bc

Ang Bahay na Kulay Rosas

book_age16+
262
FOLLOW
1K
READ
others
tragedy
comedy
twisted
lighthearted
serious
kicking
mystery
scary
straight
like
intro-logo
Blurb

Isang kulay rosas na bahay sa isang bayan.

Limang magkakaibigan ang mapapadpad sa mismong bahay.

Makakapasok sa loob nang hindi nila namalayan.

Tatlong babae at dalawang lalaki ang makakatuklas sa lihim ng bahay.

At nang matuklasan ang misteryo sa loob, buhay pala nila ang magiging kabayaran.

Sino ang makaliligtas? Sino naman ang mamamatay?

chap-preview
Free preview
Unang Pasok
Magkakaibigan sina Nora, Akihiro, Tobias, Krystel, at Purple sa iisang bayan o barangay sa probinsiya ng Iloilo. At isa sa mga hilig nila ang ang mag-tour sa mga sikat na atraksyon sa Visayas. Mapa-museo man o beach, interactive man o mountain climbing, sama-sama sila. Walang iwanan ang pangako nila sa isa't isa hanggang sa sila ay nagkaroon ng kani-kanilang mga trabaho. At ngayong taong 2016, gusto nilang puntahan ang Tinagong Dagat sa bayan ng Lambunao. Isa itong taogn lugar na tanging habal-habal o motorsiklo lamang ang puwedeng makapasok doon. Subalit, gabi na nang mapagdesisyunan nilang umalis dahil hindi pare-pareho ang kanilang schedule sa trabaho. May kaniya-kaniya kasi silang pinagkakaabalahan at tanging ang paggala o pagliwaliw lamang ang oras na magkakasama sila. Nagtapos sa edukasyon si Akihiro na isang half-Japanese at half-Filipino habang si Nora naman ay isang accountant. Si Tobias naman ay isang car specialist, si Krystel ay isang call center agent, at si Purple naman ay anak mayaman at may-ari ng isang fashion boutique. "Grabe! Na-miss ko kayong lahat! Group hug!" Tili ni Purple. "Oo nga. Group hug muna tayo!" sang-ayon naman ni Krystel. "Gagabihin na talaga tayo niyan, guys!" kunwaring ayaw ni Nora. "Tara na! Anong oras na o! Dapat 5pm pa tayo nakaalis. Alas sais na kaya," pagtigil naman ni Akihiro. "Oo nga naman. Gutom na ako. Naghihilab na ang tiyan ko," hihimas-himas sa tiyang tugon ni Tobias. Natawa na lamang ang lahat nang marinig ang pagtunog ng tiyan ni Tobias at halatang gutom na nga. Kaya naman, kumain muna sila pero nang matapos kumain ay nagdesisyon muna silang magpalipas ng gabi sa isang hotel. Sa halip na tumawag o mag-research sa internet ng available na hotel, napagdesisyunan nilang maglakad-lakad nang magkakasama. Noong una ay walang nagreklamo pero kinalaunan nakaramdam na rin sila ng pagod. "Malayo na ang nilakad natin. Malapit nang maghating-gabi," reklamo ni Purple. Sinang-ayunan naman nito ng dalawang babae. Wala ni isang hotel na available ang kanilang nakita. Lahat puro fully booked. Kaya nagpasiya silang bumalik sa dati nilang dinaanan pero ilang beses na silang paikot-ikot sa lugar na iyon at ang tanging napansin nilang magkakaibigan ay ang pink house sa 'di kalayuan. "Alam ba talaga ninyo ang daan pabalik? Naliligaw na yata tayo e!" kinakabahan ng tanong ni Nora. "Kanina pa tayo naliligaw. Iyon ang alam ko. At ang pink house na 'yan lagi ang nakikita natin. Ano kaya kung pumasok tayo riyan?" umatras naman ang apat nang magsalita si Tobias. "Huwag kang magbiro, Tobias!" saad ni Akihiro. Magsasalita pa lamang ulit at lilingunin ni Tobias ang pink house nang bigla na lamang silang nakaramdam ng bahagyang paglindol sa kanilang kinatatayuan. At sa isang iglap, nasa loob na sila ng bahay na kulay rosas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.1K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

DEVIL INSIDE ME ( A Nymphomaniac Story )

read
68.0K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook