Chapter Ten
-Third Person
Dalawang araw na ang lumipas at hindi pa rin nahahanap ang katawan ni Kendal, kaya ang buong pamilya nito ay umaasang buhay pa ang dalaga, kahit sinabi ng nang mga kapulisan na imposibleng nasunog na ito at dahil sa lakas ng pagsabog ay maaaring nakahiwalay-hiwalay na rin ito.
Napakuyom ng kamao si Kenjie dahil sa nangyari sa kakambal nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman pero alam niyang buhay pa ito dahil sa iyon ang sinasabi ng kanyang puso.
“Mr. De Lana, a body of a woman was found, it was already burnt, we would like you to see it to confirm if this is the body of Ms. Kendal De Lana.” Sabi ng isang pulis kay Kenjie. Tumango siya dito at nagpunta sa isang morgue para tignan ko ito nga ba ang kanyang kakambal.
Habang papalapit siya dito ay bumibigat ang kanyang dib-dib, nakakaramdam siya ng mating takot na makita at makumpirma kung ito nga ba si Kendal. Hawak ang puting telang nakatakip sa bangkay ay nanginginig ang kamay niyang buksan ito.
At nang lumo siya sa nakitang sunog ang buong katawan nito napapaluha siya ng mas makita ang suot nitong kuwintas na siya mismo ang nagbigay. Nakita rin niya ang kamay nitong may suot na relo na katerno ng kuwintas na suot nito.
Halos mawalan siya ng lakas ng mapagtanto na ito nga ang nawawala niyang kakambal, napapaupo na lang siya sa sahig at umiiyak. Hanggang sa marinig niya ang kanyang mahal na ina na umiiyak at nagbubumiglas sa pagkakayakap ng kanyang ama.
“Kendal, anak ko bakit mo iniwan si Mommy. Anak bumangon ka yan please anak hindi kaya ni Mommy ang iwam mo ng ganitong kaaga please anak ko wag ganito. Khen ang anak natin, sabihin mo hindi siya yan diba? Sabihin mong hindi yan si Kendal ko, sabihin mo please Khen,,,, please…….please sabihin mo.” Umiiyak na sambit ni Camille habang yakap ng mahigpit ni Khen.
Halos manghina na rin si Khen sa nakikita ngayon sa kanyang asawa hindi nito akalain na sa ganitong sitwasyon niya makikita ang asawa at anak na si Kendal.
Matapos na makumpirma ang lahat ay pinalibing na agad nila ang labi ni Kendal, naging tahimik sa buong mansion ng De Lana. Walang gustong magsalita isa man sa kanila.
Si Kenjie ay bumalik sa condo nito at dun nag-iinom at saka magbabasag at muling tatawagin ang pangalan ng kakambal. Si Kalvin ay madalas nasa loob lang ng kanyang kuwarto at pilit inaalis sa kanyang isip na hindi pa patay ang kanyang ate. Gusto niyang patayin kung sino man ang may kagagawan non, pero sabi rin ng mga pulis ay kasama sa pagsabog namatay ang mga taong yun.
Si Camille ay sa loob ng kuwarto ni Kendal natutulong, naaamoy pa kasi niya dito ang amoy nito at sa ganoong paraan lamang siya napapakalma. Hindi niya kayang makitang wala ang kanyang baby girl. Ayaw niyang isipin na iniwan lang siya nito ng ganito kabilis at hindi ni matanggap sa kanyang puso na hindi pa man nito nararanasan ang pinapangarap nitong debut.
Marami pa naman silang planong dalawa at bago ito umalis papuntang Italy para sa isang fashion show kasama ang iba pa nitong mga pinsan. Hindi niya sana ito papayagan dahil hindi niya ito masasamahan dahil may fight din kasi silang dalawa ni Karen ang pinsan niya.
Pero sadyang gusto ng anak niya ang sumali kaya naman pinayagan na rin niya, may body guard naman ito kaya kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob. Nang makarating dun ang kanyang anak ay masaya pa itong nagkukuwebto sa kanyan dahil sa mga nararanasan nito doon kasama ang iba pa nilang kamag-anak.
Pero ngayon ay yakap na lang niya ang picture nito at patuloy lang sa pag-iyak. Nanghihina siya at walang lakas na lumabas ng kuwarto nito. Naramdaman niyang humangin ng malakas at napatingin siya sa bintana nakita niyang bukas ito at hinahangin ang kurtinang nakasabit dun. Naalala pa niya kung paano nilagyan ni Kendal ng kurtina ang kanyang kuwarto.
Si Kendal mismo ang nagtahi ng kurtinang ito, isa kasi sa habit ng kanyang anak ay ang pagbuburda at pagtatahi. Mahilig din itong magdrawing pero ang gusto talaga nito ay manahi ng mga damit.
Mas lalo naman siya napaiyak ng hinaplos niya ang gawa nitong kurtina, inilapit niya iyon sa kanyang pisngi at dinama ang pakiramdam na anak niya ang kanyang yakap.
Hanggang sa isang sasakyan ang kanyang napansin, hindi kiya kilala kung kanino ito pero ramdam niyang meron nakatingin dito. Hanggang sa narinig niya ang tawag ng kanyang asawa na nakatayo na sa kanyang tabi.
“Mahal, rest in our room first. You neglect your body too much. You might be the one who gets sick.” Sambit nito sa asawa, nakikita niya ang labis na kalungkutan nito kapag naman nag-aalala niya para sa kalusugan nito. Yumakap lang ito ng mahigpit sa kanya at muling umiiyak sa mga bisig nito.
Makalipas pa ng ilang buwan at walang naging pagbabago sa loob ng mansion tahimik pa rin ang lahat at parang nawala ang sigla ng lahat.
Si Khen ay piniling maging matatag kahit na nahihirapan na siyang makitang walang buhay ang pamilyang kanyang pinangarap. Pero kaylangan pa rin niyang maging matibay para sa asawa niyang hanggang ngayon ay wala paging ganang mabuhay.
Piling niya ay hindi lang si Kendal ang nawala sa kanya dahil mukhang buong pamilya ang nawala sa buhay niya.
Halos limang taon na ang lumipas pero walang naging pagbabago sa kanilang pamilya si Kenjie ay bihira na umuwi sa mansion at sa condo na talaga ito nakatira.
Si Kalvin ay may sarili na ring condo na bigay ng kanyang ama, mas pinili na rin nitong mamuhay ng mag-isa dahil malapit na rin itong magbukas ng sariling business.
Ang kanyang asawa naman ay wala paring pinagbabago, matamlay pa rin ito para ayaw na rin umalis ng bahay, palagi parin itong nagluluto ng pagkain na paborito ni Kendal at doon dadalhin sa kuwarto ng aming anak. Hinayaan ko nalang dahil nakikita kong doon lang siya nagiging masaya.
Ngyaon ang ikalimang taon ng kamatay ng aking anak na si Kendal, kaya kahit papaano ay kompleto kaming pamilya at magkakasabay na kumakain ng tanghalian. Nagpadasal din kasi ang aking asawa para daw sa luluwa ng aming anak na taon-taon niyang ginagawa. Nang matapos ang tanghalian ay nag-alisan na naman ang dalawang anak ko, at bumalik sa kuwarto ni Kendal ang aking asawa.
Ako naman ay napahilamos sa aking mukha dahil piling ko ay mauubos na pasensiyang natitira sa sarili ko, gusto ko ng magreklamo sa lahat pero hindi ko kaya.
Kaya naman napapadalas ang punta ko sa bar para uminom at magpalipas ng sakit ng dib-dib. Habang tahimik akong umiinom ay may isang lalaking hindi ko kilala ang lumapit sa akin at may inabot na isang pirasong papel na may nakasulat na address. Lilingunin ko sana ito pero dahil sa hilo na ako ay hindi ko na rin nakita kung san ito nagpunta dahil humalo na rin ito sa karamihan.
Muli akong napatingin sa papel na iniwan nito at binasa kong mabuti ang nakasulat, at nanglaki pa ang aking mata ng mapagtanto kung sang lugar ito. Parang nawala ang kalasingan ko ng muli kong makita ang lugar kung saan ako lumaki.