Chapter 3-Fe Sarte Mansion

1141 Words
"Hindi agad nagsalita ang may bahay at tinitigang mabuti ang lalaki ngunit hindi niya ito gilala. "Sino siya Huzzam?" " Private detective daw ng Papa mo." "Maupo kayo ano ang kailangan mo?" seryosong tanong ni Amie. "Inuutusan ako ng ama mo gusto niya kayong makita at makausap kasama ang pamilya mo. May karamdaman ang iyong Papa ngayon." "Kumusta na pala si Papa?" tanong ni Amie at hindi niya maiwasan ang mapaluha. Sapagkat matagal-matagal na panahon na rin na wala silang ugnayan sa kaniyang ama. Tiniis niya ang pangungulila nito dahil alam niyang itinakwil na siya. Kaya mas pinili niyang tiisin ang lahat huwag lang mawalay sa kaniyang asawa't anak. "Naka-bed rest siya ngayon at sana pagbigyan ninyo ang hiling ng inyong ama bago pa mahuli ang lahat." "Sige pupunta kami bukas dahil walang pasok ang aking anak." "Maraming salamat at iparating ko sa iyong Papa ang sagot ninyo. Hindi na po ako magtatagal." Patuloy ang pagluha ni Amie nang makaalis ang detective. At saka niya napag-isip-isip na sana noon pa niya nilapitan ang ama. Upang makahingi ng tawad. "Mommy, kawawa naman si Lolo," sabi ni Hygiean. "Tama na iyan ,Amz. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan," awat ng asawa. "Masama ba akong anak, Huzzam?" wala sa isip niyang tanong. "Ssshhh! Don't say that. Mabuti kang anak, Amie, at mabuti kang asawa't ina." At niyakap ang asawa kasama na rin ang kanilang nag-iisang anak. KINAHAPUNA ay halos hindi mapakali si Amie sa kakaisip sa kaniyang ama na may sakit. Kaya hindi ito makapag pokus sa kaniyang ginagawa. "Amz, okay ka lang ba?" tanong ng asawa. "Parang hindi, Huzzam. Hindi kasi mawawala sa isip ko si Papa." "Kung gusto mo ay ngayon na lang tayo pupunta. Magsasara na lang tayo ng maaga," suhestiyon ni Huzzam. "Mabuti pa nga siguro, at daanan na lang natin si Hygiean sa kaniyang iskul." "Sige." Umuwi sila saglit sa kanilang bahay upang kumuha ng konting bihisan. Pagkatapos ay agad na ring umalis para puntahan ang anak sa paaralan. HANGGANG sa makarating sila sa mansion at agad namang nagulat ang guwardiya nang makita ang nag-iisang unica ni don Renie. Ito ang pinakamatagal nilang guwardiya na hindi tinalikuran ang kaniyang ama. "Ma'am Amie, mabuti naman at bumisita kayo. Kumusta kayo ma'am?" "Ito, may sariling pamilya na. Ito pala ang anak namin, si Hygiean." "Malaki na pala at kamukhang-kamukha ni don Renie. Tumuloy na po kayo ma'am, siguradong matutuwa si don." "Salamat, manong." Bumaba sila sa sasakyan at nagtungo sa pinto ng bahay subalit bigla silang hinarang ni Paullo. "Anong ginagawa ninyo dito?" "Bakit? Masama bang bisitahin si Papa?" tugon ni Amie. "Hindi mo siya puwedeng kausapin! Baka lalo lang lumala ang kaniyang karamdaman. Umalis na kayo!" Biglang natahimik si Amie at napaisip na baka hindi niya alam na pinapasundo siya ng ama. "Baka nakalimutan mo Paullo, na ako ang anak at mas may karapan kaysa sa iyo! Kaya lumugar ka!" sarkadtikong sabi ni Amie "Baka nakalimutan mo rin na tinalikuran mo si Papa! At itinakwil ka na niya!" "Are you sure na, itinakwil niya ako Paullo? Kung totoo iyang sinasabi mo, bakit ako pinapahanap ni Papa? Bakit niya ako pinapapunta rito?" Hindi nakakibo si Paullo, nang sabihin iyon ni Amie. "Hayop ka matanda!Pinagkaisahan mo ako!" bulong ng kanyang isip. "Puwede na ba kaming pumasok?" tanong ni Amie. At tumabi naman si Paullo na nanatili pa ring tikom ang bibig. Sapagkat galit ang kaniyang naramdaman para kay don Renie. Kumatok si Amie sa pinto ng kuwarto nang kanyang ama, subalit walang sumasagot. Kaya maingat niyang binubuksan ang pinto. Tulog ang matanda at nakita ni Amie ang kalagayan ng kanyang ama. Agad nakaramdam ng awa si Amie sapagkat sobra ang pagpayat nito. "Papa ... I'm sorry ..." emosyonal niyang sabi na may kasamang mga luha ang mata. Kinuha niya ang kamay ng ama at hinahalikan niya ito ng paulit-ulit. "I'm sorry papa," pag-uulit niya. Nagising si don Renie, at ang kanyang nag-iisang anak agad ang kaniyang nasilayan. "Amie?" "Oo ... ako ito Papa. Patawarin mo ako." "Magandang gabi, Papa," bati ni Huzzam. "Kumusta po kayo Lolo?" pag-alalang tanong ng apo at humalik ito sa kaniyang pisngi. "Papa, si Hygiean, ang apo ninyo." Ngumiti si don Renie nang makita niya ang nag-iisang apo. "Masaya ako at nandito kayo ngayon. Anak, patawarin mo ako kung nagiging maramot ako sa iyo noon. Patawarin mo ako kung hindi kita inunawa. Huzzam, patawarin mo ako." "Papa, kalimutan na natin iyon ang mahalaga ay nagkaayos na kayo ni Amie." "Papa, miss na miss na kita." Hindi nakatiis si Amie at napahagulgol ito at niyakap ang ama. "Sobra rin kitang na-miss, anak." "Pangako, Papa. Hindi na kita iiwan." "Kumain na ba kayo?" tanong ni don Renie. "Oo, Papa. Kumain na kami sa daan." "Baka naabala namin ang iyong pagtulog Pa," tanong ni Huzzam. "Hindi naman. Magpahinga muna kayo." "Dad ... Mom, puwede ba dito ako matulog sa kuwarto ni lLolo? Gusto ko lang siyang bantayan." "Tanungin mo ang Lolo mo anak," tugon ni Huzzam. "Lolo, babantayan kita, okay lang ba sa iyo?" "Oo, apo..." nakangiting sagot ni don Renie. Nagiging maayos ang gabi nang mag-ama at sobra ang saya ni don Renie, sapagkat nakapiling na rin niyang muli ang kanyang anak at apo. SAMANTALA nagiging balisa si Paullo sa loob ng kaniyang kuwarto habang umiinom itong mag-isa. "Hindi puwede! Bakit ka pa bumalik Amie?! Hindi puwedeng magbago ang isip ng matanda. Kailangan uunahan ko na dahil baka ilipat niya sa pangalan ni Amie ang aking mga pinaghihirapan. Dapat sa akin mapupunta ang lahat. Pasensiya ka na don Renie, pero kailangan na kitang patahimikin. Para hindi mo na mabago ang Last Will of Testament mo," sabi niyang mag-isa. KINABUKASAN maagang nagising si Hygiean at agad niyang tiningnan ang kaniyang Lolo at tulog pa ito. Kaya maingat siyang lumabas upang ipagtimpla ng gatas ang kaniyang Lolo. "Good morning, Mommy!" bati niya sa at kasalukuyan itong nagluluto ng almusal. "Good morning, anak. Bakit ang aga mong nagising?" "Gusto ko po na ipagtimpla ng gatas si Lolo." "Gising na ba ang Lolo mo?" "Tulog pa po." Bumalik ang bata sa kuwarto ng kaniyang Lolo at bitbit na ang gatas. "Good morning, Lolo. Mabuti at gising na po kayo. Ito po Lolo, ipinagtimpla kita ng milk. Napangiti si don Renie, sapagkat masaya siya sa ipinakita ng apo. Dahan-dahan itong umupo at maagap naman siyang inalalayan ni Hygiean. "Salamat apo, ikaw ba ang nagtimpla nito?" "Opo!" "Dahil ikaw ang nagtimpla nito kaya iinumin ko." Kinuha ni don Renie ang tasa. "Ummm ... kuhang-kuhang mo ang timpla ko apo," aniya. "Talaga, Lolo?! Naku!Mana pala ako sa iyo kasi ganito rin ang gusto ko," masayang sabi ni Hygiean. "Halika, Lolo. Sakay ka dito," utos ng bata at dali-daling kinuha ang wheelchair. "Bakit saan tayo pupunta apo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD