Chapter 5: Confused

2570 Words
"MUKHANG gumagana na po ang karisma niyo kay Miss Cinderella, Boss." Kakauwi niya lang noon sa bahay mula sa kasiyahan na iyon. Sinadya niyang magpaalam na sa dalaga nang maaga para kunwari hindi siya nangungulit na. At sa susunod na araw, hindi niya masyadong papansinin ang dalaga para mag-iwan ng kuryusidad din sa dito. Malay niyo, ma-miss siya nito. Mapapadaling mapa sa kanya ang dalaga. "Dapat lang, Mauro. Dahil naiinip na ako. Ilang taon na ang nakakalipas mula nang mamatay si Mommy, pero wala pa ring usad ang pinapagawa ko sa inyo. Ako pa rin talaga ang hinihintay niyo, ano? Hindi ako pwedeng mabigo sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng mga taong mahalaga sa akin. Kung buhay din ang kapalit para mapabilis ang usad ng kaso, gagawin ko." Kinuyom niya pa ang kamao kapagkuwan. Dapat siguro malagasan ang Alleanza para alam nila kung paano magalit ang isang Zale! At para alam ng mga ito na naghahanap pa rin siya ng hustisya. "Kahit pa madamay ang inosenteng anak ng Presidente, Boss?" "Kahit pa. Wala akong pakialam sa pamilya ni Legaspi. Alam kong isa siya sa nagpatigil na imbestigahan ang Alleanza. Makukuha ko sana ang hustisya pero pinigil niya. Kaya mananagot din siya sa mga kamay ko oras na makuha ko ang kasagutan sa mga katanungan ko." Nandito siya para gamitin si Cinderella laban sa ama niya. At kapag nakuha na niya ang tiwala nito, saka siya hihiling na makilala ang ama nito. Ang laki ng investment niya dito sa misyon na ito. Pati trabaho niya sa opisina ay na sakripisyo na. "Eh, si Miss Lexxie po? 'Di ba, miyembro din ng Alleanza at General ang ama niya?" Biglang nagpantig ang tainga niya sa narinig. Wala sa sariling hinigit niya ang kuwelyo ng damit ni Mauro. Hinigpitan pa niya at kita niya sa mga mata nito na nasasaktan na. "B-Boss..." "'Wag na 'wag niyong gagalawin si Ate Lexxie! Dahil oras na gawin niyo 'yan, ako ang makakalaban niyo! Wala siyang kasalanan dito!" galit na sabi niya. Bakit kasi kailangang banggitin ang pangalan ng kaibigan? Walang ginawa si Ate Lexxie kung hindi ang i-comfort siya nang mga panahong lugmok noon. Mas naasahan niya pa ang kaibigan kesa sa sarili niyang ama. Nagagalit siya da ama ngayon dahil mas kinakampihan nito ang Alleanza, na siyang kumitil sa buhay ng ina. Patunay lang na hindi gano'n kalalim ang pagmamahal ng ama sa ina– na kahit nasa kabilang buhay na ay mas pinili pa ring manahimik at pumanig sa mali. "B-Boss, n-nagtatanong lang naman," nauutal pa nitong sabi dahil mas lalong humigpit nga ang pagkakahawak niya. "Pwes, 'wag niyong papakialaman si Ate Lexxie! Kahit na dulo ng daliri niyo, hindi dapat lumapat sa kanya! Maliwanag?!" "Yes, Boss!" Marahas na binitawan niya ang alalay. Dali-dali rin itong umalis sa harapan niya at pumasok ito sa CR kung saan naroon ang sekretong daan papunta sa bahay na inuukopa rin nito. Kaagad niyang tinawagan Lexxie at kinumusta ito. Nasa mabuting kalagayan naman daw kaya hindi na niya pinatagal ang pag-uusap. Panatag siya kapag nakakausap ang kabigan na nasa maayos naman pala ang kalagayan. Matagal na niyang sinabi kila Ninong Matias na 'wag papakialaman si Lexxie. Pero sa naging tanong kanina ni Mauro, nabahala siya bigla. KINABUKASAN, maagang nagising si Zale at sinimulan ang pag-jogging. Naging habit na niya ito. Saka para mamanmanan din ang mga nagbabantay kay Cinderella. Inaalam niya rin kung sino at saan nakatira ang mga miyembro ng security na nakabantay sa dalaga. Alam niyang kalat ang mga bantay nito dahil hindi naman siya normal mamamayan gaya nang pakilala nito sa mga naroon. Usual na route siya kaya nakita na naman niya ang ilang kompirmadong security staff ng dalaga. Nagkakape ang mga ito. Ngumiti siya sa mga ito nang alukin siya ng mga ito. Ilang beses na niyang sinubukan ang mga ito kaya alam na niya ang mga katauhan ng mga ito. Saka kinukuha niya talaga ang loob ng mga ito. Marunong naman siya magbasa ng mga tao at iyon ang isa sa mga natutunan niya habang inaaral kung paano ang maging isang Markesa. Kaya hindi na mahirap sa kanya kung paano pakitungahan ang mga ito. Napatigil siya sa pagtakbo nang matanaw si Cinderella na papalabas din ng inuukopa nito. Akmang tatakbo ulit siya nang tawagin siya nito. Nakita pala siya nito. Napilitan tuloy siyang lumapit sa dalaga. Wala siya sa mood makipag-usap talaga ngayon sa iba. Pero dahil misyon niya naman talaga si Cinderella, lumapit siya at nginitian niya ito. "Morning," aniya. "Morning din. Ba't nga pala nawala ka kaagad nitong nakaraang gabi?" "I'm sorry, inantok na kasi ako. Saka mukhang nakakaistorbo na kasi ako sa inyong dalawa no'ng kasama mo. Anyway, saan ang punta ngayon?" Kita niya ang bahagyang pagsalubong ng mata nito. "Mag-jogging din," sagot nito. Oo nga pala. Halata naman sa outfit nito. "Okay. So, shall we?" "Doon ako, e." May tinuro ito, kasalungat nang tatakbuhin niya. "Okay. So, paano?" Ngumiti pa siya nang alanganin bago tumalikod. Narinig niya ang pagtawag nito kaya kaya napangiti siya. Muli siyang tumakbo at inikot ang maliit na isla. Patuloy pa rin siya sa pagmamanman. Kinakabisado niya talaga ang bawat sulok ng isla. Nakita niya si Mauro at ang ibang tauhan niya pero dinaanan lang niya na parang hindi magkakilala. May pinapagawa kasi siya sa mga ito kaya nandoon sila sa bahaging iyon. May nakatakdang mangyayari na siyang makapagpapabait lalo ng dalagang Legaspi. At sana gumana nga. Muli na naman niyang nakita si Cinderella. Ngayon may tinutulungan itong matanda sa pag-igib. Hindi man lang niya ito nakitaan nang hirap sa pagbubuhat. Parang normal na mamamayan lang ito. Alam na niya ang ganoong mga akto, para mapaganda ang image niya pero parang bukal lang sa dalagang Legaspi. Hindi niya alam kung ilang sandali aiya sa kinatatayuan pero napaayos ulit siya nang tayo nang mapagtanto ang ginawa. Pero biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi niya. Nakita niya ang alalay nito na si Madeleine kaya nataranta siya at tiningnan kung saan na ba siya pupunta pagkuwa'y muling tumakbo. Pagbalik niya sa inuukopang bahay ay nandoon si Mauro naghihintay sa kanya. "Boss, ito na po ang profile no'ng Colton." Sabay lapag nito ng folder. Tumango siya dito kaya iniwan na siya nito. Pagtingin niya sa silid ay nakahanda na rin ang gamit niya. Nakalabas na ang mga susuotin niya. Kahit ang pagkain nang tumingin siya sa mesa ay gano'n din. Pabagsak na naupo siya sabay abot ng folder at binuklat iyon. Hindi niya kilala ang Colton na iyon. Hindi niya alam kung miyembro ba ng Alleanza o hindi. Pero mukhang hindi naman dahil hindi na niya ito nakita kinabukasan. Napataas ang kilay niya nang mabasa ang background nito. Nanggaling sa mayamang pamilya dito sa Camarines Sur kaya naman nakapag-aral sa magandang unibersidad sa Maynila. At isa pala itong chef. Nandito ito sa isla nitong nakaraan para samahan ang Tito nito na kaalyado din ni Legaspi. Malamang, ang pinag-usapan ng mga ito ang proyektong sinisimulan ni Cinderella sa isla. Mukha namang harmless si Colton kaya pumasok na siya sa banyo at naligo. Inalam niya lang kung kailangang trabahuhin niya rin ang Colton na iyon. Pero natigilan siya sa pagsabon ng baba niya. Paano kung may gusto din 'yon sa dalaga? Eh 'di, wala siyang pag-asa? Paano ang misyon niya? Hindi siya pwdeng mabigo! SAMANTALA, abala si Cinderella noon sa pagtulong sa maliit na court ng islang iyon nang makita si Zale. May kausap itong tanod at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Tumingin ito sa kanya kaya napaiwas siya bigla. Baka isipin nito tinitingnan niya ito. Well, totoo naman. "Pansin ko nitong nagdaan bihira siyang lumapit sa 'yo." "Okay nga 'yon, e," aniya kay Madeleine. "Okay ba 'yon? E, panay ang hanap ng mata mo sa kanya. Miss mo siya, noh?" "Hoy, hindi, a!" "Hindi daw. Sus. Nakatingin ka na naman kaya sa kanya ngayon. 'Wag mong sabihing nagugustuhan mo na ang Zale na 'yan? Tandaan mong bakasyunista lang yan dito. At kapag nagsawa 'yan dito, aalis din 'yan. Pero kung magkakamabutihan naman kayo, magatatagal yarn," may halong biro na sa dulo kaya napailing siya. "Tapusin mo na nga ang ginagawa mo diyan at gagabihin na tayo." Naglalagay sila ng tarpaulin para sa misyon bukas. Naayos na rin kasi ang mga mesa at upuan kaya handa na bukas. "Okay." Bumalik na nga sa ginagawa si Madeleine. Muli siyang tumingin sa gawi ni Zale pero wala na ito doon. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot nang mawala na ito sa paningin niya. Simula kasi nang gabing iyon, hindi na ito gaanong nangungulit sa kanya. Hindi na rin nang-aasar. Nakaka-miss din pala. Hindi kaya umiiwas si Zale sa kanya dahil kay Colton? Wala siyang matandaang ginawa na ikakaiwas nito maliban lang sa hindi pagkausap dito. Siyempre, nahihiya siya. Saka baka trip lang kasi ni Zale sabihin iyon. Totoo nga kaya ang sinabi nito na gusto nga siya nito? Gano'n din ba sinabi nito sa mga naging babae nito gaya na lang sa babaeng iniwasan nito sa airport? Napabaliktanaw tuloy siya habang nakatingin pa rin sa gawi nang kinatatayuan ni Zale… ALANGANING ngumiti si Cinderella nang iabot ni Zale sa kanya ang baso na may lamang tubig. "Thank you," masuyong sabi niya. "My pleasure." Tapos na siya kumain kaya pinapanood niya na lang ang mga bisita ng kagawad na masayang nagsasayawan. Tapos na ang programa noon. Nagpapahinga na ang mga ikakasal para bukas at ang bisita, nagkakasiyahan pa rin. Kaya masyadong maalikabok ang paligid pero balewala lang sa kanya. Sanay na siya doon. Pero biglang naglaho ang mga tao nang magbago ang isinalang na awitin. Naging lovesong ang pumailanlang. Mukhang iniiwasan ng mga bisita lalo na ang mga kadalagahan. Nasa gilid lamang sila at kunwa'y mga abala. May naunang pumagitna at mukhang nasa edad 50's parehas kay may nagsunuran na. Napangiti siya nang maalala ang magulang. Ganyan sila kapag nakakarinig ng lovesong lalo na kapag paborito ng mga ito ang mga nakasalang. Napalingon siya sa tabi niya nang may umupo doon. Saka lang niya napagtantong wala na si Zale sa tabi niya. "Hi," ani ng lalaking tumabi sa kanya. "H-hi," aniya. Hindi niya kilala ang umupo kaya alanganin ang ngiti niya. "You're Cinderella," Napakunot siya ng noo. Kilala siya nito kaya napatingin siya kay Madeleine na tumango naman. Ibig sabihin, pwede niyang kausapin. Lahat ng tao at turista na pumapasok sa isla ay kinikilala ng mga ito kaya isang tingin niya lang ay may sagot kaagad. "Cindy," pagtatama niya kuno. "Cindy. Nice name. Nandito ako dahil niyaya ako ng Vice Mayor, kaso kausap niya si Kap yata. And I'm bored." "Oh, okay. May katungkulan ka sa lugar na ito? I mean, pulitiko ka rin–" "No. Pamangkin lang." "Lang?" Natawa siya nang bahagya. Mukhang kaalyado ng ama niya si Vice kung gano'n. Tinawag siya nito sa pangalan lang, e. Kaya possibleng alam na ng mga ito na siya ang anak ng Presidente. "Colton nga pala," pakilala nito kapagkuwan. Naglahad pa ito ng kamay. At akmang makikipagkamay siya ay may humigit bigla sa kamay niya. Nang mag-angat siya nang tingin, si Zale pala na salubong ang kilay. "Care to dance?" seryosong tanong nito. Sa lahat ng nagyayaya sa kanya na sumayaw sa gitna, ito lang ang hindi maipinta ang mukha. Umangat pa ang kilay nito. Pero sa kabila nang inasta nito, may kung sinong bumulong sa kanya na pagbigyan ito. "Please?" ani pa nito kaya napatingin siya sa katabi. "Excuse lang, Colton." Mukhang nahulaan ni Colton na gusto niyang pagbigyan si Zale. "Sure!" ani ni Colton sa kanya. Sabay pa sila ni Zale napabitaw ng kamay nang maramdaman ang spark sa isa't-isa. Kiniskis pa nito ang kamay sa suot na pambaba bago muli inilahad ang kamay sa kanya. Kaya ang ginawa niya, dahan-dahan niyang tinanggap dahil baka maulit. "Zale," anas niya nang bigla na lang nitong hinigit ang beywang niya. Wala man lang kasuyo-suyo na lalaki si Zale. Pero baka ganyan talaga siya kumilos. Nailang din siya dahil parang sobrang lapit lang ng katawan nila. Konti na kang lalapat na ang labi niya dito. Langhap niya kaya ang halos dito, ang mabangong hininga at masculine scent nito. Amoy yayamanin talaga si Zale. Ganyan kasi ang mga naamoy niya sa mga lalaking kaklase noon na galing din sa mayamang pamilya. "Move," utos nito sa kanya sabay tingin sa paa niya. Saka lang niya napagtantong nakatayo lang sila habang nakakapit sa leeg nito. "Tsk!" dinig niya dito. Pero teka, bakit parang ang brusko nito ngayon? Ito na nga ang pinagbigyan niya sa paanyaya, ito pa ang may ganang gumanon sa kanya? Eh 'di, wow! Napalabi siya nang magsimulang gumalaw ito. Napasunod na lang din siya pagkuwa'y nag-angat nang tingin dito. Saktong nagtama naman ang paningin nila. "Who is he?" anito na parang wala lang nangyaring higitan nang bewang. "S-sino?" "Damn! Umihi lang ako may umangkin na sa upuan ko at sa katabi ko." "Huh?" naguguluhang sabi niya. "That Colton," bulong niya sa akin. "P-pamangkin ni Vice. Bakante naman kasi kaya siguro naupo." Teka, bakit parang nag-e-explain siya? Pakialam niya ba! Akmang bibitaw siya dito nang higpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Hindi niya tuloy malaman kung sayaw pa ba iyon dahil nakasandal na ang ulo niya sa dibdib nito. Magandang ngiti ang nalingunan niya kay Madeleine. Yari siya mamaya dito, mukhang aasarin siya pag-uwi. "Zale," tawag niya sa binata. "Hmm?" anito nang magbaba nang tingin sa kanya. Saglit siyang natigilan dahil hindi na niya makita ang kasungitan nito. "Ella," untag nito. Pero lalo lang siyang natigilan dahil sa tawag nito sa kanya. "P-pwede bang luwagan mo naman ang pagkakayakap? N-nakakailang na kasi," Nagbaba siya nang tingin. "Ayoko. Baka may sumingit ulit." "Ano?" Marahas na napabuntonghininga si Zale. "Don't you get it, lady? I'm pissed!" "Bakit nga?" Bahagya pang nanlaki ang mata niya nang tanungin ito. Tumitig lang ito sa kanya. "'Coz I like you, Ella." Napaawang siya ng labi sa narinig. "G-gano'n kabilis?" wala sa sariling tanong niya. "Kapag pumana ba si kupido mabagal? No, Ella, mabilis. Just like what he did to me." Ngumiti ito sa kanya pagkuwa'y hinaplos ang pisngi niya. "H-hindi ko alam, Zale. Wala pa kasi akong naging boyfriend o minahal kaya para sa akin, masyado kang mabilis." "As in?" anitong hindi makapaniwala. Akmang sasagot siya nang marinig ang hiyawan ng mga taong naroon. Napabitaw tuloy siya kay Zale na muntik na niyang ikatumba, buti na lang, nahapit siya nito pabalik. Saka lang niya napagtantong sila na lang ang nasa gitna. "M-maupo na tayo, nakakahiya." Bahagyang dumilim ang mukha ni Zale sa sinabi niya pero ngumiti din naman kalaunan. Pero dahil sa nangyari sa kanila sa gitna, hindi siya makatingin nang maayos kay Zale. Kaya si Colton na lang ang kinakausap niya instead na ito. Hanggang sa namalayan na lang niyang nakaalia na pala ito. Hindi man lang nagpaalam sa kanya. "ARE you with me, Ella?" Napapitlag si Cinderella nang marinig ang pamilyar na boses. "Zale?" "Yeah, it's me. Are you okay? Kanina pa kasi kita tinatanong pero nakatitig ka lang sa akin." Siya, nakikititig kay Zale? Sa pagkakaalala niya, tinatanaw niya ito kanina na kausap ang tanod. "Hey, Ella!" Niyugyog na siya nito kaya nakabalik na naman siya sa sarili. "I'm sorry, Zale. Dahil yata 'to sa pagod. Kailangan ko na yatang umuwi. Excuse me." Tinalikuran niya ang binata. Para siyang tanga sa harapan nito. Paano kung mahalata nito ang inakto niya? Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili. Hindi kaya miss na niya talaga ang binata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD