1 year later… Amethyst Meridia’s Point of View Isang taon na pala ang lumipas, limang buwan akong naka coma. Ayon kay tita Viserra. Hindi ko na masyadong inaalam ang nakaraan ko dahil sabi ng doctor ko ay maaari itong maka sama sa akin mismo. Kasalukuyan akong nasa training ground ngayon, simula nang magising ako sa pagkaka coma ay sinimulan na akong turuan ng mga bagay na dapat kong malaman sa pakikipag laban. “Amethyst” narinig ko ang boses ni Augustus, isa sa mga magaling na taga hawak ng organisasyon na kinabibilangan ko ngayon. “Augustus, may problema ba?” seryosong tanong ko sakanya. “Wala naman, wala ka bang balak mag tanghalian? Alas dose na. Sabay na tayo.” Aya niya sa’kin. “Sige, sandal lang. Mag papalit lang ako ng damit” sagot ko sakanya, tumango ito at umupo sa gilid