Chapter 2: Stubborn

1667 Words
Shin POV Naabutan kami ng gabi ni Manong sa pagtitinda ng ice cream at sa pambubola ko sa mga tao. "Sa’yo na ‘yan, eneng." Binigyan ako ng dalawang daan ni manong kaso hindi ko tinanggap. "Naku! ‘Wag na manong tulong ko na lang po sa iyo iyon.” "Hindi eneng, nakakahiya. Sabi ko nga diba? Sa panahon ngayon walang libre kaya tanggapin mo na ito," aniya "Ay! Naku manong sa panahon din ngayon marunong tumanggi ang mang-uto." Na-gets kaya ni manong ang ibig kung sabihin?. Ang ibig kung sabihin sa sinabi ko, ay 'Kahit gusto kong tanggapin iyong pera nagpanggap lang ako na ayaw kong tanggapin kahit ang totoo gusto kong kunin iyong pera. Huhuhu kaso kawawa si Manong, eh. Matanda na nagtitinda pa rin. "Hay! Eneng, tanggapin mo na kasi ito." "Hay! Naku manong, sa iyo na lang iyan. . . Nga pala manong saan ka nakatira?" seryosong tanong ko. "Diyan lang malapit lang dito?" "Ganon ba.” Bumungisngis ako. “Sege, manong alis na ho ako" Nagba-bye ako sa kanya kaso pinigilan niya ako. "Eneng iyong per----" "Naku! Thank you, Manong. Ang laking blessings. Pagpalain ka sana ng Diyos, " masiglang sabi ko sabay kuha ng pera sa kamay niya. Napa-iling na lang iyong matanda habang tumatawa. Nagba-bye na talaga ako sa kanya ng tuluyan. Aba! Ang kulit eh kaya kinuha ko na iyong pera. Sabing ayaw ko eh! pero makulit talaga si Manong. Syempre magpa-bebe pa ba ako? Hindi ko na kasalanan kung makulit si Manong. Naglakad-lakad ako sa park kahit madilim na. Wala akong mapupuntahan? Wala rin akong matutulugan kaya wala akong choice kundi dito muna ako sa park. "Palimos po!" sabi ng matanda sa akin. Nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Huminto ako sa paglalakad at dumukot sa bulsa ko ng pera. Ang tagal ko pang dumukot dahil nasa kina-ilaliman ng bulsa ang pera ko. "Ito manang. Pasalamat ka may dos pa ako. Laking tulong na iyan sa’y.” Sabay lagay ng dos pesos sa kamay niya. "Salamat, Iha, makakabili na ako nito ng pandesal," aniya. Hay! kawawa talaga ang mga matatanda. Panigurado ako isang pandesal lang mabibili niya sa dos pesos na bigay ko. "Manang, anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah?" tanong ko. "May kasama ako, iha. Naglibot-libot lang sa paligid." Tumango ako nang marahan at saka siya nginitian. Kapag matanda ang bilis ko talagang maawa. "Sege na manang alis na ako. Paramihan mo iyang pera mo, ha? para maka bili ka ng maraming pandesal,” sabi ko sabay lagpas sa kanya. Hindi pa ako naka dalawang lakad nang biglang hinawakan ng matanda ang kamay ko. Tinignan ko siya ng mayroong pagtataka. Naka pikit ang mata niya. Dumilat siya at ngumiti ng makahulugan sa akin. "Nakilala mo na ang lalaking naka tagana sa’yo, iha. Maraming pang pagsubok na dadating sa inyo at nakikita ko sa mga mata mo na malayo ang mararating ng buhay mo. Isang lalaki ang makakasama mo at siya ang susi upang bumuti ang pamumuhay na meron ka ngayon, siya ang mas maghihirap sa inyong dalawa at siya ang labis na magmahal sa'yo ng husto. Sana, kapag dumating ang pagsubok niyong dalawa, hinding-hindi mo siya iiwan o bibitawan kasi baka babaliktad ang sitwasyon at pagsisihan mo ang sinayang na panahon.” “P-Po?” Binitawan niya ang kamay ko pagkatapos naglakad na siya palayo sa akin. Naku! Napano ‘yon si manang? Nagkamot na lang ako ng ulo at napanguso. Nakakatakot naman ang matandang ‘yon. Ano siya si Madam Auring? Pero inaamin ko na natatakot ako sa kanya, kinalabotan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang palinga-linga sa paligid. Kadalasan nakikita ko ang mga mag-boyfriend at girlfriend na ang sweet-sweet. Sus! Kapag mag-asawa na iyan panigurado ako lipad lahat ng kaldero sa bahay kapag walang bigas at pera. Napahawak ako sa tiyan ko nang kumakalam ito nang malakas. Letche! Nagugutom ako, makakain na nga lang. Nakakita ako ng Shomai na nagtitinda. Agad akong lumapit doon para kumain. "Kuya, limang shomai,” sabi ko kay kuyang tendero. "Salihan mo na rin ng softdrink," dugtong ko pa. Binigyan niya ako ng Shomai. Kumain na ako habang ka chicka itong si Manong tendero. Dalawa lang kasi kaming kumakain dito sa tindahan niya. "Kuya naniniwala ka ba sa mang huhula?" tanong ko. Tumawa naman siya. Para bang nawewierdohan sa akin. "Bakit mayroong humula sa’yo?" Tanong ng lalaking kasama ko sa pagkain dito. "Oo e!" sagot ko sa kanila "Sa tingin ko naman totoo ‘yang hula-hula pero depende iyon kung hindi fake ang manghuhula" sabi ni kuyang tendero. "Hala! Pero sa tingin ko hindi ‘yon fake. Wierd kasi ang matandang iyon,” sabi ko. "Wag mong sabihin, ang matanda na nanglilimos dito ang nanghula sa’yo?" natatawang pagkumpirma ng lalaki. "Ah! Oo siya nga po!" "Naku! Malapit nang mabaliw ang matandang iyon. Huwag kang maniwala sa matandang manghuhula kuno, pinagloloko ka lang,” sabi ni kuyang. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumango. Malapit na pa lang mabaliw ang matandang ‘yun. Kawawa naman, dapat ipa-rehab na siya. O di kaya'y ibigay sa DSWD para mayroong mag-aalaga sa kanya. "Binigyan ko nga ng dos pesos para makabili ng pandesal. Para mapostpone na rin ang pagkabaliw, " seryosong sabi ko sa kanila. Sabay silang tumawang dalawa. "Manong ilan lahat?" paglihis ko sa usapan. "60 lahat." Dumukot ako sa bulsa ko ng pera. Imbes na ang one hundred ang kukunin ko. Iyong bigay ni manong kanina. Ngunit itong isang libo ang kinuha ko. ‘Yong bayad nung lalaking nanghalik sa `kin kanina. Ang pera niya ang ginamit kong pambayad. Kasi itong utak ko magpapalibre nanaman. "Bayad kuya,” sabi ko sabay bigay nung one thousand. Malaki ang ngisi ko sa kanya. "Ang laki niyan wala ka bang kulay violate riyan?" kamot-kamot niyang tanong. "Wala ho, e... Ito na lang ang natitira kong pera," sabi ko. Tinignan niya ang lalaking kasama ko sa pagkain at senenyasan kung may sensilyo ba siya kaso umiling lang ito. "Free na lang ‘yang kinain mo, Miss. Mag sisirado na rin kasi ako at saka wala akong panukli riyan. Mahina ang bentahan ko ngayong araw," anito. Ngumiti ako ng palihim. "Naku! Kuya, maraming salamat! Babalik ako rito pag gutom ako ha!" asar ko, tumawa lang siya. "Palabiro ka, Miss.” "Seryoso ako!” Umalis na ako pagkatapos kong asarin si Kuyang tindero na ang mukha ang pula. Halatang asar na asar na sa akin. Imbes na mag-stay ako sa park dumeretso ako sa bus station. Para umuwi sa amin. Wala akong choice kundi ang umuwi na lang talaga. Wala akong mapapala sa siyudad na ito, buti pa roon sa Villa namin. Magtitinda na lang ako ng fishball doon. Siguro naman makaka bayad ako sa utang ng papa ko kahit half lang para ‘di nila papatayin si papa. Huminga ako nang napakalalim. Sumakay na ako ng bus. Doon ako umupo sa may bintana. Samantalang iyong isang upuan na katabi ko bakante pa. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa labas habang pinapanood ang mga taong papasok ng bus. Sana ‘di na lang ako ppumunta rito sa City wala akong napala e. Nganga ang buhay ko rito. Tapos puro kamalasan lang naabot ko. ************* Draizen POV Shit! I think I break my angkle. Ikaw ba naman ang tumalon mula third floor papuntang lupa. Sino ang hindi mababalian nun, damn. I have no fuckin' choice, but to do this shitty thing. I need to escape in our house. Ano ako preso? For fvck sake. I'm grounded. Mahirap iyon para sa akin. No gadgets, walang labasan ng bahay. Walang bar, No girls for the whole damn year. That's not fun at all. Do you think mabubuhay ako sa ganyan. Nah! Kaya ayon giniba ko ang bintana ng kwarto ko para maka labas sa bahay namin. I'm tired of this s**t. Ayaw kong ikulong ako. I'm a guy, natural na gusto kong maglakwatsa. Pero bukal talaga kay daddy ang pabor na gusto ko sa sarili. He hates my decisions. And now, I will gonna turn him down by escaping. Tingnan na lang natin kung ang matandang iyon kung anong maging reaksyon niya, oras na malaman niya ang ginawa ko sa bintana niyang kay mahal-mahal pa sa buhay ng mga tarantado kong butlers. Panigurado uulbo yong ulo ni Daddy, at mag hy-hysterical iyon dahil sa pagtakas ko. Lalayo muna ako ng ilang araw, saktong makokonsensiya siya sa pag grounded sa akin. Pero putangina, sino ba ang niloloko ko? Si Antonio Sy? Maawa sa ‘kin that's far from the reality. Pumunta ako sa bus station. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko gusto kong lumayo muna. Naka suot ako ng cap at naka Jacket ng leather para hindi ako mahalata. I'm a popular car racer sa labas ng bansa at isa rin akong modelo sa isang sikat na magazine at brochure kaya marami ang makakilala sa akin. Sucks industry! Pumasok ako sa bus na hindi ko alam kung saang ruta patungo itong bus na sinakyan ko. Basta pasok lang ako nang pasok. Naghanap ako ng ma-uupuan, sakto namang may bakante pa kaya umupo agad ako sa tabi ng babae na busy sa pagtingin-tingin sa labas. Kinunotan ko siya ng noo, naghintay na tingnan niya ako, pero hindi niya man lang ginawa. Naramdaman niya yata na may umupo sa tabi niya kaya nilingon niya ako. Agaran akung yumuko para hindi niya makita ang buong mukha ko. Salamat na lamang talaga ako sa cap na suot ko ngayon. Damn! That was close. Gumalaw siya sa tabi ko at tumikhim. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya at wala akong planong tingnan tss. Shin’s POV May umupo sa tabi ko. Binalingan ko siya nang tingin kaso yumuko agad siya kaya hindi ko agad nakita ang mukha niya. Basta ang nasipatan ko lamang, ang matangos niyang ilong at mapupulang labi. Gumalaw ako at tumikhim. Hindi ko na lang pinansin ang nasa tabi ko at sumandal na lamang ako sa sandalan pero bago iyon hinubad ko muna ang suot kong blazer at tinakip sa mukha ko para matulog. Isang nakakapagod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD