Chapter 3: Payback

3763 Words
"`Yong sa South bus. Nandito na tayo! Oh, baba na.” Nagising ako sa lakas nang sigaw nung konduktor ng bus. Nagmulat ako ng mata at sa pagmulat ko ng mata, doon ko lang naramdaman na may mabigat na ulo na naka sandal sa balikat ko. Aba! Sino naman ang halimaw na naka sandal sa balikat ko?! Napasinghap ako at lumunok ng laway. Naku, naman ang bango naman ng lalaking ito. Kung sino man ang lalaking katabi ko ngayon, manghingi ako ng perfume. Aba! ‘di na libre ang pagsandal ng balikat ko, noh! Tumikhim ako at ginalaw-galaw ko ang balikat para gisingin ang mabangong lalaki ito. Sayang-saya pa yata siya na naka sandal ang ulo niya sa akin. Bakit ba kasi naka cap siya hindi ko tuloy makita ang mukha niya, baka panot 'to. Panot na mabango. Natawa ako sa isipan saka umiling. "Oy! Gising!” Ginalaw ko ulit ang balikat ko. Ungol lang ang sagot niya at mas lalo pa niyang dinutdot ang sarili niya sa akin. Shitness! Ang bango talaga ng lalaking' to. "Oy! Ano ba!" Sinundot ko ang tagiliran niya kaso walang epekto. Wala bang kiliti ang lalaking' to? Di man lang nagising. Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at niyakap ako sa bewang at mas nakapawindag sa akin dahil ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Waaah! B-Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Kinabahan ba ako? putakte nanindig ang balahibo ko sa lalaking' to. Itutulak ko na sana siya nang maalala ko ‘yung perfume, Meghad! Kundi lang sa perfume kanina ko pa sinuntok ang lalaki na ‘to. Makikita niya ‘di lang perfume ang hihingin ko sa kanya pati na rin yang cap niya sa ulo--- Wait! matignan nga mukha ng lalaking sandal na sandal sa akin. Akala mo talaga jowa ko siya, Aba! Swerte niya naman nayayakap niya ang ka-sexy-han ko. Baka sobrang chaka niya, kasing panget niya si Escarias na kapit bahay namin. Dalawa lang ang ngipin sa harap at puro na gilagid. Sobrang laki pa ng mata at parang adik dahil sa sobrang payat na parang walis tingting sa kapayatan. Dahan-dahan akong yumuko para silipin ang mukha niya. Lumunok ako nang makita ko ang sobrang tangos niyang ilong, yumuko pa ako ka-onti at sunod kong nasilip ang heart shape niyang lips. Dre! Sobrang pula. Pakshet! Dinaig pa labi ko ng lalaking' to ah! Yumuko pa ako lalo at konti na lang makita ko na ang buo niyang mukha, kaso bago ko pa makita ang buong mukha niya, biglang nagsalita ang konduktor ng bus, na kakalapit lang. "Kayong magkasintahan, hindi ba kayo baba?" Napa-ayos ako ng upo at tinignan ang kondoktor na may matamis na ngiti sa labi ko. Kinikilig pa yata si kuya sa porma namin ng katabi ko. "Saan na po ba ito?" Tiningnan niya muna ang katabi ko at balik ulit sa akin bago siya sumagot. "Nasa South bus na ito. Baba kayo?” "Ay! Naku! Kuyang konduktor, sa palengke pa kami baba.” Actually ‘di naman talaga sa palengke ang babaan ko. Kung hindi, doon naman talaga sa Guadalupe City. May bibilhin lang kasi ako doon sa palengke. Kailangan ko bilhan ng pasalubong si papa at ang kapatid kong lalaki bago ako uuwi sa amin, kahit kapos ako sa pera. "Ganon ba, paki gising na lang iyang boypren mo dahil malapit na tayo sa palengke." Teka anong boypren?? aangal pa sana ako at sabihan siya na hindi ko boyfriend itong katabi ko. Ngunit umalis na si kuyang konduktor. Napakamot na lang ako ng ulo. Kunsabagay nakayakap ang lalaking ito sa akin kaya napagkamalan kaming mag boyfriend at girlfriend dalawa. Hay! Buhay nga naman. Humangalumbaba ako sa upuan. Hindi ko na lang din sinilip ulit ang mukha ng katabi ko. Ilang ulit ko rin siyang ginising kaso tulog mantika talaga, iniisip ko nga na nananching lang siya sakin at nagkunwari lang na natutulog kaso hindi e. Natutulog talaga siya, rinig na rinig ko ang pag hilik niya nang mahina. Napapa-isip tuloy ako sa mukha niya. Kahit ang lips at ilong lang niya ang nasilip ko, tama na siguro ang salitang gwapo sa kanya. Mukhang mayaman rin siya dahil branded ang damit at pantalon niya, lalo na ang kanyang leather jacket na itim. Mabilis lang ang takbo ng bus. Hindi na nga ako makapaghintay na hihinto ang bus sa palengke. "`Yong pamasahe niyong dalawa ng boypren mo iha, malapit nang hihinto ang bus,” sabi ng kundoktor sa akin. Bumalik pa talaga siya. Pakengshet! Babayaran ko ba ang sarili ko? Lintik kailangan kong dumiskarte. Kulang na nga ang pera ko ngayon para pambayad ng utang namin tapos mabawasan pa ng 300 pesos para pamasahe. Nako ang laking sayang talaga. "`Yang boyfriend ko po ang mag babayad sa akin.” Nagkamot ako ng ulo. Aba! Nangangalay na kaya itong balikat ko kakasandal niya kaya dapat lang na siya ang magbayad sa akin. At saka kareerin ko na pagiging boyfriend niya kuno sabi ng kkondoktor. Tinamad akong umacting kaya hinahon muna ako. "Pakigising na lang siya, iha babalikan ko kayo rito.” Umalis na ‘yong kkondukto. Syempre dahil sobrang talino ko, hindi ko gigisingin ang lalaking' to. Nasa plano ko iyon. Kapag gigisingin ko ang lalaking katabi ko, patay ako sa pag sisinungaling ko nito. Edi, nabuking na ang ka-sexy-han ko. `Di nagtagal bumalik ulit si Manong konduktor para singilin ulit ang pamasahe ko at ng lalaking katabi ko. "Manong konduktor, ang hirap gisingin ng boyfriend ko,” sabi ko. Tinapik ko pa ang balikat ng katabi ko na parang nilambing ko siya. Napa iling naman ang konduktor sa ka artehan ko. "Wala ka bang pera diyan, Iha? para hindi na maistorbo ang boypren mo. Ikaw na lang muna ang magbayad ng pamasahe niyong dalawa.” Mabilis akong umiling. Ang swerte naman babayaran ko ang taong ‘di ko kilala. Ha! Asa siya! "Nasa kanya ang pera ko e! Pinahawakan ko sa pinakamamahal kong boypren. " Ngumuso ako. "Kung ganon, gigisingin na lang natin siya para makapagbayad ka na." Akmang gigisingin na sana niya ang katabi ko nang pinigilan ko siya. "`Wag niyong gisingin!" "Bakit?" "Pinagod ko ‘yan kagabi. Alam mo naman, tao lang kami, naghahanap din nang malalabasan." Namilog ang mata ng konduktor. Ano kaya ang iniisip niya, pfft.. "Juskong bata ka! Napaka bata niyo pa para gawin ang bagay na iyon.” "Ano naman po ang masama ro’n? nilabas ko lang naman ang nasa…" Huminto ako at pinalapit ko ang tenga niya para marinig niya ang idudugtong ko, na sinunod niya naman " na nasa kaloob-looban ko." Agad siyang napalayo sa ‘kin. "Mga kabataan talaga ngayon, para sa kanila wala lang ang bagay na ‘yon. Kailangan pa ng sagrado sa panginoon bago niyo pasukin ang bagay na ‘yan.” Bulong niya na rinig ko naman. Sinundot ko ang tagiliran niya na ika-igtad niya. "Ginulat mo naman ako, iha.” Nginitian ko si manong. "Diba hindi naman masama ‘yon?" tanong ko na ika-iling niya nanaman. "Masama iyon, hindi pa kayo kasado.” Napahawak ako sa puso ko para kunwari nasasaktan ako sa sinabi niya. "Masama ba na maglabas ng sama ng loob sa kanya. Nagtaksil sa akin ang boyfriend ko kaya kinarate ko siya, dahilan kaya siya napagod. Sinasangga niya bawat atake ko kagabi kaya masama ba na maglabas ng loob sa kanya,Manong? Masama ba ‘yun?” Nataranta naman si kuyang konduktor dahil naglabasan na ang mga luha kong peke. Sinabi ko ba kanina na tinamad akong umacting? Pwes! binabawi ko na. "Naku! Huwag kang umiyak,Miss. Hindi ko naman alam na iyan pala ang ibig ipahiwatig mo. Akala ko kasi---" "Akala mo ginawa na namin ang ginagawa nang mag-asawa gabi-gabi. Mahal ako ng boyfriend kong ‘to" tinuro ko ang katabi ko. Tumayo ako sa pagkaka-upo para makipagpantay kay kuyang konduktor na ngayon napakamot na ng ulo at taranta akong pinapatahimik. Nawala na nga sa isipan ko na nakasandal pala ang katabi ko sa balikat ko, na untog tuloy ang ulo niya sa sandalan dahilan nang paggising niya. "Patay…" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sobrang katangahan. Mukhang mapawalang bisa ang pag-acting ko pakengshet! "Darn it!" daing ng katabi ko, naka yuko pa siya habang hawak ang noo niya na nauntog. Putakte wala na talaga, wala na akong lusot. Nagising na siya, nagising na ang katabi ko. Mukhang dito na mag.tatapos Ito. "Iha, gising na ang boypren mo. Pwede ka nang magbayad ng pamasahe. Nandito na tayo sa palengke at saka pasensiya sa maling pag-intindi ko sa ng sinabi mo.” Napahilamos ako sa mukha at bumuga ng hininga. Binalingan ko ng tingin si manong konduktor na naiiyak pa ang mukha. Sunod ang mga tao na nasa bus. Nagtitinginan na sa akin at kay Manong na para bang naghihintay silang magsasalita pa ako. 'Hingang malalim Shin makakalusot ka tiwala lang' pampalakas ng loob. "Iho, bayad niyo. Nandito na kayo ng girlpren mo sa destinasyon ninyong dalawa." Tinapik niya ang balikat ng lalaking katabi ko pagkatapos sumigaw siya "O! ‘YONG SA PALENGKE NG TERMINAL BABA, LABAS NA!!" Nagsilabasan na ang mga tao. Susunod rin sana ako sa paglabas nang tinawag ako ni kuyang konduktor. "Iha, Huwag ka munang baba, hintayin mo muna itong boypren mong makapagbayad.” Para akong walang na rinig dahil dere-deretso lang akong naglakad. Pagdating ko sa hambahan ng pinto, plano ko na sanang tumakbo nang marinig ko ang inis na boses ng lalaking katabi ko kanina. "Sino ba iyang sinasabi mong girlfriend ko? Wala akong girlfr---" Napatigil siya sa pagsasalita nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Para yatang nabuhay ang lahat nang dugo ko sa katawan, pati lamang loob. Tapos ang lahat ng tao sa paligid namin biglang nag laho. Naramdaman ko rin ang apoy na lumalabas sa likod ko, para bang naging super sayan ako bigla. "Hoy! Ikaw!" Bumalik ako sa kinaroroonan nilang dalawa habang tinuturo ang lalaking magnanakaw ng halik, na may ganang bayaran ako ng five thousand. Siya pala ang lalaking nakasandal sa balikat ko kanina pa. Aba! maswerte, naka dalawa na ang kumag sa panananching sa akin. Kung alam ko lang na siya pala ang lalaking katabi ko. Kanina ko pa siguro siya sinipa at itinapon sa bintana ng bus. "Your are familiar." Nagksalubong ang kilay niya. Penamewangan ko siya saka taas noong tinignan. Sarap hambalusin ng hayop na lalaking ito. May gana pa siyang sabihin na familiar ako sa kanya, Eh! Gago pala siya e! Hindi niya maalala ang babaeng hinalikan niya sa comfort room. "Ugok mo rin noh! Hindi mo' ko maalala?” Tinuro ko ang sarili ko, tanging salubong ang kilay ang naging reaksyon niya. Nagkibit balikat siya at walang emosyon akong tiningnan. "Ako yong babaeng---" "Mukhang pera at mahirap" Walang ganang putol niya sa akin. "Naalala na kita. Nice meeting you again.” Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan napunta sa utak ko. Para na talaga akong sasabog sa galit. Ang sarap niyang sakalin, nangigil talaga ako sa demonyong lalaki na ito. "Anong sabi mo? Ako? mahirap at mukhang pera?" hindi makapaniwalang sabi ko. "For your information, lalaking masyadong arrogante at mata-pobre. Mahirap man ang pamumuhay ko. Huwag mo akong maliitin. Akala mo kung sinong mayaman. Nag bu-bus ka lang naman at hindi ako mukhang pera!" "I have many ca---damn! Wala akong ganang pumatol sa mga baliw!” Nag- iwas siya nang tingin at bumulong- bulong na hindi ko rinig. "I have fifty brand new, sports car, baka kainin mo ‘yang sinabi mo tss." "Anong binulong-bulong mo riyan? Nareralize mo na ba na isa ka lang ding mahirap na katulad ko. Nakakahiya naman sa iyo, ang kapal mong humusga ng mahirap. E, isa ka lang din namang mahirap. Malay natin isa ka pa lang magnanakaw kaya ka nakasuot ng mamahaling damit!" "What did you say?" Kung kanina parang wala lang siya pake sa mga sinasabi ko, ngayon kita ko ang iritasyon sa mukha niya. "Isa kang magnanakaw, kaya ka nakasuot ng mamahaling damit at magnanakaw ka rin nang hali---" "Kayong magsyota. Doon na kayo sa ibaba mag-away, lalarga na ang bus, naka-istorbo na kayo sa mga tao," sigaw ni manong driver. Doon ko lang nalaman, lahat pala nang tao sa bus. Nakatingin na sa amin at kinukuhanan na kami ng picture at video. Gamit ang mahaba kong buhok, ginamit ko para takpan ang buong mukha ko. Putek, kakahiya ‘yun ah. "Ang gwapo ng lalaki." "Parang artista ang guy." "Parang nakita ko na siya." "Girlfriend niya kaya ang babaeng iyan?" "Ang swerte ng babae. Ang gwapo ng jowa." "Panigurado ako magvi-viral ang video na ‘to.” Jusko nakakita lang ng gwapo at magandang nag-aaway vinideo na kami, grabeng kakahiyan' to. Grabeng kapalastanganan. "Pre, hindi pa nakakabayad ang dalawang mag- girlpren at boypren na'to e!” sabi ni kuyang konduktor. Lumapit si manong driver sa amin. Double dead na talaga ako nito , Oh, Lord! Lamunin mo na ang kagandahan ko. "Can you fuckin' drop your all phone. Stop taking us some freaking pictures!" iritang sigaw ng lalaking napaka arogante, na sinunod naman ng mga tao sa bus. Sinout niya ang hood niya at tinignan ako nang masama. "Kapag nahanap ako ng matanda, malilintikan ka sa ‘kin, '' sabi niya na may halong banta sa pananalita. Ang sama niyang makatingin sa akin, para bang sobra laki nang nagawa kong kasalanan sa kanya. Nakipagtigasan rin ako ng tingin sa kanya. Tinatakot niya ako ? Baka gusto niyang mapahiya. Makikita mo talaga. Umupo siya pabalik sa upuan, napatayo kasi siya kanina. "Kayong magkasintahan, tama na ang LQ magbayad na kayo ng pamasahe niyo at bumaba na kayo para maka-alis na kami, " inip na saad ni manong driver. "Hindi ko siya girlfriend! Wala akong girlfriend na baliw." Nanlaki ang mata ko. Aba! Kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Wala rin akong boyfriend na asal aso ang ugali, mata-pobre. Oo gwapo siya pero ang sama ng ugali. Nakipagtitigan muna ako sa lalaking napakaarrogante na masarap ipakain sa unggoy ang mukha, bago ako bumaling sa konduktor at kay manong driver. Ginamit ko ang maluha-luha kong mga mata. Suminghot-singhot ako “Alam niyo ba ang lahat. Napakasadista ng boyfriend kong 'to. Tingnan niyo! Tingna niyo ang ginawa niya, ang sama niya, ipinagtabuyan niya ako. Pinapahiya niya ako sa inyong lahat” Humikbi ako, para kunwari nasasaktan talaga ako. “ Ayaw niyang aminin na girlfriend niya ako. Kinakahiya ako, masakit talaga, ang sakit sobra. Ilang beses na niyang ginawa ito sa akin. Parati na lang siyang nnakukunwari na hindi ko siya boyfriend. Kinakahiya niya ako, kasi mahirap lang ako….Tapos siya…" Pinahid ko ang naglalabasan kong pekeng mga luha at lumuhod sa harapan ng lalaking hindi maka galaw sa upuan niya. Para siyang nabato sa mga narinig niyang kasinungalingan sa bibig ko. "Lahat ng pera ko gawa nang sweldo ko bilang taga-bantay bata 163 sa kapit bahay namin, nasa sa’yo. Binigay ko sa’yo kasi mahal kita. Lahat gagawin ko para sa’yo aking sinta. Lahat ng pera ko binigay ko sa’yo, para makabili ka ng mga damit na mamahalin kahit malupit ka sa akin, tiniis ko lahat para sa'yo." Hinawakan ko ang kamay niya na parang walang buhay at idinikit ko sa pisngi ko, para mas lalong maging makakatotohanan ang acting ko. "Diba sabi mo, iha, pinapahawakan mo ang pera mo sa kanya at sabi mo rin mahal ka ng boypren mo. Saka anong sabi mo na mag nanakaw ang boypren mo, kaya naka bili nang mga damit? Pinagloloko mo yata kami. Baka ‘di mo talaga siya boypren." Natigil yata ang mga luha ko sa pag agos dahil sa sinabi ni kuyang konduktor. Piste naman oh! panira nang eksena itong si kuyang konduktor, pero hindi ako magiging Shin kundi ako magaling lumusot. "Ganon na nga e! Nagawa ko siyang pagtakpan sa kabila nang kasamaan niya, sobra ko siyang minahal. Kahit kaluluwa ko inaalay ko na sa kanya para hindi niya ako iwan, pero wala pa ring pinagbago. Kinakahiya niya pa rin ako.” Umiyak pa ulit ako at pa iling-iling na binalingan ang lalaking nalulon yata ang dila dahil hindi na talaga siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin na salubong ang kilay, pinaglalaruan niya pa ang labi niya habang titig na titig sa akin. Napa-iwas tuloy ako ng tingin sa mapupusok niyang titig. Putcha! Ang gwap---este ang panget niya sobra. Ano kaya ang iniisip ng lalaking 'to? Napa-iling ulit ako saka pinalungkot ko ang mukha ko at may patakip-takip pa ako sa bibig para pigilan ang pag hikbi ko 'kuno'. "Martyr na kong martyr mahal ko talaga siya nang sobra. Tanggap kong isa lang akong walang kwentang girlfriend para sa kanya. Masakit na ang mga pinagdaanan ko sa mga kamay niya. Hindi niya alam na may sakit ako sa puso" Hinawakan ko ang dibdib ko at nagkukunwaring nahihirapan akong huminga. "Oh my god! Ang gwapo pa naman nung guy tapos masama pala ang ugali. Nakakatakot naman." Marami na ang nagbulongan. Napangiti tuloy ako nang palihim. "Kapag mamatay na siguro si girl diyan na magsisi ang gwapong lalaking iyan." Mas lalo akong napangingiti nang napapikit ng mariin ang lalaking kaharap ko. Hiyang-hiya na siguro siya sa kaloob-looban niya. "Tama na iyan iha, nahihiya na ang boypren mo sa’yo." - manong driver Yes! Sucess! Nagngiting tagumpay muna ako sa kaloob-looban bago pinahid ang luha ko saka napagpasyahang tumayo sa pag kaluluhod at namagpag. "Ito na yata ang huli nating pagkikita. Makikipag-break na ako sa iyo, `di ko na kaya pa ang sakit ng puso ko." Napa-angat siya nang tingin at nagtagpo nanaman ang tingin naming dalawa. "Paalam aking mahal…" madamdaming sabi ko. Napaluha naman ang mga tao, pati si manong napa-iyak na rin at si kuyang konduktor na masungit kanina. Naglakad ako para lumabas ng bus. Nagdahan-dahan pa ako sa paglalakad na para bang namatayan ako. Kahit ang totoo gusto ko nang tumakbo papalabas ng bus para makatakas sa babayaring pamasahe. 300 ang pamasahe dre, malaking sayang ‘yon para sa akin, isali mo na rin ang pagpapahiya ko sa lalaking tukmol na iyon. Isang hakbang na lang makakalabas na ako ng bus, kokonti na lang makakalabas na ako. Pero bago ko pa magawang makatakas mayroong humila sa kamay ko na ika-gulat ko. "I love you. Don't leave me please. Hindi ko kaya. I'm really sorry babe." Natulala, at hindi ako makagalaw. Napahawak ako sa isang upuan nang isinandal niya ako. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong hinalikan nang mariin sa labi na nagpapalaki sa mata ko. PAKENGSHET! Ang second kiss ko, wala na! Wala na talaga at worst sa iisang tao pa ang kumuha nun! Bigti ka na Shin! Binaboy ka na masiyado! Lugi ka na masiyado. Gumalaw ang labi niya na nagpapa kurap-kurap sa akin. Anong ginawa niya sa labi ko? nagawa niya pang kagatin ang pang ibaba. Wtf! "Pay back time babe. Nakisabay lang ako sa’yo. I don't have any coins. Wala akong pamasahe, sabay tayong tatakas sa problemang ito. You started this tupid thing, ako na ang tatapos. Easy as that… " Bulong niya sa tenga ko sabay ngisi ng nakakaloko sa akin. “A-Ano---” “Shh… We're quits.” halakhak niya sa punong tenga ko. WTF! ganon na lang ‘yon? Pay back time lang iyon sa kanya?Grabe nakakaiyak, wala siyang pamasahe. ISA NGA SIYANG MAHIRAP NA NILALANG! At ako, isang ka awa-awa at api-aping nilalang. Gusto kung maiyak sa galit at inis. Natauhan ako sa pagka tulala nang may sumigaw... "WHOO! ANG GANDANG EKSENA! NA APPLOAD KO NA ANG NAKAKAKILIG NINYONG EKSENA SA SOCIAL MEDIA MEGHAD!" **** Antonio Sy POV (daddy ni Draizen) "Sir" Napatingin ako sa pinto ng opisina ko nang pumasok ang butler ng anak kong sakit sa ulo. Nag Nadadala lang ng problema sa akin parati. Such a useless son. "O, bakit? Anak ko nanaman ba Patrick? May ginagawa nanaman bang katarantaduhan ‘yon? May binasag nanaman bang mga gamit sa bahay dahil kinluong ka siya sa kwarto niya?" sunod-sunod na sambit ko. Ganyan naman lagi ang ere-report ng mga butler ng anak ko. Pang ilang butler na niya ito, pare-pareho lang sila ng rason. Hindi nila kaya ang katigasan at pagka-spoiled ng anak ko. Si Patrick at ang dalawa pa niyang kasama ang natira at nagtyaga at nagtagal sa kanya. And the rest, they giving up easily. Noong nasa grade school pa lang ang anak ko, ewan ko kung ilang bata na ang napa-iyak niya konti lang yata ang 100 na bata ang napa- iyak niya. Hanggang mag-high school at college na lang siya malapitin talaga siya ng awayan. "Tumakas nanaman po ang anak niyo at binasag ang bintana ng kwarto niya. Hindi na namin napigilan si sir Draizen. Pasensiya na po. " Napahilot ako sa noo ko at pumikit. Expect ko na mangyayari ang pagtakas ng anak ko pero hindi ko inasaahan na babasagin niya ang bintana nang kwarto niya. That window worth 100 thousad for god sake sake! "HANAPIN NIYO SIYA NGAYON AT DALHIN NIYO ANG ANAK KO SA HARAP KO, KUNG AYAW NIYONG MAWALAN NG TRABAHO MGA INUTIL!” Agad nataranta si Patrick saka aalis na sana nang biglang dumating ang dalawa pa niyang kasamahan na butler. "Sir alam na po namin kong saan ang anak mo.” sabi ni Jonas. "At may problema tayo" ani rin ni Rex. May binigay si Rex sa akin na cell phone. May naka play na video, tinitigan ko nang maigi ang video na tagis ang bagang. Hindi ko maiwasang ‘di mapa puyos sa galit bawat video na nasaksihan ko. "Saan. naganap. ang. video. na'to?" Bawat bigkas ko ng salita may diin at galit. Nanginginig ang kamay kong hawak ngayon dahil sa sobrang pagpupuyos. "Sa loob ng bus, nasa terminal ng palengke iyan Sir Antonio. Malayo ‘yan dito sa siyudad " - Jonas "Mag dala kayo ng maraming tauhan sa lugar na iyan at kunin niyo pabalik ang anak ko pati ang babaeng girlfriend niya at iharap niyo sa akin. Ngayon din!! " singhal kong utos. "Masusunod sir Antonio." Aalis na sana silang tatlo nang pigilan ko sila. "Sandali…" Hinarap nila uli ako. "Ilang minuto na apload yong video na ‘yon?" "Mga dalawang minu---" "Burahin niyo!" "Po?" "Gumawa kayo nang paraan para mabura ang video na iyon sa social media, bago pa dumugon ng mga media and opisina ko." "Masusunod.” Dahan-dahan akong napa-upo sa upuan. That dumbass! hindi ba siya nababahala sa reputasyon niya, pati ako nadadamay. My son is a popular model and a car racer. Kahit labag sa loob ko ang mga iyon. He's pain in the ass right? He like to escape from his wonderful life, gusto niya talagang maging miserable. I'll make sure, he will gonna realize his mistake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD