Chapter Seven
-Uno/Callix
Kasalukuyan akong umiinom ng kape ng mapatingin ako sa isang babaeng papasok nakasuot ito ng off shouder dress na may print na tulips flower. Makikita dito ang gandang hindi mo pagsasawaan, napa kuyom naman ang aking kamao ng mamukhaan ko ito.
Walng iba kung di si Kendal, hindi ko alam kung ano ang gingawa nito dito at sa suot nitong hindi ko nagustuhan. Matalim ang tingin ko dito at ramdam ko na naramdaman din nito ang aking pagtingin. Nakita kong kasama ito ng kanyang mga magulang at meron pa silang kasama sa tingin ko ay kaibigan ng kanilang pamilya.
Bumalik naman ang tingin ko sa dalawang lalaking katabi nito, alam kong bata pa ang mga ito pero nakakaramdam ako ng inis o galit sa tuwing makikitang may katabi itong ibang lalaki. Wala akong naintindihan sa buong meeting naming ni Daddy sa mga Suarez dahil ang buong attention ko ay nakay Kendal na ngayon ay nakikipagtawanan narin sa kanilang mga kausap.
Napatitiig na lang ako dito dahil sa ngiti at tawa nitong nakakatunaw ng aking puso. Napalingon naman ako sa katabi ko ng humawak ito sa hita ko.
“Ahm, honey, Daddy said that I will be the one to go with you to the site to check the materials to be used for the hotel we will build there.” Malanding salita sa akin ni Veronica Suarez.
Kompanya kasi namin ang napili ng mga ito para ipatayo ang hotel nila sa Tagaytay kaya bilang architect ay kaylangan kong pumunta sa site para tignan lahat ng materials na gagamitin don.
Napatingin ako dito at saka tumingin kay Daddy, nakita ko ang pagtango nito kay tumango na lang din muna ako sa babaeng panay ang himas sa hita ko. Akala naman nito ay kikilabutan ako sa ginagawa niya, puwes nagkakamali siya dahil kahit na anong gawin niya hindi n'ya makikita o mahahawakan ang general ko.
Dahil sa isang babae lang ito sumasadulo, kaya inalis ko ang kamay nito at inilagay sa mesa.
“Your hand is too naughty. It would be better if you stop that because I came here on business, not to caress my thigh. Then don't call me honey because I'm not a bee.” Mayabang kong sagot nito.
Napalunok naman ang ama nitong si Mr. Victor Suarez at masamang tumingin sa kanilang anak na ngayon ay nakayuko na dahil sa pagkapahiya na ginawa ko.
“I think everything is fine, next week my son and I will go to see the place and see what else we should do. We will only call if I have the paperwork that you must sign properly.” Magalang na salita ni Daddy at inayos pa ang suot nitong coat at saka tumayo na para umalis na rin kami sa lugar.
Hanggang sa napadaan kami ni Daddy sa mesa nila Kendal at nakita kami ni Mr. Khen De Lana, napaiwas pa ako ng tingin dito dahil kilala ko ang mata nitong palaging meron ibig sabihin.
Samantalang malamig akong tumingin kay Kendal at nakita ko ang labis na kaba ng kanyang nararamdaman. Napapangiti naman ako sa aking isipan ng makita ko sa mga mata nito ang takot, pero alam kong matapang itong babae kaya mahihirapan pa rin akong maamuin ito.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Daddy sa kausap at tuluyan na kaming umalis sa lugar ngunit isang tingin pa ang iniwan ko sa dalaga para naman lalo itong kabahan. Hindi ko ito gustong matakot pero ok na rin muna para naman makabawi ako sa mga kabang binibigay nito sa aking tuwing ako ang kaibigan nitong si Callix at hindi si Uno Patterson.
Naghiwalay na kami ni Daddy dahil may flight pa ito papuntang New York, ganito ito kabising tao walang itong pahinga dahil sa marami itong gustong gawin sa buhay niya. Ako naman ay mabilis nagpunta sa bagong bahay na lilipatan ko, ang sinabi kong bahay kay Kendal at binili ko lang para naman magkasama talaga kami nito, ginawa ko ang lahat para makuha ko ang bahay na nasa malapit lang din sa bahay na to.
Ginawa kong malinis ang lahat para walang makaalam ng totoong ginawa ko. Nasa loob ako ng bahay ng pumasok si Jayson at sinabi nitong nakauwi na sila Kendal at ang pamilya nito. Inayos ko naman ang aking sarili bilang si Callix, may dala akong lutong ulam na pinaluto ko kay Yaya alice.
Hindi kasi talaga ako marunog magluto, pero ganon pa man ay sinisigurado kong malinis at maayos ang pinapaluto ko kay Yaya dahil binabantayan ko ito habang nagluluto. Mahirap na kung sakaling magkasakit ulit si Kendal ng dahil lang sa pagkaing dala ko.
Nag doorbell ako sa gate nila at nakita ako ni kuyang guard na nakakakilala sa akin.
“Oh, ikaw pala yan Callix. Tamang tama ang dating mo kasi kakarating lang nila senyorita Kendal.” Sambit nito sa akin.
Inabutan ko naman ito ng tips, para kahit papaano ay may pambili ito ng sigarilyo. Ngumiti naman ito sakin at saka ako pinapasok sa loob ng bakuran.
“Good evening po Mrs. De Lana, anyan po na si Kendal?” Tanong ko sa ginang ng makita ko itong nasa sala at umiinom ng kape.
“Oh, Callix halika pasok ka. Sandali at ipapatawag ko si Kendal ha” Sagot nito at tinawag ang isang katulong para ipasundo si Kendal sa kanyang kuwarto. Pinaupo naman ako nito sa isang coach ng dumating ang asawa nitong si Mr. De Lana, at masama akong tinignan.
“Hoy! Yang mata mo bubulagin ko yan. Kung makatingin ka sa tao parang lalamunin mo ah. Umayos ka at bisita yan ng anak mo.” Pagalit na sambit ng ginang sa kanyang asawa. Pababa naman si Kendal ng makita ako nito at nagtatakbo pang lumapit sa akin.
“Best, what are you doing here at night?” Tanong nito at naupo pa sa tabi ko.
“It's late, so go home.” Sambat ng ama nito. Sabay naman tumingin ng masama ang ginang at si Kendal sa kanyang Daddy kaya naman napayuko na lang ito.
“It's better to just talk in the garden because there are people here who like to jump in on the conversation.” Nakataas na kilay na sagot ni Kendal sa kanyang ama.
Aapila pa sana ito ng patulin ito ng asawang ginang at tinignan ng masama. Hawak kamay naman kaming lumabas ni Kendal kaya mas lalo lang ako napangiti dahil talagang sweet ito pagdating sa akin.
“What do you bring best?” Tanong nito sa akin at nakatingin sa paper bag na dala ko.
“Ah, nagluto ako ng adobo naisip kong baka magustuhan mo kaya nagdala ko.” Kunwaring nahihiya pa ako dito.
“Is it okay if I just eat that tomorrow, because I'm already full from the sandwich Mommy made earlier.” Sagot naman nito sa akin.
“Ah,oo nga pala umalis kayo kanina diba?” Tanong ko dito, pero napataas ang kilay nito dahil sa nalaman kong umalis ito kanina.
“How do you think we left?” Takang tanong nito sa akin.
“Sa guard nyo, sinabi kanina sa akin pagkapasok ko.” Baliwalang sagot ko dito. Napakagat naman ako sa aking labi dahil pinigilan kong makahalata pa ito. Nasa ugali pa naman ng mga De Lana ang malakas ang kutob o pakiramdam.