Late na kaming gumising ni Killian dahil nag movie marathon kami kagabi, pagkatapos ko mag hilamos ng mukha ay lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso na sa kusina, nadatnan ko si Killian na kaka pasok lang din sa kusina. "Walang tao?" tanong ko sakanya pagka lapit ko wala akong naririnig sa kambal. "Umalis sila, papuntang mall. Nag aya raw si daddy, tapos hindi man lang tayo sinama" naka ngiwing sambit ni Killian kaya natawa ako. "Ayaw ka lang istorbohin sa tulog mo dahil nawawala ka sa mood, ano ka ba" sagot ko sakanya. "Nag text si daddy, sunduin daw natin ang kambal, may meeting pa pala siya, pero inaya niya ang kambal mag mall" naiiling na sambit ni Killian. "Maliligo lang ako sandali" sagot ko sakanya, tumango si Killian kaya tumalikod na ako at pumunta sa kwarto ko, pagka