Ikalimang Pasok

710 Words
Abalang-abala ang isang anino sa pagluluto ng isang masarap na putaheng kaniyang pinaghahalo-halo. Animo'y takam na takam itong matapos ang kaniyang ginagawa upang makakain na siya at ang kaniyang mga bisita. Ilang sandali pa ang nakalipas ay agad na niya itong inilagay sa lalagyan at inihanda sa isang malawak at kumikintab na hugis kuadradong hapag-kainan. Sa kabilang banda, gulat at talaga namang hindi mapakali ang mga mukha nila Akihiro, Nora, Krystle, at Purple nang matagpuan ang mga sariling nasa isang malaking bulwagan. Sandaling nagtinginan ang magkakaibigan nang mapansing hindi nila mahagilap si Tobias. "Nasaan na naman si Tobias? Bakit siya na naman ang wala?" reklamo pero nag-aala ang tinig na tanong ni Purple. Hindi naman nakasagot ang tatlo sa kaniya. Isa-isa nilang nilibot ang malaking bulwagan na ang mga muwebles ay kumikinang at kumikintab pa sa kanilang paningin. "Alagang-alaga ang mga kasangkapan sa bahay na ito," puna ni Krystle na hahawakan na sana at hihimasin ang isang upuan nang biglang magsalita si Aki. "Huwag! Huwag mo hahawakan 'iyan!" banta ni Aki na matamang tiningnan ang kaibigan. Nagulat naman si Krystle kaya hindi na niya ito ipinagpatuloy. "May nararamdaman ka na naman ba, Aki?" tanong ni Nora. "Kanina pa, Nora. Simula pa lang nang pumasok tayo sa bahay na ito ay ibang presensiya na ang kasama natin. Parang may laging nakatingin sa atin. Parang may nagmamasid," sagot ni Akihiro habang ang mga mata ay panay ang tingin sa bawat sulok ng bulwagang iyon. Seryoso na sana sila nang biglang napahigikgik nang tawa si Krystle dahil dinig na dinig nila ang pagtunog ng tiyan ni Akihiro. "Gutom lang iyan, Aki! Mukhang may dining area yata rito o! Puntahan natin. May naaamoy ako e," aya ni Purple. Napayuko naman si Akihiro habang himas-himas ang kaniyang tiyan na gutom na nga. "Ano ba naman kasing tiyan 'to. Wrong timing," naiinis na naibulong na lamang ni Akihiro ang kaniyang pasarin sa kaniyang isipan. Narating ng magkakaibigan ang isang dining area. Mulagat na naman ang kanilang mata dahil sa lawak ng silid na iyon. Lumuwa naman ang kanilang mga mata sa dami ng pagkaing nakahain sa mesang iyon. Naroon ang adobong manok, sinigang na baboy, valenciana paella, kare-kare, at menudo. Lahat ay takam na takam. Luwang-luwa ang kanilang mga mata sa nakikitang putahe. "Ano pa ang hinihintay ninyo? Umupo na kayo at isa-isang tikman ang pagkaing inihanda ko para lamang sa inyo." isang tinig ang nagsalita pero hindi iyon naririnig ng magkakaibigan. Marahil ay nakaramdam na nga ng pagkagutom ang tatlong babae kaya sila ang unang umupo at nagsipaglagay ng mga pagkain sa kanilang pinggan. Nang mapansin ng aninong gumagala pa rin ang paningin ni Akihiro sa kabuuan ng dining area, agad siyang nag-usal ng isang orasyon. Ilang sandali pa, isang usok na mula sa kaniyang kamay ang hinipan niya at direktang naamoy ni Akihiro iyon. Sandali pang napabahing at nagliwanag ang mga mata nang makitang nilalantakan na ng mga kaibigang babae ang mga pagkain sa harapan niya. "Hoy! Bakit hindi ninyo ako niyaya ha?" bulyaw ni Akihiro at isa-isa na ring pinuno ang kaniyang pinggan ng mga pagkain. Tuwang-tuwa naman ang anino sa nakikitang pagkatakam ng mga bisita niya sa kaniyang inihandang pagkain. "Sige lang. Kain lang kayo nang kain. Masarap akong magluto. At hindi ninyo malalamang ang kinakain ninyo pala ay pira-pirasong katawan ng iyong kaibigan na inihalo ko sa mga paborito kong pagkain." ngiting-demonyo ang anino. Bumunghalit pa ito nang tawa dahil hindi naman siya naririnig ng mga ito. "Sandali na lamang ay mabubusog na kayo. At kapag nabusog na kayo, makakatulog kayo." dagdag pa niya. Makalipas nga ang halos trenta minuto hanggang isang oras na pagkain ng tatlo, nakaramdam sila ng pagka-antok. Pilit man nilang buksan ang mga talukap ng kani-kanilang mga mata, panay naman ang usal ng orasyon ng anino hanggang sa tuluyan na silang nakatulog. "Magaling! Sisimulan ko na ang aking susunod na mga plano para sa inyo. Sino kaya ang pangalawang biktima ko?" lumabas sa kaniyang pinagtataguan ang anino at isa-isang tiningnan ang kabuuan ng mukha ng kaniyang mga bisita. Nang tumambad ang kaniyang atensiyon kay Purple, binuhat niya ito at dinala sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay. ...Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD