Prologue
PROLOGUE:
Shion Zeek Macapagal's POV
"Naku! Ang hirap dito sa siyudad. Gusto ko na lang bumalik sa amin," mangiyak-ngiyak na saad ko sa sarili. Kagat-kagat ang kuko ng daliri.
Nandito kasi ako sa labas ng mall. Ang pinakamataas at pinakamalaking mall sa siyudad.
Pumunta kasi ako rito sa city para maghanap ng trabaho, kaso ang putcha! Ninakaw ng snatcher ang mga gamit ko. Pati bag ko natangay rin. Okay, lang sana kung pitaka lang kinuha niya pero pati bag ko, eh. Binili ko pa naman 'yon sa divisoria. Mahal yon, eh. Mahal pa sa buhay ng snatcher na 'yon, tig-bebente lang bili ko nun tapos nanakaw pa.
"Miss, huwag ka riyan umupo. Tinitignan ka ng mga taong pumapasok ng mall. Hindi ito stanby area."
Napatingin ako roon sa gwardiya na nakatayo sa hambahan ng pinto. Iyong tiyan niya ang laki. May anak pa yatang dala sa sinapupunan.
"Ikaw, bakit ka nandiyan?" tanong ko sabay tayo. Nasa gilid kasi ako ng pinto, sa harapan ng malaking mall na ito at naka-upo habang ngangat ang kuko. Si manong guard naman nasa tabi ko lang. Kanina niya pa ako sinisita, hindi pa rin ako nagpapatinag.
"Aba'y syempre, Miss. Ako ang tagabantay rito, eh. Hindi mo ba nakita? Gwardiya ako rito," mayabang niyang saad. Tumango-tango naman ako. Tila na-gets ang ipinunto niya.
"Sana ay 'di ka na lang naging gwardiya, manong. Hindi makaraan 'yong mga tao sa entrance, eh. Mas’yadong malaki 'yang tiyan mo, abala sa kanila 'yan,"seryosong sambit ko.
"Aba! Itong batang----"
"Hindi na ako bata! Matanda na ako. Nakikita mo bang ngumangawa ako rito, dahil ini-snatch 'yong bag ko, ha! Diba hindi."
Nanlaki ang malaki niyang ilong dahil sa sinabi ko. Ganito talaga ako kapag badtrip. Nambebwesit din ako.
"Aba! Pisteng kang bata ka! Umalis ka nga rito, pilosopo 'to. Alis!"
Aba! Ang sama-sama ng pag-uugali ng guard na'to. Tama ba na ipagtabuyan ako na parang aso? Anong gusto niya, suntokan? Aba, hindi ko siya uurungan!
"Hoy! Papasok ako at isusumbong kita sa may-ari ng mall na'to!" sigaw ko.
"Ano!"
Hindi ko siya pinansin. Nagflip-hair ako saka pumasok na ako sa loob ng mall. Binangga ko pa ang malaki niyang tiyan. 'Kala mo ha!
"Aba'y! 'Wag ka lang magpapakita sa aking bata ka------"
Hinarap ko ulit siya at saka tinaasan ng kilay habang naka pamewang. Nagkukunwaring galit.
"Ikaw ang 'wag magpapakita rito dahil ngayong araw, fired kana. Heh, buntis!” asar ko, sabay takbo sa loob ng mall.
Tumakbo na lang ako baka barilin ako ng gwardiya na 'yon. Mahirap na, tinawag ko pa naman siyang buntis. Eh, Ang laki kasi ng tiyan niya, kaya nagmumukha siyang buntis sa itsura niya.
Waaah! Hindi ko naman 'yon isusumbong sa may-ari ng mall na'to, eh. Ginawa ko lang 'yon para makalusot sa kanya. Kasi sa totoo lang, nahihiya na nga ako kanina pa. Ikaw ba naman ang titingan ng mga taong pumapasok ng mall. Sinong 'di mahihiya nun?
Huminga ako nang malalim bago inikot ang paningin sa paligid. Nakakahiya masiydo, pumasok ako ng mall na wala akong pera. Gutom na nga ako, eh.
Habang naglalakad, nakakita ako ng mga pagkainan sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob ng restaurant. Kahit wala akong pambayad nagsugal pa rin ako. Pagkapasok ko sa isang mamahaling restaurant. Nalanghap ko agad ang amoy ng pagkaing nakakapagpagutom pa lalo sa akin.
Waah! Kapit sa patalim na'to. Gutom na gutom na ang aking tiyan. Nagwawala na ang bulate, lintik talaga.
Umupo ako sa lamesa at kunwaring naghihintay ng order. Kahit ang totoo naghahanap pa ako nang paraan kung paano ako makakain at dumiskarte.
Nilibot ko 'yong paningin sa loob at nakita ko ang isang matanda na nag-iisang kumakain sa mahabang lamesa.
Tinitingnan ko lang siya hanggang sa maramdaman niyang mayro'ng nakatitig sa kanya. Ilang sandali lang, napalingon siya sa gawi ko. Napangisi na lamang ako. Kahit matanda na siya ay ang gwapo pa rin. Nag-wave ako sa kanya at nagpa-cute. Ngumisi naman siya sa pagpapa-cute ko.
"Hi, Ma’am , what will be your order? I have the menu here."
Napatingin ako sa gilid ko nang mero'ng dumating na waiter. Nakalahad 'yong menu sa aking harapan.
Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba 'yon, pero sa huli tinanggap ko 'yong menu habang tumitikhim.
Pumili ako ng apat na putaheng pagkain pagkatapos binigay ko na sa waiter 'yong menu.
"Samahan mo na rin pala ng ice cream at lemonade juice," naka ngiting sabi ko. Tumango naman siya.
"Noted po, Ma’am."
Umalis na 'yong waiter kaya binalik ko ulit ang mata sa matanda kanina. Nakatitig pala siya sa akin kanina pa. Nakangisi siya habang umiinom ng juice niya. Kumikindat pa talaga. Gusto kong matawa sa tagpong ‘yon.
Mabilis lang naibigay ang in-order ko. Tama lang na hindi ako na bored kakanood sa putting buhok na matanda.
"Ito na po 'yong order niyo, Maam," sabi nung waiter sabay lagay ng mga pagkain sa harapan ko. Hindi ko maiwasang 'di mapalagok ng laway dahil sa sarap ng mga pagkain na nakahain.
"Enjoy eating, Ma’am."
"Thank you.” Nginitian ko siya.
Pagkawala nung waiter. Agad kong nilantakan ang mga pagkain sa harapan. Halos maubo na nga ako dahil sa sunod-sunod kong subo. 'Wag kayo, kahapon pa ako walang kain, kasi nga wala akong pera at ini-snatch pa 'yong bag ko.
After 7 years, natapos na rin ako sa pagkain. Dumighay ako ng malakas kaya agad kong tinakpan ang bibig ko baka merong makarinig. Mabuti na lang, walang nakakit---I mean, meron pala, 'yong matandang gwapo. Nakangiti siya sa akin. Sumenyas din siya kung nasarapan ba ako sa kinakain ko. Nag-approve lang ako saka nginitian ko rin siya pabalik sabay nagkamot ng ulo.
"Hay! busog na busog ako," sabi ko sa sarili habang hinimas-hinimas 'yong tiyan.
Tinawag ko ‘yong waiter pagkatapos tinanong kong magkano lahat ang kinain ko.
"It's ₱ 1,030.00 the total bill."
Muntik na akong mabilaukan sa iniinom kong lemonade juice dahil sa sinabi niya. Waah! Seryoso siya? ₱ 1,030.00 'yong total bill? Eh, apat na putahe lang 'yong pagkain na in-order ko at saka wala akong pera. Paano ko malulusotan ’to.
"Patingin nga ng resibo,"nakangiting sabi ko. Binigay niya naman sa akin 'yong resibo at halos dumugo 'yong ilong ko dahil ang laki talaga ng babayarin kong bill.
"Teka lang, ha! " Napakagat labi na lamang ako. Nagsimula na rin akong mamawis.
Inikot ko ulit ang tingin sa paligid at nakita ko 'yong matanda na pinapacutan ko kanina. Hindi siya nakatingin sa akin, dahil meron siyang kausap sa cellphone niya.
Tumayo ako sa upuan at tiningnan 'yong waiter na naghihintay sa bayad ko. Nginitian ko siya nang matamis na matamis.
"Nakita mo ang matandang 'yon?" Tinuro ko ang matanda na may katawagan pa rin.
"Yes, Ma’am, nakikita ko po. Anong problema?”
Nginisihan ko siya ng malaki. Tinaas-taas ko pa ang kilay ko.
"Sa kanya mo ibigay ang resibo. Siya ang magbabayad ng bill ko," tuwang wika ko. Kumunot ang noo niya. Tila ayaw makumbinsi.
"Ka anu-ano niyo po ang matandang 'yon?"
"Daddy, ko siya! Hindi ko lang nilapitan kasi magka-away kami ngayon,” dahilan ko.
Tumango naman siya ng walang pag-alinlangan. Mukhang naniwala talaga sa'kin. Uto-uto rin eh!
"Sige, Ma’am, lalapitan ko na 'yong daddy mo."
Ngumiti ako ng malaki at tumango. Nagmadali na akong lumabas sa restaurant na 'yon, pero bago ako tuluyang lumabas. Tinignan ko muna 'yong matanda. Naka tingin pa rin siya sa akin nang nakangiti. Napatingin naman 'yong waiter sa akin. Mas lalong napaniwala, kaya ang acting skills ko ay gagamitin ko na.
"Bye, daddy! Mauuna na ako sa'yo!" sigaw ko sabay flying kiss. Nawala ang ngisi ng matanda nang marinig niya ang tawag ko sa kanya. Bago pa makalapit nang tuluyan 'yong waiter sa matandang mag babayad ng kinain ko. Nagtatakbo na ako palayo ro'n habang panay tawa.
'Yan ang sekreto ko sa buhay, para mabuhay sa mundong ibabaw. Ang magpalusot at marunong dumiskarte. Hindi niyo pa ba ako kilala? Well, magpapakilala ako.
My name is Shion Zeek Macapagal. Just call me, Shin. Ang ikalawang anak ni Alfonso Macapagal. Mayroong nag-iisang kapatid na lalaki na si Luke Macapagal. I'm 20 years old. Tapos na akong mag-aral kaya ngayon naghahanap ako ng trabaho dito sa siyudad kaso sa kamalas-malasan nga naman, na i-snatch nga ako. Sumakay pa naman ako ng bus para makarating dito sa siyudad tapos ito lang pala ang kahihinatnan ng buhay ko rito. Sobrang layo pa sa lugar namin.
"Ouch! Watch your step!" sigaw ng babaeng nakabanggaan ko.
Ay, ang tanga ko! Nabwesit na nga ako kanina pa, tapos dagdag pa'to. Kanina pa kasi ako palinga-linga sa paligid. Hindi ko tuloy siya na pansin.
"Sorry po,"sabi ko sabay pulot sa mga gamit niyang nahulog.
"Ang tanga mo naman!" ani nito sabay agaw ng mga gamit niya sa kamay ko.
Umusok yata 'yong ilong ko dahil sa sindak niyang boses. Aba! Hindi ako tanga. Siya na nga itong tinulungan. Siya pa itong maarte.
"Hoy! Mas tanga ka, dahil hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Ang laki-laki ko tapos 'di mo ako nakita. Bulag ka ba! " sigaw ko.
Tumaas ang fake niyang kilay. Oo, fake kasi drawing lang naman. Tss, sayang, maganda pa naman siya.
"Excuse me! Did you just shout at me? Gusto mong ipa-band kita sa mall na'to? Ang bastos mong babae ka!" sigaw niya pabalik.
Namewang ako."Aba! Bastos na ba ngayon ang magsalita nang nasa katarunga,ha? At saka, Hoy!"
"Don't call me, Hoy. I have a name, stupid b***h!" sigaw niya ulit.
Teka, ano raw? Ako, stupid b***h? Waah! 'Di ko matatanggap 'yon. Grabe na'to, grabe na ang kapangahasan niya sa akin. Makikita niya, makikita niya talaga kung ano ang magagawa ng isang Shion Zeek Macapagal sa kanya.
"Huwag mo nga akong tawagin ng ganon. Baka makakatikim ka ng 'pahiya mode' you want?" naiinis kong sumbat.’Yong mga tao, nagtitinginan na sa amin pero wala akong pakialam. Gusto kong magwagi sa awayan na ito. Hindi ‘yata ako magpapatalo, lalo pa't maraming nanonood.
"What the fvck! You're a b***h. Hindi mo ba ako kilala?" nakataas na kilay niyang sabi.
Napapikit na lang ako. Tinawag nanaman akong b***h ng halimaw na'to. Ginagalit talaga ang kagandahan ko. Gusto talaga makatikim ng 'Power Technique of Shion Zeek'.
"Kilala kita babae!" sigaw ko sabay turo sa kanya. Ngumisi naman siya at nag-cross arm. Tumaas pa lalo ang fake niyang kilay.
"Well, sino ba ang hindi makakakilala sa akin. Ako lan----" Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil umiyak ako. Oo, umiiyak ako. Syempre, acting lang ito. Gusto niya kasi makatikim ng power technique of Shion Zeek Macapagal. Mapapahiya talaga ang ingrata na'to. Makikita niya.
"What the hell! Anong iniyak-iyak mo riyan?” Pinanlakihan niya ako ng mata. Mas nilakasan ko pa ang pag-iyak at gagamitin ko na ang acting skills ng isang Shion Zeek Macapagal.
"Malandi kang babae ka! Malandi ka!" sigaw ko sabay umakto na naghihinagpis.
Mas dumadami ang taong nakapaligid sa aming dalawa, rinig ko bawat chismis ng mga tao sa paligid. Nagtatanong kung bakit umiiyak ako nang malakas.
"What are you sayi-------"
"Ikaw 'yong kabit ng asawa ko. Walanghiya, ka! Hiniwalayan niya ako dahil sa’yo! Iniwan niya ang sampu naming anak dahil sa’yo! Makati kang babae! Wala kang puso! Namatay pa ang isa naming anak dahil may sakit siya, tapos 'di alam ng asawa ko kasi nga sumama siya sa'yo! Higad ka!”
Tinuro-turo ko siya at mas pinagbutihan ko pa ang pag-iyak. Lumaki pa lalo ang mata niya na may mahabang pilikmata na fake rin sabay suminghap.
"Kawawa naman 'yong mag-ina, ang landi ng kabit niya, tapos nagkatagpo pa ang dalawa.”
"Hay! Ano pa ba ang aasahan mo. Basta nangangaliwa ang asawa pipiliin talaga 'yong kabit kay sa roon sa orihinal. Kawawa naman ang totoong asawa. Naku! Nanggigigil ako sa mga kabit na iyan."
"Maganda naman 'yong asawa kay sa kabit. Bakit niya pinagpalit sa mukhang p****k?"
'Yan ang naririnig ko sa paligid namin, 'di ko tuloy maiwasang hindi matawa nang malakas sa isipan ko kaya mas pinagbutihan ko pa ang pag-acting.
"Tapos wala pa kaming makakain dahil lahat ng luho ng asawa ko ibinibigay niya sa'yo. Wala siyang binibigay sa akin, tapos ako naman ay maglalabada sa kapit-bahay namin para may makakain ang mga anak namin. Hindi ka ba naawa sa akin? Sa mga anak namin,Miss? Ibalik mo na ang asawa ko na si Estong. Mahal na mahal ko pa siya. Tatanggapin ko pa ‘yon kahit nangangaliwa siya ng kagaya mo,"madamdaming saad ko. Nakahawak pa ako sa dibib with matching luhang fake kagaya ng kilay niyang fake kasi drawing.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo baba------"
"Kahit tustusan niya lang ang mga pangangailangan namin, ay okay na ako ro'n, kaysa naman nahihirapan ako. Mag isa ko lang na tinataguyod ang mga anak namin kaya maawa ka naman sa amin, o kahit sa akin. Pakawalan mo na ang asawa ko at ibalik mo na sa akin. Mabaho ang hininga nun. Hindi rin ‘yon naliligo, kaya ibalik mo na siya."Pinalungkot ko ang boses ko.
"Miss, maawa ka naman sa orihinal na asawa. Mga kabataan nga naman, oh! Sa kabit na lang kumakapit. Maganda ka naman, ah! Magpaubaya ka na."
"Sabunutan mo na 'yang kabit. Nakakabanas ang ganiyan!"
"Oo nga! Sabunutan mo na ‘yang kabit ng asawa mo!"
Pfft. Sabunutan ko raw ang babaeng ito. Naniwala talaga sila sa acting ko. Mga uto-uto!
Tiningnan ko 'yong babaeng kaharap. Sobrang pula ng mukha niya dahil sa kahihiyan. Kulang na lang magsisigaw siya sa sobrang inis sa akin.
Binigyan ko siya ng ganitong tingin, 'Ano ka ngayon? Diba nganga? 'Wag mo kasi akong kalabanin. Pahiya ka no?'
"b***h!"
Sasampalin na sana niya ako kaso mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
"Ang sama mo! Ikaw na nga 'yong kabit. Ikaw pa ang may ganang sampalin ako.Dapat ang legal wife ang gumagawa nun.Itong sa'yo!”
Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Kanina pa ako nanggagalaiti sa babaeng ito, eh. Kanina niya pa ako tinatawag na b***h. Inuubos talaga ang pasensiya ko.
"Magsama kayo sa asawa kong mabaho ang bunganga, hindi naliligo ng buong linggo at higit sa lahat mabaho ang kili-kili. Isaksak mo siya sa s**o mong malaki, na gawa pa yata sa injection!" sigaw ko sabay walk out.
Naiwan naman siya roon na nakanganga habang masama ang tingin sa kanya ng mga tao.
Kapag ako na ang didiskarte, patok talaga iyan sa madlang people. Tignan niyo, kinamumuhian siya ng mga tao. Lintik lang ang walang ganti. Hah! Pahiya siya tuloy. Hindi ako nakokonsensiya. Bagay lang iyon sa kanya. Napaka-ingrata kasi ng malanding higad na ‘yon, puro naman fake ang mukha.
"Naiihi ako sa awayan namin kanina, ah,"saad ko habang naghahanap ng comfort room.
Naparami yata 'yong iniinom kong lemonade juice, kaya kailangan kong umihi ngayon na.
Naglalakad-lakad ako, para maghanap ng palikuran. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang comfort room dahil nakita ko naman agad ito. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi roon.
“Lalalala,”masayang kanta ko. Sumipol-sipol pa ako sa kawalan habang iniisip iyong kaninang kaganapan.
Pagkatapos kung umihi lalabas na sana ako ng cubicle habang kumakanta pa rin ng masayang tugtogin. Nang may biglang pumasok sa loob. Sabay na nanlaki ang mga mata naming dalawa sa sobrang gulat. Hinihingal pa 'yong taong kakapasok lang sa cubicle ko, hinahabol niya ang kanyang hininga. Mukhang galing pa sa pagtakbo.
"s**t!" mura nung lalaki nang makita ang gulat na reaksiyon ko.
Hindi ako makapagsalita. Basta ang tanging alam ko ay nasa iisang cubicle kaming dalawa ngayon, nagtitigan, natulala sa mukha ng isa't isa.
"S-Sino ka? B-Bakit ka pumasok----"Naputol ang sasabihin ko dahil mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Shut up!" mariin niyang bulong. “Pwede.”
Pareho kaming dalawa na nagulat. Mas lalo lang nanlaki pa ang mata ko sa ginawa niyang pagtakip sa bibig kong nakanganga. Nagkatitigan kami, tila natameme sa pagkakita ng mukha naming gulat na gulat pa mula nung pagkapasok niya.
Pilit akong kumuwala sa pagtakip niya sa aking bibig kaso kinulong niya ang katawan ko gamit ang braso niya.
"Don't move," bulong niya sa punong tenga ko. “Those bastards are coming.”
Laking gulat ko nang isinandal niya ako sa dingding nang pabagsak. Nakahawak na 'yong dalawang kamay niya sa dalawa ring kamay ko. Nasa uluhan ko naman ang dalawang kamay ko at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Amoy ko na nga ang mabango niyang hininga.
Nakipagtitigan pa lalo siya sa akin. Napalunok tuloy ako ng laway. What the! Ang gwapo mga dre! Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil sa gulat ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Gusto kong isipin na nakakasagupa ako ng anghel kaso mukhang bastos yata at masama ang ugali. Hindi siya anghel kung ‘di demonyo.
“A-Ano bang ginawa mo di----”
“Shh. They fuckin' here! Will you shut up!”
Natigilan ako nang biglang may kumalabog sa labas ng cubicle at kasunod nun, my nagbukas ng pintuan sa pinasukan kong cubicle at nitong kasama kong lalaki sa loob.
Bago ko pa matingnan kung sino ang nagbukas ng cubicle napatulala na lang ako nang biglang…
"Sorry, Miss. I don't have a freaking choice. You will hate me after I did this. But the fvck I care!" Bulong ng lalaking kaharap ko. Nanlaki ang dalawang mata ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
What the fvckin' sh*t! Sino ang dumuho na'to ang may karapatang kumuha ng iniingatang first kiss ko!?
"Mali ‘ata tayo nang pinasukan, part. Mukhang wala rito si sir Draizen." Rinig kong sabi nung isang nakaitim na lalaki na isa sa nagbukas. Namataan kong tatlo silang nando'n, naka-abang sa pagharap ng lalaking humalik sa'kin, halatang naiilang sila sa nasaksihan.
Pilit kong tinulak ang bastos na lalaki kaso mas lalo niyang pinariin ang halik upang hindi ako makagalaw.
Alam niyo ba 'yong nararamdaman ko ngayon? Nanginginig ako, nanginginig sa galit. Gustong-gusto kong sapakin ang lalaking ito, tadyakan, suntokin, bugbugin hanggang sa pumanget ang mukha niya, at maparalisado, kaso pakshet 'di talaga ako makagalaw. Nanginig ang buong katawan ko.
"Ops! Pasensiya na po ma’am and sir. Naistorbo pa namin kayo. May hinahanap lang po kaming tao. Mukhang wala yata rito, pasensiya na uli.” Narinig kong sambit ng tatlong lalaking nagbukas ng cubicle.
“’Pagpatuloy niyo lang ang ginagawa ni’yo. Aalis na kami,” sabi pa ng isa.
Narinig kong nagsilabasan na ang tatlong lalaki sa loob ng comfort room pero itong hinayupak na magnanakaw ng halik patuloy pa rin akong hinahalikan. Pero nakadampi lang naman, pero kahit na! Hindi pa rin makatarunganan ’yon. Hindi makatarungang hahalikan niya lang ako basta-basta.
'Di kalaunan ay ihiniwalay niya ‘yong labi niya sa kawawa kong labi pagkatapos sumilip-silip siya sa labas, na parang wala siyang ginawang krimen sa kawawang labi ko.
"Wala na ba sila?" walang ganang tanong niya habang ang pananaw nasa labas.
"S-sinong sila?" tulalang tanong ko. Wala pa ako sa sarili.
"'Yong tatlong nagbukas ng pinto ng cubicle na'to, tsk."
Binalingan niya ako ng tingin at naghead-to-foot sa akin. Narinig ko ang mahina niyang mura nang mapagmasdan ang kabuoan ko.
"Baduy!" utas niya, mukhang natatawa pa.
Natauhan ako sa narinig galing sa bastos niyang bibig lalo pa't paghead-to-foot niya sa akin. Doon umusok ang ilong kong umaapoy sa galit nang maalala ang ginawa niya. Kinuha niya ang first kiss ko!