Maaga akong nag empake para mag paalam kay tito na aalis na ako, plano ko na mag puntang Coron Palawan para makapag bakasyon kahit mga isang linggo lang, sinusubukan ko tawagan si Killian pero hindi ito sumasagot kaya mamaya nalang siguro ako mag papaalam. "Good morning tito" nakangiting bati ko kay tito Dame nang maabutan ko itong nasa sala. "Good morning Ame, aalis ka na ba?" nakangiting tanong sa'kin ni tito. "Yes tito, if makaka usap niyo po sana si Killian, paki sabi nalang po sakanya na mag babakasyon muna ako, hindi po kasi siya sumasagot sa tawag ko" nakangiting sambit ko kay tito. "sure, mag iingat ka sa byahe ah? tumawag ka sa'min pagka rating mo sa palawan." nakangiting sambit sa'kin ni tito Dame. "Yes tito, mag iingat din po kayo" nakangiting sambit ko at nag paalam n