VISIBLE TO THE EYES

1142 Words
Chapter Six -Kendal- Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko at gumagawa ng project ng pumasok si Daddy at halata dito na may gusto itong sabihin sa akin. Tumingin ako dito at nakita ko ang pagbuntong hininga nito. “Hi Daddy, is there a problem?” Takang tanong ko dito. “Baby, I heard about what happened earlier at your school? Why didn't you tell about it? And may I know who is the man who helped you? Do you know him or even see his face?” Sunod-sunod na tanong nito sa akin. Lumapit ako dito at ngumiti, nakikita ko na kasi dito ang labis na pag-aalala. “Daddy, I'm fine. Then the truth is I don't know the man who helped me because I just saw him today. So don't worry about me because I can defend myself.” Pangungumbinsi ko dito, ayaw ko kasing nakikitang nag-aalala ito sa akin. “Ok fine, but tell me immediately if this kind of incident happens again, is that clear? You can't stop Mommy and I from worrying, you know that you and your siblings are important to us, especially since you are a single girl.” Sambit nito ay niyakap ako ng mahigpit, lumabas na rin ito pagkatapos akong halikan nito sa noo. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin, ay masaya akong sa ganitong pamilya ako napunta. Dahil hindi matatawaran ang kanilang tunay na pagmamahal sa pamilya. Binuksan ko ang bintana ng kuwarto para sa makalanghap ng hangin, pero may mapansin akong isang sasakyan sa tapat. Kinakibutan pa ako ng mapatangin ako sa isang bintana ng kotse na piling ko ay may nakatingin din sa akin. Patay malisya kong sinarado ulit ang bintana at nagpanggap na hindi ako nakakaramdam ng takot. Kinabukasan ay maaga akong nagpunta ng school kahit ten o’clock pa ang start ng klase ko. Naglalakad ako sa hallway ng may biglang nag-agaw ng bag ko. Hindi na ako lumingon pa dahil kilala ko na rin naman kung sino ito. “Good morning best.” Masayang bati sa akin ni Callix. Hindi ko ito sinagot dahil naiinis ako dito. Mukha wala pa rin itong alam sa nangyari kahapon. “Mukhang masama ang gising mo best.?” Tanong pa nito sa akin dahil hindi ko talaga ito tinitignan. Kaya naman humarang na ito sa daraanan ko at inilagay sa tapat ng mukha ko ang isang plastic na may lamang mainit na carbonara. Paborito ko kasi ang pagkain na to, at alam ko rin na luto niya ito kaya napapailing na lang ako na tumingin at ngumiti dito. “Sabi na nga ba at iyan lang ang makakapagpangiti sayo eh.” Natatawa pa nitong sab isa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin at tangkang ibabalik ko sa kanya ang supot ay mabilis naman nitong binalik sa akin at saka humingi ng sorry. “Siguraduhin mo lang na ikaw ang nagluto nito, dahil kapag sumakit ang tiyan ko isusumpa kita Callix.” Paninigurado ko pa dito. Tumango naman ito at saka ngumiti sa akin. Napatingin naman ako sa mata nito at parang may nakikita akong kaparehas ng mata nito. Pero imposible dahil alam kong hindi ito marunong makipaglaban. “Nasaan ka nga pala kahapon?” Mataray kong tanong dito. “Ah, nasa bahay pa ako nila Tita Sonia kasi kinausap ko ng mga ito para sa pag-alis nila sa bahay at gusto nilang iwan sa pangangalaga ko. Naisip kong tanggapin na lang total at malapit lang yun sa inyo.” Paliwanag nito at naglakad na kami papasok sa library. Isa ito sa tambayan naming kaya madalas kami naririto, saka hilig kasi ni Callix ang pagbabasa. “Wait, didn't you say your aunt's house is near our subdivision? So, we'll always go to school at the same time when that's where you live, right?” Masayang tanong ko dito. Nguniti lang ito at saka tumango, mas natuwa naman ako dahil palagi na kaming magkakasama. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing kasama ko ito ay alam kong panatag at tahimik ang araw ko. After ng klase ay nagpaalam na itong uuwi dahil kakausapin pa raw siya ulit ng kanyang Tita, pumayag na rin naman ako dahil meron din naman kaming dinner sa labas nila Daddy at Mommy, dahil sa dumating ang kabigan nito na si Uncle Albert kasama ang asawa nito at dalawang anak na lalaki. Habang nag-aayos akong buhok sa kuwarto ko ay pumasok si Mommy at may dalang isang sandwish Pinalalagay niya ito sa aking bag, at ilabas ko na lang daw kapag kakain na kami sa restaurant. Gaanito palagi ang ginagawa niya sa tuwing kakain kami sa labas, mahirap na kasi kapag sinumpong ako ng sakit ko at iyon ang araw na mangyari ni Mommy. Papasok na kami sa restaurant ng maramdaman kong may matang nakatingin sa akin. Lumingon ako sa paligid ngunit wala akong nakita, hanggang sa makaupo na kami sa isang pabilog na mesa at ramdam ko pa rin ang pagtingin sa akin ng hindi naman makita kung sino. Napansin ni Mommy ang pagkabalisa ko kaya naman nagtanong na ito. Umiling lang ako at ngumiti sa mga taong nasa harapan namin. “Ah my god Camille ito naba si Kendal? Abay kay gandang bata naman nito.” Magiliw na sambit sa akin ni Aunt Hannah. “Oo, dalaga na yan. At sympre kanino pa bay an magmamana sympre sa akin na Daddy niya.” Sagot naman ni Daddy. “Ikaw ba si Camille?” Inis na tanong ni Mommy dito. Natawa naman kami dahil sa pagtanong ni Mommy dito, tiklop naman si Daddy kapag si Mommy na ang nagsasalita. Napuno lang ng tawanan ang kamustahan nila Daddy at kaibigan nito. Nakilala ko na rin ang mga anak nito sila Harold at Harvey. Nagkakuwentuhan pa tungkol sa nakaraan ang love story nilang apat. Kinikilig naman ako dahil kahit sa murang edad naming noon ay nakilala at nakasama na naming sila Uncle Albert at Aunt Hannanh, kaya naman masaya akong muli silang bumisita dito sa pilipinas. Sa Europe na rin kasi nakita ang mga ito kaya bihira lang silang umuwi. Patapos na kaming kumain ng may makakita kay Daddy na isang kakilala. Mukha itong business man at kasama nito ang anak nitong lalaki. Hindi ko maiwasang mapatingin sa binata, pero malamig na tingin lang ang binigay nito sa akin. Pero parang tumalon ang puso ko ng makita ko ang mata nitong alam kong sa sarili ko ay katulad ng matang nagligtas sa akin noong isang araw. Yung lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan at nanakit kay Asher. Nakatayo lang ang binata sa tapat ko habang sila Daddy ay nakikipag-usap parin sa kasama nitong lalaki. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari, mukhang kaylangan ko ng magpatingin dahil mukhang may sakit na ako sa puso. Dahil sa hindi na normal ang pagtibok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD