FIRST LOVE
Chapter One
-Uno/Callix-
Malalakas na pagsabog at putukan ng mga iba’t-ibang klase ng baril ang maririnig mo sa loob ng isang bodega dito sa isang lugar sa Bataan. Nasa loob ako ng kotse at nasisigarilyo habang nakatanaw sa dalawang grupong nagpapatayan, ako ang may gawa para magkagulo silang lahat.
Napapangisi pa ako habang nakikitang kong natatalo na sa labanan ang grupo nila Mendez, isa ito sa matindi kong kalaban lalo na sa baril at maging sa iba ko pang business.
“Uno, we have to leave. Madam Kendal's class is almost over, you might not be able to catch up with her. That will surely make you angry.” Mahinang salita sa akin ni Jayson ang kanang kamay ko.
Muli pa akong tumingin sa naglalabanan at saka ako tumango dito. Napapapikit pa ako habang nasa bayahe at iniisip ang magandang mukha ng isang babaeng mula sa pagkabata ay mahal ko na.
Ngunit sa ngayon ay hindi pa nito pwedeng malaman kung sino at ano akong klaseng tao. Sa paningin kasi nito ay ako si Callix Villanueva isang nerd na student na mahirap at lampa.
Nagtatago ako sa ganitong pagkatao para makalapit dito, ayaw kasi nito ang mga taong mayayaman at gwapo dahil sakit lang daw ng ulo ang mga ito para sa kanya. Kaya minabuti kong magtago sa ibang pagkatao para na rin mabantayan ko ito laban sa mga taong kalaban ng kanyang ama.
Papasok na ako ng school ng makita ko itong nakapamewang sa waitng shed at nakatingin sa akin ng masama. Ako naman ngayon ay nakasuot ng malaking salamin at may dalang libro na akala mo talaga ay isa akong geneus kung titignan. Naglagay din ako ng brace sa ngipin para magmukha talaga akong nerd na walang alam sa maraming bagay.
“Explain?” Isang salita pero maraming ibig sabihin para dito. At kapag hindi nito nagustuhan ang paliwanag ko isang linggo ko ito hindi makikita.
“Ah!!! ano…...kasi initusan ako ni Ms. Santos na tapusin ang lahat ng activities na ipinasa kanina ng mga klasemate natin, nagpatulong din siya sa iba pang titignan na libro na kaylangan niya sa liblary para sa next subject nito.” Kinakabahan kong sagot dito.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa nakataas pa ang kilay nitong tumitig sa akin. Alam ko naman hindi nito malalaman ang totoo dahil tauhan ko si Ms. Santos at alam nito lahat ang buong plano ko.
“Next time you say it, I will call and text you constantly. I didn't eat because you said we'd eat together, then you're coming now. Try to do it again, I won't really pay attention to you anymore, okay?” Mataray nitong salita sa akin, na ikinakaba ko naman dahil may isang salita ito.
Dahil oras na sinabi nito ay ginagawa talaga nito. Mabilis lang na pagtango ang sinagot ko dito hindi ako pwdeng sumagot dahil siguradong hindi naman ito titigil sa mga gusto nitong sabihin sa akin.
“Come on, I'm hungry and I want to eat at Mommy's restaurant.” Sambit nito at pumulupot na sa braso ko at nagpunta sa kotse nitong nakaparada sa malapit lang. Wala din itong body guard dahil sa ayaw nitong palaging may sumusunod.
High school pa lang ito ay may sarili na itong sasakyan, bawal pa sa edad nito ang magmaneho pero dahil sa dalang pangalan nito ay walang nagagawa kahit na sinong pulisya pa ang makakita dito. Ganito kalakas ang kanilang angkan pero hindi ito ganoon ka spoiled brat, dahil kahit papaano ay marunong itong gumalang sa batas.
Nasa restaurant na kami ng Mommy nito ng dumating ang Daddy nitong si Khen De Lana, napatingin ito sakin pero umiwas lang ako ng tingin dito na animoy natatakot dito.
“Daddy! can you please not look at my friend, can't you see that he is scared. Please Daddy!” Inis na pagkakasabi ni Kendal sa kanyang ama.
“Mahal, tama na yan at kilala ko ang batang yan. Siya si Callix classmate ng anak mo kaya pwde ba umayos ka.” Sagot naman ni Mrs. De Lana.
Maganda ito at masasabi kong magagaling pumili ng mapapangasawa ang lahat ng De Lana’s. Pero s’ympre mas maganda ang mahal ko. Napapakagat ako sa aking labi dahil sa mga tumatakbbo sa aking isipan.
“Ok, let's take care of it. As long as Kendal, I tell you to take good care of the people you go with, is that clear?” Madiin nitong sambit sa anak, bago niyaya ang asawa nito na may pag-uusapan sa kanilang opisina.
“Just don't pay attention to Daddy, that's just the way it is because he doesn't know you yet that's why. Let him and we will always eat here so he can get used to you. Let's eat, the food is delicious, Mommy cooks it herself.” Malambing nitong sabi sa akin, hinahawakan pa nito ang kamay ko at dinala sa kanyang hita.
Ganito ito sa tuwing nakikita nitong kinakabahan ako o kung hindi ako komportable sa paligid.
Kaya labis ko itong nagugustuhan dahil sa sobrang sweet nito sa akin, at kapag kasama ko ito ay piling ko ay ibang tao ako para gusto ko nalang na maging nerd habang buhay para lang palagi itong nasa tabi ko. Pero alam kong hindi ko ito maproprotektahan kapag isa lang akong nerd.
Pagod akong humiga sa kama ko dito sa kuwarto, habang nakahiga at isa-isa kong inaalis ang suot kong damit at maging ang brace sa ngipin ko. Napahinga na lang ako ng mahubat ko na ang lahat at sandali akong pumikit para namnamin ang sandaling katahimik at naglalaro sa aking isipan ang magandang mukha ni Kendal na nakangiti at nakatingin sa akin.
Mula talaga ng makita ko ito ay hindi na ito nawala sa aking isipan, binabantayan ko na ito mula sa malayo. Nasa elementary pa ito noong nag makita ko itong umiiyak at inaaway ng ibang bata, lalapitan ko na sana ito pero nagkaroon ng putukan kaya hindi ko na ito nakita pa.
Hanggang sa lihim kong inalam ang lahat ng tungkol dito at kinausap ko si Daddy para gumawa ng paraan na mapasa akin ang batang babaeng yon. Hindi ko alam pero sa murang edad ko lang din noon ay gusto ko na agad itong makita at makasama.
Nagawa ni Daddy na mailipat ako sa school nito at nalaman kong anak pala ito ni Mr. Khen De Lana isa sa mga nagiging client ni Daddy ko.
Isang gabi ay nakatanggap ng tawag si Daddy mula kay Mr. De Lana para alisin sa landas nito ang lahat ng gustong pumatay sa kanyang mga anak, nagpag-alaman kong palaging nasa bingit ng kamatay ang babaeng mahal ko. Kaya naman kinausap ko si Daddy para ibigay sa akin ang misyon at sisiguraduhin kong aalisin ko sa landas ng mga ito ang lahat ng magiging sagabal sa kanilang pamumuhay.
At dahil sa sanay na ako sa ganitong klaseng trabaho ay pinayagan ako ni Daddy na bantayan at patayin ang lahat ng sangkot dito. Malaki ang naging kabayaran pero ang sabi ko ay ang anak nitong babae ang gusto ko sa tamang edad at panahon nito.
Hindi sumagot si Mr. De Lana pero buo na ang desisyon ko dahil akin na ang anak nitong si Kendal De Lana.