Ikaapat na Pasok

618 Words
Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Tobias. Wala siyang kamalay-malay na may isang aninong nais siyang pagsamantalahan at patayin. Bago nito simulan ang kanyang pakay, tinanggal niya muna isa-isa ang saplot ng binata. At dahil ginamitan niya si Tobias ng isang mahikang pampatulog, hindi ito basta-basta magigising. Nang mahubaran ang binatang si Tobias, ngiting-ngiti ang anino sa kanyang nakikita. Mamula-mula ang labi, ang tainga, ang dibdib at maging ang pag-aari nito. Nakaramdam ng labis na pagnanasa ang anino at agad na sinibasib ng halik ang binata sa labi kahit hindi naman ito makakaganti sa kanyang ginagawa. Hinalikan niya si Tobias sa leeg, sa pisngi, sa kanyang dibdib pababa sa pusod hanggang sa mahawakan niya ang sandata nitong hindi niya malaman kung bakit sa mga oras na iyon ay nakatayo na. Nang matapos niyang gawin ang kanyang nais at magpakasarap sa rurok ng tagumpay na tinamasa niya, sumilay na ang nakakaloko at demonyong ngiti niya. Sa isang iglap, may hawak na ang kamay niya ng isang pisi. Isa-isa niyang tinalian ang kamay at paa ni Tobias na hubo't hubad pa rin. Matapos talian nang mahigpit, muli siyang nag-usal ng isang katagang nakapagpagising sa binata. "Dumilat ka binata," ibinulong niya ito sa kaliwang tainga ni Tobias at dumilat nga ang mata ng binata. Agad namang na-alarma si Tobias nang makitang hubo't hubad siya na parang nakatali sa isang krus. Ramdam din niya ang pamumula ng kanyang kargada. Hindi niya alam kung paano siya nilabasan. Ang buong akala niya ay panaginip lang iyon dahil sa panaginip ay may nakasiping siyang isang magandang babae. Ngunit, nang igala pang muli niy Tobias ang paningin sa buong silid, doon niya napansin ang isang aninong unti-unting lumalabas at nagpapakita sa kanya. Nagsimula nang magsilabasan ang mga butil ng pawis sa kanyang mukha. At lalo pa siyang nagimbal nang makitang wala itong mukha. Nakasuot lang ito ng isang itim na tela sa ulo. "Si-sino ka? Anong gagawin mo sa akin?" nauutal na si Tobias. Halos umurong pa ang kanyang dila. Hindi niya namalayang umihi na siya at nabasa pa ang kanyang mukha sa tayog ng pag-ihi niya. Isang mala-demonyong tinig na ngumingiti ang kanyang narinig. "Anak ng! Sino ka? Pakawalan mo ako rito?" patuloy pa rin sa pagsigaw si Tobias pero hindi siya pinapansin ng aninong walang mukha. Bagkus ay pansamantala itong tumalikod at nang humarap, may hawak na itong matalim at matabang uri ng kutsilyong gamit ng mga matadero. Lalong nagpumiglas si Tobias na makawala sa tali. Subalit, sa tuwing ginagagawa niya iyon ay nasusugatan at nahihiwa ang kanyang paa at kamay. Ilang saglit pa, itinaas ng anino ang hawak nito at pinutol ang kanyang pag-aari. Halos lumabas ang dila ni Tobias sa pagsigaw dahil sa sakit. Hindi pa nakontento ang anino at tinaga naman niya ang kanyang mga daliri sa kamay at paa. Pumipipikit na ang mga mata ni Tobias. Ilang sandali na lamang ay titigil na ang pagtibok ng kanyang puso. Pero nagpatuloy pa rin ang anino sa p******y sa kanya. Tumilamsik sa buong kama at sa mukha niya ang maraming dugo. Nang wala nang kamay at paa si Tobias, tuluyan nang namatay ang paghinga nga binata. Itinapat ng anino ang hawak nito sa leeg ni Tobias at walang awang tinabas ang kanyang ulo. Tinadtad niya pa nang tinadtad ang tiyan ng binata hanggang sa makuha ang mga laman nito at nang matapos gawin ang mga iyon, inilagay niya ang mga ito sa isang lalagyan. Dinilaan niya pa ang dulo ng punyal na hawak niya bago nagsimulang bitbitin ang mga pira-pirasong bahagi ng katawan ng binata papasok sa isang madilim na silid na siya lamang ang nakakaalam. ...Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD