Chapter Eleven
(1year after the accident.)
-Kendal-
Mahapdi pa ang mga mata ko ng dumilat ako, kaya muli akong napapikit dahil piling ko ay sumasakit din ang aking ulo. Hanggang sa mapagtanto ko kung nasaan ako at kung bakit ako may benta sa aking ulo. Kumikot naman ito ng iniisip ko ang mga nangyayari, habang nakapikit ako at may naramdaman akong pumasok at napatingin ako dito.
“Kamusta ang pakigamdam mo iha?” Tanong sa akin ng isang Ginang. Hindi ko ito kilala kaya hindi agada ko nakapagreak dito.
“Huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan, ako nga pala si Lola Auring mo.” Pakilala nito sa akin.
” Lola?” Tanging tanong ko dito. Tumango naman ito sa akin at lumapit ng nakangiti.
“Kamusta ka na ba? Ang sugat mo makirot pa ba?” Magpahinga ka muna dahil mamaya lang ay darating na ang asawa mo galing sa trabaho?” Paliwanag nito sa akin. Nagtataka naman akong tumingin at napakuno’t pa ang aking noo ng marinig ko ang sinabi nitong asawa.
“Asawa po? Ako po may asawa na?” Pagtatakang tanong ko dito.
“Oo, ikawa talaga iha nakalimutan mo na bang may asawa ka at mamaya lang ay darating na yon.” Masaya pa nitong sambit sa akin.
“Pero wala po akong maalala na may asawa na po ako.” Sagot ko dito habang iniisip kung sino ang asawa ko.
“Ah, naaksidente ka kasi iha, at ang sabi ng doctor ay nawala ang ilang ala-ala mo. Pero ang sabi rin niya ay babalik yon at sigurado akong magiging maayos kayong mag-asawa kapag naalala mo kung gaano kayo nagmamahalan mag-asawa. Alam mo bang sobrang sipag ng asawa mo dahil kahit gabi ay nagtatrabaho pa din iyon. Madalas siyang umuuwi dito nitong bago ka pa lang naaksidente, nakikita ko pa nga iyon na madalas nag-iinom at umiiyak dahil halos isang taon ka rin walang malay eh. Salamat naman sa d’yos at nagising kana. Pihadong matutuwa iyon kapag nakita ka ng gising” Pagkukuwento nito sa akin.
Naguguluhan man ay sumabay na lang ako sa agos, saka na lang ulit ako magtatanong dahil sumasakit talaga ang ulo kapag iisipin kong makaalala. Lumipas pa ang dalawang araw ay dumating ang asawa ko daw.
Napatulala pa ako ng makita ko kung gaano ito kagwapo, nakangiti itong nakatingin sa akin at mabilis din akong niyakap nito, hindi naman agada ko nakapagreak dahil sa mga hindi ako makapaniwala na asawa ko ang lalaking to.
“How are you sweetheart, does your head still hurt? I was very worried about you. I really thought you had left me forever. It's good and don't open your eyes and come back to me again, I love you so much sweetheart. Malambing nito sabi habang hinahagkan ako. Napapikit naman ako dahil gusto kong maramdaman kung totoong mahal ko nga ang taong ito. Pero mabilis lang pagtibok ng aking puso ang aking naririnig, naanimoy kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
“Lola Auring, kumain na po ang asawa ko?” Tanong nito sa matanda habang yakap pa rin ako.
“Oo iho, kakatapos lang niya.” Mabilis na asagot naman nito sa lalaki.
“Ahm, pwde bang malaman ang pangalan mo?” Nahihiya kong tanong dito, nakayuko pa ako at kinukurot ang dalliri ko para mawala ang kabang nararamdaman ko.
“I'm Uno Patterson, your husband. We've been married for almost a year now, so I think you awake now. We should just continue with the honeymoon; I've been on a diet for a year now.” Nakangisi pa nitong sabi sa akin.
Para naman ako inalisan ng ulirat ng marinig kong ang sinabi nitong honeymoon, eh hindi ko pa nga alam kung totoo ang sinasabi nitong asawa ko siya at isang taon na rin kaming kasal. Napakamot naman ako ng aking ulo dahil sa hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito.
“Hindi ka parin nagbabago, namumula pa rin ang pisngi mo sa tuwing pag-uusapan ang honey moon natin, don't worry i won't do that until you say so.” Sagot nito sa akin at hinalikan ako sa aking labi.
Napanatag naman ako dahil sa sinabi nitong hindi naming yon gagawin hangga’t hindi pa ako handa. Kaso naiisip kong kawawa naman siya kung hindi ko maibigay dito ang pangangailangan nito bilang asawa niya. Napapailing na lang akong sumunod dito sa loob ng bahay, nakita ko itong nakasandal sa isang upuan at nakapikit ang mga mata.
Malaya ko naman itong pinagmamasdan, ang maganda at matangos nitong ilong, ang labi nitong sadyang mapupula na parang isang babae. Makisig din itong tignan at mukhang may abs pa nga ito dahil sa matipuno nitong dib-dib. Gusto ko sa nang maalala kung paano kami ng kakilala dahil sa hindi ko matandaan kung anong klaseng pag-ibig kami nagsimula. Hanggang sa maramdaman ako ang paglapit sa akin ni Lola Auring.
“Alam mo bang mabait na bata yang si Uno, siya ang tumulong sa mga kalalakihan dito sa amin para magkaroon ng trabaho dun sa bagong pabrikang na tinayo dito sa aming nung nakaraang taon. Kilala niya kasi ang may-ari kaya naman natulungan niya ang lahat ng walang trabaho dito. Kasama na ang mga apo ko, at alam mo bang si Uno ang naghahanda ng pagkain mo kahit na wala ka pang malay. Dahil sabi niya baka daw na miss mo na daw ung luto niya kapag nasiging ka kaya palagi pa rin siyang nagluluto sa tuwing andito at inaantay kang magising” Paglalahad nito sa akin, nasa kusina na kami ngayon at nag-uusap.
“Nalulungkot lang po ako at wala akong maalala sa kung paano ko siya minahal dati.” Malungkot kong sagot sa matanda.
“Huwag mong madaliin ang lahat, naniniwala kong ang lahat ng bagay ay may tamang panahon para sa tamang oras. Ang mabuti ikaw mismo ang kumilala sa lalaking pinili ng puso mo. Para kahit hindi maalala ng isip, eh nakikita naman ng puso.” Nakangiti nitong salita sa akin. Napangiti na lang ako dito, naisip kong tama rin naman ito.
Sumapit na ang gabi at hindi pa ulit nakakabalik si Uno, nagpaalam lang ito sakin at may gagawin lang sandali. Hindi na ako nagtanong pa dahil sa nagmamadali ito. Inaantay ko ito magdamag pero ni anino nito ay hindi ko nakita. Hanggang sa inabot na ng halos isang linggo ay hindi pa rin ito nagpakita, tinannong ko naman si Lola Auring pero ang sabi lang nito ay talagang matagal dumating ang aking asawa dahil sa ibang lugar daw ito nagtatranaho.
Sa lumipas na ilang buwan kong pananatili sa isang isla ay, marami na akong nakilala at nakakausap. At sa bawat taong nakikilala ko ay masaya nilang kinukuwento si Uno kung gaanong kabuting tao at kung ano ang ginawa nito para umunlad ang kanilang lugar. Maging ang mga bata dito ay kilala siya, kaya kahit papaano ay nagiging proud ako dito bilang isang asawa. Pero kaylan kaya ito babalik matagal na rin kasi ng umalis ito.