Gago pala ito, eh! Upakan n'yo!" Nainis at nagalit ang leader ng grupo at pinaupakan siya. Nagpalinga-linga siya sa palid at may nakiya siyang mahabang bakal at dali-dali niya itong pinulot. Hindi siya nagdadalawang isip at hinahampas niya ito sa mga kaedad niya na mga bata. Nang makatikim ang mga ito ng hampas ay nagkaniya-kaniya ito sa pag-atras. "Ano! Hindi ka lalapit?!" Hamon niya sa leader at akma niya itong susugurin. "Takbo! Takbo!" anito, at kumaripas ito nang takbo. Napangiti naman si Hygiean, habang hinatid niya ng tanaw ang limang kabataan na tulad niya. Muli siyang bumalik sa, basurahan at kahit papaano ay, nakakuha siya ng mga damit at pantalon na puwede pang mapakinabangan. Naglakad siya pabalik sa kaniyang tinutuluyan at may narinig siyang iyak at boses lalaki ito. N