Chapter 5: Unbelievable

2643 Words
Draizen POV "Mag bu-bus tayo uli dahil malayo-layo pa ang lugar namin dito," saad ng baliw na babae. Nasa gilid ko siya panay ang talak. Hindi yata mauubusan ng energy ang babae'ng may sayad na ito.. Ginulo ko ang buhok ko, before I look at her lazily. Pagod na ako at nagugutom. Bakit naman kasi takas ako nang takas, ngayon pa talaga ako walang dalang pera. Tanging two hundred lang ang dala ko. Nakalimutan kong dalhin ang mga credit cards ko. Arg! Mas mahirap pa ako sa daga nito. "Hoy babae! May pera ka ba!?" pagod na tanong ko. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay "Wala,” deretsahang sagot niya. Pumikit ako nang mariin. 'Kalma lang Draizen, pahabain mo pa ang pasensiya mo sa kanya'. Kasi sa totoo lang kanina pa ako inis na inis sa kanya. Laking kalye yata ang babaeng ito. Daig pa ang tindera sa super market kung umasta. Kanina pa ako binabara ng baliw na'to. Hindi ko na lang pinatulan dahil mas lalong sumakit ang ulo ko pag pinatulan ko ang kabaliwan niya. Kundi lang sana nanganganib ang buhay niya kanina ko pa siya iniwan. Hindi sana ako buntot ng buntot sa kanya. Teka? Ako ba ang buntot nang buntot? O siya?. Ah, basta. Hindi siya pwedeng magpabaya dahil hindi niya alam kung anong magagawa ni Daddy sa kanya. Kundi sana kami na videohan noon doon sa bus ‘di sana naglalakad ako ngayon nang matiwasay. At hindi agad ako matuntun ng mga tauhan ni Daddy. At hindi ko rin responsibilidad ang praning na babaeng kasa-kasama ko ngayon. Katulad kanina mabuti, na lang naabutan ko pa ang babae ito doon sa kalsada na hinahabol ng tatlo kong butler. At agad kaming nakatakas. Kundi, kay Daddy pa rin ang bagsak ko. At panigurado ako galit na galit na siya ngayon. "Nagugutom na ako,” rinig kung sabi niya. Kumakamot-kamot pa siya sa kanyang ulo. "Mayroon ka namang pera diba? Eka, kumain ka," walang ganang sabi ko. Tinitigan niya ako nang masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinisungitan ng tingin. Akala mo ikaw lang ang nagugutom. Ako rin naman. "Kakain talaga ako.” "Edi, mabuti, at kung may awa ka pakainin mo rin ako." Sa tanang buhay ko ngayon lang ako namamalimos ng kakainin. Kung busog lang ako hindi ako manghingi sa kanya. "Gutom ka," asar niya Ngumisi siya nang nakakaloko. I sigh. Mukhang may binabalak pa yata siya. Tss! "Hmmm... Oo, gusto kitang kainin." I smirk Suminghap siya at nanlaki ang dalawa niyang bilogang mata. Mas lalo siyang naging cute ‘pag nagugulat. Lumubo rin ang pisngi niya. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya say sinabi ko. Mukhang ‘di yata sanay na ginaganon. "Heh! Bastos mo! Diyan ka na nga!" Nagmartsa siya palayo sa akin. Pumunta siya doon sa isang karinderya. Ako naman tawa nang tawa. Di ko akalain na mas naasar pa siya sa ginawa niyang kabaliwan. Sinundan ko siya sa loob. Naabutan ko siyang prenting-prenting naka-upo sa upuan. May upuan sa katapat niya. Agaran akong umupo roon. Inangat niya ang tingin sa akin. Umasim agad ang timpla ng kanyang mukha pagka kita niya sa mapang-asar kong ngiti. "Ba't nandito ka? Sino ka ba?" Inosenting tanong niya. Nilakihan ko ang ngisi ko. What is your plan now. You silly girl. Shin's POV KAASAR!! Sarap niyang tadyakan ngayon sa harapan ko. Nagmumukha siyang engot kakangisi niya ng nakakaloko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maraming tao sa loob, kumakain at panay ang tingin nila sa kasama ko. Kadalasan mga teenager. Titig na titig sila sa kasama ko. Samantala itong lalaking nasa tapat ko naka titig sa akin. "Huwag mo nga akong titigan. Sino ka ba, hindi kita kilala!" Nilakasan ko ang boses ko upang marinig ng mga tao sa loob, at nagtagumpay naman ako dahil nabaling ang atensyon ng lahat sa aming dalawa. Iniwas ko ang tingin ko. Namataan kong may papalapit sa aming babae. May dalang sticky note at ballpen. "Hindi mo ako kilala? Porket nagselos ka lang dene-deny mo agad na ASAWA MO AKO!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Whatdaaapaakk! Akala ko ako ang magpapahiya sa kanya bakit ako pa yata ang nahiya sa mga pinagsasabi niya. Nakakapula ng pisngi, putcha! Makapal din pala mukha nito. "Ano ka ba! Nakakahiya ka! Hindi kita asawa!" sigaw ko. “Huwag mo akong angkinin kasi hindi kita kilala. Umalis ka na. Alis! Sho!” Sumenyas ako sa kamay ko na paalisin siya. Tumayo ako. Tumayo rin siya. Naikot ko ang mata ko nang bigla niya akong kinindatan. Para bang sinasabi niyang 'Kaya kung sakyan bawat kalokohan mo babae' Umawang ang bibig ko. Imbis na mainis nginisihan ko lang siya. Sege, Let the game begin! Tingnan natin kung sino ang magwawagi at kung sino ang ma-uto ngayon. Huwag mo akong subukan lalaki. Kung sa bus kanina nanalo ka sa pagiging diskarte, ngayon hindi ko na hahayaan iyon. "Dene-deny mo talaga ako bilang asawa mo. Porke't nagseselos ka lang,” sabi niya, ramdam ko bawat hinanakit kuno sa bawat bigkas niya ng salita. Aba! Marunong rin, ah! Umupo ako pabalik sa upuan at nag-cross arm. Sige panindigan na namin ito. Pinalukot ko ang mukha ko. Para bang galit na galit na talaga ako. "Ahm, excuse me!" Kita ko ang babaeng may dalang ballpen at sticky note na kinadlit niya ang lalaking kasama ko. "Yes!" Biglang umamo ang mukha ng mokong nang kinausap na niya ang babae. "Sir, kung pu-puwede sa labas na lang po kayo mag-away ng asawa mo dahil nakaka istorbo na po kayo sa mga customer namin,” nahihiyang saad ng babae. Hindi siya makatingin sa kaharap niya. At ‘pag itunghay niya naman ang paningin niya matulala na lang bigla sa kausap niya. Napa-iling na lamang ako. Kahit kailan talaga, oh! Nahiya naman akong kasama ang mokong na'to. Lakas ng karisma. "Kakain kami ng asawa ko rito. Pasensiya na, Miss, ako na ang bahala sa kanya." Nginitian niya nang mapang-akit ang babae. Nakita ko ang pagkataranta ng kausap niya at ang pagsinghap ng mga tao. Rinig ko ang bulong ng mga dalaga sa paligid. "Sayang may asawa na pala si Kuya." "Arg! Ang gwapo niya. Sana ako na lang ang asawa niya." "Goshh! Ang swerte ng babae. Mukhang mahal na mahal siya ng lalaki. Napakagwapo pa naman." Napa-iling muli ako. Sus! Kung Alam niyo lang talaga. Sa tingin ko kung hindi nila alam na ASAWA ko kuno ang lalakin ito baka mapagkamalan pa akong alalay. "Okay sir. Ahm, Ano po ang order niyo?" Umupo pabalik ang lalaking kausap niya. At sa puntong ito sa tabi ko na siya umupo. Inakbayan niya ako. Hindi naman ako makagalaw sa bills ng galaw niya. Pinandilatan ko siya nang mata. 'Aba nakarami kana sa pananching, ah!' Nginisihan niya ako at nilapit ang bibig sa tenga ko "Sumabay ka na lang makakalibre tayo nito.” Iyon ang nasa isip ko, ang makakain ng libre sa karinderyang ito. Ngunit hindi ko akalain kung anong kahinatnan pagkatapos naming kumain. Bahala na, siya na ang bahala. Ang gagawin ko sasabayan ko lang siya. "Huwag ka ng magalit, Misis. Sege ikaw na ang bahalang mag-order nang kakainin natin. Galit ka na naman sa akin." Nginitian niya ako. Tumango ako na parang tuta. Para akong nahihilo sa bawat bigkas niya at kunwaring lambing niya sa akin. Mukha akong nawawalan sa sarili. "Ma'am ano po ang order niyo. Mayroon po kaming pritong isda, Fried chicken, ginataang baboy..." Marami pa siyang binaggit na pagkain. Agad ko namang sinabi ang order namin. Samantalang nakikinig lang ang lalaking katabi sa akin. Minsan ngumingiwi siya at kukunot ang noo kapag binaggit ko ang putaheng pilipino. "Baka may lason iyong inorder mo,” bulong niya pagka-alis ng babae. "Hindi familiar sa akin ang mga iyon." "Ha!? Anong sabi mo?" Lumakas muli ang boses ko nang wala akong maintindihan maski konti sa binubulong niya. "Tss... Wala. Nga pala may pambayad ka ba sa in-order mo? Marami yata ang sinabi mong putahe.” Pinandilatan ko siya ng mata. Aba! Sarap din kausap ng gago. Ayaw ko ngang gumastos ng pera. Tapos itatanong niya kung may pambayad ba ako? Kailangan kong magtipid upang may ibabayad ako oras na maningil iyong pinag uutangan ni papa. Tapos mukhang pinagloloko niya pa ako. "Akala ko ba ikaw na ang bahala. May pasabi-sabi ka pang sabayan lang kita at makakalibre na tayo," mariin kong bulong. Pumikit siya nang mahinahon sabay pisil ng noo niya. Tila problemado, “At naniwala ka naman.” Umawang ang bibig ko. Aba! Gago talaga ang isang'to. Kung suntukin ko kaya pagmumukha niya. Binigyan ko siya nang matalim na tingin. "Bahala na nga. Ako na ang didiskarte. Wala kang silbi," iritang saad ko, napa-ingos rin ako sa galit. Tingnan na lang natin kung anong magagawa ko ngayon. Pagkadating ng pagkain. Agad kaming kumain dalawa. Hindi na kami nag-atubling mag-usap dalawa dahil pareho kaming gutom. At nabwesit din ako sa kanya. Pagkalipas nang ilang minuto, na tapos rin kaming kumain. Sabay pa kaming dumighay. Nagtitigan kami at para bang nag-uusap kaming dalawa sa mga mata namin. "Ready ka na?" tanong ko. "Tss… What is your silly way this time, Miss?” Umangat ang kanyang upper lips. Ngumisi ako nang nakakaloko sa kanya. Tanging kunot noo at naguguluhan ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Gamitin ko nanaman ang, ‘Power technech of Shion Zeek Macapagal' "Anong gagawin mo babae'?" Tinaas niya ang kilay niya, naghihintay sa susunod kong gagawin. "Watch and learn." Tinaas-taas ko ang kilay ko at ngumisi ng malaki. Luminga-linga ako sa paligid. Walang naka tingin sa amin. Namataan ko rin ang babaeng nag-serve sa amin kanina ng pagkain, na busy sa pagbibigay ng pagkain sa bawat customer na pumapasok. Samantalang iyong mukhang nagmamay-ari ng karinderya busy sa pagbilang ng pera sa kaha. Tiningnan ko ang lalaki sa tabi ko. Dumikit ako sa kanya upang walang makakita sa gagawin ko. Buti na lang nasa sulok kami. Kinuha ko ang ketchup sa lamesa. Binuhos ko lahat ito sa suot kong pantalon. Pasalamat na lang ako dahil puti ang pantalon kong suot, kaya gamit na gamit talaga. Ngayon sisimulan ko na ang acting ko. Tangina! Mapapasubo nanaman ako. "What the hell are you doing!" mariing bulong ng katabi ko. Nanlaki ang may pagka-chinito niyang mata. "Basta sabayan mo na lang ako. Huwag ka na maraming tanong diyan." Kinindatan ko siya. Umawang ang kanyang labi at mas lalo pang kumunot ang noo. Hinawakan ko ang braso niya nang mahigpit at pumosition ng patagilid sa upuan. "Arg! Tulungan niyo ako! Ang baby ko!!" Halos maputol na ang litid ko sa lakas ng sigaw ko. Napatayo naman itong katabi ko sa gulat. "What the!" "Tulungan mo ako. Iyong baby natin! Babe, si baby!" Iyak ako ng iyak na parang totoo talagang nakunan. Nakatingala ako sa kanya samantalang tulala naman siyang nakadungaw sa akin. Blangko ang kanyang mukha. "Babe, iyong anak natin. Isang buwan pa ito. Huhuhu! kasalanan mo'to" Pinalukot ko ang mukha ko. Iyong kunwari ang sakit ng tiyan ko kuno, kasi nakunan. "Oh My! Tulungan niyo ang babae nakunan!" Rinig kong sigaw ng ginang sa may kalayuang lamesa. Marami nang nataranta. Marami nang nagsisigaw at humihingi ng tulong. "Ang baby ko! Arg! Walanghiya ka! Kasalanan mo'to" Sinampal-sampal ko siya nang malakas. Tulala pa rin siya sa kawalan. Gusto kong tumawa nang malakas sa reaksyon niya. Mukhang ‘di na talaga siya makapaniwala sa kabaliwan ko. Ano ttson, na ulol kana ba riyan! Pfft! "Tumawag kayo ng ambulansiya! Bilis na may nakunan dito!" sigaw ng may ari ng karinderya. Tangina! Ang hirap mag pigil ng tawa. Gusto kong magwala at pag-uuntogin ang mga tao rito. Nagmumukha silang engot. "Aahh!! Tulong! Ang sakit na talaga!! " Hinawakan ko ang balakang ko "Ikaw! Ano pa ang tinutunganga mo! Pasanin mo ako! Kasalanan mo ito bwesit ka! Bakit mo ako ina-nakan!" Sinapak ko ang lalaking kasama ko sa kalokohan na'to. Nabalik siya sa ulirat niya at agad tumalima sa acting ko. Napa- iling muna siya bago niya ako pinasan nang pang-bridal style. Pinalibutan na kami ng mga tao. Kanya-kanya sila nang bulong. Sinisisi ang asawa ko kuno kaya nakunan ako. "Nag-away ang dalawang mag-asawa na iyan pagkapasok. Mukhang na iistress ang babae kaya nakunan. Iyan ang mahirap sa buntis e!" "Ay Naku! Naku! akalain mo nga naman, buntis pala ang asawa ng lalaki tapos pinapa selos pa ng asawa niya. Iyan tuloy nakunan." Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya upang doon tumawa. Lintik iyan mukhang mauutot pa yata ako kakapigil nang halakhak ko. "You're unbelievable creature." Rinig kung bulong niya sa may bandang ulunan ko. " Ngayon lang ako napahiya ng ganito ka tindi, goddamn,” gagdag niya. Tumawa ako nang mahina. Aba'y halata namang tuwang-tuwa rin siya sa mga pinaggagawa kong pag-acting. "Bilisan mo please, ang sakit na ng tiyan ko, babe!" Panay ang sigaw ko at kunwari mamatay na ako sa sakit ng naramdaman ko raw. "TUMABI KAYO! BAKA MAPANO PA ITONG ASAWA KO!" sigaw ng mukong. Mukhang naka recover na yata siya. At nagawa na akong sabayan sa pag pa-acting. Kahit kailan talaga, marunong din sumabay sa kalokohan ko. Aba! Dapat lang kaming dalawa ang malilintikan kapag dika dumiskarte ngayon. "Ah! Babe! Mapapatay kita `pag nawala ang anak natin! Mapapatay talaga kita!” hagulhol ko pa. Iyan ang parati kong sigaw hanggang makalabas kami ng karinderya. Nang makalayo-layo na kami nilagay niya ako sa lupa at sabay kaming nagtago. Nagtitigan kaming dalawa at sabay na tumawa, iyong pang bruhang tawa. Ang sakit ng tiyan ko. Jusko Lord! Mamatay ako sa kalokohang ito. "May mas ikababaliw ka pa talaga," iling-iling na saad niya. "Ako pa! Akalain mo naman. Busog pa tayo may nakuha pa ako!" Pinakita ko sa kanya ang nakuha ko. "Paano mo nnakuha iyan?" gulantang na tanong niya pagka kita niya sa hawak ko. "Basta kinuha ko doon sa taong lumalapit sa atin. Namataan ko'to sa bulsa niya kaya kinuha ko na habang pasan mo ako." Nginisihan ko siya. "You're unbelievable tss!" Ngumisi pa ako lalo. Dalawang ticket ng bus ang nakuha ko galing doon sa pinagkuhanan ko nito. Magnanakaw na kong magnanakaw basta ang gusto ko lang gawin ang maka-uwi ako ng matiwasay sa amin. Pagkatapos naming magpahinga sa pinagtataguan namin. At nakapag bihis na rin ako. Nag Nanakaw lang naman ako ng damit at pantalon doon sa nagtitinda ng ukay-ukay. Sabay na kaming pumunta ng bus station. "Saang lugar ba ang inyo?" tanong niya “Is it far?” "Guadalupenian Heights Village. Mga anim na oras tayong uupo sa bus bago natin marating ang lugar namin.” Hindi ko siya narinig na nagreklamo sunod nang sunod lang siya sa akin. Dumiretso na kami sa nakahilerang bus. Binigay ko ang ticket ko doon sa konduktor. At umupo na kami sa may pinakadulo ng bus. `Di ko tuloy maiwasang maibalik ang isip ko roon sa unang bus na sinakyan namin. Naging madrama ako doon upang mmaklibre lang ng pamasahe. Ngayon naman kasama ko ang lalaking ito. Parang kanina pa siya nabo-bored kakasunod sa akin. "May kapatid ka ba?" "Wala," sagot niya. Hindi nag atubling tignan ako. Ngumuso ako. Sungit nanaman. Sinuot niya ang hood niya at sumandal ng maayos sa upuan. At pumikit. "Matutulog ka ba?" "Huwag ka na ngang maingay. Gisingin mo na lang ako kapag nandyan na tayo sa destinasyon natin,” pagod na sabi niya. Tumango na lamang ako. Kala naman niya kakausapin ko siya. Tss! Mas mabuting kausapin ko na lang ang sarili ko kesa siya ang kakausapin ko na mukhang hindi maayos na kausap. Mapanis sana ang laway niya riyan. Iyon nga ang naganap sa anim na oras. Natulog siya at nakatulog rin ako. Isa lang ang tumatakbo sa utak ko. Iyon ay kung ano ang maging reaksyon ng kapatid ko at ni papa oras na makita nila ang kasama kung lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD