NAPAPITALG si Cinderella nang bumalik ang kamalayan niya. Napatingin siya sa binata na noo’y titig na titig sa kanya. Ang nakikita niyang Zale ngayon ay Zale na nakasama niya nang ilang buwan sa isla. Ang Zale na minahal niya nang sobra. Na-miss niya tuloy ang binata. Pero hindi maari dahil magkaiba talaga sila ng mundong ginagalawan. Nasa tama siya at ito naman ay mali. Pero nang maalalang nasa kasalukuyan siya ay pinalis niya iyon sa kanyang isipan. Galit siya kay Zale. Kalaban ito ng gobyerno kaya hindi siya dapat magmahal ng gaya nito. Maluwag na ang pagkakayakap ng binata kaya sinamantala niya iyon para kumawala dito. Hindi naman siya nito hinabol dahil maraming taong nandoon sa bulwagang iyon. Pero bago siya tuluyang nakalayo ay narinig ang mura nito. Nagtatakang iginala niya an