Nang makita ni Hygie ang bahay na itinuro ng basurero ay agad na siyang bumaba at patakbo itong pumunta sa pinto at kumatok. "Sino iyan?" boses ng lalaki sabay bukas sa pinto. "Manong Raul, natandaan mo pa ba ako?" "Ay! Oo naman, sir. Pasok kayo." "Hindi na, wala na kaming oras. Magpapatulong lang sana ako." "Ano iyan, sir?" "Kailangan ko ang bangkang de-motor. May alam ka ba na puwede nating maarkilahan?" "Sus! Iyan lang pala? Akala ko kung ano na. Mayroon ako sir. Nakabili ako noong binigyan mo ako. " "Mabuti naman kung ganoon. Puwede mo ba akong matulungan?" "Puwedeng-puwede, sir. Saan ba tayo pupunta?" "Doon sa nakatagong isla," walang pagdadalawang isip niyang sagot. Pahagyang natahimik ito nang marinig niya ang sinabi ni Hygiean. Biglang nagdadalawang isip si Mang Raul k