"Sige na, tumakbo ka na!" "Daddy, ayaw ko kayong iwan ni Mommy! Sino ba sila, Daddy?" "Malakas ang kutob ko si Paullo iyon, anak. Itong hukay ay lagi mo itong tandaan, okay. Kapag makaligtas ka balikan mo ito. Iingatan mo ang pinaghihirapan namin ng Mommy mo at nang Lolo. Ipangako mo, Hygiean! Ipangako mo!" "O-opo, Dad. Pangako ko! Kilalanin ko silang lahat, kung sino man sila pagbabayaran nila ang ginawa nila sa atin!" "Tumakbo ka na, bilisan mo!" "Pero---- Dad! Paano kayo ni, Mommy?" humagulgol nitong tanong. "Takbo na, anak! Huwag mo kaming isipin!" "Babalikan ko kayo ni Mommy, hihingi lang ako ng tulong." "Tumakbo ka na! Nandiyan na sila! Takbo!" Tapahagulgol si Hygiean nang maalala niya ang huling sandali nila nang kaniyang ama. Hindi rin maiwan nang iba niyang kasama na mapa