bc

Killian “uno” Heartfield (SSPG)

book_age18+
886
FOLLOW
7.6K
READ
mafia
heir/heiress
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Nakangiti ako habang pinag mamasdan si Killian na nakatayo sa may dalampasigan, hindi alintana ang alon na humahaplos sakanyang mga paa.

"Mahal na mahal kita Killian, isinusumpa ko na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, maging madilim man ang buong mundo sa oras na dapat ang araw naka silip na"

Tahimik kong pinunasan ang luha na tumulo galing sa mata ko dahil sa kadahilanang, hinding hindi ako magugustuhan ng lalaking aking minamahal sa kasalukuyan.

chap-preview
Free preview
Simula
Kasalukuyan akong nasa Iloilo ngayon, dahil dito ako pinadala ni tita Viserra, para na rin daw sa kaligtasan ko, hindi ko alam kung sin oba ang nagtatangka sa buhay ko dahil wala naman akong maalala. Pinag sawalang bahala ko nalang ang lahat at inayos ko na ang mga gamit ko, kasalukuyan akong naninirahan sa isang paupahang bahay malapit sa bayan, mamaya ay hahanap ako ng trabaho para naman may mapag abalahan ako rito habang hinihintay ko ang misyon na ibibigay sa’kin. Pag katapos ko ayusin ang mga gamit ko, lumabas ako sa bahay dala ang bag ko at mga papeles na nasa loob, sa totoo lang ay hindi ko na kailangan pang mag trabaho dahil sinusuportahan ako ng tatlo, pero mas gusto ko pa rin na mag hanap ako ng trabaho. Sa linya ng trabaho namin, sampu kaming nasa mataas na posisyon, at nasa kina tita Viserra na kung bibigyan nila kami ng misyon o hindi. Nasa kamay na nila ang mga gagawin naming, pero madalas ay nag ttrabaho kaming lahat, hindi ko nga alam kung bakit ako nasali rito dahil ang siyam na kasama ko sa posisyon ay abala sa kanya kanya nilang mga kumpanya. Tumaas ang kilay ko nang mapadpad ako sa isang magandang coffee shop na nasa may bayan, pinag titinginan ako ng mga tao sa kadahilanang naka tayo ako sa may harapan ng coffee shop, kaya medyo naka harang ako sa daanan, pero wala akong pakielam sakanila. Pumasok ako sa cofee shop at simalubong ako ng isang waitress. "Good morning ma'am." nakangiting sambit nito, ngumiti ako ng tipid bago ko siya sinagot. "Good morning also, I saw your karatula kanina. Looking for a waitress?" nakangiting tanong ko skaanya, natulala ito, at hindi makapaniwalang napa titig sa'kin. "Why? is there a problem miss?" nag tatakhang tanong ko sakanya, umiling ito na tila ngayaon lang natauhan. "Ay wala po, ang ganda niyo po kasi akala ko oorder kayo, mag apply po pala, sandali lang po, tatawagin ko lang po ang manager namin." nag mamadaling sagot nito, tumango ako at umupo sa malapit na upuan. Ilang minuto lang ang hinintay ko nang makita ko na paparating na ang waitress na sumalubong sa'kin, kasama ang isang magandang babae na medyo maliit lang sa'kin ng kaunti. "Good morning, you'll apply as a waitress?" nakangiting tanong ng manager, tumango ako at ngumiti. "Yes" tipid na sagot ko, tinignan ko ang kabuuan ng cafe. Napa balik ang tingin ko sa manager nang mag salita ito ulit. "You're hired, welcome to sweet treats cafe" nakangiting sambit ng manager, tumango ako at tipid na ngumiti. Nag paalam itong aalis na dahil marami pa raw itong gagawin, naiwan sa tabi ko ang waitress. "Hi, what's your name?" tanong ko sakanya, lumingon ito sa'kin at ngumiti. "Cherry, ikaw?" nakangiting tanong nito sa'kin. "Amethyst" nakangiting sagot ko, tumango ito at nag simula na siyang i-tour ako sa buong cafe. Ilang buwan na ang naka lipas nang ma hire ako sa cafe na ito, maayos naman ang buhay ko at nagugustuhan ko na rito. Wala pa rin tawag kina tita Viserra, which is good because I am enjoying my stay here, and nag eenjoy ako sa work ko. "Good morning, Ame" nakangiting bati ni Cherry pagka pasok ko sa cafe. "Good morning too, Cherry." nakangiting sambit ko at sinuot ko na ang uniform naming mga waitress dito sa cafe, kulay purple itong apron na maraming deign na mga pastries and candies, color coding ang uniform namin, base sa araw. "Wala pa tayong costumer, kumain ka na ba?" tanong ni Cherry, umiling ako dahil hindi pa ako nakakapag grocery. "Tara kain muna tayo, wala pa namang costumer. Kumakain naman na sila kuya George sa may ksuina." sambit ni Cherry, tumango ako at umupo sa malapit na upuan dahil si Cherry na kumukuha ng pagkain namin. Habang naka upo ako, iniisip ko kung mag hahalf day ba ako mamaya para bumili ng mga stocks ng pagkain sa bahay, dahil naubos na ang mga pagkain ko ron. Habang nag iisip ako, bigla namang dumating si Cherry. "Ito na Ame, hindi 'yan kape kasi sabi mo hindi ka umiinom, kaya milo 'yan" sambit ni Cherry, Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Cherry at kinuha ko na ang tasa na inabot niya sa'kin at inabot din niya sa'kin ang newly bake pastries. "Bakit hindi ka nag breakfast Ame? bago 'yan ah." tanong ni Cherry sa'kin. Natawa naman ako dahil hindi ako pumapasok sa cafe na hindi nag aalmusal. "Naubos na stocks ko sa bahay, kaya baka mag half day muna ako mamaya, pwede kaya?" tanong ko kay Cherry. "Hmm hmm, half day lang nga yata talaga tayo mamaya. Galing kay boss, mag half day lang muna raw" sagot ni Cherrty sa'kin, kumunot naman ang noo ko. "Bakit daw?" tanong ko sakanya, nag kibit balikat lang ito. Saktong pagka tapos naming kumain, nag datingan na ang mga costumer, ako na ang nag ligpit ng pinag kainan dahil si Cherry ang kumuha ng pag kain namin, pagkatapos kong mag toothbrush, inayos ko lang ang damit ko at nag re apply ng lipstick tsaka na ako lumabas. Kaunti palang ang mga costumers kaya nag stay muna ako sa may counter, ilang sandali pa ay unti unti nang dumami ang mga costumer, dahil sabado maraming estudyante na nag pupunta ngayon sa cafe kasama ang mga kaibigan nila. Natuon ang paningin ko sa dalawang dalaga na bagong dating, hula ko ay matanda lang ako ng ilang taon sakanila, maka mukhang magka mukha ang dalawa, kung hindi mo titignan ang mga mata nila ay hindi mo makikita ang pagkaka iba nilang dalawa. Kumunot ang noo ko dahil habang pinag mamasdan ko sila ay unti unting sumasakit ang ulo ko, hindi ko na ito pinansin at nilapitan ko na ang dalawa at inabutan sila ng menu, dahil busy pa si Cherry sa ibang costumer. "Good day, welcome to sweet treats cafe" nakangiting sambit ko at inabutan na sila ng menu, kinuha ng isa ang menu at tahimik na tinignan ang menu. "I'll have strawberry cheesecake and blueberry cheesecake. and two matcha ice cold drink" sambit nito, tumango ako at kinuha na ang menu at pumanta na sa counter para asikasuhin ang order nilang cake, habang ang mga drinks naman ay inabot ko na ang papel sa may kitchen dahil nasa loob ang barista namin. Pagkatapos ng drink ay hinatid ko na ang order ng dalawa, pagkatapos ay bumalik ako sa may counter. Tahimik lang na kumain ang dslawa, wala silang pakielam. Ni hindi nga sila nag uusap dalawa, tahimik lang talaga na kumakain, at habang pinag mamasdan ko sila bigla nalang may mga memorya na nanumbalik sa utak ko. Dalawang bata na kamukhang kamukha ng dalawang nasa cafe ngayon, paunti unti kong napag tanto na sila nga ang nasa memorya ko. "Savannah and Sierra" bulong ko habang naka titig sa dalawa, ni hindi man lang tumingin sa'kin ang dalawa, hindi ko rin sila nilapitan dahil hindi pa ako sigurado sa alaala na nasa akin ngayon. Nag asikaso nalang ako ng iba pang mga costumer at hindi na inisip pa ang naalala ko. Pagkatapos makalahati ng mga costumer, nakapag pahinga na rin kami ni Cheryy. "Finally, andaming costumers" naiiling na sambit ni Cherry, ngumisi naman ako sakanya. "Hindi ba laging marami ang costumers kapag saturday and sunday?" nag tatakhang tanong ko, umiling lang si Cherry. "Hindi eh, dumami lang talaga noong nag simula ka mag work dito" sagot ni Cherry, natawa naman ako sa sinabi niya. "Baka nagkataon lang ano ka ba" natatawang sambit ko sakanya, umiling naman si Cherry. "Hindi, swerte ka talaga ng cafe, muntik na nga ito mag close noon, buti nag apply ka, biglang dumami mga costumers ng cafe" sagot ni Cherry, napangiwi naman ako sa sinabi ni Cherry. "Ano ka ba naman" natatawang sambit ko "Totoo naman kaya, ang ganda mo talaga Ame, kaya ata andaming nagkaka gusto sa'yo" nakangusong sambit ni Cherry. "Wala, walang nagkaka gusto sa'kin." naiiling na sambit ko sakanya. "Wala raw, sobrang humble naman" natatawang pang aasar sa'kin ni Cherry kaya ngumuso ako. Napatingin ako sa kambal nang makitang tumayo na ang mga ito at nag iwan ng pera para siguro sa tip, sinundan ko ng tingin ang dalawa hanggang sa maka labas na ang mga ito at sumakay sa kotse nila, tig isa sila ng sasakyan. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Ngumuso ako at hindi na hinayaan pa na guluhin ng mga alaala ang isipan ko. "Mag ggrocery ka mamaya?" tanong ni Cherry pagkatapos ligpitin ang mga pinag kainan ng kambal. "Oo, sama ka?" tanong ko sakanya, tumango ito at inabot sa'kin ang tip. "Sa'yo na 'yan, bigyan mo ang mga nag wowork sa kitchen" nakangiting sambit ko sakanya. "Huh? sa'yo ito Ame. Ikaw ang umasikaso roon sa costumer diba?" tanong sa'kin ni Cherry. "Yes, pero hindi ko naman super kailangan kaya sainyo ko ibinibigay" nakangusong sagot ko sakanya, ngumiti si Cherry at nag paalam na pupunta muna sa kitchen para abutan ang mga nasa loob.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook