"So, paano? Kainan na..." masayang sabi ni Huzzam.
At magkahawak kamay sila ng kaniyang minamahal na lumapit sa lamesa.
"Maraming salamat pala sa inyong mga effort at lalo na sa pagiging tapat ninyo sa amin ni Huzzam," Amie says.
"Ma'am Amie, kami ang dapat na magpasalamat sa inyo ni sir Huzzam. Dahil napakabuti po ninyo sa amin."
"Oo nga, maraming salamat, ma'am and sir..." tugon ng lahat.
"Walang anuman! Basta ito lamang ang ipapangako namin sa inyo. Isasama namin kayo sa aming tagumpay," he said.
"Salamat, sir Huzzam ... ma'am Amie," sabay-sabay nilang sabi.
Buong araw silang hindi nagbukas ng bodega at itinuloy nila ang kasiyahan. May konting palaro rin silang inihananda para sa mag-asawa at magnobyo.
Nagbibigay rin sila ng konting papremyo.
Gabi na nang makauwi silang lahat at ang mga natitirang pagkain ay hinahati-hatian ng lahat upang maiuwi sa kanilang pamilya.
PAGKALIPAS ng tatlong buwan ay naikasal sina Huzzam at Amie. Simpleng kasalan lamang ang naganap dahil ito ang gusto ni Amie. Kung si Huzzam lang ang masusunod ay gusto niyang isang magarbo ang kanilang kasal. Hanggang sa dalawang buwan ang dumaan.
"Huzzam, buntis ako," bulong ni Amie sa asawa na sobrang abala sa paggawa ng payroll. Sapagkat araw ito nang sahuran.
Biglang huminto si Huzzam sa kaniyang ginagawa at agad na lumingon sa asawa. Tulala ito habang tinitigan niyang mabuti si Amie.
"B-buntis ka?" paninigurado niya.
"Oo," nakangiti niyang sagot at inabot ang hawak niyang Pregnancy Test.
"Buntis nga! M-magiging Daddy na akoooo!" Nangingislap ang mga mata ni Huzzam at walang tigil sa kakatalon.
Natawa rin ang mga trabahador nang marinig nila ang sigaw ng kanilang among lalaki. Lalo na't binuhat nito ang asawa.
"Tama na Huzzam. Ibaba muna ako baka hindi makahinga ang baby natin."
"Thank you, Amz!"
SUMAPIT ang kapanganak ni Amie at nagsilang siya ng isang malusog na batang lalaki.
"Amie, napakaguwapo ng anak natin," maluha-luhang sabi ni Huzzam.
At hinahaplos nito ang malalampot na mga daliri ng sanggol.
"Kamukha siya ni Papa," nakangiting sabi ni Amie.
"Oo nga, Amz. Sana matanggap siya ng Papa mo."
"Papa mo na rin siya Huzzam."
"Ano pala ang ipapangalan natin sa kaniya, Amz?
"HYGIEAN FE SARTE MIER. Bagay ba sa kaniya?"
"Oo, Amz. Bagay na bagay."
SIYAM NA TAON ana nagdaan ay patuloy ang paglago ng kanilang kabuhayan. Nakabili na rin sila ng sampung ektaryang lupain at nadagdagan ang kanilang mga sasakyan. Ang dating maliit na bodega ngayon ay lumaki na at nadagdagan pa ito ng 'MIER RICE and CORN MILLING CORP'.
Para sa mag-asawa ay suwerte ang kanilang anak. Sapagkat hindi man lang sila nakakaranas ng paghihirap.
Ngayon ay nasa Grade Four na si Hygiean, lumaki itong mabait, masipag, masayahin at matalinong bata ito.
SAMANTALA sa mansion ng Fe Sarte.
"Paullo, kumusta ang paghahanap mo sa iyong kapatid?" tanong ni don Renie at nakahiga ito sa kama na hinang-hina na.
"Hindi ko pa rin nahahanap, Papa."
"Hindi mo nahahanap? Or, hindi mo hinahanap?" sarcastic nitong tanong.
"Papa, hinahanap ko at alam mo naman na abala ako sa pagpapatakbo sa ating mga negosyo."
Mula nang magkasakit si don Renie, ay si Paullo na ang nagpapalakad sa lahat-lahat ng mga negosyo ng matanda.
Kahit inuutusan ni don Renie si Paullo sa paghahanap ay lihim pa rin siyang kumuha ng private investigator.
At alam niyang maganda na ang buhay ng kaniyang anak at kasama ang kaniyang apong lalaki. Ang hindi alam ni Paullo ay matagal ng pinapabantayan ni don Renie ang pamilya ng kaniyang kaisa-isanv anak.
"Paullo, lumakad ka ngayon at hanapin mo ang iyong kapatid. Gusto ko siyang makita at siguraduhin mong maisama mo siya kasama ang kaniyang pamilya."
"Sige po, Papa!"
Pagkaalis ni Paullo ay tinawagan ni don Renie ang kaniyang abogado at agad pinapapunta sa bahay. Dumating naman agad ang pribadong abogado ni don Renie.
"Attorney, gusto kong ipangalan mo sa aking apo ang FE SARTE FERTILIZER COMPANY at ang FE SARTE MINING COMPANY."
"Sigurado ka ba dito don Renie?"
"Oo, sigurado na ako at idagdag mo na rin itong bahay at ang mga pera ko sa bangko."
"Sige, don Renie. May ipapamana ka ba kay Paullo?"
"Oo, iyong limang ektarya kong lupain sa Sta Monica at ang Fe Sarte Mall."
"Permahan mo na lang itong Last Will and Testament mo, don Renie."
"Okay." Bago paman pinipermahan ni don Renie ang dokumento ay binasa muna niya ito nang maigi.
"Attorney Marasigan, ang gusto ko walang makakaalam sa ating pag-uusap ngayon. Kung sakaling wala na ako ay saka mo na ipaalam sa kanila ang tungkol dito."
"Makakaasa ka don Renie, sa iyo lang ang aking katapatan."
"Malaki ang tiwala ko sa iyo, attorney. At gusto ko rin protektahan mo ang aking anak at lalo na ang aking tagapagmana."
"Makaasa ka don Renie, at huwag kang mag-alala hinding-hindi kita bibiguin."
"Salamat, attorney Ito ang bayad ko sa iyong katapatan sa akin."
"Don Renie, masyadong malaki itong limang-milyon," At nagulat ito sa laman ng tseke.
"Tama lang iyan sa mabuting serbisyo mo sa akin kaya tanggapin mo na."
"Maraming salamat, don Renie."
Nang makaalis ang abogado ay agad naman niyang tinawagan ang kaniyang private detective.
"Don Renie, may ipapagawa ka ba?" tanong sa kabilang linya.
"Oo, sunduin mo ang aking anak at sabihin mo gusto ko silang makita."
"Paano kung hindi sasama don Renie?"
"Gawan mo ng paraan sabihin mong malubha na ako."
"Masusunod, don Renie."
SAMANTALA abala si Amie sa paghahanda ng kanilang almusal dahil may pasok ang kanilang anak at may lalakarin din sila nang kaniyang asawa.
"Good morning, Mommy!" bati ni Hygiean at sabay halik sa ina at naka-ready na ito para sa kaniyang iskul.
"Ang bango naman ng binata ko," paglalambing ni Amie sa anak at niyakap niya ito nang mahigpit.
"Mom, baby pa ako ..." nakakunot-noo niyang sabi.
"Okay fine! Ang bango ng baby ko ..." pag-uulit ni Amie, at pinupuno nang halik ang mukha niya at tuwang-tuwa naman si Hygiean.
"I love you so much, Mom!" anang mapagmahal na bata.
"I love you too, anak."
"Oy — Oy! Ano iyan?! Nagseselos ako!" pagbibiro ng kanilang butihing ama.
"Halika, family hug tayo," anang bata
"Lumapit naman si Huzzam at yumakap sa kaniyang mag-ina.
"Sandali may tao at
labasin ko lang," sabi ni Huzzam, nang marinig niyang may nag-doorbell at pinuntahan niya ito sa labas ng gate.
"Sino po sila?" tanong ni Huzzam.
"Ako si Jayme Fuentes, isang private detective ni don Renie Fe Sarte.
"A-ano ang kailangan mo?"
"Ang kaniyang anak si Amie, puwede ko bang makausap?"
"Pasok ka." Sumunod naman ang bisita.
"Amie, may bisita tayo."
"Sino?" tugon nitosabay punta sa sala.