Chapter 6: Rejected

2465 Words
"ELLA, wait! Ihahatid na kita!" "No, thanks!" aniya nang lingunin si Zale. "Walking alone in the dark can be dangerous. Damn it!" "I don’t care! And please, leave me alone, Zale!" "Why should I?" anito na sumunod kay Cinderella. "Because you're a liar!" Napalabi siya sa naging sagot. Parang ang layo yata. Bigla nitong pinigilan ang braso niya at pinaharap sa sarili nito. "Liar? Bakit mo naman nasabi?" Saglit siyang natigilan. Paano niya nga ba sasabihin na naiinis siya sa ginawa nito. Pero sa kabilang banda parang gusto niyang isatinig ang, 'Sabi mo gusto mo ako pero iniiwasan mo naman ako nitong nakaraan!' Gaga ka, Cinderella! Iba na yata ang nararamdaman niya! Napalabi siya nang hawakan nito ang mukha niyang iniiwas. Nakangiti na ito nang magtama ang mga mata nila. "Have you been thinking about me?" "Huh? Hindi, a!" "Really?" May ngiti pa rin sa labi ni Zale. "'Wag mo nga ako mangitian diyan, Mr. Salazar!" Pinalis niya ang mga kamay nito sa pisngi niya at iniwan ito. Binilisan niya ang mga hakbang para hindi nito maabutan. "Grabe ka, Cindy! Hindi mo pa nga siya kilala nang lubusan, nagkakaganyan ka na kaagad? Ang rupok mo naman!" kausap niya sa sarili. Nilingon niya si Zale, buti hindi na sumunod. Buti naman, baka marinig nito ang sinabi niya kung sakali. Nang mapagtanto na mag-isa lang siyang naglalakad ay napakamot siya sa ulo. Iniwan niya tuloy si Madeleine. Sabagay, may kasama naman ito sa pag-aayos doon. Dalawang kanto ang layo ng bahay niya sa court kaya medyo matagal siya nakarating sa bahay niya. Natigilan siya sa pagpihit ng seradura nang mapansing hindi naka-lock. Inilinga niya ang paningin, walang nakabantay sa tapat ng bahay niya. Dapat merong umaaligid na security na naka-civilian. Pero nakakapagtaka, wala rin siyang nadaanan kanina. Halos kasi ng dinadaanan niya lagi meron, nagkukunwari lang silang residente dito. Kinakabahang tinulak niya ang pintuan. Kinapa niya rin ang switch sa gilid at pinindot iyon. Muntik na siyang mapatili nang biglang makita si Zale na serysong nakatayo. Mabilis din nitong tinakpan ang bibig niya. "Ssshhh!" anito sa kanya. Tinulak nito ang pintuan sa pamamagitan ng paa saka binitawan siya. "Paano ka nakapasok dito?" "Malamang bukas ang pintuan mo. And guess what? May pumasok sa bakuran mo na magnanakaw yata at binuksan ang pintuan ng bahay mo! I thought nasa loob ka na, kaya nilabanan ko." So kaya pala walang bantay dahil nakalaban nito ang mga security niya? "Where are they?" "I-I don't know. Nakatakas sila. Nagmadali akong pumasok dito dahil nag-aalala ako pero wala ka pa pala. Pero thank God, hindi mo sila naabutan." Napalunok siya nang makita sa mukha nito ang pag-alala. May kung anong saya siyang naramdaman. First time niyang maranasan ito, na may nag-aalalang stranger sa kanya. "Gusto mo bang i-report natin sa Kapitan ang nangyari? Hindi pala safe dito para sa kagaya nating dayo." "N-no! Ako na lang magsabi kay Kap. Baka kasi madamay ka pa." Napangiwi siya kapagkuwan. Hindi niya kasi masabi na miyembro ng security group niya ang nakalaban nito. "Are you sure? Pero damay na ako dahil ako ang nakalaban nila." "'Wag kang mag-alala, Zale, ako na lang ang bahalang magsabi bukas kay Kap na bigyan ka rin ng security kapag napatunayang panloloob ang balak ng mga taong iyon dito." Napatitig ito sa kanya. "Okay." Ngumiti siya dito. "Thank you sa pag-aalala, Zale, pero okay na ako." Bahagyang lumukot ang mukha niya. "Ikaw, okay. Eh, ako? Ayokong iwan ka ngayong gabi dahil nag-aalala ako." "Z-Zale..." Nakagat niya ang labi nang haplusin nito ang pisngi niya. "Ayokong iwan ka dahil baka mapano ka. Paano kung balikan ka nila dito, huh? Ayokong mawalan ng future girlfriend, Ella," mahabang litanya nito na ikinalunok niya. "Z-Zale, sinisigurado ko naman na magiging okay. Promise." "No! I'm staying!" Sabay talikod sa kanya. Bigla na lang itong nahiga sa sofa niya. Kaya naman nilapitan niya ito. "Hindi ka pwedeng matulog dito dahil baka kung ano ang isipin nila!" "So, mas iniisip mo ang sasabihin ng iba kesa sa kaligtasan mo?" Napatitig ito sa kanya kapagkuwan. "Don't tell me... Boyfriend mo ang lalaking iyon?" "Ano, boyfriend ko? Hindi, a! Never pa nga akong nagkaroon niyan! Ni hindi pa nga ako nahahalikan," wala sa sariling himutok niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Zale kaya natigilan siya. Mali yata ang nasabi niya. Tumayo at humakbang si Zale papalapit sa kanya kaya napaatras siya hanggang sa mapasandal siya sa pintuan. "Z-Zale…" "So, ako pa lang magiging first kiss mo if ever?" "Huh?" Parang nabungol yata siya sa sinabi ni Zale. Lalong inilapit ng binata ang sarili sa kanya kaya nahigit niya ang paghinga. Napahawak siya sa dibdib nito nang bigla siyang higitin nito. Kaagad na tumama ang maiinit na hininga nito sa mukha niya. "Let me kiss you, Ella," bulong ni Zale sa namamaos na boses. "I want to be your first," dugtong pa nito. Napalabi siya kaya napatingin doon ang binata. Umalon din ang adams apple nito mayamaya. May problema ba sa paglabi niya? "Ella," untag nito "Yes-" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya nang biglang sunggaban nito ang labi niya. Literal na napatigil siya sa ginawa nito. Pero napatitig siya sa binata mayamaya. Nakapikit ito habang banayad na halik na ang iginagawad nito sa kanya. Hindi siya tumutugon dahil na-amaze siya sa ginagawa nito. May kakaibang hatid sa kanya ang paglapat ng labi nito. Maging ang mga nakayakap na mga braso nito sa kanya. At higit sa lahat, ang masarap sa pakiramdam habang magkadikit ang katawan nila ni Zale. Hindi niya ikakaila, ngayon lang niya talaga ito naramdaman. Kahit na ang kakaibang nararamdaman nang hindi siya nito pansinin. Napatigil si Zale sa ginagawang paghalik sa kanya. Napamulat ito kaya nagtama ang paningin nila. "B-bakit mo ako hinalikan?" "You said yes, kaya hinalik-" "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Zale. Kaya ko sinabing yes dahil nabigla ako sa pagtawag mo," putol niya sa maaring sabihin nito. "Oh," biglang bagsak ng balikat nito. "Bad, Zale." Nakonsensya tuloy siya. Oo, hindi naman niya sinabing halikan siya nito pero nagustuhan niya ang ginawa nito. Bahagyang umatras si Zale. Napasabunot pa ito sa buhok. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadya, Ella. Baka sabihin mo sinasamantala ko- Ella, wait!" anito. Bigla niya kasing hinawakan ang suot na damit nito at hinila pabalik sa harapan niya. "I-I like it, Zale," nahihiyang sambit niya. "Y-you like my kiss?" anitong hindi makapaniwala. "I do, Zale. Gusto kong ulitin mo." Sa narinig ay sinapo ng binata ang leeg niya at mariing hinalikan na ikinatugon ni Cinderella. Kagaya kanina, naging banayad ang halik nito. Pero nang iyakap niya ang braso sa leeg nito ay naging mapusok na ang paraan ng halik ni Zale. Maging ang kamay ay gano'n din. Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa bewang niya pagkuwa'y pinagapang papuntang pang-upo. "Oh, Zale," aniya nang pagapangin nito ang labi papunta sa kanyang tainga. Kinagat pa nito nang bahagya ang earlobe niya kaya lalong tumindi ang kakaibang nararamdaman niya. Akmang baba ang labi ni Zale nang makarinig nang sunod-sunod na katok. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kaya bigla niya tuloy naitulak ang binata na ikinagulat nito. "S-si Madeleine s-siguro 'yan," aniyang nahihiya. Tumango lang ito kaya. Inayos niya ang sarili muna bago binuksan ang pintuan. "Anong nangyari dito, bakit sabi ni-" Hindi na natuloy sabihin ni Madeleine nang makita si Zale. "Hi!" "Uhm, pauwi na si Zale. S-sinamahan niya lang ako kanina. Right, Zale?" Tumango ulit ang binata pero titig na titig sa kanya partikular na sa labi niya kaya tumikhim pa siya. "Right, kailangan ko nang umuwi. Good night, Ella, Madeleine." "Good night," ani naman ng assistant sabay tingin sa kanya. Hindi na niya hinatid si Zale sa labas. Sinundan na lang niya ito nang tingin maging ni Madeleine. "What?" aniya sa assistant na titig na titig na pala sa kanya. "May nangyari ba dito?" seryosong tanong nito. "Napagkamalan yata ni Zale ang mga security ko na magnanakaw kaya nandito siya." "Alam ko na 'yan, Cinderella. Lahat nang nangyayari sa 'yo sa malayo, pinapaalam sa akin. Ang ibig kong sabihin sa tanong ko kung may nangyari sa inyo ng lalaking kakalabas lang dito." "Madeleine naman! Ang advance mo mag-isip!" Parang gusto niyang ngumiwi dahil totoo namang may iba pang nangyari. May nangyaring karupukan. Karupukan 101. "Sigurado ka?" ani pa nito "Oo nga!" "Okay. O sige, matulog ka na, maaga pa tayo bukas," paalala nito. Tumango siya kaya lumabas na ito. Maaga pa sila bukas kaya nahiga na siya. Pero hindi rin naman siya kaagad natulog dahil sa namagitan sa kanila ni Zale kanina. Wala sa sariling hinaplos niya ang labi. Napangiti din siya kapagkuwan nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila. Alam niyang mali ang ginawa niya kanina pero gusto niyang maranasan iyon at gusto niya kay Zale. Muli na naman siyang napahalik. Gano’n pala talaga ang pakiramdam nang mahalikan ng isang Zale. Kaya siguro hinahabol no’ng babae sa airport. NAGING abala si Cinderella kinabukasan dahil sa Medical mission. May feeding program din sila para sa mga pumunta. Pati ang mga nasa kalapit na isla ay inimbitahan din kasi kaya maraming tao kaya doble din ang siguridad niya. Nawala sa isipan niya si Zale sa sobrang pagka-abala. "Hindi ka pa raw kumakain kaya dinalhan na kita," nakangiting sabi ni Colton sabay lapag ng lunchbox. "Salamat," nakangtiting sabi niya sa binata. "Congrats, successful ang mission niyo dito." "Huh?" aniya. Kilala ba siya ni Colton? Nandito ang assistant director nila sa foundation kaya ang labas ay naging daan lang siya. Saka ito rin ang nag-opening at nagbigay ng mensahe na dapat ay siya. Kaya parang simpleng babae lang siya. "I know who you are," pabulong na sabi ni Colton sa kanya. "Oh," tanging sambit niya. "Thank you," sabi na lang niya. Hindi na umalis si Colton sa tabi niya. Buti na lang. Kinuha na lang niya iyon na pagkakataon para kumain. Tumulong na rin ito sa pag-supervise ng mga gagawin at pag-assist sa mga tao kapag busy ang tatlong nurse. Bandang alas tres nang dumating si Zale. Ngayon lang niya ulit ito nakita. Magpapa-check up din daw ito. Narinig niya lang kay Madeleine. Ayaw niyang pansinin si Zale dahil nakaramdam siya nang hiya nang mapagtanto ang karupukang ginawa kagabi. "Maupo ka, Zale," dinig niyang kausap dito ni Madeleine. "Salamat." "Ano ba 'yong ipapa-check up mo?" tanong ni Madeleine dito. Kasalukuyan siyang nagsusulat noon sa papel. Nililipat niya ang ibang data sa malinis na sheet para sa copy nila. "Kanina, si Miss Ella ang nagtatanong ng ganyan, 'di ba? Pwede bang siya na lang ang mag-asikaso sa akin?" ani ni Zale na sa kanya nakatingin. Pero napansin niya din ang pagtingin nito sa katabi niya, kay Colton. "May ginagawa ako, Mad. Ikaw na muna ang bahala diyan. Pero pakibilisan baka wala ng pasyente si Doc sa loob," aniya. "Sige," tugon naman ni Madeleine. "Pwede naman kayong magpalit, 'di ba?" ani ulit ni Zale. Nangungulit na naman ito. "Ako na lang kaya, pare?" singit ni Colton. "Hell, no!" mabilis na sagot ni Zale kay Colton. "Si Ella na lang. Saka may itatanong ako sa kanya kasi tungkol sa nangyari-" "Stop it, Zale!" agaw niya sa sasabihin ni Zale. Baka magkamali ito nang sasabihin. "Okay. Kay Madeleine ko na lang itatanong kung nasar-" "Fine, ako na!" aniya sabay tayo. "Great!" nakangiting sabi ni Zale sa kanya. Nagpalit nga sila ng ginagawa ni Madeline. "Ano ba ang ipapatingin mo kay Doc?" tanong ni Cinderella. "Ang puso ko. Masyado kasing bumibilis kapag nakikita ka." "Zale!" Pinanlakihan niya ito ng mata. "Totoo naman ang sinasabi ko. Saka parang nahihilo ako, hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa ‘yo– I mean ang nangyari sa at-" Napatayo siya kaya napatigil na lang ito. "Sumunod ka nga sa akin," may halong inis na sabi niya. Paano ba naman, malapit na nitong i-broadcast na naghalikan sila kagabi. "Yes, ma'am." Tumayo si Zale at sumunod sa kanya. Sa likod ng maliit na opisina ng barangay hall niya dinala si Zale. Nakapamulsa ang binata nang lingunin ito. "Ano ba ang ginagawa mo, Zale? Hindi mo ba nakikitang may ginagawa kami? Alam kong hindi ka naman magpapa-check up." "Yeah, right. Nandito ako para ipaalala sa 'yo ang nangyari kagabi. Kaya 'wag mong papalapitin masyado ang Colton na iyon, baka makalimutan kong pamangkin siya ni Vice." Napakunot siya ng noo. "Halik lang iyon, Zale, kaya anong pinagsasabi mo diyan? Bakit parang inaangkin mo na ako?" Napalunok siya nang hapitin nito ang bewang niya. Pag-angat niya nang tingin, magkasalubong ang mga kilay at mata nito. "The moment na nagpahalik ka, para mo na rin akong pinayagang angkinin ka." "Z-Zale..." "Kaya akin na 'to." Hinawakan nito ang labi niya. Mas lalo rin nitong hinigpitan ang pagkakayap sa kanya. "I now possess every inch of you." Napapikit siya nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa kanya. Naramdaman na naman niya ang pamilyar na sarap na pakiramdam. Napaungol siya kapagkuwan nang tudyuin nito ang dila niya. Sinipsip at kinagat din nito nang bahagya ang dila niya. Nawala na naman tuloy siya sa sarili, tinugon niya ito at lumalim pa. Hinayaan lang niya ito sa ginagawa hanggang sa maramdaman niya ang paghalik nito sa leeg niya. "Oh, Ella..." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa hita niyang nakasuot pa ng pantalon. Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. Saktong sinapo kasi nito na ikinabalik niya sa kamalayan niya. Bahagya niya itong tinulak mayamaya pero hindi man lang nagpatinag. Akmang hahalikan ulit siya nito nang pigilan niya. "Stop it, Zale!" "Why? Sabi mo, gusto mo ang halik ko." "Sabi ko lang na nagustuhan ko ang halik mo. Pero hanggang doon lang iyon. Hindi kita gusto bilang lalaki, Zale." Kita niya ang pagkitigil nito. "Umalis ka na muna, please? Busy kami. Marami pa akong gagawin hanggang bukas kaya pakiusap. 'Wag mo muna akong ginugulo. Mahalaga ito sa akin. Please lang." Kailangan niyang magpakita na hindi siya apektado para hindi manganib ang puso niya. Aminado na siya na malakas ang epekto nito sa kanya. Matagal na hindi nakasagot si Zale. "O-okay," ani lang nito. Nandito na naman siya sa pakiramdam na nakonsensya pero mabuti na ito. Ang rupok niya pala pagdating kay Zale. Kaya tama lang na pagtabuyan ito. Mukhang hindi lang niya gusto si Zale, baka mahal na niya kaagad ito. Nang gano’n kabilis. May punto ito sa sinabi nito na mabilis pumana si kupido. Iniwan niya ito na bagsak na naman ang balikat. At hindi na nga ito nagpatuloy na magpa-check up dahil hindi naman talaga iyon ang pakay nito. Siya ang pakay nito. Pasado alas otso natapos ang unang araw ng mission nila, may natitira pang isang araw. Mukhang kailangan niya nang bonggang pahinga pagkatapos dahil sobrang pagod ang naramdaman niya nang maihiga ang katawan sa malambot na kama. Unang araw pa lang ito, huh, ano pa kaya bukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD