Kumurap ako ng maraming beses at pilit sini-sink-in sa utak ko ang nangyayari. Ano ba ang nangyari ? bakit ganito ang nangyari sa buhay ko. Pumunta lang naman ako sa City tapos nanakawan ako at biglang nasagupa ko na ang lalaking magnanakaw ng halik.
Kumurap pa ulit ako. Luminga-linga ako sa paligid, saka lang nag sink-in sa utak ko na nasa labas na pala ako ng bus. Hinihila ng lalaking kamakailan ko lang nakilala. Ang higpit ng kapit niya sa kamay ko. Para na ngang mabali ang buto nito. Diko maiwasang mapangiwi.
"Aray! Naman!" Reklamo ko at pilit kumuwala sa pagkakahawak niya.
Ngunit napakahigpit talaga ng pagkapit niya sa kamay ko. Feeling ko magkakapasa pa ako. Para pa ngang bingi itong lalaking magnanakaw ng halik sa’kin. Hindi man lang pinansin ang pagdaing ko.
Hindi ko na maaalala kung paano namin natakasan ang bus na sinakyan namin na walang bayad. Ang huli ko lang narinig doon sa driver at konduktor ay awang-awa sila sa akin. Kaya naman free na kami sa pamasahe. O, diba? Ganyan lang kabilis silang utuin.
Samantalang ang lalaking hila nang hila sa akin ngayon bigla na lang akung sinundan at hinawakan bigla ang kamay ko at hinila bigla-bigla. Rinig ko pa nga ang tili-an ng mga tao roon sa loob ng bus na sinakyan namin, nang makita nila ang ginawa ng lalaking ito.
Kula ng na lang director para masasabi kong pampelikula na iyong aktingan namin. Dugo't pawis ang inalay ko para roon, kaso nauwi lang sa wala ang lahat, sa huli, ako pa rin ang lugi.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Naka-ilang pananching ka na sa akin!”
Binawi ko ng ubod lakas ang kamay ko sa pagkakahawak niya . Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. Dahilan nang pagtigil niya sa paglalakad. Binalingan niya ako nang masamang tingin. At tiningnan and kamay ko na namumula.
"Tignan mo' oh! Ang pula na ng kamay ko kahahawak mo ng mahigpit. Sadista ka ba!" Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita ko ang pagka-irita sa mukha ko.
He sigh heavily and close his brown eyes tightly. Wow! Napapa-english ako don ah! Hehe.
Nang buksan niya ang mata niya nakita ko ang emosyong pagod na pinaghaluan ng iritasyon nang dahil sa akin.
"Sa tingin mo makakatakas ka na lang basta-basta!" singhal niya.
Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya?
Ramdam niya siguro ang pagtataka ko kaya naman bago pa ako magsalita inunahan na niya ako.
"Iyong video na kinuha ng mga tao sa ating dalawa mapapatay ako nito, mahahanap ako sa naghahanap sa akin. Alam mo ba ang pinasok mong gulo babae?”
Kinuha niya uli ang kamay ko at hinawakan ako nang mahigpit at saka hinila nanaman nang malakas. Para bang nanghila lang siya ng baboy. Ang hapdi na talaga ng kamay ko kaya wala na akong lakas bawiin ang kamay ko. Nagpati-anod na lang din ako sa kanya, pero itong bunganga ko hindi mapalagay.
"Anong pake ko kung mahahanap ka. Wala akong paki-alam sa’yo! At hindi kita kilala. Kaya bitawan mo ako bago pa ako magsisigaw rito na sina-salvage mo ‘ko!" banta ko.
Patuloy niya pa rin akung hinihila, tila walang narinig. Pumikit ako ng mariin. Naiinis na talaga ako sa lalaking' to ah! Feeling close sa akin. Akala niya siguro nawala na sa isip ko ang pagnakaw niya ng halik sa akin doon sa bus. Nakakarami na talaga siya sa akin.
"Bitawan mo sabi ako eh!"
Pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Dahil ilang beses na akong natapilok dahil sa brutal niyang paghila sa akin. At ilang beses na rin akong nagmumura dahil sa inis sa kanya. Bwesit na bwesit na ako.
"Saan mo ba ako dadalhin? Uuwi pa ako sa amin" Parang gusto ko ng umiyak dahil nagsimula na akong matakot sa kanya. Wala na kasi akong balak pakawalan.
Kahit gwapo siya at mukhang walang balak na pumatol sa akin, ay makakapag isip ka pa rin ng masama sa kanya. Malay natin, isa siyang recruiter ng mga kumukuha ng lamang loob at ibebenta pagkatapos. Naku! Baka dalhin pa ako sa malaking boss niya at doon cho-chop-choppin ako ng pinong-pino.
Luminga-linga ako sa paligid. Nasa may palengke kami at marami akung nakikitang pasikot-sikot na daan. At pagtatakas ako sa pagkakahawak niya, madali lang din akong mahabol dahil maraming tao sa palengke, aatang sisikip din ng daanan.
'Jusko anong gagawin ko!? Mukhang wala nang balak ang lalaking ito na iwanan ako.’
"Ano ba ang gusto mo!? Wala akong pera at saka kung may balak kang gahasain ako. Hoy! Virigin pa ako. Hindi ako marunong magdala sa ibabaw. Mabo-bored ka lang, promise! Untog pa kita diyan.” wala sa sariling saad ko. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa kaya kong ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at agaran akong tinitigan mula ulo hanggang paa. May insulto pa bawat titig niya sa akin. Buong pagsusuri niya sa akin, naka nga-nga lang ako sa kakisigan niya. I can't help it, nakaka-akit siyang tingnan.
"Ano! Ikaw gagahasain ko!? Nababaliw ka na ba talaga para isiping papatol ako sa'yo!? Wala ka ngang dibdib. Malayong magkaka interes ako sa kagaya mo." Tumawa siya ng malakas.
Namula ako sa sinabi niya. Aba! Bastos din ‘to ah! Kahit papaano may laman naman ang dibdib ko pati pwet.
Ngunit bago ko pa siya masampal natauhan naman ako sa sinabi ko sa kanya. Holy damn inamin ko ba sa kanya na virgin pa ako at wala pang experience!?.
Mas lalo akung namula at diko namalayan naapakan ko na pala ang paa niya sa sobrang galit at pangigil sa sarili.
"Walanghiyang lalaki ka! Ang lakas ng loob mong mang-insulto. Drug addict ka ba!? `Wag mo ‘kong sundan! Chee!"
Inapakan ko pa ulit nang mariin ang paa niya nang ikasigaw niya ng malakas. Napapikit pa siya sa sobrang sakit ng sapatos ko.
“Panget mo! Mukha kang tukmol na nakalunok ng paracetamol!”
"Shitt! Ang sakit!"
Iniwan ko siya roon na namimilipit sa sakit ng kanyang paa. Nakakuha na nga siya ng atensyon sa maraming tao. Kala niya ha!.
"Hoy! Babae! Kailangan mong sumama sa akin! Come back here, stubborn head!”
Narinig ko ang pagsunod niya sa likuran ko. Tumakbo ako nang mabilis para hindi niya ako mahabol. Kung saan-saang pasilyo na lang ang pinasukan ko para hindi niya ako maabutan, ngunit rinig ko pa rin bawat sigaw niya at pagmumura ng English. Akala mo naman hindi ko maintindihan.
“Damn it. Stop running.”
“Damn it ka rin! Stop running ka rin!” natatawang asar ko sa kanya.
"Fvck it!"
“Fvck you!”
"Seriously?" he arc his brow.
Hinarap ko siya sandali para taasan ng middle finger. Lumukot ang mukha niya.
“Babae huwag ka ng tumakas. Mahuhuli pa rin kita.” banta niya.
“Fake news ‘yan. Hindi ko hahayaang mahuli mo ako.”
Nakakita ako ng maliit na eskinita, pumasok ako roon at mas binilisan ang pagtakbo. Lumiko ako sa kabilang daan, at lumiko pa uli ako sa isa pang eskinita. At ang mas worse pa roon napasok ang sapatos ko sa kanal na ikakainis ko ng sobra. Panibagong kamalasan nanaman.
Nang makalabas ako sa huling masikip na daan tumigil na ako sa pagtakbo. Kapos ako sa hininga nang imupo sa gilid ng kalsada at pilit hinahabol ang hininga.
"Putcha! Bakit ko ba tinakasan ang pesting lalaking ‘yon. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. E, siya pa nga ang dapat na managot dahil panay ang nakaw niya ng halik sa akin" iritang bulong ko sa kawalan.
Nagpapadyak ako sa inis. Sino ba ang lalaking iyon!? Hindi pa matagal ang pagkakilala namin pero kung makapag sabi siya sa akin na sasama ako sa kanya parang nagyaya lang siya ng inoman.
Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap ko kung nasundan ba niya ako. At laking pasalamat ko nang ni-anino niya hindi ko na mahagilap. Huminga ako ng malalim. Nakakapagod tumakbo. Akala ko maiiwasan ko na ang pagtatakas. Hindi lang pala utang ng ama ko ang tatakasan ko, iyong lalaki din pala na iyon. Mukhang iba ang tumatakbo sa utak non,e.
"Andiyan ka lang pala.”
Mabilis pa sa kidlat ang pagtayo ko nang marinig ko iyon. Tatakbo na sana ulit ako nang makita ko kung sino ang taong nagsasalita.
"Po!? Sino kayo?"
Hindi iyong lalaking tinakasan ko ang nasa harapan ko ngayon. Tatlo silang binata at pareho ng suot. Naka itim at matitikas ang pangangatawan. Mukha silang body guard.
"Ikaw, Miss, kanina ka pa namin hinahanap.”
Kumunot ang noo ko. Sino ba ang mga 'to? Pinag-uutangan ba sila ni papa!? Kasi ilang beses na akong naka-encounter ng ganito. Sinisingilan ako ng utang namin at tinatakasan ko lang dahil wala akong pambayad. Pero ang nakakapagtaka hindi naman ganito ka pormado ang kadalasang pinag-uutangan ni papa sa amin. Malalaki ang tiyan nung mga sindikato. At saka malayong makaka abot sila dito sa siyudad e, nasa lugar lang namin ang pinag-uutangan ni papa at doon lang din siya nag-susugal. Hindi iyon aabot dito.
"Bakit niyo ako hinahanap!?" Umatras ako nang dalawang hakbang.
Mukhang ibang takbo nanaman ang gagawin ko ngayon ah.
"Hawakan mo siya, Patrick," utos nung binatang maskulado.
Agarang sumunod ang lalaking tinawag niya ng Patrick. Umatras ako nang maraming beses. Pakshet! Sino ba ang mga asong ulol na ito? Ba't mukhang huhulihin nila ako?
Nahawakan ako nung Patrick. Ka-edad ko lang siya at mas matangkad siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Pilit akong kumuwala sa pagkakahawak niya.
"Ano ba! Sino ba kayo!?"
Nilibot ko ang paningin ko. Walang taong dumadaan sa pwesto namin. Maliit lang kasi itong kalsada at tanging motorsiklo lang ang makakapasok. Naguguluhan ako kung saan ako maghahanap nang tulong. Nanginginig pa naman itong tuhod ko. Feeling ko hindi ko na kayang tumakbo.
"Bitawan niyo ako. Sino ba kayo!"
"May nag-utos lang po, Ma'am,” sabi nung isang lalaki.
"Sinong nag-utos sa inyo?" Pilit kong binawi ang kamay ko. Kinaladkad na nila ako sa kung saan man nila ako dadalhin.
"Ang nag-utos sa amin, ay ang ama po ng boyfriend niyo, Miss," sagot nung isa.
Kumunot ang noo ko. "Wala akong boyfriend."
"Nakita po namin ‘yong vide----"
"Jonas, `Wag mo nang kausapin iyan. Tanongin mo na lang kong saan ang boyfriend niya. Bakit hindi niya ito kasama," sabi naman nung isa na nasa likod ko lang.
Tiningnan ako nung Jonas. "Ma'am saan si sir Draizen? Magtatanan ba kayo? Bakit hindi kayo magkasama?"
Mas lalo akong naguluhan. Ba’t sa akin sila naghahanap ng asong nawawala?
“Ano ba, wala akong boyfriend at anong magtatanan! Adik ba kayo?"
Pumaiksi ako sa pagkakahawak nila. Nang magkaroon nang pagkakataon na lumuwag ang pagkakahawak nila sa akin, sinipa ko ang paa nilang tatlo at agad tumakbo nang mabilis. Wala nang lingon-lingon takbo lang ako nang takbo. Rinig ko pa bawat sigaw nila sa akin. Hinahabol rin nila akong tatlo.
Jusko! Hindi ko pinangarap sumali sa running marathon, bakit panay ang takbo ko ngayo, at mukhang may mga saltik sa utak pa ang naghahabol sa akin. Ganyan na ba ako kaganda at napagkamalan akong may boyfriend at ang maalala pa dun, mag tatanan raw kami. Ano nga pangalan nung binangit nila? Dray? Dre?Dude? Dudong?
Nalintikan na talaga. Uuwi lang naman ako sa lugar namin bakit maraming sagabal. Bakit maraming naghahabol. Hindi ko naman alam kung anong atraso ko sa kanila.
Panay pa rin ang takbo ko, dinig na dinig ko pa rin ang sigaw nila sa likod ko. Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng paa ko. Feeling ko konti na lang makakapusan na ako ng hininga.
Tumigil ako sa pagtakbo nang hindi ko na kaya. Huminga ako nang malalim. Lilingunin ko na sana ang tatlong lalaking humahabol sa akin ngunit bago ko pa magawang lingunin. Hindi ko na naramdaman ang paa ko sa kalsada. Nasa ere na ako binubuhat ng kung sinong matikas ang dibdib.
"I told you, stay by my side. Look what you get," seryosong saad niya.
Tumakbo siya nang mabilis habang buhat ako ng pang bridal. Kumakapit ako sa leeg niya nang mahigpit. Takot ko lang mahulog. Sobrang bilis niya pa naman tumakbo. Para lang siyang hindi nabibigatan sa akin.
Sinilip ko ang likuran niya. Hinahabol pa rin kami nang tatlong lalaki. Medyo malayo na sila at hindi ko na narinig bawat sigaw ng tatlo.
"Ibaba mo nga ako kaya kung tumakbo gamit ang paa ko," inis na sambit ko.
Kahit ang totoo, ang sarap sa feeling na buhat niya ako ngayon. Para akong dinuduyan ng langit habang naka titig sa mukha niya. Pawis na pawis siya pero kahit ganon amoy ko pa rin ang mabango niyang perfume. Habang nakatitig ako sa mukha niyang halos perpekto ang hulma, pataas sa buhok niyang umaalon sa bawat takbo ay para akong hinihile. Mukha akong ginayuma at biglaan akong na-attract sa kanya dahilan nang pagkatulala ko.
"Tss…”
"Aray ko po!!"
Halos mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng pwet ko nang maramdaman ko ang sementong pinagbagsakan ko. Bwesit naman oh! Ang sakit ng pwet ko nang wala man lang ka gentleman ang paglagay niya sa akin sa semento.
"Wala ka talagang puso! Bwesit ka talaga! Hindi ka lang magnanakaw ng halik salbahe ka pa!" singhal ko sabay ngiwi sa kanya.
"Kanina pa kita sinabihan ng bumababa na. Kapit ka pa rin nang kapit sa akin. Para ka pang timang ngumingiti. It's no fun at all. And why it looks like, you are day dreaming? Nagugustohan mo na ako niyan." bagot niyang saad sabay kibit balikat.
Umawang ang bibig ko. What the! Ang lakas naman nang hangin at pati ako nalipad. Eh kong nuknokin ko kaya iyang ulo niya nang matauhan siya. Asa naman siyang magustohan ko siya, over my dead sexy body.
"Hoy! Mister! Sino ba ang nagsabi sa’yo na buhatin mo ako? And for your info, hindi kita type. Mas type ko iyong humahabol sa aking tatlong tao. Puro maskulado at may itsura `di tulad sa iyo… na… na…”
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napalunok ako nang makita ko ang kabuuan niya. Mas maskulado pa pala siya roon sa tatlong lalaki kanina at mas gwapo rin. Nag- iwas ako ng tingin. Sege, Shin panindigan mo iyan pagiging sinungaling mo.
"Napaka-cheap ng type mo sa lalaki. No doubt, wala ka pang naging boyfriend at mukhang walang papatol sa'yo." Tumawa siya ng pagak.
Ngumiwi ako. “Paano mo nalaman."
Humalakhak siya. "So it's true. No boyfriend since birth, huh!" Kinindatan niya ako ng may pang-asar.
Imbis na maasar, natulala pa ako sa kindat niya. Ngunit panandalian lamang dahil bumalik ang isip ko doon sa tatlong lalaking humahabol sa akin kani-kanina lang.
"Kilala mo ba ang tatlong lalaki na iyon? Bakit parang narinig kong tinatawag ka nila ng sir Draizen?" tanong ko nang maalala na ang binanggit nung nag-iitimang lalaki.
Hindi ko sure ang pagkadinig ko kanina pero parang pati siya ay hinahabol din nila.
Nawala ang halakhak niya at sumeryoso ang mukha. "Hindi ko sila kilala" Nag-iwas siya ng tingin.
"Eh, ikaw ba iyong tinatawag nilang sir Draizen? Mayaman ka ba? Bakit may sir?" Pinaliit ko ang mata ko. Tumikhim siya at binigyan ako ng walang emosyon.
Hindi malabong magsi-sir sila sa lalaking ito dahil mukhang mayaman ang kutis niya at artistahin ang mukha. Pero kung mayaman siya bakit naman siya mag ba-bus diba? At maarte ang mayayaman. Pero may pera naman siya noong nasa c.r kami. Binigyan niya pa nga ako nang limang libo. Mayaman kaya talaga siya?
"Hindi ako mayaman." Tinitingnan niya ako nang seryoso. "Mukhang ikaw yata ang hinahabol nung tatlo. May atraso ka ba sa kanila?"
"Bakit ako? Wala akong kasalanan. Nagtaka nga ako kung bakit hinahabol nila ako. Napagkamalan pa nga akong may katanan raw ako, iyong boyfriend ko raw, eh wala naman ako nun.”
Na pa-iling siya sa sinagot ko. Pumikit siya nang mariin at bumulong na hindi ko rinig. "Sabi ko na nga ba na idadamay niya ang babaeng ito. Mukhang dagdag problema ang tangang babae na'to sa’kin. Damn you,dad!"
"Anong sabi mo?" tanong ko. Tinignan niya ako tapos umiling.
"Wala. Tara na sumama ka sa akin. Baka mapano ka pa.”
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. Bago niya pa ako kaladkarin. Nagsalita agad ako.
"Kung hindi ka mayaman bakit branded ‘yang damit mo at bakit may pera ka noong nasa c.r tayong dalawa at may gana ka pang magbayad sa akin nang limang libo.”
Huminga siya nang malalim "Will you stop asking. Sumasakit ang ulo ko sa’yo" iritang sabi niya at hinila nanaman ako. Nagmatigas ako para hindi niya mahila. " Let's go, don't be so hard on me. I'm lose my strength to fight with your stupidness.”
"Pati pag-english mo may accent. Anak mayaman ka e! Baka tumakas ka lang sa inyo," panigurado ko.
Diba nakakapagtataka naman, feeling ko talaga mayaman siya. Ayaw niya lang aminin.
Binitawan niya ang kamay ko para maharap ako. Seryoso ang kanyang mukha, tila ayaw akong pakawalan sa mga mata niya.
"Hindi ako mayaman. Anak ako ng isang sadistang ama. Lagi niya akong sinasaktan kaya tumakas ako sa amin. Nakatira ako sa gilid ng kalsada. Nagtatrabaho ako ng car washer says kong saan-saan, kaya may pera ako. I am a homeless man. Satisfied answer?"
Umawang ang bibig ko. Diko akalain na ganon pala ang pamumuhay niya. At ang lakas ng loob niyang umamin sa akin. Akala ko talaga mayaman siya dahil sa pananalita at pananamit pati pangangatawan, alagang-alaga. Parang hindi laki sa walang class na pamumuhay.
"Sumama ka na sa akin. Dahil baka mahanap ako ng ama ko at madamay ka pa.”
"Teka ba't ako madadamay, E wala naman akong kinalaman sayo"
"Arg! Basta sumama ka na sa’kin. Huwang ng maraming tanong. Nakakabobo kang kausap," frustrate na saad niya at hinila ako
“Teka lang! Teka lang!”
“What now?” pagod niyang tanong.
“Bakit ang galing mong mag english? Saan mo natutunan ‘yan, e laking kalye ka naman.”
“Kapag laking kalye, bawal bang gumamit ng english na lenggwahe, Miss?”
Ngumisi ako “Hindi nama----”
“Then I am free to say what I want. Come on, stop asking some worthless questions.”
Nagpati-anod na rin lang ako kahit gulong-gulo ang isip ko sa mga pinagsasabi niya lalo na nung madadamay daw ako. Ba't ako madadamay? Ang papa niya kaya ang nangunguha ng lamang loob at ibebenta? Diba sabi niya sadista ang ama niya, posibleng ganon nga. Kaya ganito na lang siya kong umasta.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko nang panay lakad lang kami. Pasalamat na lang talaga ako at natakasan namin ang tatlong lalaking humahabol sa akin.
"Hoy! Saan ba tayo pupunta!?" Ulit ko nang ‘di siya sumagot.
"Basta, Ewan ko. `Di ko alam!"
"Ano! Gago ka pala e! Hila ka nang hila sa akin tapos ‘di mo alam kung saan tayo pupunta."
Huminto ako sa paglalakad. Huminto rin siya at binalingan ako. Kinunotan ko siya ng noo, samantalang bagot naman na tingin ang binigay niya.
"Maghahanap ako ng trabaho. At ikaw, ilalayo kita... Bago pa may makadakip sa iyo na tauhan ni daddy.”
Nanliit ang mata ko nang ‘di ko masyadong narinig ang sinabi niya sa hulihan. Hindi ko na lang ipinagbahala pa at inalok siya nang mas nakakabuti sa kanya.
"Diba wala ka namang tirahan at marunong ka namang maglinis ng sasakyan." Ngumisi ako.
Ngumiwi siya nang masilayan niya ang kakaibang tuwa sa mata ko.
"What's on your mind stupid?”
Inikotan ko siya ng mata nang marinig ko ang 'Stupid'. Sarap niya talagang kutongan. Kundi ko lang siya kailangan baka kanina ko pa ‘to sinipa.
Hindi naman siguro masama kung aalokin ko siyang sumama sa akin. Kasi sa tingin ko sa kanya mukhang marunong naman siya sa mga gawain. Mukhang mabuting tao rin naman siya.
"Uuwi ako sa amin. Malayo sa siydad at may plano akung mag tayo ng car wash pagka-uwi ko roon. Baka gusto mong sumama?" Tinaasan ko siya nang kilay at ngumiti nang matamis
Tinitigan niya ako nang maigi. Tila kinilatis kung may tuyo ba ako sa utak o wala. Hindi ko rin makuha sa sarili kung bakit inalok ko siya nito. Hindi ko naman siya responsibility pero parang hindi ako bigla na mapakali na maiiwan siya sa gilid ng kalsada at kung saan-saan natutulog.
"Kailangan ko ng pera."
Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha. Mahirap nga ang isang ‘to " Basta, ako nang bahala sayo. Safe ka sa akin. Magkaka-pera ka talaga." Kinindatan ko siya.
"Tss... Kailangan ko ng matirhan. Good for one month at least."
"Basta ako na nga ang bahala sa’yo.”
Laking tulong talaga siya sakin. Naiisip ko pa lang ang tindig niya. At tikas ng katawan. Bentang-benta ito sa mga babaeng customer pati bakla. Baka balik-balikan pa kami sa car wash. Naku! Naku! ikaw Shin umiiral nanaman pagka-negosyante mo.
"Fine... Let's go then."
Ayos! Nadali mo rin! Akala ko magmamatigas pa!
Antonio Sy POV
Halos maitapon ko ang mamahaling baso na hawak ko pagkatapos kong maibaba ang tawag galing sa tatlong butler ng anak kong laging sakit sa ulo.
"Draizen Ken Sy, sakit ka talaga sa ulo!"
Nag tagis ang bagang ko bawat bigkas ko ng salita. Hindi ko akalain na mas lalong lumala ang katarantaduhan niya ngayon.
May report ang tatlo sa akin na hindi nila na huli ang anak ko at ang girlfriend nito. At sabay pang tumakas ang dalawa sa mga kamay ng butler niya. Mukhang magka-ugali ang dalawang iyon. Parehong ma-ilap.
"Sege lang magpakasaya ka muna. Hahayaan muna kita. Dahil `pag panahon muna, magsisi ka rin sa pagtakas mo sa responsibilidad mo bilang tagapagmana ng Sy Empire. Be happy son with your willingness to run your responsibilities."
Tinapon ko ang baso na kanina ko pa pinangigilan.
Biglang pumasok ang secretary ko. Habol niya ang kanyang hininga. Mukhang may dalang nakakapang-init ng ulo. Isang balita nanamang nakaka-urat sa pandinig.
"Sir, Antonio marami pong media sa labas. Nag Natatanong kung ano ‘yong video na nakita nila tungkol sa anak niyo.”
Pumikit ako nang mariin. Sabi ko na nga ba na ganito ang mangyayari. Draizen Ken Sy, pinapasakit mo talaga ang ulo ko!
"Sabihin mo maghintay sila at ako na ang kakausap sa mga media.”