Chapter Nineteen
-Uno/Callix-
Tuluyan na akong umalis sa Isla, pero masayang ngiti ang ipinabaon ng asawa ko sa akin. Sakay ng bangka ay nagtungo kami sa may pantalan, kasama ko parin sina Jayson at Wilson.
Si Lolo Marciano kasi ay naunan ng umalis kaninag madaling araw dahil sa mga gagawin pa raw nito. At kung kanina ay nakangiti pa ako ngayon naman ay halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pagiging seryoso at walang pakialam sa mga taong nasa paligid ko.
“Uno, you have dinner today with the Suarez family because their hotel is about to be finished. And your Daddy is still with you at dinner.” Sambit ni Wilson habang nagmamaneho papuntang office ko. Tumango lang ako dito at pumikit balik na naman ako sa dating buhay.
Pagkapasok ko pa lang ay nagulat ako ng makita ko si Daddy at may kasamang magandang babae na hindi ko pa kilala. Seryoso si Daddy na tinignan ko bago ako pinakilala sa babaeng katabi nito.
“Son, I would like to introduce you to Anika Santy, she is one of the new board members of our company, she is the daughter of my comrade, so I hope you will treat her well. I have also taught him a lot that you should take care of others first. So that he can somehow come up with an idea on how to run a company.” Paliwang ni Daddy sa akin.
Tumango lang ako at hindi na pinansin pa ang babae, halata naman kasi dito na katulad lang din ito ni Veronica na manggugulo sa akin.
“Daddy, because you want her to learn. Can she be the only one you take to dinner later? And I'll be next after I finish all the work I left here.” Sagot ko dito habang inaayos ko ang mga gagawin kong trabaho.
“But you are the one Suarez wants to see?” Sagot ni Daddy sa mababang boses, at tumingin sa gawi ko.
“Introduce her and she and Veronica are sure to get along. And I'm sure Victor Suarez would love that too.” Sagot ko kay Daddy at nakipagtitigan pa dito. Nalilito namang tumingin sa amin si Anika, kaya naman tinigna ko ito ng matalim.
“Okay, let me introduce him. But follow me to dinner because we have something important to talk about.” Sambit nito sa pagalit na boses at saka ito lumabas kasama ang babaeng si Anika.
Napasandal naman ako sa swivel chair ko at hinilot ang ulo ko. Bumalik naman ako sa tunay na mundo na meron ako. Kung ako lang ang masusunod ay sa Isla na lang ako kasama si Kendal at mamumuhay ng masaya.
Alam kong mali ang ginawa ko, pero wala na akong magagawa ayokong mawalay pa ito sa buhay ko. Alam kong darating ang pagkakataon na magagalit ito sa ginawa ko, pero handa akong harapin ano man ang sasabihin nito sa akin. Ang importante ay nasa piling ko ito ngayon at masaya, at sisiguraduhin kong magiging masaya ito sa piling ko habang buhay.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng makita kong umilaw ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa ko, kinuha ko ito at binasa ang text mula sa aking tauhan na nasa ibang bansa para bantayan ang galaw ni Mr. Suarez dahil malakas ang kutob kong may ginagawa itong kakaiba.
“Uno, you are right in suspecting that the Suarez family has another business and it is kidnap for ransom. And big and rich families are their victims.” Basa ko sa text ng aking tauhan.
Napahawak pa ako sa aking baba dahil sa kakaibang galit na nararamdaman. Kung ganon palabas lang nito ang hotel at restaurant na business ng mga ito dahil ang totoong trabaho ng mga ito ay kumidnap ng mamayang tao, at ipapatubos ito ng ilang millions para sa mga kaligtasan ng mga ito.
Tuso talaga ang hayop na Suarez na ito, at kung inaakala niyang magtatagumpay siya ay nagkakamali siya dahil sa hahadlangan ko ang lahat ng transaction na meron ito.
Malakas na rin kasi ang kutob kong ito rin ang may kinalaman sa pagsabog ng sinasakyang eroplano ni Kendal, nguni’t ang pinagtataka ko ay kung bakit gusto nilang mamatay ang babae?
Napabuntong hininga ako dahil sa daming iniisip na mga pasubilidad na dahilan kung bakit muntik ng mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko sa kamay ng mga hayop na yon.
Tumingin ako sa litrato ni Kendal na nasa ibabaw ng aking mesa. Kuha ito nung panahon na binabantayan ko pa ito mula sa malayo at masayang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Maganda ang ngiti nito sa picture, at mababakas dito ang pagiging natural na ganda na bihirang makita sa ibang babae.
Palabas na ako ng building ng may tumawag sa pangalan ko, nakita ko si Anika na tumatakbo papalapit sa akin at magandang ngiti ang binigay nito sa akin. Kuno’t noo naman akog tumingin dito at tataliruan ko na sana ito ng hawakan ako nito sa braso para pigilan.
“What?” Inis kong tanong dito.
“I was going to go with you because my car broke down, I also found out that your Daddy has left. So I'm still taking a chance that you might still be here Uno.” Sambit nito sa akin habang nakangiti.
“Call me Mr. Patterson. We are not close for you to call me by my first name. Then again, I don't let people who aren't my girlfriend ride in my car.” Madiin kong pagkakasabi dito.
Nakita ko naman sa mukha nito ang pagkapahiya kaya inalisan ko na ito dahil naiinis talaga ako sa mga babaeng mahilig magpapansin sa akin. Papalayo na ako dito ng makita kong tumatawag si Daddy sa phone ko.
“Son, take Anika with you to the restaurant. I found out that her car is flat, and she is not used to taking a taxi because she was almost kidnapped before.” Sabi nito sa kabilang linya.
Napatingin naman ako sa babae at mukhang nag-aantay pa ito ng sasabihin ko, mukha alam din nito na si Daddy ang kausap ko ngayon. Napayukom pa ang aking kamay dahil sa galit na umiiral sa akin.
“Okay, I'll go with her.” Sagot ko dito, at nakita ko sa gilid ng aking mata ang masayang ngiti ni Anika. Pero kung inaakala niyang nagtagumpay na siya nagkakamali siya dahil kahit kaylan walang babae ang makakapagpaikot sa akin.
Humarap ako dito at sinensyasan ko itong sumunod sa akin, nakikita ko dito ang palangiti nito kaya naman napapangiti na rin ako dahil siguradong mamumula ito mamaya sa inis sa gagawin ko.
Nakalabas na kami ng building at huminto sa harapan naming ang sasakyan kong isang black hummer SUV model 2024. Makikita sa babaeng katabi ko ang paghanga sa sasakyan na meron ako, lumapit sa akin si Jayson at binigay sa akin ang susi ng ducati.
“Porta questa ragazza da mio padre, sai cosa fare Jayson? (Ihatid ninyo ang babaeng ito sa Daddy ko, alam na ninyo ang gagawin Jayson?” Utos ko dito at iniwang nakatulala ang babae at sumakay ako sa ducati motorbike ko at saka mabilis itong pinaandar.
Nakita ko sa side mirror ang pagkairita ng babae habang sumasakay ng kotse. Natatawa naman akong isipin ang mukha nitong parang nilamukos sa inis.