"I can't believe this! I just kiss a woman who doesn’t even know how to kiss and..." Tiningnan niya pa ng isang beses ang suot ko, "masyadong manang." Nag-smirk ito. Nang insulto pa talaga.
Mas lalong umuusok 'yong ilong ko sa galit dahil sa narinig mula sa kanya. Aba! Ano tayo rito, gagohan lang? Ako baduy? Tapos manang? Epal pala ang lalaking ito, eh! Gusto yatang makatikim ng sapak sa mukha.
Agad kong sinuntok ang mukha niya at tinadyakan siya papalabas ng cubicle.
"What the! Hoy babae! Anong ginagawa mo? Why the hell you punch me? God dammit! Ang sakit nun," Inis niyang singhal sabay pahid sa bibig niyang putok.
Nilapitan ko siya para kwelyohan, tapos tiningnan nang matalim.
"Tangina ka! First kiss ko iyon tapos ninakaw mo! Pisti ka ba! Mamatay kana sana, at saka hindi ako baduy, gago!" Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib. Panay sangga siya sa atake ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay nang mas sinuntok ko pa siya ng malakas. May gana pa siyang titigan ako nang matalim na matalim ngayon, sa kabila ng kapangahasan niya sa labi ko.
"Stop hitting me. You don't have the right, stupid. And excuse me, lady. That's only a fuckin' kiss. Hindi kita ni-r**e. You’re too sensitive, Miss.” Tinulak niya ako.
Umusok nanaman ang ilong ko dahil sa na rinig. Namimihasa na talaga siya sa mga pinagsasabi niya sa'kin. Ano nga ulit sabi niya? Minamaliit niya ba ang first kiss ko? Minamaliit niya. Grabe ang arogante niya naman kong ganon.
"Gago ka ba, ha! 'Wag mo akong mamaliitin. Sinong matutuwa nun? Sa isang kagaya mong lalaking hindi ko kilala basta-basta na lang ninakaw ang first kiss ko?! Ano, ha! Anong gusto mo? Suntokan-suntokan?" Tinulak ko ulit siya kaya napasandal siya sa dingding.
"Don't you fvcking touch me!" Tinakwil niya ang kamay kong nakatulak sa kanya. "Nadudumihan mo ang damit ko. Baka mahawaan pa ako sa kabaduyan mo.Your dirty hand was ruining my t-shirt, damn it!”
Pinagpagan niya 'yong dibdib niya na tinulak ko kani-kanina lang, pagkatapos ay ako nanaman ngayon ang tinutulak niya para maka-alis na siya sa harapan ko.
Natulala ako sa asta niyang napakayabang. Ngayon lang yata ako nakaka-encounter ng ganitong ugali. Napaka-arogante masiyado, akala mo kong sino.
Bago pa siya makalabas nang tuluyan sa comfort room, hinila ko nang malakas ang damit niya at pinaharap sa akin.
"Ano? Aalis ka na lang na parang walang nangyari, ha! Panagutan mo ako. Waaah! Ipapabarangay kita dahil sa kapangahasan mo. Makikita mong magnanakaw ka!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.
Nagkamot siya ng ulo at bagot akong binigyan ng tingin sabay pasok sa kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. May kinuha siyang pitaka roon.
"Mukhang pera. Is that enough money to pay my unsatisfied kiss? 'Yan, pwede na ba 'yan."
Hinagisan niya ako ng limang libo sa mukha. Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya, hindi ko nga namalayan na nakalabas na siya nang tuluyan.
Nang matauhan ako ay agad pinulot ko 'yong limang libo sa sahig at nagmadaling lumabas ng c.r para hanapin ang lalaking napaka-arogante. Kaya lang 'di ko na siya nakita. Nagpapadyak na lamang ako dahil sa sobrang pagka-inis. Pumasok ulit ako sa loob para roon magsisigaw.
"Hayop ka! Minamaliit mo talaga ako. Minamaliit mo ang first kiss ko. Kapag nakita kita ulit, makakatikim ka ng, power technique of Shion Zeek Macapagal. Naknamputcha ka!" sigaw ko sa salamin.
Tama bang bilhin ang halik ng limang libo. Leche niya, bakit hindi niya ginawang sampong libo, diba? Masaya sana, kaso limang libo lang. Paano ko mababayaran ang mga utang ko nito sa amin?Ang laki kaya ng utang ko, bente mil iyon, hindi pa kasama 'yong utang ni papa riyan.
Kaya nga ako naparito sa siyudad para maghanap ng trabaho at magkapera na rin. Ngunit sa kamalas-malasan, wala pa rin akong napala.
Sabihin niyo ng masama ako, mukha akong pera dahil nagrereklamo ako sa binigay nung lalaking arogante sa akin na pera. May katarungan ako kaya naging ganito ako ka sinop. 'Yong papa ko, papatayin ng kanyang pinag-uutangan niya ng pera at isang buwan na lang ang nakalaan sa kanya para mabuhay si papa. Ang hilig magsugal nun, iyan tuloy lubog kami sa utang. Hindi naman siya nanalo kahit isang beses kaya ako ang pinupuntirya ng mga pinag-uutangan niya.
Kaya ito ngayon, ako ang nagdurusa sa ginawa niyang pagsusugal kaya kailangan kong makahanap ng trabaho rito sa siyudad. Pero lintik, wala akong kaalam -alam dito, naliligaw ako.Wala akong patutunguhan. Gusto ko na lang bumalik sa maliit na barangay namin.
Kasalanan talaga ito ng mandurukot. Akalain niyo, kung saan-saan na nadating sa pagiging i-snatcher. Nawala tuloy ang mga galing ukay-ukay kong kagamitan. Wala silang pinagkaiba nung lalaking magnanakaw ng halik kanina. Isa pa ‘yon, kainis!
Lumabas ako ng mall na hinang-hina. Siyempre nagtatago ako kay manong guard pagkalabas. Magka-away kami nito, eh. Tinawag ko kasi siyang buntis baka kapag makita niya ako babarilin niya ako sa noo at hampasin ng batuta. Mas mabuting umiwas para malayo sa kapahamakan.
"Hay! Salamat nakalabas rin," nakangiting sabi ko. Hindi biro ang pagtatago ko para lang hindi ako makita ni manong guard, ah!
Naglakad ako sa gilid ng kalsada habang sinisipa ang lata. Nagbabakasaling makahanap ng mapapasukang trabaho. Baka may hiring na restaurant akong makita. Edi, pwede akong mag-apply. HRM kasi 'yong natapos ko sa kolehiyo baka pwede na sigurong assistang lang bilang taga-luto, o di kaya kahit taga-linis lang ng inidoro papasukin ko.
Sa ilang oras na paglalakad, may nakita akong restaurant na hindi siya masiyadong kalakihan. Pumasok agad ako sa loob at nagtanong kung saan ‘yong office.
"Good afternoon, Ma’am," naka ngiting bati ko pagkapasok ko sa loob ng HR office.
"Yes, what can I do for you? " tanong niya. Isang babaeng naka office suit at saka maganda rin siya infairness. Siya ang naabutan ko sa loob. Isang babaeng nasa thirties na.
Pumunta ako sa harapan niya para mag-bow habang nakangiti pa rin.
"Nakita ko po ito sa labas."
Pinakitaan ko siya ng poster na naka dikit sa labas ng restaurant nila. Kinuha ko kasi ito kanina bago ako pumasok sa loob.
"Yes! What about that?" tanong niya. Mukha rin pala siyang strikta sa paraan nang pagtingin niya sa hawak ko.
"Mag-aapply po sana ako rito."
"Alright, where is your resume?"
Teka! Resume?As in profile ko bilang tao? Background ko sa mundong ibabaw? E, nasa bag ko eh at------
"Na i-snatch 'yong bag ko, Maam, pati resume. Pwede po bang mag-apply? Kahit ano na lang po, " kamot-kamot na ulo na sagot ko.
Ang bobo ko naman. Bakit 'di ako nag-iisip na kailangan pala ng resume kapag mag-aapply ka. Ang tanga-tanga ko! Mapapatay ko talaga ang nag-snatch ng bag ko, dudurugin ko talaga siya, gagawin ko siyang kuto. Salot siya, eh. Nagkandaletche-letche ako dahil sa kanya.
"Ganon ba, ija. Balik ka na lang kapag may resume ka na. Hindi kami nag-hahire kapag walang ducumento.” mahinahong sabi niya.
Hindi na lang ako nagpumilit pa at lumabas na lang ako sa restaurant na 'yon na walang napala. God! Nasa bag ko nga pala ang resume ko, pati birth certificate at kong ano-ano pang mga dukumento na kakailanganin sa trabaho.
Lahat nang needed sa pag-aapply para makapasok sa trabaho nasa bag kong iyon. Letse talaga!
"Uuwi na lang kaya ako tapos babalik ako rito 'pag maayos na ang mga papeles ko sa trabaho," saad ko sa sarili habang panay lakad.
Palinga-linga ako sa paligid para makahanap ng mauupuan. Kanina pa ako nangangalay. Hanggang makita ko ang isang malawak na parke na may maraming mga taong nagkakasiyahan. Nakalimutan ko na Sunday pala ngayon, kaya marami talagang tao sa park. Umupo ako sa isang bench do'n habang nakahalumbaba sa kawalan. Iniisip ang kahinatnan ko rito sa siyudad.
Oo nga, noh! Kung uuwi na lang kaya ako sa lugar namin. Mabuti pa roon ay walang snatcher, walang namamaliit na tao, walang arogante kaysa rito sa siyudad. Mababaliw ako kakaisip kung anong mangyayari sa'kin. Pero kasi, may marami kaming mga utang kaya kailangan ko iyong mabayaran. Pati utang ni papa, kailangan ko ‘yong lusutan.
What should I do? Sana may lumapit sa akin at tulungan ako sa problema ko. Malalim na lang akong nagbuntong hininga. Hinilamos ang kamay sa mukha.
"Eneng, ice cream pampawala ng lungkot mo.”
May lumapit sa aking nagtitinda ng ice cream kaya tiningala ko siya. Isa 'yong matanda na kaawa-awang tingnan. May tulak-tulak siyang lalagyan ng ice cream.
"Manong, kapag kakain ba ako ng ice cream magkakapera ako?"malungkot na tanong ko.
"Hindi ‘yon ganon kadali,ija. Ngunit, sabi nga nila, kapag kakain ka ng ice cream mawawala ang lungkot mo kaya bili kana," nakangiting sabi nito.
Sus! Alam ko na ang ganyang diskarte, eh. Ginagawa nila 'yan para maubos paninda nila. Siyempre dahil magaling akong dumiskarte makakalibre ako nito, panigurado.
"Pinagloloko mo naman ako manong, eh. Kung totoo nga'ng makakapagpawala iyan ng lungkot, pwede patikim para naman malaman ko kung totoo ba ang sinasabi mo."ngisi ko.
"Aba! Hindi uso libre ngayon, eneng."
Kita niyo na, manloloko talaga ito.
"Hindi rin uso magpa-uto ngayon, manong." Nguso ko pa.
Tumawa lang siya habang pailing-iling ng ulo.
"Ayaw mo talaga bumili ng ice cream? Totoo nga ang sinasabi ko,ija."
"’Wag na lang po manong. Akala ko po kasi may free taste."
"Walang free taste, eneng. Bumili ka na lang para makauwi na ako."
"Salamat na lang po manong . Halata pa namang hindi pa ho kayo binibilhan ng mga tao. Wala kasi po kayong free taste,” asar ko sa nakakaawang matanda.
Totoo 'yong sinabi ko na walang bumibili ng ice cream niya. Hindi pa na bawasan yong ice cream sa lalagyan. Sinilip ko kasi kaya alam ko. Kawawa naman ang matandang ito.
"Oo nga iha, eh, marami rin kasi ang nagtitinda ng ice cream dito, tiyempohan na lang talaga. O, siya! Sege, na nga, bibigyan na kita ng ice cream. Mukha ka pa namang malungkot.May problema ka ba?”
“Wala po.”
Kawawa talaga siya. Malalapit pa naman ang loob ko sa matatanda. Naalala ko tuloy 'yong papa Alfonso ko. Kahit mahilig 'yon mag sugal mahal ako nun.
"Ito, ija. Kung kulang pa iyan, bibigyan pa kita," nakangiting sabi niya. Nangungunot na ang kanyang noo at may puting buhok na rin siya.
Tinanggap ko 'yong binigay niyang ice cream at kinain habang iniikot ang tingin sa paligid.
Oo na, makapal na ang mukha ko pero kahit libre ito at galing ito sa galawang diskarte kong walang kakwenta-kwenta. Tutulungan ko ang matandang ito para maubos ang paninda niyang ice cream. Naaawa kasi ako, eh.
"Manong, tulungan na po kitang maninda. Ako na po ang magtinda niyan. Sunod ka na lang sa akin."
Inubos ko muna ang ice cream na hawak bago siya tinulungan sa pagtulak.
"Ha? Huwag na, ija. Kaya ko na ito. Mauubos rin itong paninda kong sorbetes," tanggi niya.
"Naku! Manong, wala akong gagawin, eh. Gusto ko maglibang kaya ako na ang magtitinda tapos watch and learn kayo sa'kin kung paano ako dumiskarte sa mga tao para makabenta," ngiting-ngiting sabi ko pa habang tumataas-baba ang kilay.
"Naku! Nakakahiya naman sa'yo. Okay lang----"
"Manong, bawal ang hiya-hiya sa akin kaya hayaan mong tulungan na kita." Sabay ngiting matamis.
Tinulak ko 'yong stroller ng ice cream kaso pinigilan ako ni manong.
"Ako na, eneng," kamot-kamot na ulong sabi niya. Tumango na lang ako at naglakad na habang siya nasa likod ko, tulak-tulak 'yong lalagyan ng ice cream.
"Naku! Nakakahiya naman sa’yo----"
"'Wag kang mahiya sanay na ako rito."
Kung 'di niyo alam, sa lugar namin marami akong raket. Kung hindi nagtitinda ng mga pagkain, sumasideline rin ako sa pagtitinda ng isda at 'yong pampalamig, katulad ng buko juice at siyempre barbeque na saging o 'di kaya kamote.
"Bihira na lang talaga ang kagaya mo eneng. Bihira na lang ang maawain ngayon sa kapwa,” magiliw niyang saad.
Nginitian ko lang siya pagkatapos nilapitan ko ang mga batang naglalaro.
"Mga bata, gusto niyo matupad wish niyo?" tanong ko sa kanila.
Nagsilapitan naman silang lahat sa akin at tinignan ako. Waaah! ang cu-cute nila. Namimiss ko tuloy ang kapatid kong si Luke na kasing edad rin lang nila.
"Ate, paano po?" tanong nung batang chubby.
"Simple lang, kapag bibili kayo ng ice cream na paninda ko, matutupad ang lahat ng wish niyo... katulad mo!" Tinuro ko ang batang chubby. “Anong wish mo?" nakangiting tanong ko.
"Gusto ko po maging superman," mayabang na tugon niya. Hindi ko tuloy maiwasang tumawa nang malakas.
"Ato po ate ato guto ko madin darna hihihihi," sabi ng batang babaeng bulol. Two years old pa yata siya. Puro 't' kasi ang lumalabas sa bibig.
"Ako naman po ate gusto ko maalis ang yaya ko sa amin. I don't like her, duh!" maarteng sabi nung batang maypagkamataray. Nagcross arm pa siya sabay roll eyes ng mata niyang singkit.
"Me too, ate. I want to be a big boy, like my kuya!”saad naman ng tabatchoy na bata. Umaksiyon siyang malaki ang braso niya sa aming lahat at nag-pogi post.
"Me also. I want to have a plenty followers and become a famous kid in social media!" sigaw ng lalaking maypagkatisoy
Harujusko! Kebata-bata pa gusto na maging sikat samantalang kuntento na ako sa natatanggap kong two likes. Minsan ako na lang mismo naglalike sa profile ko para kunwari 'di inamag.
"Sige, sige madali lang 'yang mga pinapangarap niyo basta bumili kayo ng ice cream. Nakita niyo ang matanda na iyon?" Tinuro ko si manong na nakangiting nakatingin sa amin. Nag-approve pa siya.
"Yes, ate!" sabay na sigaw nila.
"Bumili kayo sa kanya ng ice cream pagkatapos lumapit kayo sa'kin. Promise matutupad ang lahat ng wish niy----Hoy! Saan kayo pupunta?!"
Aba! 'Di pa ako tapos magsalita nagtatakbuhan na sila papalayo sa akin. Mukhang 'di umubra ang panloloko ko sakanila.
Kamot-kamot ako ng ulo pabalik kay manong na ngayon nakangiti pa rin.
"Manong, do'n tayo sa ibang bata, hindi umubra, eh."
"Hindi, eneng. Mukhang umubra ang sinabi mo. Tingnan mo 'yong mga batang kinausap mo kanina, nagsibalikan."
Napatingin ako sa likod ko at halos lumuwa ang mata ko sa gulat. 'Yong mga bata na kausap ko kanina nagtatakbuhan papalapit sa akin habang may dala-dalang pera.
"Ate! Ate! We asked for money from our parents hihihihi, " sabay na sabi ng mga bata.
Nag-spark naman ang mata ko sa tuwa.
"Sige na bili na kayo kay manong!" tuwang-tuwa kong sambit. Nagsibilihan naman silang lahat pagkatapos lumapit sila sa akin upang matupad 'yong wish kuno nila. Sige, Shin! panindigan mo ‘yang panloloko mo sa mga bata.
"Ate gusto ko maging superman, " sabi nung batang chubby. Tumawa muna ako bago ko sinabi sa kanya kong paano siya maging superman.
"Talian mo ng kumot ang leeg mo. Edi, superman ka na,” walang kwentang sagot ko.
"But I want to fly. How can I do that?"
"Edi, tumalon ka, mula sa mataas o kaya sa kama. But you have to make sure ang babagsakan mo ay malambot baka kasi ma-injury ka o mabalian ka ng buto."
"Yes po ate. Thank you!" Nagtatakbo na siya habang dala-dala ‘yong ice cream niya. Nagsisigaw pa siya nang ‘I'm a superman!’
Napailing ako ng ulo saka nag-entertain pa ng mga batang nakapila.
"Ate, I want to become a darna, hihihi."
Pinigilan ko munang huwag matawa. Ang cute niyang bata, lumulubo ang pisngi niya sa tuwing humahagikik siya.
"Lumunok ka ng candy para maging darna ka tapos magsuot ka ng panty at bra," tawang-tawang sabi ko. Mas malala pa yata ako sa adik.
"But ate, If I chew the candy candy, my lungs will get hurt," yamot niyang saad.
"Edi, huwag ka na lang magdarna para hindi sumakit ang lungs mo," balik na sabi ko.
"Okay po ate. But still, I want to become a darna so that I can help many people." Nagtatakbo na siya palayo kaya ang susunod na bata naman, 'yong ingrata.
"Ate, what should I do? I hate my stupid yaya. She's really a b***h, duh!"
Aba! kebata-bata pa alam na ang salitang b***h. Walang duda spoiled ang isang ito. Naalala ko tuloy iyong babaeng maarte sa mall na pinahiya ko. At inakusahan kong kabit.
"Simple lang, pahirapan mo hanggang sumuko."
Aruy! Bad influence na ata ako sa mga batang makukulit.
"Duh! Ginawa ko na iyan but still, hindi pa rin siya umaalis sa bahay namin. Nakaka-umay ang pag mumukha niya. Napaka panget niya. Natatakot akong mahawaan."
Sarap naman sandukin ng batang ito. Napaka-spoiled brat. Ang arte rin masyado. Kapag ito naging kapatid ko, 'di 'to aabotan ng bukas.
"Simple lang iyan, takutin mo. Magmulto-multohan ka at lagyan mo ng ipis iyong damit niya. Gugulatin mo siya nang todo-todo. Tingnan mo, one week pa lang suko na 'yan tapos 'yong kaluluwa nung maid niyo nauna na sa langit. Maha-heart attack sa pagiging demonyita mong bata ka," tumatawang sabi ko. Isang tawang pang bruha.
"Yes! Thanks ate." Aba! Ang ingrata talaga, may pahalik-halik pa sa pisnging nalalaman.
"Gusto ko maging famous sa social media ate, how can can I do that? " tanong nung batang sobrang tisoy.
Nag-isip ako kunwari sa gagawin niya. Mapapasubo talaga ako sa pagiging Madam Auring.
"Gumawa ka ng video na kumakanta ka o sumasayaw tapos i-post mo "
Diba, ganyan naman kadalasan? Amp!
"I did na po, but I'm not satisfied, ate. Gusto ko, libo-libo 'yong followers ko because my mom told me, na bagay sa akin ang sumikat dahil gwapo ko raw," pagmamaktol niya.
"Bata, sumali ka na lang sa The Voice Kids para maging famous ka, o 'di kaya mag-auditon ka para maging artista ka. Magugulat ka na lang, million-million mga fans mo, pati likes tapos hindi lang likes matatanggap mo may maghahabol pa sayo. Kita mo na? Di lang aso ang maghahabol sa'yo niyan,” kumbinsi ko sa bata.
"Talaga ate? Totoo ba 'yan? Is that effective?” Tumango-tango ako. Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat
"Thank you!" Niyakap niya ako pagkatapos nagtatakbo na siya pa layo.
Gusto kong humugalpak sa tawa. Puro lang naman iyon kalokohan mga pinagsasabi ko, eh. Naniwala naman sila. Mga bata nga naman sobrang madali uto-in. Bahala na nga, basta maubos lang ang ice cream ni manong,okay na.
Nag-entertain pa ako ng ilang bata hanggang sa mapunta na kami sa sweet na sweet na couple. Sarap sanang sigawan na maghihiwalay rin sila sa huli kaso hindi pa ako siraulo para gawin 'yan.
"Ice cream! Ice cream! Bili na kayo! Mura lang!" sigaw ko. Nilapitan ko 'yong couple " Ay! Ang sweet. Magkapatid ba kayo?" tanong ko sakanila. Kunwari feeling close.
Tumaas ang kilay ng babae tapos 'yong lalaki natawa "’Di mo ba nakikita? We're boyfriend and girlfriend," masungit na sabi nung babae.
"Chill lang po. Nagtanong lang ako kasi sa pagkakaalam ko, kapag daw ang babae at lalaki magkamukha, sila raw ang magkakatuluyan hanggang dulo."
"Ano! Sinong tanga ang maniniwala sa’yo?Huwag mong sabihin, iyong magkapatid na pareho ang pagmumukha, sila ang magkakatuluyan, ha!?" sarcastic niyang wika.
Tumawa ako nang malakas. Parang mapagkamalan akong baliw nito.
"Syempre bawal magkadugo. Example, kayong dalawa. Hindi ba magkamukha kayo. Panigurado ako, kayo talaga ang magkakatuluyan promise!"
'Yong masungit na mukha ng babae kanina biglang napalitan ng kilig at tuwa.
"Para maniwala kayo sa sinasabi ko. Bumili kayo ng ice cream para mundo niyo ay masarap at dikit sa isa't isa. Parang ice cream lang diba? Kagaya ng relasyon niyo mukhang long live pa yata kayo kesa sa buhay ng mga drug addicts. At higit sa lahat stick to one kayo. Feeling ko rin wala ng maghihiwalay sa inyo" Bola ko sa dalawang magkasintahan na mukhang sarap na sarap sa mga pinagsasabi ko.
"Pabili nga ng dalawang ice cream," sabi ng babae.
"Naku! Huwag dalawa, kasi meaning nun 'hate you'. Kaya dapat tatlong ice cream para 'I love you'. Magmahalan kayo sa isat -isa at feeling ko rin may tatlong anak kayong mabubuo in the near future," nakangiting pambubula ko.
Ang sarap mambola pag 'yong kausap mo uto-uto. Hay! Buhay!
"Sige na nga, tatlong ice cream na 'yong bibilhin namin. Para love each other kaming dalawa at walang sawaang 'I love you' ang pagsasamahan namin."
Pfttt... Buhay nga naman na uto si ateng.
"Founder 'bigay mo ang 'I love you' sa kanila,” sabi ko kay manong habang nagpipigil tumawa nang malakas.
"Masusunod, commander!" tugon nito habang pailing-iling pa ng ulo. Panay rin ang tawa niya sa mga walang kwentang pambubula ko sa mga bumibili.
Sa buhay dapat mong matutunang maging madiskarte. Hindi ka dapat honest lagi, nakakasama iyon, eh. Walang nararating.
*******-
Draizen's POV
"Stupido! Ilang beses ko bang sinasabi sa’yo! Huwag mong takasan ang mga butler mo! Pinagmumukha mo silang aso kakahanap at kakahabol sa'yo!” sigaw ni daddy sa akin.
Naikuyom ko na lang ang kamay nang mariin. f**k it! Papatayin ko talaga ang tatlong butler ko. Kahit anong gawin kong pagtakas sa kanila mahahanap at mahahanap pa rin nila ako.
Katulad na lang kanina sa mall, tss... Tinakbuhan ko sila, why? Because I don't want to be controlled and imprisoned. Ayaw kong mayroong nagbabantay sa akin, sa bawat lakad ko, bawat galaw ko, because I want to be alone. Hindi katulad na parang preso. They held me like a prisoner earlier in that damn mall, by putting handcuffs. For pete's sake! Para akong takas preso sa dami kong bantay. Bibili lang naman ako ng sapatos. Tsk!
I remember that woman whom I encountered with, in that damn comfort room. The annoying noisy childish woman. I steal her a kissed and pay that damn kiss I made, because I don't have a freaking choice. Para hindi ako mahalata ng tatlong butler ko na ako 'yong lalaki na hinahanap nila, but damn it. My luck was not with me today. Nahuli pa rin nila ako. Walang kwenta talaga ang paghalik ko roon sa babaeng baduy na 'yon. Sinayang ko lang ang perang binayad ko dahil sa halik na hindi ko man lang naramdaman ang pagkibo niya. Sobrang boring, and she said, that's her first kiss? Is that possible? Nah!
After that incident, pagkalabas ko ng comfort room na iyon. Naka-abang pala ang tatlong tarantadong iyon sa labas, and here I am, this is the result. I am explaining to my dad, what was happening in that damn mall.
Akala ko everything will be alright after I tricked them. Nakatakas na ako pero nahuhuli pa rin. Escaping in your butlers is not easy. Naiinis ako kapag na alala ko ang paghuli ng mga butler ko sa akin. Those three idiots. May araw rin sa'kin 'yong mga 'yon. Kailan pa ba sila magriretero? Hindi ba sila napapagod kakahabol at kakahanap sa akin, sa tuwing tinatakasan ko sila?
I massage my nose. Thinking what's next thing to do to make my father angry with them, para mapalayas na rin sila. They treat me like a god damn dog, nagmumukha silang aso kakabantay sa'kin. For f**k sake, I'm at a legal age but still they treat me like a stupid child.
And back to the annoying lady in that cubicle. That girl. I admit, that she's cute pero mukhang pera at mahirap. I hate poor people. Don't get me wrong. I just really don't like them. If you want a reason? Well I don't like to tell. I'm still fuckin' pissed right now.
"Bakit ba napakatigas ng ulo mo, ijo? Lahat ng trabaho mo sa opisina pinapabayaan mo para lang maglakwatsa ka sa loob ng mall. May meeting ka pang hindi sinipot sa kasusyo mo sana sa negosyo. Ayon! Napariwara, dahil sa kagagohan mo! Malaking kawalan 'yon sa Company natin dahil hindi mo sinipot. Naglakwatsa ka lang sa putanginang mall----"
"What the hell, dad! Alam mo namang ayaw kong magtrabaho sa Company mo diba? I hate business. You already know that! And I already told you, na hindi ako a-attend ng meeting," kalmadong saad ko.
I'm the only son of him, Antonio Sy the owner of Sy Incorporation and Enterprises. I am going to become a CEO in our Company. Gusto niya akong gawing tagapagmana ng kompanya niya kaso ayoko sa gusto niya. I really hate businesses, that sucks! Because, I want to become------
"What son? Kasi gusto mo maging professional car racer? Grow up young man! For god sake! Anong patutunguhan ng car racing mo na 'yan! Wala kang mapapala sa katigasan ng ulo mo. Pinayagan na nga kitang maging modelo kahit labag sa loob ko iyon. Tapos itong konting pagmamani-obra mo lang ng company natin hindi mo pa kayang panindigan. You're being irresponsible!"
I looked at him annoyed. Minamaliit niya talaga ang gusto kong pangarap na maging sikat na car racer.
Yeah! You heared it. I like cars, no, let me rephrase that, I love them and I want to pursue my dream as a professional car racer. I want to be known as the famous car racer in the Asia. I love cars not a god damn business. That's what I want to, have as a son of a billionaire business old man. For me, being a business man is pain in the ass. Gusto kong marealize niya na pabayaan na lang ako dahil mas magaling ako sa ibang bagay kaysa riyan sa gusto niyang magiging tagapagmana ako ng Sy Incorporation and Enterprises.
"Iyan lang ang kaligayahan ko, Dad. Kaya 'wag mo nang ipilit ang business sa akin dahil ayaw ko sa ganyan. Sakit lang iyan sa ulo ko, baka mabunkrupt pa 'yan. Ako pa sisihin mo," bagot na sabi ko. I hate arguing with my dad, nakakawalang-gana. Puro bukambibig ang business niya.
Tumayo siya sa kanyang swivel chair at pinalo ang lamesa ng pagkalakas-lakas saka ako tinignan nang matalim na tingin. But I remain a blank stare on him. I'm not scared of my dad. Sanay na ako sa ganitong asal niya.
"Punyeta! Para sa kapakanan mo 'yan. Para 'yan sa pag-usbong natin. Stupido! Ikaw lang ang pag-asa kong magtataguyod sa company natin dahil ikaw lang ang kaisa-isahan kong anak.Tapos susuwayin mo lang ang gusto kong mangyari!”
"Tsk, whatever, Dad. Basta ayaw ko maging katulad mo. I want to become a car racer. Get it? I want to become a popular car racer, Dad. You can't stop me."
I hate talking like this. It's freakin' giving me an headache. Paulit-ulit na lang kami sa ganito. Kahit anong gawin niya, hindi niya ako mapapayag na maging CEO sa tinatayo niyang negosyo.
"Fine! You're grounded, son."
"What the!"
Hindi ko mapigilang hindi sumigaw dahil sa sobrang inis. s**t, I'm grounded? No way!
"Ayaw mong mananatili sa company natin. Ayaw mo rin namang magmani-obra sa mga negosyo ko. Then you're grounded for the whole year. Naka-monitor bawat galaw mo, dobleng butler ang magbabantay sa'yo mula ngayon, para hindi ka makakatakas sa'kin. You want to be free, right? You can't have it. Because, you’re grounded."
Natulala na lang ako sa pinal na saad ng ama ko.
What the hell!
I'm, Draizen Ken Sy. A twenty-two years old young man. A male billionaire son of Antonio Sy.
I want to become a car racer but damn this. My billionaire dad, hate it from the bottom of hell and now, he declared, that I'm grounded for the whole freaking year. What the f**k is this? Is he really serious about this?
"You can't do anything about it, son. You're being so stubborn. Now, take my punishment.”
Napapikit ako ng wala sa oras. Being the son of a billionaire is not easy, so I must have a plan to escape to give myself a freedom of satisfaction. Darn it, dad! You’re an evil, father!