CHAPTER 3

1722 Words
Naging maayos naman ang mga sumunod na klase namin kahit nandun parin ang tensyon sa loob. Kung suswertihin ka nga naman kasama ko pa siya sa isang silid. Wow. Napakaswerte. Tss! *note the sarcasm* . "Class dismissed" ..anunsyo ng huli naming lecturer. Yes makakauwi narin. Nalugaw ang utak ko sa klase ni Miss. "Gala tayo?" yaya ni Gavier. Nag umpisa nang mag ingay ang mga kaklase ko nang tuluyang makalabas ang huli naming guro. "Ano brad? San tayo?" tanong niya sakin habang taas baba ang dalawa nitong kilay. Psh! parang kanina lang kung makapagdrama siya todo. "Diretyo uwi na ako. Inaantay na ako ni Zakhira. Hindi ko kasi siya napuntahan kaninang lunch." sagot ko saka pinagpatuloy ang pag aayos ng aking gamit. "Ang daya naman. Sige sige mauna na ako. Mag aarcade pa kami eh." pamamaalam niya saka dali daling umalis. Napailing nalang ako sa isip ko. Happy go lucky Gavier as usual. Wala paring nagbabago sa kanya. "Can we talk?" nabigla ako ng nakita ko sa aking harapan si Xirenn. Seryoso itong nakatingin sakin. "What for?" walang emosyon kong tanong. "10mins" agad niyang sagot. Napabuga nalang ako ng hininga. Gamay ko na ang ugali niya, hindi siya titigil hanggang hindi niya nagagawa ang gusto niya. "Where?" yun nalang ang nasabi ko. Nakita ko naman ang pagngiti niya kahit pa malungkot ang mga mata niya. "Tara sa mamian." nakangiti niyang sabi saka isinakbit ang braso niya sa braso ko. Hindi na ako tumutol pa dahil ayoko na makipagbangayan sa isang ito. (Mamian ni Aleng Loleng) "Nanay Loleng dalawa nga pong jumbo. Saka 2 pong mountain dew!" sigaw ni Xirenn ng narating namin ang lugar. Pasimple kong inilibot ang aking paningin. Wala paring pinagbago ang lugar na ito. Eto parin ang lugar na palagi naming pinupuntahan nung mga panahong magshota pa kaming dalawa. "Oh? Si Takeo na ba ito?" gulat na tanong sakin ni Manang. Ngumiti naman muna ako sa kanya. "Ako nga po nanay" nakangiti kong tugon. "Ay naku iho ano gang pagkakalaki mo na. Halos hindi na kita nakilala ah? Kung hindi mo lang kasama si Xirenn ay mapapagkamalan kong ibang tao ka. Ang ganda mo ng binata ah?" sunud-sunod na sabi ni Manang. "Hehe. Nanay naman nahihiya na si Takeo ohh masyado niyo na napupuri nay baka lumaki na ulo niyan." ..tugon naman ni Xirenn sa mga sinabi ni Manang. "Aling ulo ba ineng ang lalaki? Hahaha!" biro ni Manang na siyang ikinapula ng buo kong mukha. "Haha! Nay naman siyempre yung nasa taas. Tingnan niyo tuloy si Takeo namula sa kahihiyan." kantyaw ni Xirenn sa akin. Hindi naman ako nakapagreact agad. "Haha! Kayo naman ay binibiro ko lamang. Ngayon ka lang ulit nakapasyal Xirenn na kasama si Takeo ahh? Mabuti naman at magkasama na kayong dalawa akala ko'y naghiwalay kayo dahil di na kayo magkasamang pumunta eh." natatawang sabi ni Manang. Hindi naman kami nakapagreact agad. "Haha! Nay naman kung anong iniisip. Eto po kasing si Takeo nay, nagpunta ng Japan kaya hindi ko siya nakakasama pagpunta dito." ramdam ko ang pilit niyang pagiging masigla sa kabila ng mga sinasabi niya. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin saka ako saglit na nginitian. "Naku naku kayo talagang mga bata kayo. Ay siya sige maiwan ko na kayo, antayin niyo nalang ang inyong mami ha." puno ng galak na sabi ni Manang. Nakangiti nalang kaming tumango sa kanya bago ito umalis. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin ng makaalis si Manang. Eto ata yung sinasabing awkward. "How's life in Japan?" pagsisimula niya ng usapan. "Ayos lang." tipid kong sagot. "B-bakit ka bumalik?" alangan niyang tanong. Napatingin naman ako diretyo sa kanya na siya naman niyang iniwasan. Kinutikot niya lang ang kanyang mga kamay. "Family matters" simpleng sagot ko. "Ahhh.." tangi niyang sabi na para bang nalungkot sa sinagot ko. Nabigla ako sa sunod niyang binitiwang salita. "Paano kung wala mga family matters ek ek. Babalik ka pa ba?" tanong niya saka tumingin sa akin. Ako naman ang nag iwas ng tingin. Babalik pa nga ba ako? "Hindi na siguro." sagot ko. "Hindi mo na ba ako mahal?" agad niyang tanong. Mahal pa nga ba kita? Pero hindi iyon ang nakakapagpagulo ng sistema ko. Sa ilang taon kong pananatili sa Japan natanong ko ang sarili ko kung minahal ko nga ba siya. Napahinga naman muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya. "Hindi ko alam." yun lang ang nasagot ko kasi yun naman talaga ang totoo. Ayokong magsinungaling. Malaki siyang parte sa buhay ko. Sa loob ng isang taon ay marami kaming pinagsamahan na dalawa. Kanina nung nakita ko siyang sinakal ay gusto ko siyang tulungan pero hindi ko parin maiwasang magalit sa kanya at maghinanakit. "Can we fix it?" she sound begging at this point. "Look Xirenn, how can we fix something that was fully destroyed?" balik kong tanong sa kanya. Hindi naman siya nakaimik pa. "Galit parin ako sayo sa totoo lang. Alam mo kung gaano kita pinahalagahan Xirenn at alam mo rin kung gaano ko kamahal ang magiging..." tila nagbara sa lalamunan ko ang mga salitang gusto kong bigkasin. Parang bumalik yung sakit na naidulot sakin dalawang taon na ang nakakalipas. "anak natin." pagtatapos ko habang pigil pigil ang mga luha ko. Narinig ko ang paghikbi niya. Xirenn is now crying in front of me. "I'm sorry. I'm sorry for being selfish hon. But please do understand." pakiusap niya habang hinahawakan ang mga kamay ko. Mabilis ko namang tinabig iyon. "How Xirenn? How can I understand you? How can I understand that the mother of my child to be was the one who killed him. Ohh? What should it be? A he or a she? Haha??" sinubukan kong tumawa pero alam kong hinanakit lang ang maririnig sa pagtawa ko. "You aborted our child Xirenn. You killed the half of us." puno ng hinanakit kong sabi. "Sobrang bata pa natin nun Takeo. We are not yet ready to face the responsibilities. " giit niya. Galit ko naman siyang tiningnan. "Oo Xirenn bata pa ako nun pero hindi ibig sabihin hindi pa ako handa sa mga responsabilidad ko. Kaya ko kayong buhayin Xirenn, kaya kong buhayin ang magiging anak ko." sagot ko rito. "And what? Aasa sa mga magulang mo ganun ba?" tila di makapaniwala niyang sabi na para bang sinisira ko ang buhay ko. "Why not Xirenn? Mas mahalaga yung anak ko kumpara sa kahit anong bagay sa mundo!" hindi ko maiwasang hindi sumigaw kaya naman nakuha namin ang atensyon ng lahat. Muli naman siyang napahikbi sa tinuran ko. "I'm sorry Takeo. Please lets fix this." ..muli niyang pakiusap. "Alam mo ba kung gaano kasakit ang lahat sakin Xirenn? Alam mo kung gaano ako kasaya nung nalaman ko na buntis ka sa kabila ng haharapin nating problema. Alam mo kung gaano ko minahal ang anak natin kahit dugo palang siya. Bakit Xirenn? Bakit napakadali lang sayo na..Na..." halos hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil napakasakit parin sakin ng ginawa niya. "Patayin ang sarili nating anak." siya na ang nagtuloy sa salitang gusto kong bitawan. "Why Takeo? Tingin mo hindi naging mahirap sakin ang desisyon kong iyon? Nasa tyan ko siya, halos dugo ko ang dumadaloy sa kanya. Bawat pintig niya ako ang nakakaramdam. Tingin mo ba hindi naging mahirap sa akin ang desisyon kong iyon? Sobrang sakit din sakin ng ginawa kong iyon Takeo. Nanay niya ko kaya masakit sakin ang lahat. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang lahat, na kung hindi ko ba pinagkait sa kanya ang mabuhay ano kaya siya ngayon? Isa bang magandang babae o gwapong lalaki. T*ngina. Masakit din sakin ang lahat." ani niya habang patuloy sa pag-iyak. I can't utter any words. "Pareho tayong nasaktan siguro nga. Pareho tayong nawalan pero hindi mo ko maiiwasang sisihin ka sa lahat Xirenn. Dahil lahat ng ito nangyari dahil sa maling desisyon mo." yun nalang ang nasabi ko at nilisan ang lugar na yun. Dalawang taon na baby. Dalawang taon na mula ng nawala ka sa akin. I'm sorry baby dahil wala man lang akong nagawa. "AAAHHHHHHHH!!!!!!" ..sigaw ko nang makarating ako sa isang open field. Doon ay hinayaan kong umagos ang luha ko. Napaupo nalang ako sa aking kinatatayuan dahil nanghihina ako sa pagbabalik tanaw. "WALA KANG KWENTA !! WALAAA!!" ..I shouted and cried in pain. Sumigaw akong muli saka sinimulang pagsusuntukin ang sahig. Bakit ganun ka nalang nawala baby? Ganun nalang ang gulat ko nang may yumakap mula sa likuran ko. "Wag kang haharap. Please. Just let me hug you." ani niya nang subukan kong lumingon. Her voice. She seems familiar pero hindi ko matandaan. "Who are you?" tanong ko sa gitna ng paghinga ko. "Just call me love." malumanay niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay unti-unti akong hinihila ng mga yakap niya sa kapayapaan. "Are you okay now?" she asked. I nodded. "How can a simple hug calmed me down?" I uttered. "Maybe because you feel at ease in my arms." she mumbled. "Why do I feel like I know you?" I stated. "Because you really do... but you chose to forget me." puno ng lungkot niyang sabi na siyang ikinagulat ko. I know her? "I'm leaving. Please don't turn. Aishiteru Love ." she said as she quickly ran away. Aishiteru Love.. Aishiteru Love.. Aishiteru Love.. Gusto ko sana syang habulin ngunit bigla nalang sumakit ang ulo ko kasabay ng mga ilusyon o ala-alang hindi ko alam kung totoo. "Hi love" salubong niya sakin saka ako hinalikan. "Imissyou love" sabi ko naman sa kanya saka siya niyakap ng todo. Napatawa naman siya sa ginawa ko. "Aww. Miss na miss na ako ng mahal ko. I'm sorry love ngayon lang kasi kami bumalik galing vacation." malambing niyang paliwanag. "No boys hunting love?" naniniguradong tanong ko na siya namang ikinatawa niya. "Why would I hunt for other boys? I'm contented with you love." nakangiti niyang wika saka ako niyakap ng mahigpit. Wala na akong nagawa kundi ngumiti. "Aishiteru Love" puno ng pagmamahal niyang sabi. I cupped her face and kissed her forehead. "Iloveyoutoo Love." I replied and hug her tight. The memories are clear but her face is blurred. What was that? "Siya ba yun?" hindi ko maiwasang sabihin. Pero kung siya yun bakit ko siya kinalimutan tulad ng sinabi niya??? But I'm sure it was not her. Because all of my blurred memories was with Xirenn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD