Nang makapasok siya sa loob ay agad siyang napatingin sa inuupuan ni Paullo, dahil iyon ang upuan ng kanyang Lolo. Na dapat ay siya ngayon ang nakaupo. "Something wrong?" tanong ni Senior Paulo, at biglang napukaw ang kaniyang diwa. "Nothing, Senior. Nagagandahan lang ako sa disenyo ng opisina mo." "Maganda ba?" tanong nito, sabay taas sa kaniyang dalawang kamay. "Oo, maganda!" turan naman niya at iniikot ang kaniyang tingin sa buong sulok. Natanto niya na wala na ang malaking larawan ng kaniyang Lalo't Lola. Agad siyang nakaramdam ng galit, ngunit pilit niyang pinigilan ang sarili. "Anyway, bakit n'yo pala ako pinapatawag, Senior?" "Maupo ka," yaya nito sabay abot niya ng baso na may konting alak. "Umiinom ka ba?"dagdag pa nito. "Minsan lang, Senior, kapag mayroong okasyon