Ikalawang Pasok

363 Words
Matapos ang panandaliang pagyanig ng lupa habang pinagmamasdan ng magkakaibigan ang kulay rosas na bahay, natagpuan nila ang mga sariling nasa loob na ng mansion. "Nahihilo ako," wika ni Nora. "Ako rin. Nasaan na ba tayo?" ani Krystle. "Nandito na tayo sa pink house. OMG! Why all of a sudden?" saad naman ni Purple. "Nasaan si Tobias?" tanong naman ni Akihiro at lahat ng babae ay napalingon sa kanya. Bigla silang kinilabutan dahil umihip ang isang malamig pero nanunuot sa balat na simoy ng hangin. Nang igala ng kanilang mga mata ang paligid, sabay-sabay na nagsitinginan ang apat na magkakaibigan sa kinaroroonan ni Tobias na nagsisimula nang humakbang sa entrada ng mansion. Agad naming tumakbo ang apat upang pigilan ang kaibigan. Nangininig pa ang mga kamay at paa ng mga ito nang mapigilan si Tobias. "Tobias, anong ginagawa mo? Umalis na tayo rito," bulong ni Nora. "Toby, ano ba? Halika na!" patuloy naman sa pagyuyugyog si Krystle sa manggas ng suot nitong damit pero hindi nakikinig si Tobias. Panay ang hakbang nito paakyat sa pintuan ng mansyon. Kaya naman sa inis ni Purple, sinampal niya ito nang malakas. "Aray! Sinong sumampal sa akin ha?" sa wakas at nagising na rin ang diwa ni Tobias habang himas-himas ang namumula nitong kaliwang pisngi. "Kanina ka pa naming hinihila. Tulala ka, Toby. Mabuti na lamang at nainis mo si Purple kaya nasampal ka tuloy. Masakit ba?" hagikgik ni Krystle. Inirapan na lamang ni Purple si Tobias. "Hanapin na natin ang daan palabas ng mansyong ito. Hindi nakakatuwang mamalagi rito. May kutob akong may masamang espiritu na nakatira rito," yaya ni Akihiro sa mga kaibigan. Sumunod naman ang mga ito pababa. Subalit, nakatatlong hakbang pa lamang sila ay nakarinig sila ng marahang langitngit at pagbukas ng pintuan sa mansyon. Ang magkakaibigan ay agad na napalingon at hindi nga sila nagkamali dahil bumukas nga ang pintuan. Nangangatal, tumindig ang mga balahibo, at sabay-sabay na nagyakapan ang magkakaibigan. Ipinikit ng mga ito ang kanilang mga mata habang nag-uusal ng panalangin. Ngunit, nang kanilang idilat ang mga mata, isa-isa na silang nagkahiwalay at muli na namang ipinasok sa loob na mismo bahay na kulay rosas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD