Chapter Five
-Uno/Callix
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa gusto rin ako ni Kendal, at inamin nitong mahal niya ako. Pero ang sayang nararamdaman ko kanina lang ay nabawi ng sabihin nitong hindi pa kami pwde ngayon.
Napuno ng lungkot ang sestema ko kaya naman nanahimik na lang muna ako, nag-isip kasi ako kung paano ako sasagot dito. Pero sadyang malakas ang loob nitong kausapin ako na parang wala lng din sa kanya ang lahat.
"I've agreed to study abroad, I love you but we're still young and there's still a lot to meet. I don't want to leave but I have dreams that I want to fulfill. And I hope you understand and it's okay with you.?" Wala nitong imosyon na pagkakasabi sa akin.
"Naiintindihan ko, wala rin naman ako magagawa dahil pangarap mo yan. Alam kong matagal mo ng gustong mag-aral sa abroad. Saka huwag kang mag-alala magiging kasama mo pa rin ako kahit san ka pa magpunta." Sagot ko dito sa seryosong boses.
Tumango lang ito at lumabas ng kotse at tumayo sa isang puno na naroroon. Lumabas din ako para sundan ito pero nakita kong nagpunas ito ng luha. Nagtataka talaga ako sa kinikilos nito, kung hindi ko lang to kilala iisipin kong ibang tao ang kasama ko.
"Kendal" Mahinang pagtawag ko dito.
"Callix, do you know that I want to be angry with you because no matter what I do or tell you, you still don't want to admit it." Naluluha at galit nitong turan sa akin. Sa mga sandaling yon, alam ko na rin na alam na nga nito ang totoo.
Kaya pala pakiramdam ko ay may iba, dahil alam na nito ang tunay kong pagkatao.
"Why are you hiding from his kind of personality, what all you showed me is not true? Why did you fool me? I trusted you, believed that you were different from other men I met but you managed to play with my feelings." Sumisigaw na ito sa galit, nakikita kong nahihirapan na rin ito.
Kaya naman inisang hakbang ko ito at niyakap ng mahigpit, nagpapasag pa ito pero hindi ko hinayaa na makawala ito sa mga bisig ko.
"I'm sorry that I was just afraid that you might not like me. When you know who and what I really am. But now I'm going to introduce myself to you Kendal, I'm going to take it easy. You're right, I'm the boy who saved you before, or the one who's always by your side whenever you're in danger. I introduced myself to you, because I always want to be by your side. I love you very much." Madamdamin kong pag-amin dito.
Hindi ko alam kung paano nito nalaman ang totoo pero hindi na mahalaga yun. Ang importante ay nasa bisig ko ito ngayon at kasama ko. Niyakap ko lang ito ng mahigpit habang nararamdaman ko ang pagpatuloy nitong pag-iyak.
Pero nasa ganoon akong ayos ng maramdaman ko may sumaksak sa tagiliran ko, nalilito akong tumingin sa babaeng kayakap ko at nakangisi itong tumingin sa akin. Nakita ako ang pagdurugo sa katawan ko at nakakaramdam ako ng hilo, napalayo ako sa babae pero natumba na lang ako sa sahig.
Samantalang nahulog naman ako sa bangkong hinihigaan ko. Nabigla akong napatayo at hinawakan ang tagiliran ko. Napasabunot pa ako sa aking ulo ng maisip kong panaginip lang pala ang lahat.
Tinignan ko ang paligid at andito ako ngayon sa opisina ko at mukhang nakatulog nga talaga ako. Ilang sandali pa ay pumasok naman si Jayson para tanungin ako kung uuwi na kami.
Tumango na lang ako dito at napapailing na kinuha ko ang cellphone ko at napatingin dun dahil halos ang daming miss call ni Kendal at may text pa rin.
Mas sumakit ang ulo ko dahil sa panaginip na yon. Ang akala ko pa naman ay totoong sinabi ni Kendal na mahal niya talaga ako. Nasa kotse na ako pauwi ng may tumawag sa akin. At si Daddy ang caller.
"Son, we have a lunch meeting at his house with Mr. Suarez. Get ready, they might have something important to say. They invited us, so get ready, is that clear?" Sambit ni Daddy sa kabilang linta.
"Copy Dad" Sagot ko lang at pinatay na ang tawag.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on dahil sa nga nangyayari. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon dahil sa panaginip na meron ako. Mukhang kaylangan kong mag-ingat ngayon baka isa lang yun pangitain para sa akin.
"Uno, by the way, Asher has been released from the hospital and his uncle is now looking for the person who beat his nephew." Sabi ni Wilson mula sa driver set.
"Please let me know who I am, and if there is any problem. You already know what to do with them." Inis kong sagot dito.
Huminto ang sasakyan ko sa tapat mismo ng bahay nila Kendal routine ko na ito bago umuwi. Nasa loob lang ako ng kotse at nakatanaw sa nakasarado nitong bintana ng kanyang sariling kuwarto. Isang beses pa lang ako nanapasok sa bahay nila pero masasabi kong maaayos ang lahat ng naroroon at disiplinado silang magkakapatid.
Lalo na kapag ang kanilang ina na si Mrs. Camille De Lana ang nagsalita. Iyon kasi ang batas sa loob ng kanilang tahanan. Ang totoo nakikita ko dito ang pagiging isang mabait at mapagmahal na ina. Wala kasi akong kinagisnang ina dahil maaaga itong kinuha sa amin ni Daddy dahil sa sakit nitong Diabetis na hindi narin naagapan dahil sa malalana.
Buntis rin ito sa akin kaya hindi siya pwdeng mag take ng gamot. Kaya ng ipinanganak ako ni Mommy siya rin ang araw ng kamatayan nito. Kaya wala akong naging pagdiriwang sa birthday ko dahil ayaw maaalala ni Daddy ang kamatayan ng aking ina.
Hindi naman ako pinabayaan ni Daddy kahit na wala na si Mommy at ibinigay nito sa akin ang lahat ng kailangan ko. Ramdam kong wala naman itong galit sakin, pero sadyang ayaw lang nito maisip o maalala na wala na si Mommy.
Ganoon pa man ay hinayaan ko na lang ito, dahil alam kong masakit para dito ang mawalan ng isang taong labis mong minahal. Nagpokus si Daddy sa negosyo, ayaw na rin nito mag-asawa dahil sa kontento na araw ito sa buhay na kasama ko. Kaya naman ibinabalik ko dito ang pagpapahala at pagmamahal na binibigay nito sa akin.