Chapter 1- Panimula
"HINDI! Hindi ako makakapayag na sa isang mahirap ka lang maikasal Amie! Ano ba ang pumapasok diyan sa utak mo?! Amie, hindi kita pinapaaral sa mamahaling paaralan para magiging bobo ka!"
"Papa! Mahal ko si Huzzam, kahit ano pa ang sabihin mo sa akin ay tatanggapin ko. Pero hindi ako papayag na ipaghiwalay mo kami."
"Kung susundin mo ang iyong gusto, sige! Lumayas ka sa pamamahay na ito at tatandaan mo ni isang sentimo ay wala kang mamanahin sa akin!" Banta ni don Renie at galit na galit ito.
Tahimik lamang at nakayuko si Huzzam, habang pinakinggan ang mag-ama. Hindi na nagsalita ang pobre sapagkat wala naman siyang ipagmamalaki kay don Renie. Na kilalang-kilala na galing sa mayamang angkan.
Sa isang sulok ay mayroong isang taong nakasaksi sa pangyayaring iyon. Si Paullo, ang ampon ni don Renie, na mas nakakatanda kay Amie. Nakangiti ito at hinihintay ang tuluyang pag-alis ng magnobyo. Nakayukong tumalikod si Amie sa ama at hinawakan ang kamay ni Huzzam.
"Hintayin mo ako sa sala, kukunin ko lang ang aking mga gamit," pahayag niya sa nobyo.
"Amie, sigurado ka ba na sasama ka sa akin?Hindi ako mayaman at mahirap lamang ako."
"Hindi mo naman ako pababayaan 'di ba? Magtulungan tayo Huzzam, ang importante ay hindi tayo magkakahiwalay."
"Oo, Amie. Pangako, hinding-hindi kita pababayaan at magsisikap ako."
Pumasok si Amie sa kaniyang kuwarto at kinuha ang mga importante niyang kagamitan. Lalong-lalo na ang kaniyang passbook savings acount. Hanggang sa tuluyan niyang tinalikuran ang mansion at ang pagiging tagapagmana ni don Renie Fe Sarte.
DAHIL may isang ektaryang lupa si Huzzam, at ito ay minana niya sa kaniyang yumaong mga magulang. Dito sila nagsimulang mangarap at sa tulong na rin ng pera ni Amie ay nakapamuhunan sila. Tinaniman nila ng mga gulay at mais ang isang ektaryang lupain.
Habang naghintay sila sa buwanang pag-aani ay naisipan ni Huzzam na mag-buy and sell sila ng mais, palay at kamoteng-kahoy. Sinang-ayunan naman ito nang kaniyang katipan.
Hindi naglaon ay lumago ang kanilang kabuhayan dahil na rin sa kanilang sipag at tiyaga. At ang pagtutulungan nila sa isa't isa.
DALAWANG TAON ang nakalipas ay nakaroon sila ng sariling simpleng bahay, isang trak at maliit na bodega. Para sa kanilang mga nabibiling mais, palay at kamoteng-kahoy. Dito nila iniipon ang lahat at sa loob ng isang linggo ay kanila itong dinadala sa siyudad upang ibenta sa malalaking kompanya.
"Huzzam, maglimang taon na pala ang pagsasama natin bukas," sabi ni Amie at kasalukuyan silang kumakain ng hapunan.
"Oo nga, advance happy fifth anniversary, Amz. Mahal na mahal na mahal kita."
"Wow ... ang dami naman. Mahal na mahal na mahal na mahal rin kita, Huzzam. At wala akong pinagsisihan sa desisyon kong piliin ka. Dahil ito tayo ngayon medyo umaangat na sa buhay."
"Pangako, Amie. Iangat ko pa ang ating pamumuhay upang taas noo na tayong haharap sa iyong Papa."
"Uhmp! Kahit hindi na tayo humarap sa kaniya Huzzam, kilala ko si Papa. May isang salita siya. ang isipin na lang natin ay para sa kinabukasan ng magiging anak natin. Sapagkat ang gusto ko ay magisnan niya ang marangyang buhay at hindi makakaranas ng kahirapan."
"Mangyayari iyan Amz, at dudublihin ko pa ang aking pagsisikap."
"Tayong dalawa ang magsisikap Huzzam, sa hirap at ginhawa, dapat lagi tayong magkakaisa."
"Thank you, Amz."
KINABUKAS ay walang kaalam-alam si Amie na mayroong inihinanda sa kaniya si Huzzam na isang sorpresa. Maagang nagpaalam ang katipan na pupunta sa siyudad upang mag-withdraw. Dahil sahuran na nang kanilang mga trabahador. Ngunit ang pinakasadya niya ay bibili ito ng engagement ring.
Ang bilin niya sa katipan ay huwag munang magpunta sa bodega at hintayin siya. Upang sabay na silang magtungo doon.
Lingid sa kaalaman ni Amie na may ipinahandang kainan si Huzzam sa kanilang bodega. Bilang pag-celebreate sa kanilang anniversary at pag-propose nito ng kasal.
"Akala ko ay matagalan ka pa pupunta na sana ako sa bodega," sabi ni Amie sa kaniya.
"Sinabi ko naman sa iyo na saglit lang ako. Tayo na baka nagugutom na ang ating mga trabahador."
"Bakit? Wala na ba silang istak doon?" pag-alala ni Amie.
Sapagkat ayaw niyang nagugutom ang kanilang trabahador. Dahil importante ang mga ito sa kanilang negosyo
"Wala na daw eh!" pagsisinungaling nito at ngumiti siya
"Huzzam, ha! Nagugutom na nga iyong mga trabahador natin ay nagawa mo pang pagtawanan."
"Amz, hayaan mo na ako. Ngayon lang naman ito at masaya lang talaga ako dahil anniversary natin. Kaya ikaw, ayusin mo iyang kulubot sa noo mo para ka na kasing singkuwenta niyan. "
"Oy! Hindi nga?!"anang katipan at dali-daling tiningnan ang sarili sa salamin.
"Okay lang iyan, Amz. Kahit paugod-ugod ka na ay mamahalin pa rin kita.
"Huzzam naman, wala pa nga tayong anak tapos gagawin mo na akong Lola. Huwag muna!" malambing nitong reklamo.
"Bakit? Gusto mo na bang magka-anak na tayo?"
"Matagal na."
"Ummm ... sige bukas gagawa na tayo."
"Bakit bukas pa? Puwede naman mamaya," nakangiting tugon ni Amie.
DUMATING sila sa kanilang bodega at nagtaka si Amie, kung bakit sobrang tahimik ang paligid. Na tila walang nagtatrabaho.
"Huzzam! Mukhang nilayasan na tayo nang ating mga tauhan. Bakit nila nagawa iyon?" seryosong sabi ni Amie at halos hindi ito kumukurap sa pagtataka.
"Mukhang nagutom na siguro sila, Amz."
"Huzzam, sinisisante mo ba sila, ha?! May ginagawa ka ba na hindi ko alam?!" galit na tanong ni Amie at halos maiiyak na ito.
"Wala! Wala akong ginawa sa kanila, Amz. Mabuti pa siguro pumasok na tayo at tingnan natin ang loob."
Inakbayan ni Huzzam ang katipan at lumapit sila sa bodegang nakasarado.
"Humanda ka talaga sa akin Huzzam, kung may ginagawa ka sa kanila."
"Wala nga akong ginagawa! At ano ngayon kung lumayas sila? Ano ang mgagawa mo?"
"Hindi kita bibigyan ng anak," seryoso niyang sagot.
"Asus! Matiis mo iyon?"
Binuksan ni Huzzam ang bodega at idinadahan-dahan niya ito sa pagtulak.
"SURPRISE!"
Sabay-sabay na sigaw mula sa kanilang mga trabahador at bahagya namang nagulat si Amie, sapagkat hindi niya ito inaasahan.
"A-ano ito, Huzzam?"
"Happy anniversary, Amz. I love you so much. Will you marry me?" tanong ni Huzzam at lumuhod pa ito sa harap.
Hindi maintindihan ni Amie ang kaniyang naramdaman. Gusto niyang umiyak at parang gusto rin niyang tumawa. Ngunit mas nanaig ang kaniyang mga luha, pumatak ito sa sobrang saya.
"Yes... I will!" tugon niya na punong-puno ang puso sa kaligayan.
Isinuot ni Huzzam ang singsing sa daliri ni Amie at niyakap niya ito.
"Mahal na mahal kita," sabi nito na hilam pa rin sa luha ang mga mata
"Mahal na mahal rin kita, Amz."
Saksi ang mga empleyado sa kanilang tapat na pagmamahalan at kabutihan ng kanilang mga puso.