YURA's POV:
"As usual, dito parin kita matatagpuan." pukaw pansin sa akin ng parating.
Kilala ko ang boses at presensya niya kaya hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng college building.
Standing behind the railings while puffing a cigarette.
Tiningnan niya ang kabuuan ko bago naglakad sa aking tabi.
"Are you okay?" alanganin niyang tanong habang diretyo ang tingin sa kawalan na siya ring tinitingnan ko.
Humithit muna ako sa sigarilyong hawak ko bago marahang bumuga.
"Tingin mo bakit nangyayari lahat ng ito?" walang emosyon kong tanong bago siya tinapunan ng tingin.
Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.
Muli kong itinuon sa unahan ang aking atensyon.
"Bakit kailangang magsama-sama kaming muli? Bakit pagkatapos ng ilang taon makikita ko siyang muli?" mahaba kong sabi tsaka ngumiti ng peke sa kawalan.
"Dahil siguro hindi natapos ang anumang sinimulan ninyo? " he answered.
Peke akong napatawa bago siya tiningnan.
"Matagal ng tapos Lanz. Matagal na buhat ng iwan niya ako at kalimutan." mapait kong wika tsaka tinapon ang hawak kong sigarilyo.
"Dahil hindi mo ipinaliwanag ang lahat. Hindi ka lumaban." sagot niya sa akin.
Napailing nalang ako tsaka tumingala sa langit.
Pinagmasdan ko ang tahimik na kalangitan.
"Paano ako lalaban kung kusa na siyang bumitaw? Paano ako magpapaliwanag kung alam kong may sarili siyang paniniwala? Paano ko gagawin ang mga yun sa oras na iyon?" sabi ko sa kawalan bago pinakawalan ang mabigat na hininga.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko kaya naman natuon sa kanya ang atensyon ko.
Ngumiti siya sakin pero batid ko ang lungkot sa mga ngiting iyon.
"Tara na. Mahuhuli na tayo sa klase." anyaya niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang magpaakay sa kanya dahil pakiramdam ko nanghina ako sa lahat.
TAKEO's POV:
"Pre ayos ka lang?" agad na tanong sakin ni Gavier pagkapasok niya.
Tumango nalang ako bilang tugon habang yung isip ko lumilipad parin sa mga katagang binitawan niya.
Achilles heel?
Paano ako naging kahinaan niya?
Kilala niya ba ako?
Kilala ko ba siya?
"Salamat"
Nakuha niyon ang atensyon ko. Dun ko lang naalala na hinablot ko nga pala si Yura para di siya saktan.
Bakit iba ang pakiramdam ko? Yun nga ba ang dahilan ko? Mayroon sa loob ko na nagsasabi na kaya ko ginawa iyon dahil ayoko siyang makapanakit.
Bakit ko nararamdaman ang lahat ng ito?
Tumango nalang ako sa kanya bago siya iniwan at pumunta sa upuan ko.
Nakita ko naman sa peripheral vission ko ang pag-alis niya palabas ng pinto.
"Pre? Huy?"
Muling natuon ang atensyon ko kay Gavier. Nag-aalala itong nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako para di na siya mag-alala pa.
"Ayos ka lang talaga? Parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sakin.
Napabuntong hininga naman ako bago napatingin sa kanya.
Tama. Kung may mga impormasyon man sa babae na yun si Gavier ang unang-unang makakaalam.
"Ah pre anong klaseng tingin yan?" nandidiring sabi niya.
Agad ko namang inilapit ang upuan ko sa kanya na siyang kinagulat niya.
"May tanong ako" agad kong sabi dahil alam kong kung anu-ano na namang iniisip nito.
Agad kumalat sa mukha niya ang pagtataka pero di siya umimik senyales na magpatuloy ako. Marahil nakita niya sa itsura ko na seryoso ako.
"Gaano mo kilala si Yura? O kahit anong alam mo sa kanya sabihin mo sa akin." sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya bago tumingin na para ba akong nahihibang sa ginagawa ko.
"Jisazz! Don't tell me gusto mo yun?" histeryong sabi niya na agad ko rin namang sinapok.
"Just answer my fvcking damn question Gavier." seryosong sabi ko.
Napabuga naman siya ng hininga bago umayos ng upo tsaka lumapit ng kaunti sa akin.
"Sa totoo lang dude wala akong masyadong alam sa kanya. Masyadong pribado ang buhay niya basta ang alam ko lang hindi naman siya dapat dito nag-aaral even though school nila ito. 1st year college ng ipakilala siya dito ng kapatid niyang si Hirro bilang isa sa may ari ng school na ito."
"Tapos ayun nga, simula palang ganyan na ang personality niya. Masyadong malamig makitungo at dalawa lang ang kinakausap bukod sa mga members nung sorority niya kapag may meetings sila."
"Then nagulat kaming lahat ng sumunod na taon ayun nga nagsimula na ang mga gulo dahil kay Xirenn. Nagulat ako ng makita ko yung ex mo dito that year, hindi ko rin alam kung bakit nagtransfer siya dito dahil pakinig ko isa siya sa mga nangunguna na estudyante dun sa school niyo. Hanggang dyan lang ang alam ko sa kanya brad."
Dahan-dahan kong prinoseso sa utak ko ang mga kwento niya. Wala parin akong nakikita na pupwedeng maging koneksyon naming dalawa.
"Teka sabi mo dalawang tao lang ang kinakausap niya, sino sila?" tanong ko.
Agad niya namang inilibot ang paningin niya hanggang sa tumigil ito sa isang direksyon at ininguso iyon sa akin. Sinunson ko naman mg direksyong iyon at tumambad sa akin yung lalaking nagtanong sa akin kung bakit ako lumipat dito. Nagulat pa ako dahil nakatitig ito sa akin, seryoso ang kanyang tingin pero wala akong anumang emosyon na nakikita sa kanya. Nailang ako sa tingin niya kaya naman muli kong itinuon ng tingin ko kay Gavier.
Kaya siguro magkasundo sila kasi pareho ang personality nila. Tss!
"Tsaka yung kapatid niya si Hirro. Sila lang dalawa." pagpapatuloy ng kaibigan ko.
"Boyfriend niya ba yun?" mahinang bulong ko.
"Walang may alam. Basta ang alam lang namin kilala nila ang isa't isa." kibit-balikat niyang sagot.
"Sabi mo hindi dapat dito siya mag-aaral? Saan ba siya napasok dati?" taka kong tangon.
Napangiwi naman muna siya bago muling lumapit sa akin.
"Yun nga pre ang pinagtataka ko sayo kung bakit hindi mo siya kilala." diretyong sabi niya.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.
"Kilala nga siya ni Xirenn tapos ikaw hindi mo siya kilala. Nakakapagtaka." muli niyang sabi.
"Teka teka. Ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan?" pigil ko sa kanya.
"Eh kasi dude sa Lorencio din siya galing dati. Yes sa school na pinag-aralan mo, niyo ni Xirenn. At sa pagkakarinig ko, lavander ang section niya dati bago siya lumipat papunta dito. Hindi ba naging lavander ka rin?" puno ng pagtataka niyang tanong.
Wala sa sarili akong napatango.
"Pero wala akong matandaan na naging kaklase ko siya" ..sabi ko.
"Kaya nga nagtataka ako. Imposible din naman na di mo mapapansin yung ganung mukha. Kahit pa sabihing cold yun, damn man she's still hot and beautiful." pagpapaliwanag niya.
He's right. Imposibleng di ko siya matatandaan kung naging kaklase ko man siya pero wala talaga. Tanda ko lahat ng mga naging kaklase ko including Xirenn. Lavander ang section name namin nung 4th year kami, at dun kami nagsimula ni Xirenn.
"L-Lanz" utal na wika ng katabi ko kaya naman nawala akong muli sa pagmumuni-muni. Dun ko lang napansin na nasa harapan namin yung lalaking tinutukoy ni Gavier kanina.
Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig kay Gavier at sa akin.
Ramdam ko ang takot ng katabi ko.
"You have no rights to speak about her ni kahit ang pangalan niya." malamig at seryosong sabi niya sa amin.
Ang kaninang medyo maingay na paligid ay literal na natahimik ngayon at nasa amin ang atensyon. Kung paano sila matakot kay Yura ay ganun din sila sa lalaking nasa harapan namin.
Dahan-dahan niyang itinuon ang paningin niya sa akin. Umangat ang kabilang gilid ng labi niya tsaka sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.
"Nakakatawang isipin na gusto mong alamin ang lahat tungkol sa kanya gayong ikaw naman ang may gustong kalimutan siya. Tsk! Kung pwede lang kitang saktan ay nagawa ko na." sabi niya sabay talikod sa amin at lumabas.
"What..was..that?" dahan-dahang wika ng kaibigan ko.
Hindi ako makasagot dahil kahit ako hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
Si Yura ba ang tinutukoy niya? So kilala ko talaga siya?
Pero bakit wala akong matandaan?
Tila napako ako sa kinauupuan ko ng may pumasok na ideya sa isipan ko.
Hindi kaya siya rin yung babaeng yumakap sakin?
Pero imposible. Masyadong malaki ang pagkakaiba nila. Masyado siyang malamig at walang pakialam samantalang yung babae naman ay ramdam ko ang lahat ng emosyon niya. Ramdam ko ang lambing at sakit niya ng mga panahon na yun.
Pagkatapos ng ilang minuto ay napansin ko ang muling pagpasok ni Xirenn sa klase. Madilim ang mga mata nito senyales ng nag uumapaw na galit sa kanyang emosyon. Diretyo itong umupo sa kanyang silya tsaka tinawag yung dalawang babae. Tanda ko ang mga babae na yun, iyon din ang mga babaeng kasama niya sa cafeteria nung unang araw ko.
Seryoso silang nag-uusap, maya-maya pa ay kinuha ni Xirenn ang kanyang telepono. Saglit pa ay napansin kong may kinakausap na ito doon.
Ngayon ko lang syang nakitang ganito. Nagbago ba siya o ito talaga siya?
Masyadong mahinhin at mabait ang Xirenn na nakarelasyon ko noon. Kaya nagulat ako mula ng pumasok ako dahil sa ganitong aksyon niya.
Muling napukaw ang atensyon ko sa may pintuan.
Hindi ko alam kung bakit pero masyadong nakakainit ng ulo ang nakikita ko.
Mistulang nakaalalay si Lanz kay Yura habang pareho silang walang emosyon.
Tsk! Bagay nga sila. Mga yelo.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maiupo niya si Yura sa unahang upuan ko. Kitang-kita ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok nito tsaka pa umalis para pumunta sa pwesto niya, pangatlo sa likuran ko.
Ibinaling kong muli ang atensyon ko sa unahan. Pasimple kong pinagmamasdan ang likuran ng nasa harapan ko.
Wala talaga akong maalala na nakilala kita. Base sa mga salita mo at salitang ng boyfriend mo mukhang kilala kita.
"Wag mo akong tingnan"
Nagulat ako nang magsalita siya nang di ako nililingon.
Teka? Assuming naman siguro ako kung iniisip kong ako yung sinasabihan niya.
Inilibot ko ang aking tingin sa gilid niya at harapan pero wala akong napansin na kausap niya o nakatingin man sa kanya.
Bumalik ang atensyon ko sa likod niya. Ash blonde ng kulay ng buhok niya, biruin mo ng naman pwede dito ang kahit anong kulay ng buhok. Hanggang balikat ang kanyang buhok, tama lang para sa kanya.
"Stop staring at my back Takeo or else I'll kill you" mahinang sabi niya sapat lang na marinig ko.
Napatuwid naman ako sa kinauupuan ko at mabilis na tumungo.
How the heck did she knew?
Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na ang klase namin. Naging maayos naman ang maghapon naming aralin. Mukhang walang gera ngayon sa dalawang panig na siyang ipinagtataka ko.
Di ko maiwasan na matuon kay Yura ang atenyon ko pero agad ko rin namang iniiwas dahil sa takot na baka mapansin na naman niya.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang ako nagkalakas ng loob na tagalan ang tingin sa likuran niya bigla.
"I said stop" muli niyang banta.
Nagugulat man dahil sa kakayahan niyang pakiramdaman ako ay hindi ko inalis ang tingin ko hindi tulad kanina.
Dahan-dahan niya akong nilingon. Ayun na naman ang malalamig niyang tingin na nanunuot sa kaluluwa ko.
"Shall I kill you now?" pormal niyang tanong na para bang hindi bigdeal ang kamatayan ko.
Napalunok naman ako sa banta niya pero nagawa ko paring maging matapang.
Nasisiraan na ata ako ng ulo, hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ako ng lakas ng loob.
"Alam ko di mo gagawin sakin yun, hindi mo ako sinaktan kahit alam kong kaya mo." pinilit ko mang magtunog balewala iyon pero hindi parin nakatakas sa tono ko ang pagiging sinsero.
Ramdam ko ang pagkatigil niya pero agad rin siyang nakabawi.
Saglit siyang ngumiti sa akin na siyang ikinatigil ng hininga ko. Hindi dahil sa natuwa ako sa ngiti niya kundi parang may kumurot sa puso ko.
Ramdam ko ang lungkot at sakit sa ngiti at mata niya.
"Wag kang pakakasigurado. Lahat nagbabago." wika niya sabay tayo.
"Class dismissed" saktong anunsyo ng gurong nasa unahan.
Kita ko ang mabilis na paglapit sa kanya ni Lanz. Kinuha nito ang bag niya at sumabay ng paglalakad sa kanya palabas.
Tsk! May boyfriend na may alalay pa. Psh!