Chapter Twelve
(Accident time)
-Uno/Callix
Habang nasa loob ako ng aking office ay pinanonood ko ang isang cctv footage kung saan naganap ang pagsabog ng eroplanong sinasakyan ni Kendal. Hindi kasi ako makapaniwalang wala na ito kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para mahanap ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
Makikita sa cctv footage na naroroon nga si Kendal at nakaupo ito sa malapit sa may bintana, sa isang economy lang kasi ito sumakay ayaw kasi itong binibigyan ng special treatment lalo na kung aalis ng bansa kaya naman wala na rin nagagawa ang kanilang mga magulang.
May tumabi dito na isang matandang lalaki, hindi ito mapamilyar sakin kaya hindi ko na lang din pinansin pa. Hanggang nasa himpapawid na ang eroplano ay may sumigaw na hide jack at may suot itong bomba. Nagkagulo sa loob hanggang sa nakita kong natutulog lang si Kendal at parang wala na itong malay.
Ilang sandali pa ay inakbayan na ito ng matandang lalaki na katabi nito, napakuyoma ng aking kamo dahil sa labis na galit dahil hindi ko makita kung paano nakatulog ito at kung ano ang ginagawa ng matandang lalaki dito. Hanggang isang pagsabog na ang naganap, doon na rin naputol ang video na pinapanood ko.
Pang sampung panonood ko na ito pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang kakaiba at kung paanong wala akong makilala sa mga ito. Ang sabi sa imbistigasyon ay namatay ang lahat ng sakay ng erolpanong yon pero nararamdaman kong may iba, hindi ko lang makita sa ngayon kung ano at sino?
Halos wala na akong matrabaho dahil sa paghahanap ko ng totoong pangyayari. Hanggang sa nagmamadaling pumasok si Jayson at makikita sa mukha nito ang kaba at takot.
“Uno, it is said that Kendal's body has been found, but it has been burned and is unrecognizable. But it is said that his twin has also confirmed that this is indeed his twin, Kendal.” Kinakabahan nitong sabi sa akin.
Napayuko naman ako at hindi ko napigilang mapahagulgol dahil sa narinig kong wala na ngang talaga ang babaeng pinakamamahal ko.
Nagpunta ako sa libing nito pero hindi ako nagpakita sa mga ito nasa malayo lang ako nakatanaw, ayoko sa nang pumunta dito pero parang may nagtutulak sa akin na pumunta sa magmasid sa paligid.
Nag-uwian na ang halos lahat ng tao, ay nanatili pa rin ako dito ay nakatingin lang sa libingan nito. Nang hintay pa ako ng sandali dahil pakiramdam ko ay may malalaman ako ngayon. Hanggang isang lalaki ang lumapit sa puntod nito at nagulat pa ako sa ginawa nitong umiiyak na parang kamag-anak.
Kuno’t-noo ko itong tinignan at napalaki pa ang aking mata ng makilala ko kung ano ang lalaking. Mabilis ang pagkilos ko na nilapitan ito at hinawakan ito sa kuwelyo at malakas na sinuntok. Nakita kong nagdugo agad ang labi nito at dahil galit ako ay sinipa ko ito ng napakalakas. Hanggang sa awatin ako ni Jayson at Wilson dahil sa halos hindi na makagalaw ang matanda dahil sa ginawa kong pangbubugbog dito.
Pinadala ko sa hide out ko ang matanda para doon ituloy ang parusa ko dito. Nakatali ang kamay nito sa likod at nakaupo sa isang bangkong bakal. Duguan na ito at wala paring malay, naupo naman ako sa isang silya na malapit dun at nagsindi ng sigarilyo, binuhusan naman ni Wilson ang lalaki ng tubig at nagising na rin ito.
“May limang minuto ka para magsalita, at kapag hindi nagustuhan ang sasabihin mo sisiguradong isusunod kita sa iniiyakan mo kanina? Madiin at galit kong sambit dito.
“Paki-usap kaylangan ko siyang balikan, nasa panganib ang babae ngayon kapag hindi ko pa siya mabalikan.” Mahinang sambit nito na ikilito ko.
“Sabihin mo ng maayos para maintindihan kita?” Sagot ko dito.
“Pakawalan mo ako at ituturo ko sayo kung nasaan ang babaeng sinasabi ko sayo, natitiyak kong pag hindi pa tayo umalis ngayon ay habang buhay mo na siyang hindi makikita.” Sagot nito sa galit na boses.
Nagdududa man ay nagawa kong maniwala pa rin dito. Kaya naging mabilis ang pagkilos ko at pinadala ko sa kotse ang lalaki. Tinuro nito ang isang lugar na parang lumang bahay, nagtataka man ay pinasok ko ito. Wala akong takot na nararamdaman ang mahalaga sa akin ay makita ko si Kendal.
Hanggang sa nakita ko ito sa isang kuwarto na nakahiga at walang malay, mataas din ang lagnat nito kaya mabilis ko itong binuhat pero palabas na ako ng makarinig ako ng putukan ng baril. Nagtago ako sinampay ko sa balikat ko ang dalaga habang inaayos ko ang baril na hawak ko.
Nakikipagsabayan ako ng putok ng baril sa mga ito, iniiwasan ko lang matamaan si Kendal. Hanggang sa nakita kong papalapit sa puwesto ko si Jayson habang nakikipabarilan din.
“Uno, kaylangan na nating umalis marami sila at hindi natin kaya na labanan sila. Dumaan ka sa likod andon na ang sasakyan kaylangan na madala pa si Kendal sa hospital, ako na ang bahala dito pangako susunod ako.” Salita nito sa akin, tumango ako at lumakbo sa likod nakita ko ngang andon si Wilson maging ang matanda lalaki ay naroroon at nakikipagpalitan din ng putok.
Pinasibat agad ni Wilson ang sasakyan at laking pasalamat ko at nailigaw nito ang mga humahabol sa amin. Sa isang resort ko sa Batangas ko ito dinala, kaylangan ko pang mag-isip ng tama kung sino ang totoong kalaban at bakit si Kendal ang gusto nilang makuha. Isang kaibigan ang tinawagan ko para tumingin sa kalagayan ni Kendal, at nag masuri niya ang dalaga ay inutusan ko naman si Wilson na bumili ng pagkain at gamot.
Nakita kong nakatingin ang matanda sa dalaga kaya lumapit ako dito at tinignan ng masama, napaiwas naman ito ng tingin sa akin.
“Sino ka? At bakit kilala mo si Kendal? Sino ang nasa likod ng ito?” Mga tanong ko dito. Naupo ito sad ulo ng kama ng dalaga bago tumingin sa akin.
“Apo ko siya, anak siya ng nag-iisa kong anak.” Salita nito sa mahinang boses.
“Ano?... anong sabi mo????” Takang tanong ko dito.
“Ako si Mariano Castillio ang tunay na ama ni Khen De Lana.” Pag-amin nito sa akin. Tumayo ito bago tinuloy ang pagkukuwento.
“Ang buong akala ng mga De Lana ay napatay kami ng aking asawa sa isang labanan, pero nakaligtas kami dahil na rin sa mga mabubuting tao na nakakuha sa amin sa isang isla ng Batanes. Babalik sana kami para sana ipaalam sa mga ito ang buhay pa kami, kaso nalaman naming inampon ng mga De Lana si Khen at itinuring na isang pamilya. Naisip naming mag-asawa na mas mapapabuti kung nasa puder siya ng mga ito dahli alam naming mapapangalagaan ito at mabibigyan ng tahimik na buhay. Kaya nakasunod lang kami sa kanya habang lumalaki ito at nagkaroon ng pamilya. Hanggang sa isang impormasyon ang nalaman ko na meron gustong kumuha sa apo kong si Kendal, nagpanggap akong isa sa mga tauhan nila para makasundal ko kung ano ang balak nilang gawin. Ang totoong plano ay kikidnapin ito at ipapatubos ng malaking halaga, pero nagbagoang plano ng dahil sa iyo.” Kuwento nito at sa akin tumingin dahil sa huling sinabi nito.
“Me?” Sagot ko at tinuro pa ang sarili.
“Oo, ikaw nang dahil sa pangpapanggap mo bilang Callix ay natunugan ng mga kalaban na may pagnanais ka sa dalaga, magaling silang makita ang totoong hangarin ng isang tao. Malaking tao ang sangkot sa naganap na pagsabog, at alam na rin nilang buhay pa kami.” Paliwanag nito. Natahimik ako at napatingin sa babaeng mahal ko at hanggang ngayon ay wala pang malay.
“Who, who are these big people you say? Tell me that I can avenge what they did to the girl I love.” Pagtatanong ko dito habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.
“Hindi ko kilala sa isang tao lang sila kumukuha ng utos, ang taong yon ay sa phone lang din nakakausap kahit isang beses ay hindi ko nakita kung sino ang pinuno nila.” Napakuyo pa ito, dahil sa nahihiyan nitong pahayag.
“I'll find out everything, I'll make sure I give them back what Kendal went through, I'll burn them myself while they're still alive.” Sambit ko dito habang hinaplos ang magandang mukha ng aking mahal. Hindi talaga ako papayag na hindi ako makapaghiganti sa mga ito. Simulan na ilang matakot dahil ako ang magiging bangungot nila.