"Ipapasyal kita sa labas, Lolo. Para makalanghap ka ng fresh air, maganda kasi iyon sa kalusugan mo."
Napangiti si don Renie at sinunod ang gusto ng kaniyang apo. Umupo ito sa wheelchair at si Hygiean ang nagtulak sa kaniya.
"Good Morning, Papa," bati ni Huzzam.
"Good Morning! Si Amie nasaan?"
"Nasa kusina, Papa. Nagluluto ng breakfast."
"Bakit siya ang gumagawa? May katulong naman."
"Ganiyan talaga si Mommy, Lolo. Kahit may katulong kami sa bahay. Pero siya pa rin ang nagluluto para sa aming pagkain."
"Mabuti naman at natuto siya sa gawaing bahay, lalo na sa pag-aalaga niya sa kaniyang pamilya. Kuhang-kuha talaga niya ang ugali ng namayapa mong Lola," kuwento ni don Renie.
Good Morning, Papa!" masayang bati ni Amie, at kakalabas lang nito mula sa kusina at bitbit niya ang niluluto nitong ulam.
"Ano iyang niluto mo?" don Renie asked.
"Ang paborito mong ulam, Papa."
"Don Renie smiled. "Ginataang tilapia?"
"Yeah..."
"Pinag-aralan talaga niya iyan, Papa!" Hussam said.
"Really? Thank you, anak…" humihikbing sabi nito.
"I love you so much, Papa. I really miss you!" Niyakap niya ang kaniyang ama.
"Let's it! Nagutom ako sa amoy ng ulam," don Renie said.
Dali-daling tumayo si Hygiean, at nilagyan niya ng kanin ang plato ng kaniyang Lolo. Kaya tuwang-tuwa siya sa pagiging mabuting bata nito. At nasisiguro niya na balang araw ay magiging mabuti itong presidente sa kanilang company.
NANG matapos silang makapag-almusal ay sinabihan ni don Renie si Amie na aalis sila at kasama ang kaniyang mag-ama.
"Saan tayo pupunta, Papa?" pagtatakang tanong ni Amie.
"Dadalhin ko kayo sa kompanya para makilala nila kayo, lalong-lalo na ang aking apo."
Nagulat si Amie sa pahayag ng kaniyang ama, sapagkat ito pa ang kauna-unahang pagkakataon na isasama siya nito.
"Sige, Papa. Magbihis muna kami."
DAHIL tanghali na nagising si Paullo, kaya hindi niya alam kung saan pumunta ang mag-ama. Sa loob ng 'FE SARTE FERTILIZER COMPANY' ay ipinasyal sila ni don Renie. At ipinakilala sa mga tauhan na kaniyang anak at apo na tagapagmana niya. Nang mapagod si don Renie ay pumasok sila sa opisina niya. 'PRESIDENT: RENIE FE SARTE', ito ang nakasulat sa labas ng pinto.
"Lolo, ang laki pala ng kompanya mo!" masayang wika ni Hygiean.
"Balang araw, apo. Ikaw na ang mamahala dito at ito ang magiging opisina mo. Kaya ipangako mo sa akin na aalagaan mo ito at mas lalo pang palaguin.
"Bakit ako, Lolo?"
"Kasi, ikaw ang kaisa-isa kong apo at ang aking tagapagmana."
"Paano kung magkaanak pa si Mommy at Daddy? Paano ang magiging kapatid ko?" inosente nitong tugon at natawa naman ang kaniyang mga magulang.
"Ikaw pa rin ang magiging presidente dahil ikaw ang panganay kong apo na lalaki."
"Sige po, Lolo. Pangako po, kapag malaki na ako ay tutulungan kita dito."
"Salamat, apo! Amie, Huzzam," sambit niya sa dalawa.
"Yes, Papa?" tugon ng dalawa.
"Puwede bang mauna kayo sa labas?" May sasabihin lang akong importante sa aking apo."
"Okay, Papa!" At nauna na silang lumabas.
"Bakit po, Lolo?" pagtatakang tanong nito.
"Halika, apo. May ipapakita ako sa iyo."
Sumunod naman ang bata at nagtungo ang dalawa sa gilid na bahagi, kung saang area na maraming mga libro. Inalis ni don Renie at isang cabinet na may katamtaman ang laki.
"Tingnan mo itong mabuti at ipangako mo na walang sinuman ang makakaalam nito."
"Kahit si Mommy at Daddy?"
"Kahit sila! Tayong dalawa lang ang nakakaalam nito."
"Opo! Pangako, Lolo."
Inalis ni don Renie ang carpet at ang tiles na nasa ilalim. may maliit na vault na nakalagay.
"Tandaan mo ang password nito 10131952, buwan, birthday, taon," sabi nito, at bahagyang nag-isip si Hygiean
"Uhmm... October 10, 1952. Tama ba, Lolo?"
"Yes! Good child!"
Nang mabuksan niya ito at kinuha niya ang nasa loob nito, limang bareta ng ginto ang inilabas ni don Renie ibinalot niya ito sa itim na tela. At kasama nito ang mga papel.
"Ito ang titulo sa dalawang malalaki nating properties ang FE SARTE FERTILIZER COMPANY at ang FE SARTE MINING SITE. Kaya ingatan mo ito nandito na rin ang Deed Of Sale at ang Last Will and Testament." mahabang pahayag ni don Renie, at ang bawat salitang binitiwan niya ay nakatatak agad sa isip ni Hygiean.
"I understand, Lolo."
HINDI pa doon nagtatapos ang pamamasyal nila dahil dinala rin sila ni don Renie sa Mining Site. Isa sa pinakamalaking source income sa lahat ng kanilang kabuhayan at ang pangalawa ay ang FERTILIZER COMPANY.
"Ito ang pinakamalaking source natin, Amie. At balang araw ang apo ang magpapatakbo nito."
"Papa, ang dami mong gustong pahawakan sa apo mo. Baka hindi niya kaya ang mga iyan," pag-aalalang sabi ni Amie.
"Kaya ko Momny, at kung may kapatid ako tuturuan ko rin siya. Balang araw ay magiging kasing galing ako ni Lolo. Pangako, Lolo. Hinding-hindi ko kayo bibiguin!" matapang na saad ni Hygiean.
"That's my blood! Malakas ang loob, matapang at may pangarap. I proud of you, apo!" nakangiting wika ni don Renie at tinatapik-tapik pa niya ang balik ng bata.
SAMANTALA, dumating si Paullo sa kompanya at ang salubong agad sa kaniya ay ang bali-balita tungkol sa pagbisita ni don Renie, kasama ang pamilya ng kaniyang anak. Ang magiging bagong presidente.
"Sino ang kasama ni, Papa?" tanong niya sa sekretarya.
"Si president, kasama ang iyong kapatid at ang asawa't anak."
"Ano'ng ginagawa nila dito?"
"Sa pagkakaalam ko, sir. Ipinapasyal lang yata niya."
"Sige na, makalabas ka na. Salamat!"
Pagkalabas ng sekretarya ay agad naglagay ng alak si Paullo sa baso at walang kiming tinungga niya ito.
"Hindi puwede, Amie! Hindi puwede na magiging kahati kita dito! Ako ang nararapat, ako ang naghihirap sa kompanyang ito. Kung alam ko lang na babalik ka sana noon pa ay ipinapaligpit na kita!" galit niyang pahayag.
BAGO umuwi sa mansion sina don Renie, kumain muna ang mga ito sa restuarant.
"Amie," panimula ng kaniyang ama.
"Yes, Papa?"
"Gusto ko sana na sa mansion na kayo tumira, para naman magkakasama tayo na buong pamilya."
"Eh… Papa. May negosyo rin kami sa bayan at malapit lang doon ang iskul ng apo mo."
"Lolo, ganito na lang po. Every Friday night ay uuwi kami dito. Para magkasama tayo at puwede rin pala na doon ka muna sa bahay namin, Lolo."
"Ummm… tama ang apo mo, Papa. Doon ka na lang muna sa bahay para maalagaan ka namin.
"Anak, ayaw kong iwan ang mansion at ayaw kong magiging pabigat sa iyo. Hindi ko puwedeng iwanan itong bahay natin. Alam mo naman na nandito ang magahandang alaala namin ng Mama mo. Papayag na ako na sa tuwing Friday ay nandito kayo."
"Salamat sa pag-intindi, Papa."
"Hindi kumibo si don Renie, halatang malungkot ito.
LINGGO nang hapon ay nagpaalam na sina Amie at nangangako ito sa ama. Na papasyal sila kapag hindi busy sa kanilang negosyo, at sumangayon naman si don Renie.
"Lolo, pagaling po kayo, ha. Kumain po kayo ng marami at inumin mo ang mga gamot. Para pagbalik ko dito ay maglalaro tayo ng basketball!" masayang sabi ni Hygiean, at napangiti naman niya,si don Renie.
"Basta apo, tandaan mo palagi ang bilin ko sa iyo. Mag-aaral kang mabuti para ikaw ang mamahala sa ating mga negosyo. Iingatan mo ang kayamanan ng ating angkan."
"Pangako po, Lolo, iingatan ko po ang iyong bilin."
"Wait, Papa! Bakit mo ba sinasabi iyan ngayon? Namamaalam ka ba?" kinabahang tanong ni Amie.
"Anak, matanda na ako, kaya maganda na iyong sinasabi natin ang mga bagay-bagay habang may oras pa."
"Papa, mahal na mahal kita at maraming salamat sa pagtanggap mo sa aking mag-ama," lumuluhang sabi ni Amie.
"Mahal na mahal rin, anak. Sa iyo Huzzam, pagpasenyahan mo na ako sa hindi ko pagtanggap sa iyo noon at hinuhusgahan kita agad."
"Wala na iyon, Papa, kalimutan na natin ang nakaraan."
"Ipangako mo Huzzam, na protektahan mo ang anak at apo."
"Kahit hindi mo sabihin iyan sa akin, Papa. Gagawin ko pa rin iyan dahil mahal na mahal ko ang aking mag-ina."
"Good! Good!"
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni don Renie, kakaiba naman iyon sa pakiramdam ni Amie. Na tila tumatayo ang kaniyang mga balahibo sapagkat pakiramdam niya ay namamaalam na ang ama.
"Payakap nga ng mahigpit apo at sa iyo na rin, anak…" madamdaming sabi nito.
"Papa!" bulalas ni Amie, at bigla itong humagulgol.
"Mahal na mahal ko kayo…" mahinang sabi ni don Renie.
"I love you too, Lolo!"
"I love you, Papa."
Hanggang sa makaalis na sila at nanatili pa rin si don Renie sa teresa. Na minamasdan ang sasakyan na papalabas sa lalaking gate. At nanatili p ring may luha sa kaniyang mga mata ngunit nakangiti ito.
"Amz, bakit ang tahimik mo?Masama ba ang iyong pakiramdam?" tanong ni Huzzam at kinapa ang noo ng asawa.
"Ewan ko ba, Huzzam. Kanina pa ako kinabahan, iba talaga ang pakiramdam ko kay Papa. Para bang namamaalam na siya."
"Huwag mong isipin iyan, nami-miss ka lang siguro ni Papa, kaya ganoon ang kaniyang pananalita. Huwag mong bigyan ng kahulugan.
"Daddy, kawawa naman si Lolo. Sana isinama na lang natin siya para hindi siya malulungkot."
"Narinig mo naman ang sabi ni Lolo mo kanina."
"Hmmm... sana Friday na, para makapiling ko ulit si Lolo."
HATING gabi ay lihim na pumasok si Paullo sa kuwarto ni don Renie. Naka suot ito ng puro itim at may takip rin ang kaniyang mukha upang hindi siya mamukhaan.
Maingat niyang dinampot ang unan at akmang itatakip niya sa mukha ni don Renie.
"Paullo, bakit?" boses ni don.
Nabigla si Paullo, nang magsalita ang kaniyang. "P-paano mo nalaman na ako ito?" kinabahan niyang tanong.
"Alam ko ang amoy mo, kaya alam ko na ikaw iyan!"
"Pwes, dapat lang na tapusin na kita ngayon! Baka isuplong mo pa ako, at para hindi na mapupunta sa tunay mong anak ang mga pinaghihirapan ko!"
"Uhmp! Uhmp!" boses ni don Renie na pilit manlaban. Ngunit wala na siyang sapat na lakas upang ipagtanggol ang sarili.
"Mamatay ka na, Papa!" asik nito at diniinan pa niya ang pagtakip niya sa mukha ng kaniyang ama.
"Uhmp! Ummm..." hanggang sa nawala ang boses nito.
Dali-daling lumabas ng kuwarto si Paullo, nang matanto niyang wala nang buhay ang matanda. Agad siyang pumasok sa kaniyang kuwarto na tila walang nangyari. Ngunit nang makapasok ito ay bigla na lang siyang nanginginig sa sobrang takot.
"Kaya ko 'to! Wala akong kasalanan! Hindi ako ang pumatay!"sabi niyang mag-isa at dali-daling nagsalin ng alak sa baso.
Pinupuno niya ito at agad ininom. "Kailangan akong makatulog!" dagdag pa niya at muling nagsalin ng alak. Hanggangga sa bumigay ang kaniyang utak, nalasing ito at agad nakatulog.
BIGLANG nagising si Amie, dis-oras nang madaling araw dahil napanaginipan niya ang kaniyang ama.
"Amz, anong nangyari sa'yo?antok pa nitong boses.
"Nanaginip lang ako, napanaginipan ko si Papa."
"Sandali, uminom ka muna ng tubig," sabi ni Huzzam at bumangon ito upang abutan ng tubig ang asawa.
"Salamat, Huzzam…" anang asawa matapos niyang inumin ang tubig.
"Ano ba ang panaginip mo, Amz?"
"Pumunta si Papa dito at nakasuot siya ng isang napakaliwanag na puting damit. Nakangiti siya at magkahawag kamay sila ni Mama," kuwento niya rito.
"Baka naman kasi, dinadala mo sa iyong pagtulog ang mga iniisip mo tungkol kay, Papa."
"Hindi ko naman maiwasan."
"Matulog na tayo ulit," yaya ni Huzzam sa asawa at inalalayan pa ito sa paghiga.
Sa loob ng kuwarto ni Hygiean ay bigla siyang nagising dahil may humaplos sa kaniyang mukha.
"L-Lolo?" gulat niyang sambit.
"Ssshhh... apo,makinig kang mabuti kay Lolo."
"Opo! Ano po iyan, Lolo?"
"Sabihin mo kay Mommy at Daddy mo na mag-iingat at huwag magtiwala ng kung sinu-sino. Lalo na ikaw, apo. Iingatan mo ang mga negosyong iniwan ko sa iyo. Huwag kang mag-alala ar huwang kang matakot, dahil nandito si Lolo ar babantayan kita."
"Opo, Lolo. Pangako, iingatan ko ang mga bilin mo sa 'kin."
"I love you, apo…" boses nito at dahan-dahan itong tumayo.
"I love you too, Lolo!" tugon niya at yumakap sa matanda.
"Lolo! Lolo!" tawag niya, dahil bigla na lang itong nawala.
Bumangon siya at hinahanap ang kanyang Lolo.
"Mommy, Daddy!" sambit niya sa labas ng kuwarto ng kaniyang mga magulang at panay ang kantok nito.
"Si Hygiean!" sabi ni Huzzam at bumangon ito upang buksan ang pinto.
"Anak, bakit ang aga mong nagising?"
"Dad, pumunta ba si Lolo dito? Nakikita n'yo ba siya?" seryosong tanong nito. At nagkatinginan si Huzzam at Amie.
"Nakita? Hindi! Bakit, nandito ba ang Lolo mo?"
"Hygiean, ano iyan? Lumapit ka dito, anak!" tawag ng kaniyang Mommy
"Itong anak mo, tinanong ako kung pumasok ba dito ang kaniyang Lolo."
"Anak, nandito ang Lolo mo?"