"ANONG oras ba ang sinabi mo? Male-late ako sa meeting ko, Mauro!" Napataas na ang boses niya.
Maaga siyang naligo dahil babalik siya sa Maynila today para sa meeting niya ng tanghali pero hanggang ngayon wala pa ang chopper.
"On the way na, boss."
Napasandal na lang siya sa upuan at kinalikot ang laptop. Inisa-isa na naman niyang tingnan ang camera kung saan naroon ang dalaga na abala sa pag-assist sa mga tao na nasa court ng barangay na iyon ng Salud. Napahilot na naman siya sa noo nang makita si Colton. Pangalawang araw na ito ngayon, at halatang gustong dumikit kay Ella. Mukhang uunahan pa siya nito.
Nalukot ang mukha niya nang makitang pinupunasan ni Colton si Ella sa mukha. Zinoom pa niya iyon para makita ang reaksyon ng dalaga– matamis na ngiti ang iginawad nito na ikinakuyom niya ng kamao.
Wala sa sariling tiniklop niya ang laptop at napatayo. Napansin siguro ni Mauro ang mood niya kaya napatanong ito.
"May problema ba, boss?"
Marahas siyang nagpakawala nang buntonghininga. "Kailan ang balik ng mga tauahan nila sa foundation?"
"Baka bukas or sa makalawa. Ang dinig ko kasi magkakaroon ng outing sila para mag-celebrate. As usual, kasama si Colton."
Lalong nanggalaiti siya sa narinig.
"Gusto kong isagawa na ang plano, Mauro. Sa lalong madaling panahon. Kailangang mapa sa akin na ang anak ni Legaspi."
"Pero, boss–"
"No more buts, Mauro. Kailangang pagbalik ko na."
Lumabas siya ng bahay at naglakad papuntang court. Kaagad na hinanap ng mga mata niya ang dalaga. Nagkukuha na siya ng blood pressure ng matanda. Pinatapos niya muna iyon bago nilapitan.
"Can we talk?" Wala siyang pakialam kung ni-reject siya nito kagabi. Basta hindi uso sa kanya ang sumuko ngayon.
Nag-angat nang tingin ang dalaga sa kanya. "P-pero m-marami pang nakapila na kailangan kong kunan ng BP. Nagmi-miryenda kasi ang mga nurse at sila Colton–"
"Good. Pero saglit lang 'to."
"Nag-usap na tayo kagabi, Zale. Hindi pa ba maliwanag sa 'yo?"
"Araw lang ang maliwanag, Ella, pero ang meron tayo, malabo pa."
Napahawak ang dalaga sa ulo sabay hilot. Tumingin din ang dalaga sa mga nakasunod. "Okay lang po ba kung iwan ko po kayo saglit?"
"Sige, Miss Ganda. Mahirap paghintayin si Pogi," ani ng ginang na kasunod sa pila.
Alanganing ngumiti siya sa ginang at tumayo.
Pumunta siya gilid ng stage at sumunod naman si Zale.
"Talagang dito?" tanong niya sa dalaga.
"Kailangan kong bumalik kaagad, Zale. Kita mo naman, maraming tao." Nilingon pa ang mga ito ng dalaga.
"Yeah, I know."
"Ano ba ang kailangan mo?"
"I just want to say goodbye. May aasikasuhin lang ako sa Maynila. Pero pipilitin kong bumalik kaagad."
"Okay. Ingat," parang balewala nitong sagot na ikinainis niya
"Is that all?"
"Ano pa ba ang sasabihin ko?" anitong nakakunot ang noo. "Wala naman talaga kasing may pake kung aalis ka ngayon. Saka buti nga iyon para matahimik ako."
"I'm your future boyfriend, you know."
"Hay, ang advance mo mag-isip, Zale."
"Yes, I am. Alam ko kasi na gusto mo rin ako, kaya kinakapalan ko na ang mukha ko." Napailing si Ella sa sinabi niya.
"Kung wala ka nang ibang sasabihin, babalik na ako."
"I want to invite you to dinner when I get back." Nang maalala si Colton ay siningit niya. "And oh, please tell Colton that you are mine. Alright?"
"Zale, walang tayo kaya bakit ko sasabihin 'yan? Saka hindi pa naman nanliligaw si Colton."
"Pa? You mean, may balak siya?"
"I don't know, Zale. If ever man, mas gugustuhin kong siya ang makasama sa dinner."
Nagsalabuong ang kilay niya sa sinabi ng dalaga. "Sana hindi ka nagpahalik kung hindi magiging tayo, Ella. Pinapaasa mo ako, alam mo ba 'yon?"
Nakitaan naman niya nang pagkaawa ito dahil bumagsak ang balikat niya. "N-nadala lang ako, Zale. Saka hindi ako nakikipagrelasyon sa kahit-"
"Yeah, bawal ka talagang makipagrelasyon sa kahit sino, maliban sa akin. Kuha mo?" Napaangat ito ng kilay sa sinabi niya.
"Umalis ka na nga, Zale."
"I will pero bago 'yon–"
Nanlaki ang mata ni Ella nang siilin niya ito nang halik. Sumilay tuloy ang magandang ngiti sa labi niya. Pero napadaing siya nang bigla siyang itulak at sampalin nito.
"Bastos ka!" Tinalikuran na siya nito na sapo ang pisngi.
Kung ang iba ay napangiwi sa ginawa ni Ella, meron namang mga nakangiti kaya napangiti siya bago nilisan ang basketball court. Pero natigilan din siya nang maalala si Angie, ang dating nobya niya. Ganyan din kasungit noon si Angie sa kanya kaya alam niyang makukuha rin si Cinderella. Pero magkaiba ang mga ito sa ibang aspeto.
Bigla niya tuloy na-miss ang dating nobya. Pero kasabay niyon ang pagkulo ng dugo niya sa mga pumaslang dito.
Pagdating niya sa bahay na tinutuluyan ay dinala niya ang mahalagang bagay sa kanya at lumabas na. Naghihintay na sa kanya ang bangka na maghahatid sa isang isla kung saan lalapag ang chopper niya. Hindi pwede dito sa Barangay ng Salud dahil maraming bantay. Baka pahinalaan siya.
Sa opisina naman siya binaba dahil naghihintay sa kanya ang ama na minsan na lang niyang makita.
"Nasaan siya?" kaagad niyang tanong sa sekretarya nang salubungin siya nito sa helipad.
"Nasa opisina niyo po. Kasama po si Ma'am Akhira."
"Bakit daw?"
"Hindi ka na raw dumadalaw kasi kaya napabisita."
"Ano pa ang sinabi mo?"
"Sabi ko naman abala ka nitong nagdaan. At sabi ko may out of town business meeting ka po."
"Good."
Pinakalma niya muna ang sarili bago pumasok sa opisina. Nagagalit kasi siya dahil hindi man lang nito magawang hanapan ng hustisya ang pagkamatay ng ina.
Unang nakita niya pagpasok ang kapatid na si Akhira, nagbabasa ito ng magazine. Pero nang makita siya ay napasigaw ito habang nakangiti.
"Kuya!"
"Hey! Hello, how are you doing, my lil sister?" aniya at niyakap ito nang mahigpit.
"Okay lang po kami." Tumingin pa ito sa ama na nakatingin sa kanya. "Ikaw, Kuya, kumusta? Miss ka na po namin sa bahay." Natigilan siya sa sinabi ng kapatid.
"I’m doing good, Khira. Sobrang busy kang si Kuya." aniya at ginulo ang buhok nitong nakalugay. “Na-miss ko rin kayo,” nakangiting dugtong pa niya.
“Eh, bakit hindi ka dumadalaw, huh?”
“Kapag hindi na ako busy, sosorpresahin ko na lang kayo. Okay?” Hinagod niya rin ito nang tingin. "Parang pumayat ka yata."
"Nagda-diet siya. Paano, may napupusuan na," singit ng ama pero hindi niya pinansin. Pero nahalata iyon ng kapatid.
"Grabe ka, Dad! 'Wag mo naman po akong binubuko. Nasa tamang edad na po ako kaya ‘wag mong sabihing may napupusuan. Pang-teenager lang ‘yan, e. Hindi ba pwedeng manliligaw?"
"Sabi ko nga, anak. Hindi pa kasi ako sanay na may umaaligid sa ‘yo.” Tumingin sa kanya ang ama mayamaya. Nakaupo na siya sa upuan niya. “Um, anak, pwedeng iwan mo muna kami ng Kuya mo?"
"Sige po, Dad." Mabilis na tumalima ang kapatid at lumabas ng opisina niya.
"Hindi ka na napapadalaw sa bahay, anak," ani ng ama sa kanya.
"Busy lang sa opisina."
"Kung kailangan mo nang tulong, handa akong–"
Pinutol na kaagad niya ang sasabihin ng ama. "Kaya ko naman ang opisina. Hindi ko lang talaga kayang umuwi sa bahay hanggang ngayon," walang buhay niyang sabi.
Tumango ito sa kanya. "Masama pa rin ba ang loob mo sa akin?"
Hindi siya nakasagot sa ama.
"Kung gusto mong buhayin ang kaso ng Mommy mo, go on, anak. Tutulong ako. Pero sana 'wag mo naman kaming kalimutan na pamilya mo. Kung nabubuhay lang ang Mommy mo, hindi siya magiging masaya sa ginagawa mong pag-abandona sa amin."
"I said, hindi ko kayang umuwi sa bahay. Sanay akong nandoon si Mommy. At kapa nandoon ako, hindi rin naman ako nakakatulog. At tungkol naman sa kaso ni Mommy, 'yan talaga ang gagawin ko, Dad. At pagbabayarin ko ang lahat ng may sala," mariin niyang sabi. Sana hindi nito mahalata ang matinding galit niya. Wala itong kaalam-alam sa ginagawa niya. At ayaw niya talagang malaman nito dahil hindi talaga nito magugustuhan.
"Ganyan din ang gusto ko, anak. Kaya sige, suportahan kita sa gusto mo. Sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko. Pero sana bumalik ka na sa amin. Please? Nami-miss ka na ng mga kapatid mo. Hindi sapat ang video call sa kanila– sa amin. At ako… m-miss na rin kita, a-anak."
Napapikit pa siya dahil parang pumiyok ang boses ng ama.
"D-dadalaw na lang siguro ako one of these days. Pero sa ngayon hindi pa, sunod-sunod kasi ang schedule ko ng out of town."
"Sige, anak, hintayin ka namin."
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanila ng ama. Pero ang Daddy niya ang unang bumasag niyon.
"W-wala bang lumalapit sa 'yo ngayon, anak? I mean mga kumakausap sa 'yo na hindi mo kakilala?" seryosong tanong nito.
"Wala naman," mabilis niyang sagot. Mukhang alam na niya ang tinatanong nito.
"Mabuti naman," anito at mukhang inaaral ang mukha niya. Napabaling tuloy siya sa telepono niya. Nagkunwari siyang may tinitingnan doon.
Tumayo ang ama mula sa kinauupuan nito kapagkuwan. "Mukhang hindi mo kami masasabayan ni Akhira sa lunch kaya mauna na kami, anak."
Tumango lang siya sa ama. Ramdam talaga nito ang pagkailag niya dito. Ilang taon na rin mula nang mamatay ang ina at ang nobya niya.
Sumama siya hanggang sa labas dahil sa kapatid. Saglit pa silang nagkuwentuhan tungkol sa buhay nito habang pababa ang elevator. Maging ang pinasok nitong negosyo at pinag-usapan din nila. Kinumusta niya rin ang ibang kapatid at pinangakuan ito na dadalaw sa mga ito. At siyempre, kapag wala ang ama, doon lang siya dadalaw. Lately daw lagi itong wala sabi ni Khira sa kanya. Kaya nga pinapasundan niya ito, mga ilang linggo na rin.
Pagkatapos ng meeting niya ay dumalaw siya sa ina. At muli, naging emosyonal na naman siya habang nandoon at inalala ang mga huling sandali nito na kasama siya.
Balak niyang damalaw kay Angie bukas. Lately, bihira siyang dumalaw sa nobya sa sobrang busy. Pero walang araw na hindi naman niya ito naaalala.
SA KABILANG dako naman. Mas lalong nakaramdam nang matinding pagod si Cinderella sa second day nila dahil talagang dinumog lang naman ng mga kalapit na isla. Inabot pa nga sila ng alas nuebe ng gabi.
Nakauwi siya, mga alas diyes na. Tinulungan na niya ang mga ito para sabay-sabay na silang makapagpahinga.
Pabagsak na naupo siya sa sofa niya at isinandal ang likod. Napakapa siya sa bulsa niya nang maalala si Zale. Kanina pa ito tumatawag, nakailang cancel lang siya dahil marami pa silang ginagawa.
Sa totoo lang, hindi niya maalala kung binigay ba niya ang numero dito o hindi. Basta na lang itong tumawag kanina at nang sagutin niya, boses iyon ni Zale. Maayos naman siyang nagpaalam dito na marami siyang gagawin.
Paulit-ulit lang naman ang mensahe ni Zale kaya inilapag na lang niya ang telepono sa mesa at muling sumandal sa upuan.
Imbes na maaga sila para sa selebrasyon kinabukasan ay tinanghali sila. Sabagay, gabi pa kinabukasan ang uwi ng mga ito. Sabi niya nga sa mga ito, tutal nandito na ang mga ito, sulitin na ang magandang dagat at tanawin dito maging sa mga karatig isla. Kaya nakumbinsi niya ang iba.
Alas diyes na noon, ngayon pa lang aalis ang bangka para sa island hopping. Lahat ng islang nasa listahan ng tour guide na nakatira dito sa Salud ay pupuntahan nila.
"Mind if tatabi ako?" Nag-angat siya nang tingin kay Colton.
"Sure. Why not." Ngumiti siya rito at umusod sa kanang bahagi. "Kalabisan na ba if I take a picture of us?"
"Of course not! Gusto ko nga rin para may tingnan-tingnan naman ako sa phone ko. Okay lang ba kung humingi ako ng copy?"
"Okay na okay, Miss–"
"Cindy," ani na naman niya dito. Inunahan na niya ito. Hindi lang naman kasi taga-foundation ang kasama nila dito, meron ding mga taga Barangay Salud.
“Cindy,” ani naman niya.
Lahat ng islang nasa listahan nila ay napuntahan nila kaya sulit ang paglayag nila. Magaganda at talaga namang perfect sa mga bakasyunista. Kita niya naman sa mga mata ng mga ito na nag-e-enjoy ang mga ito sa bawat pinupuntahan nila.
Hindi pa naman tapos ang kasiyahan nila, naghanda din sila para sa huling gabi ng mga ito. Umorder sila ng maraming inumin at nagluto ng mga pagkain.
At hindi niya akalaing malalasing siya. Paano ba naman first time niyang uminom ng marami. Hanggang tikim-tikim lang siya dahil bawal. Baka mapagalitan siya ng ama. Pero ngayon, wala siyang pakialam, hindi rin naman daw magsusumbong ang nakapalibot sa kanya.
"K-kaya pa?" nakangiting tanong ni Madeleine sa kanya. Mapupungay na rin ang mga mata nito.
Bagsak na rin ang ibang kasamahan niyang nagpaiwan. Ang iba kasi sumama na sa assistant director ng foundation na umalis kanina lalo na ang mga nurse.
"Hmm," aniya at tinampal ang pisngi. Feeling niya namumula na rin siya.
Inilapit ng assistant ang sarili sa kanya.
"P-paano kung biglang dumating si President?" Sabay hagikhik ni Madeleine.
"M-minsan lang naman 'to, Mad. Pero 'wag mo nga akong tinatakot." Impossibleng darating ang ama niya nang ganitong oras.
Napatingin siya kay Colton na bagong dating. May dala itong yelo dahil naubusan na ang mga ito. Sila kasi meron pa.
Naupo ito sa tabi niya matapos na ibigay nito ang dalang yelo sa tauhan niya.
Bukod ang mga lalaki sa kanilang mga babae. May tatlo silang kaharap na tagarito at ang iba ay halos na tauhan niya sa foundation.
Ngumiti siya kay Colton nang bigyan sila nito ng isa pang bote ng alak. Binuksan na rin nito. Paubos na kasi ang sa kanila ni Madeleine.
"Thanks," aniya dito.
"No prob." Ang tibay ni Colton, mukhang walang epekto dito ang alak na iniinom.
"Namumula ka na," anito sa kanya.
"Kaya nga, e." Sinipat pa niya ang sarili sa salaming maliit na hiniram niya kanina kay Madeleine.
"Ihahatid na kita kung gusto mo," alok ni Colton sa kanya.
Ewan, biglang pumasok sa isipan niya si Zale. Parang ito ang gusto niyang maghatid sa kanya. Kaso wala ito rito. Saka mukhang nagtampo ito dahil hindi niya kahapon sinagot ang tawag at text nito. Nahiya naman siyang maunang mag-text ngayon.
Kanina habang nililibot nila ang maliliit na isla dito, si Zale din ang nasa isipan niya, na sana ito ang kasama niya. Ang kaso nga, wala ito.
Bigla tuloy siyang nalungkot dahil sa binata.
Hay, bakit ba hindi ito mawala sa isipan niya? Kapag nandito naman ang binata, naiinis siya sa pagiging mabilis nito. Malapit na nga itong kornerin ng mga security niya, kasi minsan daw off na sabi ni Madeleine.
"Kung hindi mo na kaya, Cindy. Kami na ang bahala dito." Si Madeleine na sumingit.
"O-okay lang ba?"
"Of course. Look at you, nangangamatis na."
Napahawak tuloy siya sa pisngi sa narinig kay Colton.
"O-okay." Tiningnan niya ang nasa harap niyang baso na may lamang alak. "U-ubusin ko lang ito."
Akmang iinumin niya ang alak na nasa baso nang may pumigil doon.
Nag-angat siya nang tingin. Salubong na kilay ni Zale ang naangatan niya. May kakaiba siyang nakikita sa mata nito, inis.
"Late na. Umuwi ka na." Tumingin ito kay Colton. "Ako na ang maghahatid sa kanya, Pare. Lasing ka na rin, e," mahinahong saad ni Zale.
"P-pero hindi pa ubos ang nasa baso ko," aniya.
Gumalaw ang kilay nito pagkuwa'y kumibot ang full pouty lip nito. Tumingin pa ito sa baso mayamaya at bigla na lang kinuha pagkuwa’y diretsong tungga.
"Z-Zale..." Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya patayo.
Nagkatinginan pa ang mga naroon sa kanila.
"M-mauna na ako," ani na lang niya at bahagyang ngumiti.
Kahit na nahihilo ay pinilit niyang maglakad. Gusto ni Zale na hawakan siya pero pinapalis niya. Nahiya siya kasi baka anong sabihin ng mga tauhan niyang naroon sa dalampasigang iyon.
Wala itong imik kaya nakakapagtaka. Hindi ito nagagalit o nangungulit.
Hindi kaya nagalit dahil hindi niya ito nasagot kagabi?
Hindi pa man sila nakakalayo nang makaramdam na naman siya nang pagkahilo.
Gano'n pala 'yon, kung kailan nakatayo o naglalakad na, saka mo mararamdaman ang epekto lalo ng ininom mo. Hindi naman siya sanay kaya mabilis lang siyang lamunin ng alak. Napasapo tuloy siya sa ulo kaya natigilan si Zale.
"'Yon ba 'yong gusto mong lalaki? Ang hinahayaan kang uminom?" anito na may himig na inis.
"Z-Zale, nahihilo ako, kaya bukas mo na lang ako kausapin. Please?"
Buntonghininga ang isinagot ni Zale sa kanya.
Napahiyaw siya bigla nang pangkuin siya nito.
Akmang magsasalita siya nang magsalita ito.
"Bukas ka na nga ulit magsungit, lasing ka na." Naglakad na ito kaya napakapit na lang siya sa leeg nito. Inihilig niya rin ang ulo sa dibdib nito at pumikit.
Dahil siguro sa pagod, nakatulog siya sa bisig ni Zale. Hindi niya nga naramdaman ang paglapag nito sa kanya sa kama niya. Basta nagising na lang siya kinabukasan na masakit ang ulo. Sapo pa niya iyon nang maupo.
Biglang nanlaki ang mata niya nang mapagtantong bra at underwear na lang ang suot niya sa ilalim ng kama. Hindi niya maiwasang mapasigaw nang malakas na ikinagising ni Zale na noo'y nasa sala pala.
"Ahhhhh!!!!!"
"Hey, what happened?" kaagad na bungad nito sa kanya nang biglang iluwa ito ng pintuan.
Isang masamang tingin ang pinukol niya sa binata na ikinalunok nito sabay tingin sa kanya na noo'y saktong pasilip muli sa ilalim ng kumot.