig si Xirenn. "Bakit hindi natin tapusin ang pagpipisikalan natin? Ano sa tingin mo?" nakangising tanong ni Yura kay Xirenn. Pilit syang kumakawala sa pagkakasakal pero mukhang matindi ng pwersa ni Yura kaya di siya makawala. Tangina Takeo. Ano takot ka sa babae? "He..will never..choose you" mahinang bulong ni Xirenn sapat lang para marinig ko. Kita ko ang pandidilim ng mata ni Yura akmang susuntukin si Xirenn ngunit mabilis akong pumunta sa kanila saka hinigit si Yura at niyakap. Rinig ko ang singhap ng mga kaklase kong nasa labas ng room. Kita ko ang iba na nagtatakip ng mata tila ba may mangyayaring isang masamang bagay na inaasahan nila. I already ready myself kung ano mang gagawin niya sakin but nothing happened. I distance myself and looked at her. Seryoso siyang tumingin sa akin saka ngumiti. Ngiting puno ng sakit at lungkot. "You are still my damn achilles heel," she said and walk away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD