Chapter Eight
-Kendal-
Nasa loob na ako ng classroom pero wala pa rin si Callix, kanina ko parin ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang phone nito. Nag-aalala na ako kaso wala naman ako magawa para malaman kung asan ito ngayon.
“What are you thinking sissy?” Nakangusong tanong sa akin ni Cindy.
“Oo nga kanina kapa mukhang malalim ang iniisip mo?” Dugtong naman ni Anilou na tanong sa akin.
“I can't call Callix because I haven't been able to contact him for a while, I'm just worried for him.” Nakasimangot kong sagot sa mga ito.
“Maybe it just went to someone, just try to call again later.” Sagot naman sa akin ni Sofia.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi naman nakakatulong sa pag-iisip ko ang mga kaibigan kong ito. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin at nag star na rin ang klase namin. Pero natapos na ang buong araw ay walang Callix na nagpakita o nagparamdam man lang sa akin.
Papasok na ako sa subdivision ng mapadaan ako sa bahay na sinasabi ni Callix. Pinagmasdan ko itong mabuti pero parang walang tao, maganda at malaki ang bahay. Pero parang wala na talagang nakatira dito. Papasok na sana ako sa kotse ng makarinig ako ng dalawang taong nag-uusap malapit lang sa akin.
“Sa tingin mo ba ok lang si Uno, medyo malala ang tama niya ngayon.” Tanong ng isang lalaking malaki ang katawan at maitim pa.
“Bahala siya sinabi na kasi ni boss Jayson na wag tumulong sa mga De Lana ayan napahamak naman siya, ang kulit din kasi ng isang yun. Sagot naman ng kausap itong mukhang chinese.
Binalot naman ako ng kabang nararamdaman nang marinig ko ang pangalang De Lana, sino kaya sa pamilya ni Daddy ang nasa panganib ngayon? At sino si Uno na pinag-uusapan ng mga ito.
Dahil na rin sa takot kong makita ako ng mga ito ay nagmamadali akong umalis sa lugar na yon. Papasok naman ako sa loob ng bahay ng makita ko sila Uncle Zandro at Daddy na seryosong nag-uusap sa may garden. Hindi ko na lang ito pinansin at dumarecho ako sa aking kuwarto para magpahinga.
Piling ko ay sobra akong napapagod ngayong araw. Nakatulog ako at nagising ako sa ingay ng tawag sa phone ko, nakita kong si Callix ang caller kaya naman nagmamadali akong sumagot dito.
“Hello! Callix, where are you, why didn't you go to class huh? you know I’m worried about you,” Sunod-sunod kong tanong dito.
“Ok, lang naman ako best napagod lang ako kasi maraming inutos si Tita kasi ngayon na ang alis nila papuntang ibang bansa. Sorry kung dahil sa akin ay nag-alala ka.” Malat nitong salita at halata dito ang pagod na boses. Napabuntong hininga naman at tumingin sa bintana na ngayon ay bukas at hininahangin ang kurtinang nakasabit dun.
“Go ahead and rest, you look tired. By the way, we don't have school tomorrow, the teachers have a meeting, so you can rest all day tomorrow.” Kausap ko dito habang lumalapit sa bintana para sana isara dahil malamig ang hangin na nagmumula don. Pero napahinto ako ng makita ko ulit ang pamilyar na kotse, mas lalo akong nilamig dahil sa pagtingin ko sa kotse.
“Ok ka lang?” Tanong nito na parang iba ang ibig sabihin.
“Oo naman sige na magpapahinga na rin ako.” Kinakabahan kong sagot dito at tuluyang pinatay ang tawag. Muli akong napatingin sa kotse, nang makaramdam ako ng isang pakiramdam na hindi ko maintindihan.
Mabilis kong sinira ang bintana at bumalik sa higaan ko para matulog na lang ulit. Inalis ko sa isipan ako ang lahat ng yon, ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil sumasakit lang ang ulo ko.
Dahil walang pasok, balak ko sa nang puntahan si Callix sa kanila pero napahinto ako sa tapat ng library ni Daddy nakabukas kasi ito ng bahagya kaya naman sumilip ako para sana tignan si Daddy kung ano ang ginagawa. Pero napahinto ako sa pagpasok ng may marinig akong kausap ito, aalis na lang sana ako ng marinig ko ang pangalan ko.
“Khen, my son Uno has made up his mind at Kendal's right age that he will have her and they must be married on the appointed day that was discussed.” Sambit ng kausap ni Daddy, napakuno’t naman ang aking noo ng marinig ko ulit ang pangalang Uno.?
“I know! because I see your son every time he comes here. Kendal doesn't know the truth yet and there are still six months before Kendal's birthday so I still have time to prepare the confession to her.” Sagot naman ni Daddy sa kausap.
Mahahalata sa boses ni Daddy na hindi nito gusto ang gagawin, pero mukhang naiipit siya sa naging kasunduan nito.
“Ok, Uno is leaving tonight because he has something to fix. I'm going back to Canada because Uncle Jehem and I still have a conversation.” Sagot ng lalaki at nakita kong tumayo na kaya naman mabilis akong umalis at pumasok ulit sa kuwarto ko. Kinakabahan ako habang napapaupo sa kama.
Anong ibig sabihin ng mga sinabi nila? Sino si Uno? At bakit ko siya kaylangan pakasalan? Mga tanong sa isip ko. Dapat akong gumawa ng paraan, dapat kong malaman kung sino si Uno at ano ang usapan nila ni Daddy. Hindi ako papayag namaikasal sa lalaking hindi ko mahal at mas lalong ayoko sa fix marriage. Nasa ganoon akong pag-iisip ng nakitang kong tumatawag si Callix.
“Ahm best kamusta kana?” Bating tanong nito sa akin. Sasagot na sana ako ng marinig ko ulit itong magsalita.
“Magpapaalam sana ako sayo Kendal, kaylangan ko ulit umuwi ng probinsiya meron pa kasing lupa dun si Tita at gusto niya ako ang personal na maglakad. Hindi ko na rin siya matanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.” Paliwanag nito sa akin. Sa mga naririnig ko ngayon dito bakit parang may pagduda akong nararamdaman, bakit piling ko ay nagsisinungaling ito sa akin. Hindi ako nagpahala kaya kinausap ko parin ito ng normal ng tulad ng dati.
“Ah, you should be careful there. Then just call me when you're in the province you're talking about.” Sagot ko dito. Gusto ko sana maging normal pero lumalabas parin sa bibig ko pagduda.
“Sympre tatawagan agad kita kapag dumating na ako. Saka huwag kang mag-alala sa pag-aaral ko kasi kinausap ni Tita si Ms. Santos. Kaya pagbalik ko nalang aayusin lahat ng mga notes at exam na wala ako. Mag-iingat ka palagi best. Tawagan mo rin ako kapag nalulungkot ka ha.” Masayang sambit nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin pa at nagdahilan na lang ako na may inuutos pa si Mommy kaya kaylangan ko ng ibaba ang tawag ko.
Iba rin kasi ang pakiramdam ko habang kausap ko ito. Napapailing ko dahil sa nakikita kong may mali talaga at hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino si Uno.?