NAGISING si Zale sa sunod-sunod na ring ng cellphone niya. Bumaling pa siya sa dalagang tulog na tulog pa rin. Buti na lang hindi nagising sa ingay ng cellphone niya. Late pa naman ito natulog. Baka kasi ma-istorbo niya Kasi nang magising siya bandang alas tres, gising pa rin ito, nagkunwari lang matulog nang ipasok niya ang kamay sa suot nito. Mukhang hindi makatulog ito ng maayos kanina dahil sa kanya. Paano kasi makatulog si Ella, e, ginagawa niyang pampatulog ang dibdib nito gaya ng dati. Nilalaro niya ang dunggot nito kaya talagang hindi nito magawang pumikit. Parang bata lang siya pero ‘yon ang nakasanayan na niya kasi. Kahit noong nasa isla sila, isa iyon sa pampatulog niya. Noong una, walang alam si Ella sa pinaggagawa niya. Pero kalaunan, inamin niya rin sa dalaga noong opisyal n