Ikatlong Pasok

528 Words
Nang idilat ni Tobias ang kanyang mga mata, nasa isang hindi pamilyar na silid na siya. Sa isang malawak pero lumang estilo ng kuwarto siya napadpad. Ang huling naalala niya ay sinampal siya ni Purple at aalis na sana silang magkakaibigan upang hanapin ang daan palabas ng mansion. Subalit, mukhang totoo nga ang sinasabi ni Aki na may masamang espiritu sa bahay na ito dahil sa isang iglap, matapos bumukas ang pintuan at magulat sila, isa na namang misteryo ang kanilang nasaksihan. Iyon ay kung paano sila nakakapasok nang hindi man lamang nila nalalaman o nararamdaman. Inilibot ni Tobias ang paningin sa kabuuan ng silid at napansin ang mga bagay na antigong-antigo sa kanyang paningin. Hugis kuwadrado at kulay ginto ang orasang nakasabit sa dingding. Ang mga plato at kubyertos sa maliit na mesa ay kulay ginto rin. Kumikintab ang mga ito. Idagdag pa ang mga pagkaing nakahain. Nilapitan ito ni Tobias at inamoy. Napag-alaman niyang bagong luto pa ang mga ito kaya natakam siyang kumain. Isang litsong manok, isang bandehadong kanin, isang tinolang manok, at may kasama pang panulak na sa amoy ni Tobias ay gulaman. Takam na takam ang binata sa pagkain. Kamay pa ang ginamit nito upang namnamin ang bawat tamis at sarap ng kanyang kinakain. Ang hindi alam ni Tobias, isang anino ang nagtatago sa ilalim ng kama ang nagmamasid pala sa kanya habang siya ay kumakain. Hinihintay niyang mabusog ang binata at mahiga sa kama upang gawin ang kanyang binabalak - ang lunurin ito sa kabusugan at patayin sa kanyang panaginip. Ilang sandal pa, napadighay si Tobias sa sarap ng kanyang kinain. Tumayo-tayo muna ito at sinuyod pa ang buong silid. Pumunta muna siya sa banyong nasa loob nito at mangha na naman ang kanyang mga mata. Hindi niya akalaing ginintuan din ang mga tiles na naroon. Napakalinis. Nang buksan niya ang grip, malinaw na malinaw ang tubig. Kaya naman nagpasiya siyang maghubad at maligo. Pagkatapos maligo at lumabas sa banyo, napansin niya sa kama ang isang robang kulay puti at mga damit na handa na para sa kanya. "Sino kaya ang naglagay nito rito? Wala pa ito kanina ah? Hmmm." nagtataka man ay binalewala na lamang ni Tobias ang naiisip. Agad niyang tinanggal ang tuwalya sa kanyang katawan at lumantad ang kanyang kahubdan. Aliw na aliw naman ang aninong pagmasdan siya mula sa loob ng kabinet. Lumipat siya mula sa ilalim ng kama upang kunan ng damit si Tobias. At hindi niya inakalang mag-iinit ang kanyang katawan sa nakikitang hubog ng katawan ng binata lalong-lalo na ang pagmamay-ari nitong napakaganda rin ng hugis. Nang matapos makapagbihis, agad na sumampa sa kama si Tobias. Ilang minute pa lamang ang nakalipas, nakaidlip na ito. Lumabas na sa pinagtataguan niya ang anino at hinarap ang binata. Siniguro niya munang tulog na tulog na ito dahil isang kulay pilak na may kasamang orasyon ang isinaboy niya sa mukha ng binata. Matapos niyang gawin iyon, pinisil niya muna ang pisngi ng binata at napagtantong tulog na tulog na nga ito. Kaya naman sisimula na rin niya ang kanyang maitim na balak sa una niyang biktimang naipasok sa kanyang bahay na kulay rosas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD