“OKAY lang ba kung pumunta ako sa birthday ni Janina, na anak ni Mang Pedro?” Si Mang Pedro ang isa sa mangingisda na kasama nito kapag nagpupunta sa laot. Si Janina naman, laging sumasalubong sa ama nito pag-uwi mula sa pangingisda. Pero minsan nahuli niyang inaabutan din nito ang binata ng putong bigas na gawa nito kaya magkakilala ang mga ito. At ito namang si Zale, kinukuha tapos sarap na sarap sa pagkain. Duh! Marunong na rin siyang gumawa no’n! Sana nag-request din sa kanya ang binata. Pero hindi, e. Mas gusto nitong kainin ang niluluto na putoni Janina. Sa totoo lang, naiinis siya. Kasi naman, after ng romantic dinner nila saka pumasok ‘yang Janina sa picture. Imbes na diretso pauwi si Zale sa bahay, hindi. Dahil nakikipagkuwentuhan pa ito kay Janina. Wala na silang time mag-usap