"Ginagalit mo talaga ako, Senya! Humanda ka sa akin ngayon! Senya!" lumusot sa labas ng nakasaradong pintuan si Sanya na nanatili pa ring nakalutang ang mga paa. Ramdam niyang dumapo ang palad ng isang binata pisngi niya at kagagawan iyon ng kaniyang kapatid na si Senya.
Samantala...
Kahit hilong-hilo pa ay agad na bumaba si Purple patungo sa basement ng mansiyon at gumawa ng paraan upang mabuksan ang pintuan. Subalit, wala sa kaniya ang susi.
"Nora! Nora! Nariyan ka ba sa loob?" Sigaw ni Purple.
"Purple! Purple, ikaw ba 'yan?" anito.
"Oo, Nora. Maghintay ka lamang at pupunta ako sa kusina upang maghanap ng gagamiting pangbukas ng pinto. Sadyang ikinandado marahil ng multong si Sanya ang pintuan dito. Hintayin mo ako rito," aniya.
At mabilis na bumalik sa taas si Purple upang magtungo sa kusina. Ngunit, nang kaniyang datnan ang kusina, halos masuka siya sa nasaksihan. Kalahating katawan na lamang ni Krystle ang nakahimlay sa ibabaw ng mesa. Punong-puno rin ng dugo ang sahig at ang lababo. Kitang-kita rin niya ang pira-pirasong kamay na nakausli sa loob ng kaserolang sa tingin niya au lulutuin iyon.
Hindi napigilan ng kaniyang mga mata ang mapaluha rin dahil sa sinapit ng kaniyang kaibigan. Kaya naman ay mabilis niyang nahanap ang kaniyang pakay. Nakita niya ang isang mahaba, matulis at matibay na uri ng punyal na sigurado niyang masisira ang padlock ng pintuan sa basement.
Agad siyang bumalik sa basement upang mabuksan ang pintuan. At nang makarating siya sa roon ay sinimulan niyang ipasok ang tulis ng punyal sa padlock hook at dahan-dahang iniangat iyon hanggang matanggal ito dahil gawa lamang ito sa mababang klase ng tabla.
Sa kabilang dako ay nakita ni Sanya si Senya na nasa katauhan pa rin ni Akihiro.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagsira sa aking plano, Senya! Humanda ka!" Nagtiim ang bagang ni Sanya. Biglang nagsitayuan din ang kulay itim nitong buhok na animo'y parang ahas na manunuklaw kay Senya.
"Sandali lamang, mahal kong kapatid. Bago tayo maglaban ay nais ko munang lumabas sa katawan ng binatang ito. Maaari ba?" pag-iiba ni Senya ng usapan.
"Lumabas ka na sa katawang iyan!" Sigaw sa kaniya ni Sanya. Agad namang lumabas si Senya sa katawan ni Akihiro. Gulat naman ang mukha nang binata nang mapagtantong kaharap niya sina Sanya at Senya.
"Puntahan mo ang mga kaibigan mo sa basement, Aki. Hinihintay ka na ng dalawa mong kaibigan," wika ni Senya. Ngunit, bago pa man tumalikod si Akihiro ay may ibinulong sa kaniyang tainga si Senya. "Hanapin ninyo sa basement ang itim na aklat. Sunugin ninyo iyon upang tuluyan nang maglaho at mawala si Sanya. Kapag nagawa ninyo iyon, pansamantalang yayanig ang lupa at muli kayong babalik sa lugar kung saan kayo nagmula. Iyon nga lang ay hindi kayong tatlo na lamang ang makakalabas sa bahay na ito."
"Hindi rin sila makakalabas ng buhay dito, Senya! Hindi ko sila hahayaan. Uunahin muna kitang paslangin, Senya!" At nagsimula nang lumapit si Sanya sa kinaroroonan ng kapatid.
"Bilisan mo, Aki! Sundin mo ang sinabi ko kung gusto pa ninyong makalabas sa bahay na ito! Tumakbo ka na!" Hindi na nagawa pang magsalita ni Akihiro. Bagkus, ay muntik pa siyang magkandarapa at mahulog sa hagdan pababa sa basement.
Nang matunton ang basement ay agad niyang nakita sina Nora at Purple. Kaagad niyakap ng dalawa ang natitirang kaibigan. At sinabi ni Akihiro ang paraan kung paano sila makakalabas sa bahay na ito.
...Itutuloy...
A/N
Abangan ang pagtatapos ng kuwentong ito. Maraming salamat po sa pagtangkilik mga mahal kong mambabasa.