Episode 6 - Escape

2131 Words
IPINAGKATIWALA ni Huzzam ang kanilang kabuhayan sa pinagkatiwalaan nilang tauhan. At alam na nito ang dapat gagawin sa pera. Agad niya itong pinapapasok sa bangko at sa pangalan iyon ni Hygiean. At kahit ang kanilang bahay ito rin ang kaniyang pinagkatiwalaan. Hanggang sa nakabalik na sila sa mansion, at nag-usap sila ng kaniyang asawa na pansamantalang sila muna ang mamahala sa kompanya habang bata pa si Hygiean. Pumayag naman si Huzzam sa gusto ng kaniyang asawa. KINAGABIHAN ay nagiging balisa si Huzzam at hindi makatulog. Bumangon ito at umupo sa gilid ng kama, nakita niya ang asawa na sobrang himbing ang tulog. Napahaplos ito sa maamong mukha ni Amie, "I love you…" bulong nito at alam niya na hindi siya narinig. Tumayo siya at nagtungo sa kuwarto ng kanilang anak at maingat niyang binuksan ang pinto. Upang hindi magising ang bata, subalit matalas ang pandinig ni Hygiean at nagising ito. "Dad?" sambit nito sa mahinang boses. "Yes, it's me!" tugon niya at inaayos ang kumot. "Si Mommy?" "Tulog na, anak." "Bakit hindi ka pa natulog, Dad?" "Naninibago siguro ako sa bah—" naputol ang kaniyang sasabihin na tila may pinakinggan sa paligid. At maya-maya pa ay biglang nakarinig si Huzzam ang mga kaluskos mula sa sala. Kaya agad niyang natakpan ang bibig ni Hygiean. "Huwag kang maingay, anak!" pabulong niyang sabi. Natakot naman ang bata at yumakap sa ama. Maingat na tumayo si Huzzam at nagkubli sila sa likod ng pinto at pinakinggan ang mga boses. Sa isip niya ay sobra siyang nag-alala para sa asawa. Subalit kailangan din niyang protektahan ang anak. Kahit madilim ay banaag ni Huzzam na may hinahanap ang mga ito. "Nasaan ang iyong asawa at anak?!" boses ng isang lalaki na may takip ang mukha. "H-hindi ko alam!" Takot na takot si Amie, habang sumagot sa lalaki. "Nasaan ang titulo ng mga ari-arian?!" Sa tanong na iyon ay alam na agad ni Huzzam na si Paullo iyon o 'di kaya ay tauhan niya. Dahil walang ibang naghahabol sa yaman ni don Renie kung 'di ay si Paullo lang. Buti na lamang ay nasa kuwarto ni Hygiean nila inilagay ang mga papeles. Maingat na isinara niya ang pinto at dahan-dahang ni-lock at dali-daling kinuha ang mga titulo. "Dad, si Mommy?" pabulong na tanong ni Hygiean at umiiyak ito. Habang nanginginig ang buong katawan. "Huwag kang mag-alala, anak! Babalikan ko ang Mommy mo, pero ikaw ay kailangan mong makatakas," aniya at maingat na binuksan ang bintana. At buti na lamang ay sa baba sila mag-stay. "Halika, bilis!" Una niyang inilabas ang anak sa bintana at agad siyang sumunod na bitbit ang mga papeles. Nang kapwa na silang nasa labas ay dali-daling naghanap si Huzzam na puwede niyang pagtaguan sa mga titulo. Dad, ano, ang hinahanap mo?" pagtatakang tanong ng bata. "Kahit ano!" halatang nakaramdam ng nerbiyos si Huzzam. Hanggang sa may nakita siyang lata na may katamtaman ang laki. "Halika, anak. Tulungan mo ako!" pabulong nitong sabi at ipinasok niya ang mga titulo sa loob ng lata. "Tumakas ka na, anak. Huwag kang magpapahuli sa kanila dahil papatayin ka rin nila. At makinig kang mabuti. Kailangan mong protektahan ang para sa iyo at huwag kang papayag na mapupunta ito kay Paullo. Tandaan mo ang mga sinabi ko at ang sinabi ng Lolo mo na huwag kang magtitiwala kahit kanino," mahabang litanya ng kaniyang ama. Na pilit itinago ang mga titulo ng kanilang mga ari-arian sa hinukay nilang lupa. Nang tuluyan itong mabaon ay nilagyan ito ni Huzzam ng malaking bato. Nagtungo siya sa may pader at pilit binutasan ito gamit ang bitbit niyang bato. Hanggang sa nabuta ito na tamang-tama lang na magkasya ang katawan ng kaniyang anak. "Sige na, tumakbo ka na!" "Daddy, ayaw ko kayong iwan ni Mommy! Sino ba sila, Daddy?" tanong ng isang inosenteng bata at hilam sa luha ang mga mata. "Malakas ang kutob ko si Paullo iyon, anak. Itong hukay ay lagi mo itong tandaan, okay. Kapag makaligtas ka balikan mo ito. Iingatan mo ang pinaghihirapan namin ng Mommy mo at nang Lolo. Ipangako mo, Hygiean! Ipangako mo!" luhaang bilin ni Huzzam. "O-opo, Dad. Pangako ko! Kilalanin ko silang lahat, kung sino man sila pagbabayaran nila ang ginawa nila sa atin!" matapang na tugon ni Hygiean. "Tumakbo ka na, bilisan mo!" "Pero---- Dad! Paano kayo ni, Mommy?" humagulgol nitong tanong. "Takbo na, anak! Huwag mo kaming isipin!" "Babalikan ko kayo ni Mommy, hihingi lang ako ng tulong." "Tumakbo ka na! Nandiyan na sila! Takbo!" sigaw niya sabay tulak niya rito sa maliit na butas. WALANG nagawa si Hygiean, kung 'di sundin ang utos ng ama, lalo na't nakita niya ang dalawang lalaki na papalapit sa kinaroroonan ng kaniyang ama. Nang makita niyang tumakbo ang dalawang lalaki na papalapit sa kaniyang ama ay saka pa lamang siya kumilos upang tumakbo. Dali-dali namang umaksyon ang kaniyang ama at hinirangan ang butas. Ngunit maagap namang kumilos ang isang lalaki at binaril siya nito. Natamaan si Huzzam sa kaniyang tiyan, subalit nanatili p rin itong nakatayo sa butas. Takot na takot naman si Hygiean nang marinig niya ang sunod-sunod na mga putok. "Ako na ang bahala nito, habulin mo iyong isang bata!" anang isang lalaki. "Mommy-----Daddy…" hinihingal na sambit ni Hygiean at walang tigil siya sa pagtakbo. Mga pawis at mga luha ang sabay-sabay na pumatak mula sa kaniyang mukha. Kahit nakakatakot ang kadiliman ay hindi ito inaalintana ni Hygiea. Ang mahalaga sa kanya ay makalayo sa lalaking humahabol sa kaniya. "Bataaaa! Hindi ka makatakas sa akin! Lagot ka kapag naabutan kita! " sigaw ng lalaki na at palinga-linga sa paligid. Sapagkat hindi na niya mahagilap ang bata. Sa isang madamong bahagi ay doon nagkubli si Hygiean at tinatakpan niya ang sariling bibig. Upang hindi siya makalikha ng ingay, kasabay naman noon ay ang walang tigil na pag-agos ng kaniyang mga luha. "Ano?! Nahanap mo ba?" tanong ng isang lalaki na kararating pa lang sa naturang lugar. "Wala, eh!" "Naku! Lagot tayo nito ni boss Paullo!" "Eh, ano ang magagawa ko? Mabilis tumakbo ang bata na iyon!" "Halika na!" "Humanda ka sa akin, Paullo! Isinusumpa ko babalikan kita! Babalikan kita!" Maingat siyang tumayo mabilis na tumakbo. SAMANTALA, pilit pa rin na pinapaamin ng lalaki si Amie, kung saan ang mga titulo. "Alam kong papatayin n'yo rin kami, kaya wala kayong makukuhang sagot galing sa akin! Hindi namin ibibigay ang hinahanap ninyo!" singhal na sagot ni Amie. Humalakhak ang lalaki. "Hanga talaga ako sa tapang mo, pero tingnan natin kung hanggang saan ang tapang na iyan. Ang bata dalhin dito!" utos niya sa isang tauhan at agad namang kinabahan si Amie. Lumapit ang isang lalaki at hilang-hila ang walang malay na si Huzzam at may dalawang tama ito sa tiyan. "Huzzammmm! Mga hayop kayo! Ano ang ginawa ninyo sa asawa ko?!" umiiyak na tanong ni Amie, at dali-dali niyang nilapitan ang asawa at niyakap. "Boss, nakatakas ang bata." "What?! Mga tanga!" galit nitong bulyaw. "Paullo! Kahit gaano pa kakapal ang ibalot mo sa iyong mukha alam kong ikaw iyan! Kaya hindi mo na kailangan na itago pa!" galit na pahayag ni Amie. "Tama ka, ako nga ito my dear sister. At kahit ipakita ko pa ang aking mukha sa iyo ay hindi ako mag-alala, dahil sa hukay naman ang inyong pupuntahan." Pagkatapos nitong magsalita ay agad niyang tinanggal ang takip sa kaniyang mukha at walang awang pinagbabaril ang mag-asawa. "Wala na akong problema akin na ang lahat-lahat!" Malademonyong halakhak ni Paullo, habang pinagmamasdan ang mag-asawa na tadtad ng bala. "Boss, ang bata?" "Hayaan n'yo na, kuting lang iyon at madaling mahuli. Tayo na!" Naiwan ang mag-asawa sa loob ng kuwarto na magkayakap at parehong wala na itong buhay. SAMANTALA nanatili pa rin si Hygiean sa kaniyang pinagtataguan at takot na takot itong lumabas. Sa pag-alala na baka nasa paligid lang ang dalawang lalaking humahabol sa kaniya. Dahil sa sobrang pagod at takot ay mahimbing itong nakatulog. SUMIKAT ang araw kinabukasan at nagising siya na ramdam ang sakit sa kaniyang buong katawan. Ngunit pilit pa rin siyang bumangon. "Daddy... Mommy…" tanging sambit niya at nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Halos hindi na niya maimulat ang dalawang mata nito dahil sa namamaga ito. Tumayo si Hygiean at hawak ang kanyang baywang sapagkat nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya alam kung paano bumalik sa kanila. Subalit pilit pa rin niya itong tinunton. Hanggang sa makalabas siya sa malaking kalsada, nagpalinga-linga ito at nag-iisip kung saan ang daan papunta sa kanila. Tanging alam lang niya ay ang pangalan ng kanilang lugar at maliban doon ay wala na. "Lolo, tulungan mo naman ako na makauwi sa bahay, please. Nag-alala na kasi ako kina Mommy at Daddy." Para namang narinig ng kaniyang Lolo ang hiling niya dahil may isang kotse na huminto sa kanyang harapan at tinanong siya kung saan ang kaniyang punta. Sinabi naman niya ang pangalan ng lugar at buti na lamang ay alam nito kung saan ang tinukoy niya. "Manong, dito na lang po ako." "Sigurado ka, boy?" "Opo! Maraming salamat po." "Mag-iingat ka, boy." "Opo!" Naglakad si Hygiean patungo sa kanilang bahay, may takot man sa dibdib niya. Ngunit pilit niyang nilakasan ang kaniyang loob, alang-alang sa kaniyang mga magulang. Hanggang sa natanaw niya ang kanilang bahay at kinabahan siya nang makiya niyang maraming tao sa paligid at may mga pulis pa. Nakipagsiksikan siya sa mga tao para lamang makalapit at malaman ang nangyari sa loob. Subalit napahinto siya nang makita niya si Paullo, agad bumilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi niya kayang ipaliwanag kung takot o galit ba ang kaniyang naramdaman. At maya-maya pa ay mayroon inilabas ang mga pulis na dalawang bangkay. Kinabahan siya at iniisip na mga magulang niya iyon. "Kawawa naman ang mag-asawa, sino kaya ang walang pusong pumaslang sa kanila?" wika ng isang babae na katabi niya. "Oo nga, eh! Halang ang kaluluwa ng taong gumawa. Biruin mo tadtad sa bala ang mga katawan nila." "Naku! Sigurado ako iyang ampon ni don Renie." "Ssshhhh! Hinaan mo iyang boses mo baka marinig ka! " "Bakit?! Totoo naman!" pabulong nitong sabi. Dahil sa narinig ni Hygiean ay napaatras siya at nagmadaling lumayo. "Mommy, Daddy!" Pangako, magbabayad siya! Magbabayad silang lahay! " galit niyang banta at sabay punas sa kaniyang mga luha. Naglakad siya papalayo sa mansion at hindi alam kung saan pupunta. Ang gusto lang niya ay makalayo sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang. ANG DATING Hygiean na hindi dumaranas ng kahirapan ngayon ay nagtiis na lamanv na magkalkal sa basurahan, para lang makahanap ng makain, Ang dating batang nakatira sa malaking bahay at mansion ngayon ay natutulog na lamang sa lansangan. Ang dating Hygiean na laging branded ang kasuotan, ngayon ay nagtitiis na lang sa madumi at mabahong damit na isang linggong hindi napalitan. Ngayon ay natuto na rin siyang magpapalimos. "Umalis ka nga sa harapan namin! Ang baho mo! Nakikita mong kumakain kami! Alis!" pagtataboy ng isang mayamang babae. "Sorry po!" Umalis naman siya at umupo sa gilid ng poste, sabay bilang ng mga barya na kanyang nalikom. "Balang araw, dadami rin kayo at makapag-aral akong muli!" saad nito at nagpunas sa kaniyang mga luha. Muli siyang tumayo at nagpunta sa may tindahan. "'Te, pabili ng ice water—" Bigla siyang napahinto nang makita niya ang newspaper na, nandoon ang picture ng kaniyang mga magulang at ang dalawang bangkay. "Mommy... Daddy," pipi niyan sambit. "Ito, boy, oh!" "Ate, puwede ko ba itong hingin?" Sabay turo niya sa pahayagan. "Sige, kunin mo!" "Salamat, Ate. Ito ang bayad ko." Tinupi niya ang newspaper at nilagay niya sa kaniyang bulsa. LUMIPAS ang taon at palaboy-laboy pa rin sa lansangan si Hugiean. Sinuong niya ang mga mapapait na hamon sa buhay. Tiniis ang mag-isang tumira sa ilalim ng tulay. Na ang tanging higaan lamang ay karton at ang lagi niyang katabi ay mga librong napulot sa basurahan at ang nag-iisang notebook na kaniyang binili. Sa tuwing naalala niya ang kaniyang mga magulang ay pumupunta siya sa harap ng kanilang malaking kompanya at ito ay lagi niyang tinitingala. Umaasa na balang araw ay makukuha niya. "Lolo, Mommy, Daddy. Pangako, babawiin ko ang lahat-lahat na para sa akin!" saad niya at pinunasan na naman ang kaniyang mga luha. Naglakad siya sa tabi ng kalsada at nakita siya ng mga, damit sa, basurahan at patakbo siyang lumapit at naghanap na puwede niyang masuot. "Hoist! Umalis ka diyan! Teritoryo namin ito!" singhal ng isang batang lalaki na mas matanda sa kaniya. "Bakit?! May pangalan ba na sa iyo ito?!" ganting asik niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD