Chapter Nine
-Uno/Callix
Nasa loob ako ng kotse at nakatanaw sa bintana ni Kendal, nagtataka pa ako dahil hindi ko na itong nakikitang sumisilip doon. Tinawagan ko ito kanina para magpaalam, nagsinungaling naman ako dito na pupunta ng probinsiya. Pero ang totoo ay babalik ako sa Canada dahil may malaking problema si Daddy dun, dahil sa nagawang kalokohan ng anak ni Uncle Jehem, sa isang babae.
Ewan ko pa sa mga De Lana na ito mahihilig sa babaeng matatapang pero wala naman maibuga kapag mga tinakasan.
Habang nasa loob ako ng kotse at kausap si Kendal sa kabilang linya ay may nararamdaman akong parang iba ang temo ng pakikipag-usap nito sa akin. Bakit parang hindi ko maramdaman dito na naniniwala ito sakin ngayon. Iba sagot nito noon sa tuwing magpapaalam ko, at iba rin ngayon na parang wala na itong pakialam sa akin. Pero hindi ako pwdeng tumatras ngayon dahil kaylangan ni Daddy ang tulong ko.
Pumasok si Jayson sa kuwarto para sabihing aalis na kami mamayang alas dose ng gabi. Tumango na lang ako dito habang inaayos ang gamit ko. Sa tingin ko ay aabutin ng isang linggo bago ako makabalik kaya iiwan ko si Wilson para maging tagabantay ni Kendal dahil dapat alam ako ang lahat ng galaw at kilos nito.
Palabas na ako ng bahay at pasakay sa aking kotse ng may mapansin akong parang meron matang nakatingin sa akin. Pero napailing ako ng isiping iniisip lang siguro ako ni Kendal kaya ganon ang nararamdamman ko. Nakasakay na ako at papunta ng airport ng makatangggap ako ng tawag mula kay Daddy.
“Yes! Daddy, I'm going to the airport. Alright, I'll just go there. Ok Dad bye.” Sagot ko dito at saka pumikit muna ako sandali dahil kumirot ang sugat ko.
Mabilis ang naging biyahe namin at nakarating agad kami sa hideout kung san andito ang Daddy at Uncle Jehem para parusahan ang lahat ng sagkot sa pagpapahiram sa apo at asawa ng kanyang anak. Nagpunta naman ako sa kuwarto para makapagpahinga dahil nagdudugo ang sugat ko.
Ginagamot ko ang sugat ko ng pumasok na naman si Jayson ng walang katok-katok, napapailing ako sa tauhan kong ito kahit kaylan ay hindi marunong kumatok bago pumasok.
“Uno, Kendal is said to be at school and with his friends. The school will have a feel trip, but Kendal won't be going. Because I found out that he was going home to Italy to join an international modeling.” Pagbabalita sa akin nito.
Napadaing naman ako ng bigla kong napiga ang sukat ko dahil sa narinig kong modeling na sasalihan nito, napatingin ako kay Jayson at masamang tingin ang pinukol ko dito.
“Uno, can't stop modeling because Mrs. Marie De Lana and her friends are the masterminds of this. You probably know the mafia queen; she just did what she could think of. So don't worry cousins and close relatives are only invited.” Pagpapaliwanag sa akin nito at saka tinulungan akong isuot ang jacket ko. Masama man ang loob ko ay wala rin naman ako magagawa dahil don.
“When will the modeling you speak of be held?” Tanong ko dito at kumuha ng alak para ininumim ng maibuga ko ito dahil sa pagkabigla. Dahil sa sinabi nitong bukas agad ang modeling na yon. Mas nainis ako dahil hindi ako makakapunta dahil kakarating ko lang ng Canada at malayo kung pupunta ako ng Italy at babalik ulit dito.
Napapahilot ako sa aking batok dahil sa inis na nararamdaman ko.
“Call Wilson and tell him to take care of Kendal because if something happens to my girl you will all be responsible to me.” Matigas kong pagkakasabi dito. Tumango lang ito at umalis na sa aking harapan.
Kahit alam kong maayos lang si Kendal ay hindi ko pa rin maisip ang kapakanan nito. Mula nang binigay ng ama nito ang pangangalaga sa akin ay hindi ko hinayaan na masaktan o umiiyak man ito, dahil kahit balang para dito ay sasaluhin ko wag lang ito mapahamak ganon ito kahalaga sa buhay ko.
Pasado alas onse ng gabi ng sumugod kami sa isang bodega, kung saan daw dinala ang isang apo ni Uncle Jehem, na kidnap kasi ito nung nakaraang araw dahil sa isang kalaban ng ama nito. Naglalakad akong parang wala ng makita kong may paparating ay pinilipit ko ang leeg nito para hindi na rin ito makahingi pa ng tulong.
Nakita kong unti-unti na ring nagpapasukan ang mga tauhan namin, kasabay naman ni Daddy na dumating ang ibang meyembro ng De Lana. Marami at malaki ang pamilya nila saka ang motto nila ay “Kaaway ng isa, ay kaaway na rin ng lahat” kaya naman nakakatakot din silang kalabanin. Pero sadyang may mga taong matitigas ang ulo at talagang ginagalit ang mga De Lana brothers.
Matapos ang madugong pagliligtas ay nabawi ng mga ito ang batang si Megan. Pero may tama ito ng baril kaya mabilis din itong naisugod sa hospital para magamot dahil nauubusan na ito ng dugo. Habang nakakasama ko ang mga De Lana ay nagkakaroon ako ng pangambang baka hindi ako magustuhan ng mga ito para sa kanilang pamangkin. Kaso buo na ang loob kong kukunin ko ito sa tamang edad nito.
Alam ko rin naman na nagkausap ni Daddy at ang Daddy ni Kendal at ang pagkakaalam ko ay anim na buwan na lang ay nasa tamang edad na rin ito para pitasi. Napapangiti akong isipin magiging misis ko na ito sa loob lang ilang buwan pa.
Pero biglang nawala ang ngiti ko ng maalala ang takot sa mata nito, siguradong hindi rin ito papayag na makasal sa akin dahil saggrado ang tingin nito sa kasal. Pero magkaganon man ay ipapakita ko dito ang tunay kong pag-ibig at hindi ako papayag na hindi ito mapunta sa akin. Ano ako ang nagsaing, tapos iba ang kakain, ano sila hilo. Subukan lang nilang kunin ang pag-aaari ko kahit sino pa sila sisiguraduhin kong may nakahandang lupa para sa kanila.
Matapos ang halos dalawang linggo sa ibang bansa ay natapos na ang mga dapat kong gawin don. Kaya naman pauwi na ako at excited na makita si Kendal ng may natanggap akong balita mula kay Wilson na hindi ko pinaniwalaan.
“Uno, the plane that Kendal was on exploded on the way back to the country.” Para naman akong nabingi sa mga sinabi nito habang papalabas na ako ng kotse at papasok sa bahay naming ni Daddy. Nakita ko ring napahinto si Daddy at kuno’t noong tumingin kay Wilson na may hawak ng cellphone at naka play dun ang isang new ng isang network. Ayon dito at nagkaroon hide jack sa loob ng eroplano at bago pa sumabog sa himpapawid ang eroplano ay marami na ring namatay sa loob.
Parang ayaw gumana ng utak ko ng sandalling yon dahil sa mga nakikita at naririnig ko, napaupo ako sa isang upuan at nanghihina akong tumingin kay Daddy. Napabuntong hininga naman ito at kinuha ang cellphone at may kinausap sa kabilang linya. Wala pa akong maintindihan dahil isa palang ang tumatakbo sa isip at si Kendal yun.