Episode 5- Don Renie Kill by Paullo

2127 Words
"Oo, Mommy. Sinabi nga niya sa akin na sasabihin ko raw po sa inyo na mag-iingat kayo at huwag magtitiwala nang kung sinu-sino. Sinabi rin niya na iingatan ko raw ang mga binibilin nya para sa akin." "Huzzam, kinakabahan ako." "Tatawag tayo sa mansion bukas nang umaga. I'm sure, natutulog pa si Papa ngayon." turan ni Huzzam. HANGGANG sa nag-umaga na lang ay hindi pa rin nakatulog si Amie, na tila balisa pa rin siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaganoon siya. Kaya pakiramdam niya ay may nangyari talaga. Banda ala-sais ay tatawag na sana si Huzzam, nang biglang nag-ring ang phone ni Amie. Hindi niya ito nasagot agad, sapagkat mas lalong bumilis ang kalabog ng kanyang puso. Lalo na't walang pangalan ang tumawag. "H- Huzzam,ikaw na ang sumagot,"aniya sa asawa at inabot ang kaniyang phone. "Hello, sino 'to?" tanong niya sa, kabilang linya. "H-hello, sir. K-katulong ito sa mansion. Si don Renie." "Bakit?! Ano ang nangyayari kay, Papa?" kinabahan niyang tanong sa kabilang linya at napahawak ng husto si Amie sa asawa. Nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ama. "P-patay na po siya, sir…" nanginig nitong boses. "Ano?!" "B-bakit, Huzzam? Ano ang nangyari kay, Papa?" asked Amie, na mas lalong nangingig ang boses. "Amz, wala na-----wala na si, Papa." Sabay yuko ni Huzzam. "No! Hindi! Hindi totoo iyan!" At biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod at buti na lamang ay nahawakan siya ni Huzzam kung hindi ay babagsak ito sa sahig "Amie, lakasan mo ang iyong loob," anang asawa at mas hinigpitan niya ang yakap. "Pa----Papa! Papaaaa!" sumigaw siya at humagulgol. Dahil sa malakas niyang sigaw ay nagising si Hygiean. Kaya nagmadali itong bumangon at patakbong pinuntahan ang mga magulang sa sala. "Papaaa... Papaaaaa!" walang tigil niyang sigaw at hinayaan ito ni Huzzam, upang hindi maninikip ang dibdib nito. "Mommy... Daddy. Ano po ang nangyari?" tanong siya sa ama at nakaramdam ng takot ito. Ngunit hindi nakasagot si Huzzam, dahil alam niya na masasaktan rin ito. "Anak… ang Lolo mo ay patay na…" pagtatapat ni Amie, at patuloy ito sa paghagulgol. "Lolo… Lolo!" sambit nito at umiiyak siya. "Dad, Mom. Tayo na po puntahan natin si Lolo. Baka nagbibiro lang sila," dagdag pa niya na halos ayaw maniwala. Hindi sila nag-aksaya ng oras at agad silang nagbiyahe. Walang tigil sa pag-iyak si Amie at ang kaniyang anak. "Mommy, bakit namatay si Lolo?" inosente nitong tanong. "Hindi ko alam, anak. Pero malakas ang kutob ko, Huzzam, may nangyayaring hindi maganda sa mansion." "Kaya siguro sinabi ni Lolo na mag-iingat tayo," sang-ayon ni Hygiean. NANG dumating sina ni Amie, ay si Paullo agad ang kanilang nabungaran sa sala. Palakad-lakad ito na tila hindi mapakali. "Paullo! Ano ang nangyari kay Papa?!" galit na tanong ni Amie. "Hindi ko alam… napansin ko na lang kanina na wala na siyang buhay. Papa…Papaaaa…" mapagkuwari niyang iyak, ngunit wala namang luha ang mga mata. Nagmadaling pumasok si Amie sa kuwarto nang kaniyang ama, Ngunit wala doon ang katawan nito. "PAULLO! Nasaan ang bangkay ni Papa?!" singhal niyang tanong. "Pinadala ko na sa morge para maayusan," kalmado niyang tugon. "Bakit hindi mo ako hinintay?!" "Akala ko kasi hindi kayo makarating!" "Ganoon?! O may iniiwasan ka?!" "What do you mean?!" "Huzzam! Samahan mo ako pupuntahan natin si Papa!" Agad naman siyang kinabahan nang marinig niya ang sinabi ni Amie. Nang makaalis sila ay lihim na sumunod si Paullo sa mag-asawa upang alamin ang mga galaw nito. "Huwag n'yo munang galawin ang bangkay ng aking ama!" utos niya sa taga-morque. "Gusto kong ipa-autopsy ang bangkay ng aking, Papa!" dagdag pa niya. "Sige po, ma'am!" Humagulgol si Amie at niyakap ang kaniyang ama na walang buhay. Ganoon rin si Hygiean, yumakap ito sa dibdib ng kaniyang Lolo. Nang marinig ni Paullo ay muli na naman siyang kinakabahan. Kaya agad siyang nag-isip ng plano kung paano niya malusutan ang krimen na kaniyang ginawa. At maya-maya pa ay may tinawagan siya na isang lalaki. Na ito ang nag-aasikaso sa mga iligal niyang gawain. Alam niya na doktor ang kausap ni Amie. Kaya agad niyang pinapamunta ang tauhan. Dumating ang doctor na tinawagan ni Amie at kasalukuyan na wala sila doon. Dahil may inaasikaso ang mga ito para sa libing ng kanilang ama. Kaya nakahanap ng pagkakataon si Paullo, para malapitan ang doktor na siyang nag-autopsy sa bangkay. Nagtaka naman ang doktor sa biglaang paglapit ng isang lalaki. "Excuse me! Hindi pa kayo puwede na pumasok sa loob. Hindi pa ako tapos sa aking ginagawa dito," sabi ng doktor. "I know! Here, limang daang libo!" Sabay abot ni Paullo sa isang makapal na sobre. Nagtaka naman ang doktor sa malaking halaga na inabot sa kaniya. "Para saan ito, sir?" "Simple lang! Lutuin mo ang resulta!" seryoso nitong sabi. Agad namang naintindihan ng doktor ang sinabi nito, gusto sana niya itong tanggihan. Subalit nakita niya ang baril sa baywang ng lalaki kaya napilitan itong tanggapin ang pera at sundin ang gusto nito. Pinalabas nito sa resulta ng autopsy ay 'Cardiac Arrest' ang ikinamatay ni don Renie. Naniwala naman si Amie sa sinasabi ng doktor at tinanggap na lamang ang biglaang pagkamatay ng kaniyang ama. Hanggang sa maiuwi ang bangkay sa mansion. Maghapon na nakaupo sa gilid ng kabaong si Hygiean, na halos hindi niya ito iwanan. "Lolo, mahal na mahal po kita. Pangako, tutuparin ko ang mga bilin nyo sa akin. Alang-alang sa iyo, Lolo " piping sabi ni Hygiean. HANGGANG sa mailibing na si don Renie, at ang tanging naiwan sa puntod ay ang pamilya ni Amie. Malungkot siya habang inaalala n'ya ang mga magagandang ginawa ng ama. Kung paano siya inaalagaan nito. Panahon na ang lahat niyang gusto ay ibinigay ng kanyang mapagmahal na ama. "Excuse me, ma'am Amie." bati ng isang pamilyar na panauhin. "Attorney Marasigan?" sambit ni Amie " Puwede ko ba kayong makausap?" "Sure, attorney. Tungkol saan ba ito?" "Puwede sa bahay na lang ninyo natin ito pag-uusapan. Dahil importante ang aking sasabihin." "Sure! Sumabay ka na lang sa amin, attorney," alok ni Huzzam. "Hindi na, may dala akong sasakyan. Susunod na lang ako sa inyo." "Okay, attorney. " Habang papauwi na sila ay napansin ni Paullo ang kotse ni attorney Marasigan. Napangiti siya habang sumusunod sa kanila. "Tama iyang ginagawa mo, attorney. Kailangang marinig nila ang iyong sasabihin, na sa akin ipinapamana ng matanda ang lahat niyang kayamanan. Sorry ka na lang, Amie," ngiting-ngiti niyang sabi. Hanggang sa makarating sila sa mansion at halos magkasabay lang na dumating ang tatlong sasakyan. Biglang nagbusina nang paulit-ulit si Paullo, na tila walang pagrespeto sa kaniya. Bumaba ang lalaki at abot tainga ang ngisi. Nakaramdam naman ng sobrang galit si Amie, sapagkat para itong hindi namatayan. "Well… well… well! Okay na rin at nandito pa kayo. Para marinig ninyo ang sasabihin ni attorney Marasigan," nakangisi pa rin niyang sabi. "Are you okay, Paullo? Mukhang hindi ka namatayan." "Amie, my dear, okay na okay lang ako don't worry about me. Lets go inside!" yaya nito at nauna pa sa pagpasok. Napatingin si Amie sa abogado at napansin niya ang pag-iling-iling nito. Umupo sila sa malaking sala at magkatabi si Amie, Huzzam at ang kanilang anak. Sakabila naman si Paullo, naka di-kuwatro ito sa pag-upo at sa kabilang bahagi naman ay ang abogado. Inilabas nito ang mga papeles kasama ang mga titulo ng iba nilang mga ari-arian. "Magsimula ka na attorney Marasigan, dahil nagmamadali ako," walang kiming utons ni Paullo. "Hinay-hinay lamang Paullo, baka madapa ka!" tugon ng abogado na tila pinaparinggan niya ito. "Ano pala ang dapat nating pag-uusapan, attorney?" tanong ni Amie. "Tungkol ito sa mga ari-arian ng iyong Papa. Bago pa namatay si don Renie, may mga pinapabago siya sa 'Last Will And Testament'" "What?!" Biglang napatayo si Paullo. "Bakit hindi ko alam iyan, attorney?!" bulyaw ni Paullo. "Sino ka ba para ipaalam ni don Renie sa iyo ang lahat niyang mga desisyon?" sarkastiko nitong tanong. "As I know, hindi ka legal na adapted ni don Renie," dagdag pa ng bogado "Sige na, attorney. Ituloy mo na," said Amie. "Okay, uunahin ko na ang para sa iyo Paullo. As what you said ay nagmamadali ka. Ang limang ektaryang lupain sa Sta Monica, at ang Fe Sarte Mall, ay ibinigay ni don Renie sa iyo. Iyan lang ang minana mo kay don Renie." "Ano?!" he was shocked. "Wait, patapusin mo muna ako." "Go ahead, attorney," sabi ni Amie, na gustong matawa sa reaksyon ni Paullo. Na tila luluwa ang dalawang mata sa sobrang pagkagulat. "Ang FE SARTE FERTILIZER COMPANY, FE SARTE MINING SITE at itong bahay ay ipinamana niya sa kaniyang nag-iisang apo na si HYGIEAN FE SARTE MIER." "NO! NO! That's not true! Kasinungalingan itong pinagsasabi mo, attorney! Sa akin ipinapamana ni Papa ang lahat-lahat! Hindi ito puwede!" galit na galit niyang sabi. "As what I said, pinapabago ni don Renie ang lahat! Ang bilin niya ang bilin niya sa akin, huwag kong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito, hangga't buhay pa siya." "Hindi ito puwede! Hindi ako makakapayag! Ako ang naghirap nitong lahat. Ako lang ang may karapatan!" pagsisigaw ni Paullo, at napayakap si Hygiean sa ina dahil sa sobrang takot nito. "Paano mo nasabi na ikaw ang naghirap? As I know, sa bawat mong trabaho ay sinasahuran ka! Pasalamat ka nga ay may pinapamana pa si Papa sa iyo! Amie said. "Shut up!" he shouted. NIYAKAP ni Amie nang mahikpit ang anak upang hindi nito maramdam ang sobrang takot. "Ngayon! Malinaw na sa akin ang pagkamatay ni Papa! Hindi ako naniniwala sa resulta ng autopsy dahil naramdaman ko may kinalaman ka dito, Paullo!" said Amie angrily. Paullo smirked. "Hey! Don't accuse me, baka idemanda! "Go ahead! Now leave! Leave!" pagtataboy ni Amie. Subalit hindi natinag si Paullo at nanatili lang ito sa kaniyang kinatatayuan at sabay titig sa kanilang lahat. "Ito ang tatandaan ninyo hindi pa ako tapos! Kukunin ko ang lahat-lahat! Lalo ka na manananggol na walang kuwenta! Humanda kayong lahat sa akin!" pagbabanta niya, sabay duro sa abogado. Walang sabi-sabing dinampot ni Paullo, ang papeles na para sa kaniya at padabog itong umalis. Nang makarating ito sa may pinto ay bahagya pa itong lumingon at muli silang dinuduro na tila may pagbabanta. "Ito ang mga dokumento, ikaw na ang bahalang magtago nito Amie. Ngayong wala na ang iyong Papa, mag-iingat sana kayo palagi. Lalo na diyan sa taong naghahabol ng yaman." Ang tinutukoy niya ay si Paullo. "Salamat, attorney, lalo na sa iyong katapatan sa aking ama." "Binayaran ako ng tamang halaga ng iyong ama kaya nararapat lamang na suklian ko ito ng husto. Hindi na ako magtatagal dahil may lalakarin pa akong iba." "Sige, attorney. Mag-iingat po kayo at maraming salamat ulit. " Nang makaalis ang abogado ay biglang tumahimik ang buong paligid. Malungkot na umupo si Amie at kinandong ang kanilang anak at sabay yakap. Tumabi naman si Huzzam at hinaplos ang balikat ng kaniyang asawa. Napayakap naman ang kabiyak, para kahit papaano ay mabawasan man lang ang kalungkutan na kaniyang naramdaman. "Nag-alala ako, Amz. Baka tutuhanin ni Paullo ang kaniyang banta." "Kahit ako man ay natatakot rin. Tuso si Paullo, kaya mag-doble ingat tayo, Huzzam." "Bad ba si Tito Paullo?" inosenteng tanong ng Hygiean. "Oo, anak. Kaya ikaw, huwag na huwag kang lalapit sa kaniya at kung ano man ang ibibigay niya sa iyo ay huwag mong tanggapin." bilin ni Amie sa kaniyang anak. "Opo! Tatandaan ko iyan palagi, Mommy." LUMIPAS ang mga araw tahimik naman ang kanilang buhay. Walang Paullo na nanggugulo kaya kumpiyansa ang mag-asawa na natanggap na ni Paullo ang ipinapamana sa kanya. Ngunit ang hindi nila alam ay mayroong malaking pinaplano si Paullo. Para maangkin ang lahat ng yaman na para kay Hygiean. Bumuo ito ng malaking grupo upang isakatuparan ang kaniyang mga plano. "Bossing, kailan pa ba nating gawin ang mga plano?" tanong ng kaniyang kanang kamay. "Relaks! Nag-isip pa ako ng magandang plano. Huwag kang atat! Tauhan lang kita!" Galit si Paullo, sabay batok sa kaharap. "Pasensya na bossing, excited lang ako," nakangisi nitong tugon. "Huzzam, dito na lang muna tayo mag-stay sa bahay hanggang matapos ang forty days ni Papa." "Sige, Amz. Pero uuwi muna ako sa bahay natin para kumuha ng mga dapit natin at ibilin sa mga tauhan na alagaan ang negosyo natin." "Sasama ako, Daddy." "Okay, anak." "Dito na lang ako sa bahay," turan ni Amie. "Mag-iingat ka dito at huwag magpapasok kay Paullo." "Okay, Hon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD